下載應用程式
83.33% “McDo” A Bisexual Love Story (Complete Chapter) / Chapter 5: Chapter 5: The Ring

章節 5: Chapter 5: The Ring

McDo Bisexual Love Story Chapter/Part5

Ito na naman tayo... hello Readers and Supporters... So Dahil sa mga kinomment nyo sa Chapter 4 napagdesisyonan kong pahabain pa ang Love Story ni Kenneth at Raymond wag muna kayo pakampante huh...!. Marami pang mangyayari marami pa clang pagsubok na kailangang harapin..

So sa hindi pa nito nakabasa.. backread na kayo d2 sa page part1-4. Lets start.

McDo Bisexual Love Story Chapter/Part5

Kenneth Lambrando

Raymond Antrada

Chris Bernosa

Kaye Liamas

Clyde Fuentaverde

Czyanna Monterde

"Owwwwhhhggg, " minulat ko ang aking mga mata, nasisinagan na kmi ng araw mula sa bintana.

Iba ang pakiramdam na makatabi mo ang iyong mahal sa pagtulog. Bumangon na ako... mukhang pinagod ko ang McDo ko kagabi.. hehe. Nagenjoy naman kami pareho eh, bumaba ako sa ground floor ng bahay. Ako lng ang nagiisang nakatira d2 binili ko ang bahay na to dahil sakali gusto kong mapagisa dito ako pumupunta. Sariwa ang hangin medyo malayo sa city, tahimik ang paligid at silbing ingay lng nang mga alon ang iyong maririnig.

Pumunta ako nang kitchen para ipagluto ang mahal ko, ipinagluto ko sya ng beef steak, chicken soap, at meat balls yung lang kc ang alam kong lutoin. Hirap kc nang mga french recipes. Habang tinitikman ko ang chicken soap na niluluto ko ay may naramdaman akong yumakap sakin sa likoran at lumingon ako sa likod, si Raymond at bigla nya akong hinalikan sa pisngi habang binate nya ako.

"Good morning McDo ko" hinigpitan na pa ang pagyakap sakin at inaamoy nya ang leeg ko, habang ako naman ay kinikiliti at patuloy na nagluluto.

"Good Morning din McDo ko, kamusta pakiramdam mo? Napagod ka ba ng lubusan dahil sa nangyari kagabi?" Bati at tanong ko sa kanya na may halong pangaasar,.

"Anong sabi mo?huh, oo totoong napagod ako ikaw kac ang wild mo kagabi, para kang tigre na nakalaya sa zoo." Sagot nya sakin na para bang napipikon. Nakayakap parin sya sakin.

"Hhaha, pero aminin mo nagenjoy ka rin kagabi noh.? Uyy.. aminin ano? Huh?" At bigla nya nalang ako kinagat sa balikat at kinurot ang aking matigas na abs.. ang sakit. Lumayo sya agad sakin at tinitingnan nya akong nakaapron habang nagluluto.

"Ito naman, aga2x napikin agad. Biro lng McDo ko, pero alam kong nagenjoy ka talaga" nginitan ko sya at binigyan nya ako ng masamang tingin.

" Sorry, cge na tama na asaran kumain na tayo McDo ko, punta ka na dun sa mesa malapit sa may Glass Wall. Naglakad sya agad dun ng walang imik. Nagtampo agad.. ahhh.. hahaha.. cute nyang tingnan.. tapos na akong magluto sinerve ko lahat ng niluto at sya naman pinagsabihan.kong umupo nalang.. pinagsilbihan ko sya. " Here's your Breakfast Your Highness " sa wakas ngumiti syang muli.. kiniss ko sya sa noo. At sinabing "i love you McDo ko"

Saka umupo narin ako nakaharap kmi ngayong kumakain habang natatanaw ang dagat, "masarap ba? " tinaas nya ang kanyang kaliwang kamay at aprove,👍 Thumbs up. "Subrang sarap McDo ko, ikaw na ang taong pinakamagaling magluto para sakin.😊" kinilig naman ako sa sinabi nya at biglang lumakas ang gana kong kumain.😄

****************************

Hinatid ko na sya sa hospital dahil kailangan pa nyang magtrabaho.

