DREA'S POV:
Inasikaso na nila Ella at Michelle yung bata kanina. Okay na sya.
Buti na lang nahanap agad ni Rafael si Kieran at pinuntahan agad nila sila Ella. Pero hindi ko pa rin alam kung paano sya nakapasok dito.
Kasama ko na ulit sila Zayne ngayon at kinuwento ko sa kanila yung nangyari, pero sila Cessa at yung iba wala pa dito.
Gising na din si Calista at tahimik lang sya. Pag kinausap mo sya hindi sya sasagot.
Si Rafael ay kasama ni Kieran at nung Emma, hindi ko alam kung saan sila pumunta.
*
*
RAFAEL'S POV:
Kasama ko si Kieran at Emma ngayon.
Pero kanina, hindi ako sumagot sa tanong ni Kieran kung kilala ko ba si Emma. Sinabi ko agad yung about sa bata at kung nasaan sila Ella.
Tapos yun na nga.
"Kayo ba yung bagong dating?" Pagtatanong ni Emma at tumango naman ako.
"Paano kayo nag kakilala?" Pagtatanong ni Kieran.
Alam kong nakatingin si Emma sakin pero hindi ko sya tiningnan.
"Boyfriend ko sya." Sabi ni Emma kaya napatingin ako sa kanya.
"Boyfriend?" Pagtatanong ni Kieran.
"Ex boyfriend, nakipag break ka sakin sa call bago mag simula lahat ng to diba." Sabi ko.
"Oo, kasi kasama mo pa yung mga friends mo at nag iinuman kayo kesa ako yung samahan mo, sabi mo nasa bahay ka pero tinext ko si Thomas at nag iinuman daw kayo, nag sinungaling ka." Sabi ni Emma.
"Wala ka ng pakealam dun, nakita ko kayo nung umaga ni Melvin magkasama, hindi ka nag paalam na aalis ka at may kasama ka palang ibang lalaki, kaya nakipag inuman na lang ako kasama sila Thomas, by the way nasaan na pala si Melvin?" Pagtatanong ko kay Emma.
"Wala na, kasama ko sya nung mga oras na nagkakagulo ang lahat." Sagot ni Emma.
"Mabuti naman, kasama mo sya." Sabi ko.
"Si Thomas?" Pagtatanong ni Emma.
"Wala na din." Sagot ko.
"Sorry natanong ko pa, Kieran pwede bang iwan mo muna kami." Sabi ni Emma.
"A-ah sige." Sabi ni Kieran.
"Wag na, babalik na din ako kay na Drea, baka hinahanap na nila ako." Sabi ko naman at palayo na sana sa kanila pero tinawag ako ni Emma.
"Teka Rafael." Pagtawag ni Ema sakin.
"Ano?" Pagtatanong ko at nilingon sya.
"Mag usap tayo, pwede ba?" Pagtatanong ni Emma.
"About saan? Nakipag hiwalay ka na sakin at wala nang dapat pag usapan pa, sigurado akong wala ka rin namang pake sakin kung kasama mo ngayon dito si Melvin." Sabi ko.
"I'm sorry." Sabi ni Emma.
"Rafael!" Pagtawag ni Yvonne habang papalapit sakin.
"Hello." Sabi ni Yvonne kay na Kieran at Emma nung nakalapit na sya.
"Hiii." Sabi ni Kieran.
"Tara na." Sabi ni Yvonne.
"Bakit? Andoon na sila?" Pagtatanong ko.
"Oo, hinahanap ka na nila." Sagot ni Yvonne at hinawakan ako sa braso at hinila.
*
*
DREA'S POV:
Dumating na nga sila Cessa at Allison, kasama yung kuya ni Cessa. Papalapit na din dito sila Yvonne at Rafael.
"Akala ko andito na lahat." Sabi ni Rafael.
"Wala pa, sila Cessa palang, kasama nya na yung Kuya nya." Sabi ko.
Maya maya pa bumalik na silang lahat dito.
Kasama na nga ni Sylus yung lolo nya, yun na ba yung lolo nya? Hindi ko inaakalang malaki pala ang katawan ng lolo ni Sylus, parang dati syang sundalo? Sa tingin ko, oo.
Pero sila Kevin at Felix hindi nila kasamang pumunta yung papa at mama nila dito. Nakita kaya nila? Tapos yung kuya lang din ni Cessa yung kasama nyang pumunta dito.
