Hindi makapagsalita si Si Ye Han at hindi sumagot. Sa halip, humarap siya kay Ye Wan Wan at dahan-dahang hinalikan siya sa noo.
Ng hawakan ni Ye Wan Wan ang kanyang noo at hindi masayang bumulong, "sinusubukan mo lang palubagin ang loob ko…"
Isang bakas ng walang magawa ang dumaan sa mga tingin ni Si Ye Han ng halikan niya ito sa kanyang labi.
Ng hawakan niya si Ye Wan Wan, ramdam niya ang init sa kanyang katawan. Bumulong si Si Ye Han sa kanyang taenga, "ayos lang talaga ako."
…
Gabi ng gabi na, sa isang villa sa Imperial City.
Taimtim na tinignan ni Qin Feng ang babaeng nasa harapan niya. "Darating si Mr. Mu sa makalawa. Ruo Xi, kamusta ang darating ninyong paghahanda?"
Kita ang determinasyon at tiwala ni Qin Ruo Xi. "Ama, huwag ka mag-alala. Handa na ang lahat."
Tinitigan ni Qin Feng ang kanyang anak, sino ang naka-suot ng itim na umiporme ng martial arts, bago siya tumango na may kasiyahan. "Hm, mahal na mahal ni Mr. Mu ang martial arts sa China. Ang inyong kakayahan sa pakikipaglaban ay napaka-galing na siguradong maganda ang impresyon sayo ni Mr. Mu."
Nagpatuloy si Qin Feng, "nagkataon, ang kompetisyon ng global martial arts ay papangasiwaan ng China at darating si Mr. Mu. Sa oras na iyon, pwede ka magdala ng ilang masters na kasama mo."
Qin Ruo XI: "Opo, ama."
"May ikinikilos ba sa babaeng iyo kamakailan?" tanong ni Qin Feng.
"Dapat kumukuha siya ng palabas ngayon," sagot ni Qin Rou Xi.
"Hmph…" walang siglang nanlibak si Qin Feng. "Ang uri ng babaeng ito ay hindi kailan man kakukuha ang atensyon ni Mr. Mu. Tumatanda na ako at lalo pang nagugulo para hayaan ang head ng pamilya na manggulo tulad nito!"
…
Sumunod na araw sa Dazzling Media:
Tatlo at limang grupo ng mga empleyado ang nagkukumpulan habang nagtsi-tsismisan.
"Kahanga-hanga si Vice-president Ye. Kabubukas lang ng kumpanya, pero sikat na agad sa industriya ng entertainments…"
"Kahit na walang magawa ang Emperor Entertainment. Gusto nilang idemanda siya noon, pero sa huli, ang magnanakaw ay ang tumatawag na magnanakaw!"
"Ang pinaka nakakagulat na bagay ay kung paanong gumawa ng napalakas na gulo sa lahat, ngunit nakatulong ito sa vice-president Ye sa pamamgitan ng pagbigay sa kanya ng kanyang pelikula ng libreng advertising!"
"Kung nasa Dazzling Media padin si vice-president Ye… kawawa naman…"
Sa puntong ito, sa labas ng pintuan, si Cai Yong Sheng ay naglalakad kasama ang kanyang assistant.
Natural na narinig ng dalawa ang usapan.
Kaagad na pinagalitan sila ng assistant, "hindi ba kailangan ninyong magtrabaho lahat? Anong ginagawa ninyo dito nakikipag tsismisan? Gusto ba ninyo ng bawasan ang bayad sa inyo?"
Tumingin ng masama sa kanila si Cai Yong Sheng.
Ang mga empleyado, na walang humpay na nagtsi-tsimisan, ay hindi na nagsalita at napuno ng katahimikan ang buon opisina.
Galit na pumasok si Cai Yong Sheng sa kanyang opisina.
"Ang mga taong nag-uusap tungkol kay Ye Bai at tanggal na!" Galit na galit na sinanbi ni Cai Yong Sheng.
Nagpakita ng pagkasalungat ang assistant. "Ito… Direktor Cai, andami ng empleyado ang umalis at hindi na sapat ang mga taong nag tatrabaho sa kumpanya. Kapag tinangal mo sila, natatakot ako na…"
Ng patalsikin ni Cai Yong Sheng si Ye Bai, nagdulot sa Dazzling Media si Luo Chen, Gong Xu, at pati na si Felix ay umalis kasama niya. Sa huli, pati ang global star na si Han Xian Yu ay sumunod.
Dahil ang mga bagay ay nakuha na, kailangang bawiin ng board ang posisyon ni Cai Yong Sheng.
Gayunpaman, hindi pa dumadaan ang isang buwan at bumalik sa Dazzling Media at naging general direktor, nakatalaga sa Dazzling Media ang pagbabalik sa dati nitong kadakilaan bilang kabayaran.
Hinampas ng matindi ni Cai Yong Sheng ang lamesa. "Tang*na! Kung hindi ito para kay Ye Bai, hindi magiging ganito ang Dazzling!"
Ito ay talagang isang malaking piraso ng karne, pero ngayon, ito ay malapit na sa buto. Wala siyang magaw kundi lunukin ito.
Ang lalong ikinagagalit niya ay kung paanong matapos umalis sa Dazzling Media, lalong gumagaling si Ye Bai kaysa noon. Hindi ba ito katumbas sa pag sampal sa kanyang mukha?