Tải xuống ứng dụng
31.25% Z0mbie Ap0calypse / Chapter 5: Chapter Five

Chương 5: Chapter Five

DREA'S POV:

Nakita nga namin yung pickup car na papalapit sa amin at si zayne yung nag da-drive non.

Nagtatalon naman si cessa at kinaway yung mga kamay nya.

Sinasagasaan ni zayne yung mga zombieng nakaharang sa dadaanan.

"Tara na, salubungin na natin si kuya." Sabi ni felix at tumakbo, kaya sumunod kami sa kanya.

Tinigil na nga dun ni zayne yung sasakyan sa gilid. Nang makarating kami ay agad ibinaba ni greyson si yvonne sa likod nya at pinasakay sa loob.

Sumakay naman agad sa likod si felix.

"Bilisan nyo andyan na sila!!" Sigaw ni kevin.

Pumasok na nga si cessa at umupo sa tabi ni yvonne.

"Drea sa harap ka na." Sabi ni allison at pumasok na rin at tumabi kay cessa.

"Sige na drea sumakay ka na, dun na lang ako sa likod kasama nila kevin at felix." Sabi ni greyson at sumakay na nga ako sa unahan katabi ni zayne.

Sumakay na rin dun sa likod si greyson at si kevin ay sumakay din dun sa loob sa tabi ni allison.

"Tara na bilis! Andyan na sila!" Sigaw ni cessa.

Agad namang pinaandar ni zayne yung sasakyan.

"Bilisan mo pa kuya! Andyan na sila!" Sigaw ni felix dun sa likod.

*

*

FELIX'S POV:

May mga zombieng humahabol sa amin kahit nasa sasakyan na kami. Yung iba sa kanila ang bibilis tumakbo.

Si boss greyson naman ay binabaril yung mga zombieng malapit sa amin.

Nagulat na lang kami ng may isang zombie ang nangunguna sa pagtakbo sa mga zombies, biglang tumalon yun sa sasakyan namin at kumapit sya sa dulo ng sasakyan.

"Rawrr!"

Gumewang naman yung sasakyan kaya muntik na akong matumba.

"May zombie sa likod!" Sigaw ni cessa dun sa loob.

"Rawrr!"

Agad ko namang sinaksak yung ulo nya gamit yung katana ko at bumitaw yung zombie sa sasakyan at nagpagulong gulong sa kalsada.

Naupo na lang ako dahil sa pagod.

*

*

DREA'S POV:

Tuluyan na nga kaming nakalayo sa mga zombies at nakalabas na ng city.

"Teka zayne, paano ka nakapunta dun, akala ko ba walang gas? Saan ka kumuha?" Tanong ni cessa.

"Meron akong nakita dun sa basement." Sagot ni zayne.

"Huh? Meron kang nakita? Edi sana tiningnan muna dun bago mo kami inutusang kumuha ng gasolina sa city, halos mamatay kaming lahat dun tapos meron palang gasolina sa basement, papatayin mo ba kami?" Sabi ni cessa at natawa naman si allison.

"Pasalamat ka, nakaligtas kami." Dagdag ni cessa.

"Uhm... Pasensya pala ulit sa nangyari kagabi, babawi talaga ako sainyo, sasama at tutulungan ko kayo." Sabi ni allison.

"Okay lang yun, kalimutan na natin yung nangyari, pasensya na rin sa mga nasabi ko sayo kanina, nainis lang ako sa nangyari kay drea at kevin dahil dun sa dalawang lalaki, wala akong tiwala sayo kasi kasama ka nila, pero mabait ka naman pala talaga, pasensya na talaga." Sabi ni cessa.

"Hindi, okay lang, naiintindihan naman kita." Sabi ni allison.

Katahimikan.

-

-

-

"Yvonne kamusta ka? Okay ka lang ba?" Pagtatanong ni cessa kay yvonne.

"Okay lang, salamat pala sa tulong nyo..." Sabi ni yvonne.

"Hindi ka ba nahihirapang huminga? Baka hinihingal ka?" Tanong ni cessa.