"Kayo yung tumulong kay Sylus makarating dito, maraming salamat sainyo." Sabi nung lolo ni Sylus.
"Ah wala po yun, nag tulungan po kaming lahat para makapunta dito." Sabi ni Greyson.
"Ikaw ang tumayong leader sa kanila?" Pagtatanong nung lolo ni Sylus.
"Parang ganon na nga po." Sagot ni Greyson.
"Lolo po ba talaga kayo? Parang ang lakas nyo pa at ang laki ng katawan nyo." Sabi ni Xavier sa lolo ni Sylus.
"Oo, malakas pa ako, kaya ko pang makipaglaban sa mga halimaw na nasa labas na yan, dati kasi akong sundalo." Sabi nung lolo ni Sylus.
Tama nga ako.
"Ang angas." Sabi ni Xavier.
"Hmm, babalik na ako dun, iiwan ko na muna ulit si Sylus sainyo, tumutulong din kasi ako sa mga gawain dito, may in-assign na sakin si Owen, baka yung iba sainyo sa mga susunod na araw bigyan na din kayo ng mga gagawin nuo para makatulong dito." Sabi nung lolo ni Sylus.
"Ano po palang pangalan nyo?" Pagtatanong ni Greyson.
"Ah oo nga pala, ako si Jack, pero tawagin nyo na lang akong boss J, wag na lolo o Jack, boss J na lang itawag nyo sakin." Sabi ni boss J at nginitian nya kami, tuluyan na nga syang umalis.
"Bait pala ng lolo mo." Sabi ni Xavier kay Sylus.
"Ganon talaga yun." Sabi naman ni Sylus.
"Ah ano pala, si kuya lang yung kasama ko ngayon, kasi sya lang yung na rescue, hindi na nailigtas si mama." Sabi ni Cessa at natahimik naman kami.
"Sana nakapag paalam man lang sana ako nang maayos sa kanya." Dugtong pa ni Cessa.
Agad naman akong lumapit kay Cessa at niyakap sya.
"Magkasama pala kayo ni Cessa bago nangyari ng lahat ng to diba?" Pagtatanong nung kuya ni Cessa at tumango naman ako.
"Kayo Felix at Kevin? Nakita nyo ba papa nyo ni Zayne?" Pagtatanong ni Cessa.
"Oo, pero wala syang pake, kaya umalis na lang kami dun, hindi nya din kasama si mama." Sagot ni Felix.
Natahimik naman kami.
"U-uhmm guys, mag palit na muna kayo ng damit nuo, natapos na din naming itayo yung mga tent na tutulugan natin, pumili na lang kayo ng tutulugan nyo at kung sinong kasama nyo sa isang tent." Sabi ni Xavier.
"Tatlong tao ang kasya sa isang tent." Sabi naman ni Luke.
"Babalik ako dito mamaya Cessa, may pupuntahan pa kami sa labas eh, may naka assign pa samin." Sabi nung kuya ni Cessa.
Ang pangalan pala nya ay si Steve.
Umalis na nga yung kuya ni Cessa.
-
-
-
Bale anim 'yung mga tent na nandito, at ito 'yung napag planuhan naming magkakasama sa bawat tent. Pumayag din naman sila.
Ako, Cessa at Yvonne. (tent 1)
Si Allison at Calista naman yung magkasama sa kabilang tent. (tent 2)
Si Derrick, Sylus at Rafael. (tent 3)
Si Zayne, Felix at Kevin naman sa isang tent. (tent 4)
Tapos si Luke at Xavier sa kabilang tent. (tent 5)
Si Greyson naman at si Noah ang gagamit ng nasa pinaka dulong tent. (tent 6)
-
-
-
Kinagabihan.
Pumipila na nga yung mga tao dun para kumuha ng mga pagkain at tubig.
Kaya napag planuhan na rin naming pumila dun, kanya kanya na lang kami ng punta dun para pumila.
"Drea tara na pumila dun." Sabi ni Cessa.
"Ah mamaya na ako, pupuntahan ko lang yung bata, I-checheck ko lang kung kumusta na sya." Sabi ko.
"Sinong bata?" Pagtatanong ni Cessa.