Dinalaw ko narin ang mama nya, Mama pala namin.. pumasok ako sa room ni mama, nakita kong tulog sya, at maraming nakasaksak sa katawan nya, nakaramdam ako nang awa, mukhang malubha nga talaga ang sakit nya. Nakita kong pumasok si Raymond ng Room,

"Mas mabuti na nga yan, kesa nung nakaraan mas napadali ang recovery nya dahil ang gagalinf ng doctor dito sana magpatuloy pa hanggang sa gumaling sya."

Lumapit sya sa kanyang ina at hinimashimas nito ang kamay.

"Ma, magpagaling pa po kayo ah?"

Habang tinitingnan ang kanyang ina, mukhang nalulungkot sya, alam kong naaawa sya.

"Tama po mah, magpagaling pa po kayo, sundin nyo po kung anong sinasabi ng anak nyo, at habang nagpapagaling po kayo ako na po muna bahalang magaalaga sa anak nyo" sabi ko din sa mama namin ni Raymond, tiningnan nya ako.

"Mama? Bakit asawa na ba kita? Mama mo mukha mo "

Kinikilig na naman sya at angcute nya pagkinikilig.

"Pinapatawa lng naman kita, ayaw ko kc malungkot ang McDo ko, at wag kang magalala magiging asawa na kita, malapit na.😄😘"

"Hindi yan sinasabi, pinapatunayan yan" sagot nya na parang dinaig pa yung teacher ko nung high school.

"Yes Po, papatunayan ko po talaga yan." Sagot ko naman sa kanya na parang studyante lng.

"McDo, wag mo na palang aalahanin ang hospital bills ako na bahala dun ah, at gusto kong ilipat si mama sa VIP room nitong hospital para mas lalong komportable sya."

"Huh, nope hindi ako papayag baka isipin mo o isipin ng iba na pera pang yung habol ko sayo, ayaw kung mangyari yun. Hindi pwede" umiiling iling

"Hindi naman sa ganun, mahal kita at mahal moko kaya gagawin ko ang lahat para d ka mahirapan pati ang mama natin, kaya please pumayag ka na, gusto kitang tulongan ayaw kong nakikitang nahihirapan kayo pareho ni mama, please, McDo ko cge na" nagaarte akong bata ngayon trying hard din ako mapapayag lng sya, huminga sya ng malalim.

"O cge payag ako sa gusto mo, pero magtatrabaho parin ako dito para makatulong parin sa bills, ayaw kong iasa lahat nang bayadin sayo, ok?"

"Uhmmmm cge, ok deal"

Nilipat agad nila ang mama namin ni Raymond sa VIP room.

Araw2x dinadalaw at kinakamusta ko cla sa hospital, at minsan pag gabi naman sa bahay na natutulog c Raymond, minsan dalawa kami nagbabantay kay mama sa hospital, para na kaming magasawa, minsan inoutusan ko nlng ang nurse para magbantay kay mama dahil nagdadate kami ni Raymond, dinadala ko sya sa Mall, pinagbibili ng gamit, damit, sapatos, nagiinarte pa nga eh. Pero napapapayag ko rin sya ayaw nya kasing gumamit nang pera na hindi nya naman pinaghirapan. Dinadala ko sya sa magagandang lugar dito sa Paris, minsan naglalakad lng kami habang inaakbayan sta, hawak kamay at naghahabolan sa parke na parang mga bata, kumakain din kmi sa paborito namin Refreshmet mula noon, McDonals. Palagi kaming kumakain sa McDo dahil parang narin itong parte nang buhay namin malaki ang naging papel nito sa buhay namin. Mga dalawang buwan na kaming nagsasama ni Raymond sa Paris, at gumaling din sa wakas ang kanyang ina pinagtapat namin ang relasyon namin sa kanyang ina at sinopurtahan kmi nito dahil inalagaan ko naman daw silang dalawa habang nasa Paris sila at dahil dun napatunayan ko na daw na mahal ko nga talaga c Raymond, bumalik na nang Pilipinasang mama namin ni Raymond dahil wala narin naman itong dahilan para magstay dito sa Paris. At naiwan naman dito si Raymond punagpatuloy ang kanyang trabaho. Wag ko lng daw saktan ang kanyang anak dahil malalagot talaga ako sa kanya kapag nangyari yun.