"Hindi, okay lang ako, salamat." Sabi ni yvonne.

"Mamaya iinom ka ng gamot ah." Sabi ni cessa at tumango naman si yvonne.

"Kailangan nating tumigil mamaya sa tabi para kumain muna at magpahinga, kung napapagod ka na mag drive, pwede kang makipagpalit kay greyson, marunong naman siguro sya mag drive." Sabi ni allison kay zayne at tumango naman si zayne.

"Ahh zayne, paano mo pala nalaman na andun kami?" Pagtatanong ko.

"Yung mga usok nakikita ko at naririnig ko yung mga putok ng baril kaya agad akong pumunta kung nasaan kayo." Sabi ni zayne at napatango naman ako.

Maya maya pa ay ipinarada na ni zayne yung sasakyan sa gilid.

Palubog na rin yung araw.

Bumaba naman yung dalawa dun sa likod.

"Bakit tayo tumigil?" Tanong ni greyson at nakasilip sa bintana.

"Kakain muna tayo, hindi ka ba nagugutom?" Tanong ni cessa.

"Kanina pa kami kumakain dun sa likod." Sabi ni felix at tumawa naman si greyson at allison.

"Kaya pala, ang kakapal huh, kuhaan nyo kami nagugutom na kami." Sabi ni cessa.

"Wait lang po Madam." Sabi ni felix at binigyan na kami ng mga pagkain at tubig.

"Greyson marunong ka ba mag drive? Pagod na ata si zayne eh, ang layo na ng narating natin." Sabi ni allison.

"Ah oo, marunong ako." Sabi ni greyson.

"Hindi na, okay pa naman, kaya ko pa, pag napadaan na lang tayo sa next na gasoline station saka na ikaw mag drive." Sabi ni zayne.

"O Sige." Sabi ni zayne.

"Greyson diba? Ako si zayne, kapatid ko sila felix at kevin." Sabi ni zayne at nakipagkamay kay greyson.

"Ang ganda ng girlfriend mo ah, turuan mo sya pag may time gumamit ng baril." Sabi ni greyson at tinuro ako.

"Girlfriend?" Tanong ni allison.

"Huh? No!" Sabi ni cessa.

"Boss greyson hindi girlfriend ni kuya si drea." Sabi ni felix at natatawa.

"Oh akala ko." Sabi ni greyson.

Nakaramdam naman ako ng hiya. Ulol amputa.

-

-

-

Pagkatapos kumain ni yvonne ay uminom na nga sya ng gamot.

Sumakay na rin ulit sila felix at greyson dun sa likod. Wala silang upuan doon at bubong, sana hindi umulan.

-

-

-

Kinagabihan ay tahimik lang kami habang nasa byahe, patay naman ang ilaw ng sasakyan para hindi makaakit ang mga mata ng mga zombie.

Sana makita agad namin sila papa kung sakali mang andun sila sa kabilang city.

Sana may mga rescuer na andun.

"Zayne?" Sabi ko.

"Hmm?" Zayne habang nakatutok sa pag dadrive.

"Baka pagod ka na, pwede ka namang makipagpalit kay greyson." Sabi ko.

"Oo, mamaya pag may nakita tayong gas station." Sabi ni zayne.

"Sasamahan na lang kita dun sa likod, palit naman kami ni felix para makaupo naman sya nang maayos at komportable." Sabi ko.

"Ah sige, nagugutom na din ako eh." Sabi ni zayne at binilisan yung pag dadrive.

Maya maya pa ay nakakita kami ng gas station kaya tumigil kami sa tabi, nagpapatay bukas pa ang ilaw nun.

Bigla namang sumilip si greyson sa bintana.

"Palit na tayo?" Tanong ni greyson.

"Oo, kukuha lang muna kami ng gasolina ni felix." Sabi ni zayne.

"Sasamahan ko na kayo." Sabi ko.

"Sige." Sabi ni zayne.

Kinuha na nga namin yung mga bottle container dun sa likod at nauna nang maglakad si zayne.