"Mamaya ikwekwento ko sayo, sige na pumila ka na dun." Sabi ko at tumango naman si Cessa.
Nakita ko naman si Rafael na naglakad sa ibang direksyon, hindi sya kakain? Sundan ko muna kaya sya.
-
-
-
Sinundan ko na nga sya nang hindi nya nalalaman. Naghihintay lang sya dun hanggang sa dumating sila Kieran at Emma.
Bakit?
"Kumain ka na Rafael?" Pagtatanong ni Kieran sa kanya.
"Hindi pa, bakit pala?" Pagtatanong naman ni Rafael.
"Gusto ka daw kausapin ni Emma." Sagot ni Kieran.
"Para saan? Tapos na diba, wala nang dapat pag usapan." Sabi ni Rafael.
"Gusto ko lang naman makipag ayos sayo, kahit hindi ka na makipag balikan sakin-" Sabi nung Emma pero biglang nagsalita si Rafael.
"Hindi talaga, kung wala ka nang ibang sasabihin aalis na lang ako dito." Sabi ni Rafael.
Bakit? Anong meron sa kanila ni Emma?
Wala namang nakwekwento si Rafael samin about dito. Ang alam ko lang talaga ay yung about sa kanila ni Kieran.
"Anong ginagawa mo dito?" Mahinang pagtatanong ng boses ng isang lalaki mula sa likod ko na ikinagulat ko, kaya agad ko syang hinarap.
Si Zayne pala.
"Akala ko kung sino... wala, sinundan ko lang si Rafael, akala ko kung saan sya pupunta... tara na bumalik dun." Sabi ko.
Kaya naman umalis na kami ni Zayne.
-
-
-
"Kumain ka na ba?" Pagtatanong ko kay Zayne.
"Hindi pa, narinig ko kasi kayo ni Cessa na nag uusap, sabi mo pupuntahan mo yung bata kaya sinundan kita." Sagot ni Zayne.
"Ahhh, papunta ako ngayon sa kanya, sasama ka ba?" Pagtatanong ko kay Zayne.
"Sige, sabay na lang tayo kumain mamaya." Sabi ni Zayne, kaya naman napatingin ako sa kanya.
"Ah sige." Sabi ko.
Papunta na nga kami ni Zayne kung saan nag papahinga yung bata, hindi ko pa alam yung pangalan nya, itatanong ko na lang kay Ella pag dating namin dun.
"About pala sa papa nyo? Hindi mo ba sya pupuntahan or kakausapin man lang? I mean ano i-try mo lang, itanong mo kung nasaan yung mama nyo, para kahit papaano alam nyo diba, kasi hindi naman kinausap nung papa nyo sila Kevin at Felix diba, so ikaw yung kumausap, hindi sa nakikialam ako pero-" Magsasalita pa sana ako pero nag salita na si Zayne.
"Samahan mo ko." Sabi ni Zayne kaya napatingin ako sa kanya.
"Ah okay okay, sige." Sabi ko na lang.
"Uy Drea, kayo pala." Sabi ni Ella na nakasalubong namin.
"Ah, pupuntahan namin yung bata, gising na ba sya?" Pagtatanong ko.
"Ah oo, kukuhaan ko nga sya ng pagkain eh, puntahan nyo na sya dun." Sabi ni Ella at tumango naman ako.
Pumasok na nga kami ni Zayne papunta dun.
At nakita na nga namin yung bata dun na nakahiga.
"Hi? Kumusta ka?" Pagtatanong ko dun sa bata.
"Okay lang po ate." Sagot naman nung bata.
"Ano palang pangalan mo? Ilang taon ka na?" Pagtatanong ko ulit sa kanya.
"Ako po si Kyle, thank you po pala." Sabi nung bata.
"Ah wala yun, ako pala si Drea, ito naman si Zayne, pero paano ka pala nakapasok dito?" Pagtatanong ko sa kanya.
"May nakita po akong maliit na daanan papasok dito, dun po ako dumaan kaya po nakapasok ako." Sagot ni Kyle.
"Nasaan yung mga kasama mo?" Pagtatanong ko ulit sa kanya.
"Wala na po." Sagot nya.
Bigla namang dumating si Ella at may dala na syang pagkain.
"Ah ayan na pala yung pagkain mo, kumain ka muna, aalis na rin kami." Sabi ko.