Sa bahay ko na pinatira si Raymond dahil ayaw kong nalalayo sa kanya, dinadalaw ko rin sya sa hospital araw2x tuwing tanghali dahil ayaw kong mawalan ako ng oras sa kanya. Naging maayos ang pagsasama namin sa dalawang buwan, masaya kami at nag paplano narin akong mapropropose sa kanya.

****************************

Isang linggo na ang nakaraan.

Pumunta ako nang Jewelry shop para magpagawa nang singsing dahil may plano ma akong mag propose sa kanya bukas. Excited na ako. At alam kong naghihintay narin yun. Bukas nang umaga makukuha ko na daw ang singsing.

Pinatawag ako ni papa sa kompanya dahil kailangan nya daw akong makausap. Pumunta ako sa office ni papa.

"Oh, kamusta? Bat nyo po ako pinatawag?"

"Anak, Umupo ka,"

Umupo ako sa sofa na nasaoffice ni papa at umupo din sya nakaharap sya sakin at may mesa sa harap namin kung saan may nakalagay na puting folder.

"Tingnan mo ang mga iyan sabi ni Papa." Kinuha ko naman ang folder at tiningnan ang mga ito. Nagulat ako sa mga nakita ko. Nakita kong bumababa na ang fund ng companya, at kung hindi pa ito maagapan agad baka mabankrupt na ito.

"Tingnan mo ang ginawa mong kapabayaan, ano bang nangyayari sayo? Simula nang dumating ang Raymond na yan pinabayaan mo na ang kompanya" seryoso ang pagkasabi sakin ni papa at nagulat ako nang bigla nyang nabanggit at pangalan ni Raymond, hindi ko pa napakilala si Raymond sa kanila, at wala sana akong balak sabihin sa kanila dahil alam kong magiging hadlang lng sila sa pagmamahalan namin ni Raymond.

"Pa, gagawan ko to ng paraan, at saka hindi lng naman ako ang dapat sisihin nito, nandito ka din naman pagwala ako diba? Chairman parin po kayo alam nyo rin po ang nangyayari dito, at saka paano nangyari to nang agad agad? Kamakailan lng ok pa ang takbo ng kompanya ah, tama po kayo. Umaalis ako sa opisina paminsanminsan pero d ko naman po pinabayaan ang kompanya, saka wag nyo pong idamay si Raymond dito wala syang kinalaman kong bat nagkaganito itong kompanya "

Parang mas lalong nagalit c papa sa mga sinabi ko. Sinabi ko lng naman ang totoo.

"Ahhh.. marunong kanang sumagot sagot ah, saka pinapalabas mo pang kasalanan ko din kaya nagkaganito ang kompanya? Mas importante pa sayo ang Raymond na yan kesa sa pamilya natin? Ayaw ko sa Raymond na yan, isa syang masamang impluwenya sayo.

At saka hindi ako mabibigyan ng apo nyan na magiging susunod na tagapagmana ng kompanya, wala ka nang magagawa ginawan na namin ng paraan ng mama mo para di tuloyang mabankrupt ang kompanya, at para narin sa ikabubuti mo at ng pamilya, kailangan mong magpakasal sa nagiisang babaeng anak ng may ari ng Monteverde Company para maging partner ng kompanya natin at mapigilan ang bankruptcy"

Di ko na sya pinakinggan pa. Di ko pinatapos ang mga paliwanag nya, di nila ako iniintindi puro nalng kompanya ang nasa kukuti nila. Nagmadali ako akong umalis. Hindi pwedeng mangyari to kailangan ko silang maunahan kailangan kong makapagpropose agad kay Raymond,. Kailangan kung tumakas sa lugar na to kasama ang taong mahal ko. Binilisan ko ang pagmamaneho dahil magiimpake kami agad ni Raymond para makaalis sa lugar na ito. Magpapagawa nlng ako ulit ng singsing para sa proposement ko kay Raymond gagawin ko nalang yun sa ibang lugar dahil wala nang oras. Baka maunahan pa ako ng pamilya ko at di na kmi makaalis dito at masaktan na namang ulit ang McDo ko

