Thunder_Bird_0731

LV 1
2022-09-18 đã tham gia Global
Hoạt động
Các tác phẩm gốc
Huy hiệu 2

  • The Mafia King's Melody original

    The Mafia King's Melody

    Urban

    NAGING tagapagmana si Nikolai sa Under ground organization ng kaniyang pamilya nang namatay ang mga magulang nito sa isang ambush sa bahagi ng Palawan. Ang layunin ni Nikolai ay ang mabigyan ng hustisya at maipaghiganti ang mga magulang. Sa kabila ng kaniyang pagiging mahilig sa musika at pagsusulat ng kanta, wala na siyang nagawa kun 'di tuluyang yakapin ang mundo ng kanilang organisasyon. Pero paano kung anak pala ng mga taong hinahanap niya si Melody Enriquez, ang babaeng bumihag sa puso niya't dahilan ng inspirasyon sa bawat kantang nabubuo niya? Makakaya niya bang maging kasangkapan sa paghihiganti niya ang dalaga? O titiwalag sa organisasyon at layunin ng pamilya?

    3 Chs 0 sưu tầm

  • HIS SUPER MODEL EX WIFE original

    HIS SUPER MODEL EX WIFE

    Urban

    NAGSIMULA ang relasyon ni Carissa at Miguel sa isang simpleng text hanggang sa lumalim ang pagmamahalan nila sa isa't isa sa kabila ng kanilang distansya. Pero hindi iyon naging hadlang para hindi maging matibay ang relasyong mayroon sila. Hanggang sa nagkaroon ng pagkakataon na magkita ang dalawa sa unang pagkakataon, hindi napigilan ang kagustuhan ni Carissa na puntahan si Miguel at sa unang beses ng kanilang pagkikita nangyari ang isang gabing hindi nila kapwa makakalimutan. Mula nang mga sandaling iyon, mas naging matibay ang lahat para sa kanila. Hindi natiis ni Miguel na laging bisitahin si Carissa sa maliit nilang Isla— hanggang sa tuluyang magpasya ang lalaking pakasalan sa alkalde ng siyudad ang dalaga. Maayos na sana ang lahat sa kanilang dalawa, handa na si Miguel na ipagpalit ang buhay sa Manila para lamang kay Carissa, ngunit isang pagsubok ang dumating sa buhay nilang mag-asawa nang nagkaroon ng emerhensiya sa magulang ni Miguel na naging dahilan para bumalik siya sa pamilya nito. Iniwanan niya ng pangako si Carissa na siya ay muling babalik sa Isla para sa kanilang bubuuing pamilya. Isa, dalawa, tatlo, apat na buwan hanggang maging isang taon ang lumipas walang Miguel ang nagparamdam kay Carissa, kaya nagpasya ang babaeng puntahan si Miguel sa Manila. Dala-dala ang surpresa na mayroon siya nang iwanan siya ni Miguel, ang hindi akalain ni Carissa ay siya ang masusurpresa nang sa unang araw na pagtapak niya sa lungsod sa malaking bahay ng mga Buencamino kitang-kita ni Carissa ang isang pagtitipon na si Miguel ay itinatakdang ipakasal sa isang napakagandang babae. Hindi na naglakas loob pa si Carissa, iniwan niya ang lugar na walang kahit na ano'ng lakas ng loob magpakita kay Miguel, mahal niya ito kaya hindi niya magagawang saklawan ang buhay nito. Lakad, takbo, lakad, takbo ang ginawa ng babae hanggang sa hindi niya namalayang nawalan siya ng malay tao sa isang taong magbabago ng kaniyang mundo. Dahil ang babaeng niloko at iniwanan ni Miguel Buencamino ay naging isang sikat na Modelo.

    3 Chs 3 sưu tầm