"Sige po ate, babye." Sabi ni Kyle at nginitian ko naman sya.
"Ah Ella aalis na muna kami, kakain na din kami." Sabi ko.
"Ah sige, kita na lang ulit." Sabi ni Ella at nginitian ko naman sya, kumaway naman ako kay Kyle.
Nakalabas na nga kami ni Zayne.
Kita naman naming may nag kukumpulang mga tao dun.
"May nag aaway yata dun, tingnan natin." Sabi nung lalaking dumaan at may mga kasama rin sya.
Nag aaway?
"Puntahan natin yun." Sabi ko kay Zayne, tumango naman sya.
Agad nga naming pinuntahan yun pero ang daming mga tao at hindi namin makita kung sino yung mga nag aaway dun.
"Anong nangyayari?" Pagtatanong nung babaeng nasa may tabi ko.
"May nag aaway, may kaaway yung mga bagong dating." Sagot naman nung lalaki na ikinagulat ko.
Hindi naman kami makasingit dahil siksikan ang mga tao.
Bakit walang umaawat sa kanila? Nasaan yung mga sundalo.
"Kita mo ba kung sinong mga andun?" Pagtatanong ko kay Zayne.
"Si Felix, Xavier, Noah, Luke, Cessa, Yvonne, Derrick at si Sylus." Sagot naman ni Zayne.
"Hindi tayo makakasingit, tuwang tuwa pa yung iba na nag aaway sila dun." Dugtong pa ni Zayne.
"Tatawagin ko si Owen, dito ka lang." Sabi ko.
"Sasamahan na kita." Sabi ni Zayne.
"Kuya!" Sabi ni Kevin na biglang dumating, kasama nya si Greyson.
"Anong nangyari? Bakit nag kakagulo dun?" Pagtatanong ko kay na Greyson at Kevin.
"Hindi rin namin, alam pero kasama namin sila kanina sa pila, si Allison naman kasama nya si Calista ngayon, nauna na sya nung nakuha sya ng pagkain, tapos sumunod na rin kami ni Kevin pero pagbalik namin nag kagulo na, hindi ko alam kung anong nangyari." Pagpapaliwanag ni Greyson.
"Kailangan nating tawagin si Owen." Sabi ni Kevin.
"Ako na tatawag sa kanya, dito lang kayo, subukan nyong makalapit dun at awatin sila." Sabi ko.
"Ako na lang tatawag kay Owen." Sabi ni Kebin.
"Sure ka?" Pagtatanong ko.
"Oo, kayo na umaawat sa kanila, sige na." Sabi ni Kevin.
Umalis na nga si Kevin.
"Kayo ba yung bagong dating? Mga kasamahan nyo ba yung andun?" Pagtatanong ng isang matanda samin.
"Oho." Sagot ni Greyson.
"Awatin nyo na sila dun, nag kagulo lang dito simula nung dumating kayo." Sabi nung matanda.
"Pasensya na po, pero hindi pa naman po natin alam kung anong dahilan." Sabi ni Greyson.
"Awatin nyo na sila, kaaway ng mga kasamahan nyo yung apo ko." Sabi pa nung matanda at parang kami pa yung may kasalanan eh hindi pa nga namin alam kung anong dahilan bakit nag kagulo.
"Opo, wag po kayong mag alala, aayusin po namin itong gulo." Sabi ni Greyson.
*
*
KEVIN'S POV:
Agad nga akong lumabas para puntahan dun sa camp si sir Owen.
"Sir Owen?!" Pagtawag ko dito, pero may mga sundalong lumabas.
"Anong ginagawa mo dito? Gabi na at bawal dito sa ganitong oras, mag stay ka lang dun sa loob." Sabi nung isa sa mga sundalo.
"Pero kailangan ko pong makausap si sir Owen, nag kakagulo po sa loob, andyan po ba sya?" Pagtatanong ko dito.
*
*
DREA'S POV:
"Padaan po, makikisingit lang po." Sabi ni Greyson at nakasunod lang kami ni Zayne sa kanya.
Buti pinapadaan kami ng mga tao. Panay pa rin ang tawanan ng iba at tuwang tuwa pa sila.
Maya maya pa tuluyan na kaming nakalapit sa kanila.
Nakita kong dumudugo yung labi ni Sylus, tapos dumudugo naman yung sa may parte ng kilay ni Xavier at yung ilong nya.