Nagmamadali akong pumasok ng bahay may naamoy ako may nagluluto, alam kong si Raymond ito mukhang maaga syang nakarating ngayon. pinilit kong maging masaya, ayaw kong mahalata nyang depress ako ngayon, sasabihin ko nlng sa kanya na aalis kami pagkatapos kumain at sasabihin ko narin na aalis kmi in other reason ayaw kong malaman nya ang balak ng pamilya ko, ang importante makakaalis kmi ngayong gabi, kumalma ako, kinalma ko ang sarili ko.

smile lng ako pumunta ako ng kusina.

"McDo mahal ko? Anong niluluto mo huh?"

Subrang gulat kong hindi ang McDo ko ang nagluluto sa kusina. Si mama ang nagluluto. Lumingon sakin si Mama,

"McDo? Haha. Wala pa ang McDo mo anak. Wala pa si Raymond, nandito pala si Raymond sa Paris bat di mo agad sinabi sakin huh?" Seryoso ang expression ng mukha ni mama alam kong ayaw na ayaw nya kay Raymond.

"Bat kayo nandito? Wala na kayong magagawa mah, mahal ko si Raymond. Ano pa bang gusto nyong gawin ko? Ginawa ko naman lahat para sa kompanya ah.?"

Kinuha ni mama at senerve sa mesa ang mga putahing niluto nya.

" Gusto lng namin na sundin mo ang gusto namin, anak para rin naman to sa ikabubuti mo"

"Mah ganun din ang sinabi nyo sakin noon, sinunod ko ang mga plano nyo para sakin, pero ano? Mas lalo lng akong nasaktan nagtiis ako ng ilang taon. Kaya naman please sana kayo naman makinig sakin ngayon".

" hindi pwede, mabuti nlng sinabi agad sakin ni Clyde ang tungkol sa inyo ni Raymond, kung hindi baka ano na nagyayari ngayon. " di sumangayon c mama. At putang ina ng Clyde na yan. Sya pala ang may pakana kaya pala nalaman ng magulang ko na nandito c Raymond, kumukolo dugo ko sa kanya, pag nakita ko talaga ang sira ulong yun.

May narinig akong papasok ng pinto, tatlong tao ang pumasok ng pinto.

"Oh nandito na pala ang Monteverde family, umayos ka" aalis sana ako, pinigilan ako ni mama hinawakan nya ang braso ko at sinabihang umupo, wala akong nagawa kundi umupo dahil may balak akong sabihin sa monteverde family na di ako interesado sa anak nila.

"Oh, hello Mr and Mrs Monteverde, plz take a sit, we're going to eat" sabi ni mama at umupo naman sila napakaganda ng anak nila maputi curly at blonde ang buhok at may kataasan din ito. Tingin ng tingin ito sakin halatang may gusto sya, pero wala syang magagawa tanging si Raymond lng ang laman ng puso at isip ko . Umupo narin si mama pinagusapan nila lahat ng plano para sa amin ng anak nila si Czyanna ang pangalan ng anak nila. Pinagusapan nila agad kung kailang ang date ng Kasal balak ko nang sumingit sa usapan para sabihin na hindi ako interesado at wala akong balak magpakasal sa anak nila, mqy bigla akong may narinig sa labas , nagbalak akong tingnan ito pinigilan na naman ako ni mama dahil magkatabi kmi sa upoan, hinawakan na naman nya ang braso ko tumayo ako.

"Sit down Kenneth" sabi ni mama pero di nya ako napigilan, umalis ako para tingnan kong sino ang nasa labas, pagbukas ko ng pinto nagbigla ako nag may nakita akong isang bag ng McDonalds Friend Chiken ang nasaloob ng paper bag tumingin ako sa paligid alam kong dala ito ni raymond, tumulo ang luha ko. Nanghina ako bigla, natakot ako nasaisip ko na baka narinig nya ang pinguusapan ni mama at ng mga monteverde sa loob at baka iniisip nyang nasaloob naman ako di ko sya pinaglaban, tumutulo ang luha ko ngayon subrang sakit ng aking nararamdaman dahil nasaktan at nanaman ang McDo ko, mas lalong natakot ako nang makita kong may box sa loob ng Bag may sulat ito sa labas ng maliit na box, binasa ko ang sulat.

