Si Francis Tan, isang modelo at negosyante. At dahil gwapo, mayaman at hot si Francis, habulin sya ng mga babae, at dahil mabait sya, lahat ng babaeng lumalapit sa kanya ay pinapatulan nya, basta sexy at maganda, sa madaling salita, isang certified playboy ang ating bida. Isang araw ay nakilala niya ang isang tomboy na nagngangalang Reyann Florante, maangas ito at basagulera. Dahil sa parehong problema sa kani-kaniyang pamilya, nagkasundo silang magpanggap na magkasintahan.
Sa dinami-rami ng magagandang babaeng nakasama ni Francis, si Reyann lang ang tanging nagpagulo sa nananahimik niyang puso, at dumating nga ang araw na narealized niyang mahal na mahal na pala niya si Reyann.
Magagawa kayang mapaibig ng ating certified playboy ang isang tomboy?
Hindi naniniwala si Annika sa mga fairytale endings, para sa kanya, ang mahirap ay para lang sa mahirap, sa telenovela lang nangyayari na magkatuluyan ang mahirap at mayaman, at higit sa lahat, hindi pwedeng magkatuluyan ang gwapong lalake at panget at matabang babaeng kagaya niya.
Pero paano kung isang araw ay may isang gwapong nilalang at bilyonaryo pa daw ang bigla na lang sumulpot sa buhay niya? Maniniwala na kaya ang ating Frog Princess na meron nga talagang happy ending kagaya sa mga fairytales?