Tiningnan ko naman yung mga lalaki sa kanila, yung nakaaway nila, may mga babae din silang kasama.
Tatlo yung babae sa kanila, tapos limang lalaki. Kaedad lang siguro namin yung iba sa kanila.
"Drea." Pagtawag sakin ni Cessa.
"Anong nangyari?" Pagtatanong ko kay Cessa.
"Hindi ko rin alam, nasa unahan kami kanina ni Yvonne naka pwesto, tapos bigla na lang namin nakitang bumagsak si Xavier, sinuntok sya ng dalawang beses sa mukha nung isang lalaki dun, gumanti naman si Sylus pero sinuntok din sya." Pagpapaliwanag ni Cessa.
"Sila yung nauna, wala naman daw ginagawa sila Xavier eh." Sabi ni Derrick.
"Excuse me, baka kami pa yung mapasama, yang mga kasama nyo yung nauna, sumingit sila sa pila tapos ang kapal pa manghipo ng isa nyong kasama." Sabi nung babae at galit na galit na tinuro si Xavier.
"Isa pa yang lalaki na yan, ang kapal ng mukha gumanti ng suntok eh yang kasama nilang lalaki yung nang bastos." Sabi nung babae at ang tinutukoy nya ay si Sylus.
"Sinungaling ka, nasa likod ko si Noah at ang layo ko sayo." Sabi ni Xavier.
"Wow, ako pa tong sinungaling, eh kitang kita ng mga kasama kong babae yung ginawa mo." Sabi nung babae.
"Sinungaling ka talaga." Sabi ni Yvonne.
"Bakit nakita mo ba gung ginawa ng kasama mo? Nasa unahan kayo diba? Tapos sasabihan nyo kaming sinungaling." Sabi naman nung isang babae. (Girl 2)
"Hoy teh, gaga ka ba? Bigla na lang sinuntok ng mga kasamang mong lalaki yung kasama namin, kaya nga natumba diba?" Sabi naman ni Cessa.
"Paano ka mahihipuan eh nasa likod ako ni Xavier sa pila." Sabi naman ni Noah kaya napatingin kami sa kanya.
"Wag kang makisabat sa usapan ng mga babae, hayaan mo sila." Sabi ng isa sa mga lalaki na andun. Yun yata yung pinaka matanda sa kanila.
"Bakit parang kayo pa yung galit? Bakit parang kasalanan pa naming nabastos ako? Wow?" Sabi nung babae.
Nakakaasar na sya.
"Wow talaga, akalain mo yun may hihipo pa sa itsura mong yan, hindi ka naman maganda, at saka kahit maganda ka walang hihipo sayo no, ang asim mo kasi." Sabi naman ni Cessa, kaya nag tawanan yung ibang mga tao.
"Sumusobra ka na ah, imbes na mag sorry kayo, kayo pa tong galit... Wag mo akong hinataying makalapit sayo." Sabi nung babae.
"Ay gusto mo ako na tong lalapit sayo." Sabi ni Cessa.
"Sige." Sabi nung babae at tinaasan pa ng kilay si Cessa.
"Teka, hinipuan ka diba, bakit hindi kayo nag sumbong na lang at pananakit agad ang ginawa nyo?" Pagtatanong ko dun sa babae kaya napatingin sila sakin.
"Alangan hayaan ko muna yun bago kami kumilos? Syempre prinotektahan lang namin yung sarili namin." Sabi naman nung babae.
"Naiintindihan kita, pero ang pinopoint ko is bakit nanakit agad kayo? Pwede namang sumigaw ka ng "tulong may bastos dito!". Tatawag naman agad sila ng mga sundalo sa labas kasi maraming tao yung makakarinig at makakaalam, pero sinimulan nyo sa gulo, kaya lalong hindi nag kaintindihan. Pinag aral ka ba o hindi, hindi mo kasi yata ako naiintindihan?" Sabi ko sa kanya.
"Wala ka naman kasing alam sa nangyari, mas kinakampihan nyo pa yang kasama nyo." Sabi naman nya.
"Oh bakit, may alam ba yang mga kasama mong lalaki na hinipuan ka? Bigla nga yatang sinuntok na lang si Xavier eh." Sabi ni Cessa.