"Hello Mcdo ko, Happy 14th anniversary sating dalawa kahit ilang aton tayong di nagkita counted parin yun dahil kahit sa mga oras na wala ka.nasapuso parin kita at alam kung ganun ka din, sana tayo parin hanggang sa huli, sana di natayo maghiwalay ulit at sana patuloy mo parin akong mahalin. Ako na ang naglakas ng loob mag propose sayo dahil ayaw ko nang mawala ka pa sakin. Mahal na mahal kita Mcdo ko."

Nadagdagan ang bigat na aking nararamdaman di ko na kayang mawala ulit ang McDo ko. Baka iniisip nya na di lahat totoo ng sinulat nya dito baka nagsisisi sya na nagkita pa kami.. binuksan ko ang maliit na kahon. Nakita ko ang dalawang singsing, ang singsing na binigay ko noong 3rd anniversary namin may nakalagay na McDo sa parehong singsing, inakala kong tinapon nya talaga yun. Pero hanggang ngayon nasa kanya pa pala. Napasigaw ako sa halong lungkot at galit na nararamdaman. Sinout ko ang isang singsing akt nilagay sa bulsa ko ang box sumigaw ako.

Sinigaw ko ang pangalan ni Raymond baka nasa paligid pa sya. Pero wala hindi ako mapigil sa pag iyak, ang sakit2x pala ng pakiramdam ng mawalan ng taong pinakamamahal mo at alam kong ganito rin ang naramdaman nya nung inakala nyang patay na ako. Naiintindihan ko ang naramdaman nya sa mga araw na yun. Hindi ako mabubuhay ng wala sya... pero nasaktan ko na naman syang ulit at natatakot akong baka hindi na syang magpakita sakin.

Umalis ako ng bahay nagmaneho ako baka sakaling mahanap ko sya.

Di ako nakatulog kakahanap sa kanya. Pero di ko parin sya nakita.

*************************

Nagdaan ang ilang linggo ginawa ko amg lahat para mahanap sya sa paris nagpatulong ako sa secretary ko pinatrace ko ang phone nya kung saan sya pumunta, di nya nagawa dahil off daw ang pbone kaya di mahanap kung nasaan ang location, hanggang sa nalaman kong sinabi sakin ng secretary kong nakaalis na daw sya ng dito sa Paris.

Di ako sumuko pinahanap ko kung saan sya pumunta nagtrabaho daw sya ng Korea, isang nurse sa malaking hospital. Hinding hindi nya parin ako matatakasan.

"Akin ka lng Raymond Antrada, hintayin mo ako, hindi ka na makakawala pa tulad ng dati"

THE END...

Medyo bored yung chapter 5 kac nawalan ako ng magsulat dahil sa. negative. comment. dun sa chapter. 4.

Haiisst.. hindi ko rin alam iisang tao lng yung nagcomment ng negative eh.. parang nawalan ako nang gana.

pero payag ako...

Cge lng life must go on parin ang buhay ni kenneth at raymond. iwill. do my best parin.

Plz comment your concern, reaction and suggestion..

I love you all Readers and supporters..

You're Beloved

Author / admin

Chris Pasporte Brinosa


Load failed, please RETRY

每周推薦票狀態

Rank -- 推薦票 榜單
Stone -- 推薦票

批量訂閱

目錄

顯示選項

背景

EoMt的

大小

章評

寫檢討 閱讀狀態: C5
無法發佈。請再試一次
  • 寫作品質
  • 更新的穩定性
  • 故事發展
  • 人物形象設計
  • 世界背景

總分 0.0

評論發佈成功! 閱讀更多評論
用推薦票投票
Rank NO.-- 推薦票榜
Stone -- 推薦票
舉報不當內容
錯誤提示

舉報暴力內容

段落註釋

登錄