"Oo nga, hinipuan ka pero hindi ka man lang nag react? Hindi mo naman agad masasabi sa mga kasama mo na nahipuan ka kung hindi ka mag sasalita diba, ibig sabihin nag sisinungaling ka." Sabi ko sa kanya at tinitigan ko sya mata sa mata.
"Hindi ko naman kasi hinipuan yan, bigla na lang akong sinuntok nung isang lalaki." Sabi ni Xavier.
"Saka paano namin kayo sisingitan sa pila eh nung dumating kami dito wala pa kayo." Sabi ni Cessa.
"Gumagawa lang kayo ng gulo tapos pag kayo yung mali, kayo pa yung galit... Sinungaling, bumawi ka man lang sana sa ugali." Dugtong pa ni Cessa.
"Kung may problema kayo samin sabihin nyo lang." Sabi ni Luke kaya napatingin kami sa kanya.
"Hindi nyo kilala kaming mga binangga nyo, hindi nyo alam kung ano ang kaya naming gawin sainyo." Sabi nung isang lalaki sa kanila.
"Tinatakot mo ba kami kuya? Dapat ba kaming matakot?" Pagtatanong ni Cessa.
"Tama na Cessa." Sabi ni Greyson.
"Hayaan nyo na sila, kakausapin natin si Owen tungkol dito." Sabi ni Noah.
"Hindi pa tayo tapos, papalagpasin ko tong ginawa nyo." Sabi nung babae at naglakad na sila papalayo, nagbalikan na rin sa mga pwesto nila yung ibang mga tao.
"Pupuntahan ko lang si Ella, hihingi ako ng panggamot sa sugat nila." Sabi ni Derrick.
"Sasamahan na kita." Sabi naman ni Yvonne at pumunta na nga sila papunta dun kay na Ella.
"Bumalik na tayo dun sa pwesto natin." Sabi ni Greyson at inalalayan si Xavier.
"Ayos ka lang ba?" Pagtatanong ni Cessa kay Xavier.
"Oo, mukha ko lang hindi." Sagot ni Xavier at natawa pa.
"Eh ikaw Sylus?" Pagtatanong din ni Cessa kay Sylus kaya napatingin ako sa kanya.
"Ayos lang to, sabihin natin kay lolo tong nangyari." Sagot ni Sylus.
"Tinawag na ni Kevin si sir Owen, dapat malaman din nya itong nangyari, baka kung anong gawin nila satin sa mga susunod na araw." Sabi ko.
"Halata namang nag sisinungaling yung mga yun." Sabi ni Luke.
"Nanggigil na ako sa pagmumukha nung babaeng yun, kung nakalapit talaga ako sa kanya masasapak ko sya." Sabi naman ni Cessa.
"Pero bakit naman nila gagawin yun? Anong dahilan?" Pagtatanong ni Greyson.
"Hindi rin namin alam, kukuha lang dapat kami ng pagkain dun, nakakuha naman ng ayos si Allison ng pagkain nila ni Calista tapos ito na nangyari." Sagot ni Luke.
Nakita naman naming tumatakbo papalapit si Allison samin.
"Anong nangyari?" Pagtatanong ni Allison.
"Teka, si Calista pala." Dugtong pa ni Allison.
"Oh anong nangyari?" Pagtatanong ni Cessa.
"Hindi ko syaa mahanap." Sagot ni Allison.
"Di ba kasama mo sya kanina? Hindi ba sya nag banyo?" Pagtatanong naman ni Greyson.
"Hindi, pumunta na ako dun, nakita ko pa nga si Kevin na kinakausap yung mga sundalo dun sa camp nila sir Oweb." Sagot niAllison.
"Eh saan pumunta yun?" Pagtatanong ni Cessa.
"Hindi kaya umalis sya?" Sabi naman ni Noah.
"Ano nang gagawin natin?" Pagtatanong naman ni Cessa.
Bigla namang dumating sila Derrick at Yvonne, kasama si Ella.
"Ito na, gamutin nyo na yung mga sugat nila." Sabi ni Yvonne.
"Anong nangyari? Nag kagulo daw?" Pagtatanong ni Ella at nagtataka.
"Kuya!" Sigaw naman ni Kevin at napatingin kami dun, kasama na nya si sir Owen.
— Chương tiếp theo sắp ra mắt — Viết đánh giá