Sumunod naman agad kami ni felix.

"Ang lamig dun sa likod buti na lang may kumot." Sabi ni felix.

"Palit naman tayo, ikaw na dun sa loob." Sabi ko.

"Sure ka? Edi dun ka sa likod kasama ni kuya, kasi si boss greyson na daw mag dadrive eh." Sabi ni felix.

"Oo." Sabi ko.

"Pumayag ba si kuya?" Tanong nya.

"Oo, bakit?" Sagot ko.

"Himala, gusto nya lagi sya lang mag isa, hindi pa nga yun nagkaka girlfriend eh. Akala ko nga gay si kuya hahaha buti na lang nahuli kong nanonood ng an- " Sabi nya pero bigla akong nagsalita.

"Shh, napapasobra ka na." Sabi ko.

"Hehe sorry..." Sabi nya.

Nagulat na lang kami ng biglang tumigil sa paglalakad si zayne.

"Bakit kuya?" Tanong ni felix.

"Tao ba yun?" Tanong din ni zayne.

"Alin yung nakahiga? Hindi ba zombie na patay?" Tanong ulit ni felix.

"Paano magkaka zombie dito, ang layo na nito sa city. Gas station lang ang andito at wala ng ibang mga bahay o gusali." Sabi ni zayne.

"Baka tao? Natutulog lang?" Sabi ko.

"Check mo nga kuya." Sabi ni felix.

Dahan dahan namang lumapit dun si zayne at sumunod lang kami sa kanya.

Tinutukan naman yun ni zayne ng baril.

"Tao nga... Hindi naman sya mukhang zombie." Sabi ni felix.

"Dito na siguro sya nagpahinga, wala naman syang kagat, kung meron man, zombie na siguro sya." Sabi ko.

Estudyante rin sya, pero hindi ko alam kung saang school sya nag aaral. Mga kasing edad ko lang din sya sa tingin ko.

"May bag dun baka sa kanya yan." Sabi ni felix at agad namang lumapit si zayne dun para icheck yung bag.

"Anong laman?" Tanong ni felix.

"Kutsilyo... Mga notebook... Ballpen.... Kaunting tubig at mga biscuit... Tapos mga candy." Sabi ni zayne.

Nagulat na lang kami ng biglang kinuha ni zayne yung bag nung lalaki at hinagis dun sa lalaking natutulog. Agad naman yun nagising at bumangon.

Gulat na gulat sya nung makita kami.

"Sino kayo?!" Pagtatanong nito at alam kong naiinis sya dahil basta na lang syang ginising.

"Ayos ka lang?" Pagtatanong ni felix.

"Anong ayos lang? Nagpapahinga at natutulog ako ng maayos dito tapos manggigising kayo!" Sabi nya at galit na galit.

"Cessa's boy version." Sabi ni felix.

"Sinong nagbato nung bag sakin?!" Pagtatanong nya at inis na inis parin.

"Pasensya na, hindi namin sinasad-" Sabi ko pero biglang nagsalita si zayne.

"Ako." Sabi ni zayne, agad namang sinugod nung lalaki si zayne at hinawakan sa collar ng damit nya.

"Hoy, teka lang!" Sabi ko.

"Tama na yan." Sabi ni felix.

"Ano bang problema mo at kailangan mong ibato sakin yung bag?" Tanong nung lalaki.

"Paano kung zombie ka? Edi pinatay mo kami?" Sabi ni zayne.

"Pwede naman gisingin ng maayos, siraulo ka ba?" Yung lalaki.

"Eh bakit sino ka ba?" Sabi ni zayne.

"Sino ka rin ba?" Sabi nung lalaki.

Bigla namang dumating si greyson.

"Boss greyson!" Sabi ni felix.

"Anong nangyayari? Bakit ang tagal nyo? Akala ko ba kukuha lang kayo ng gasolina." Sabi ni greyson.

"Nag aaway yung dalawa eh." Sabi ni felix.

Nagkatitigan pa ng masama yung dalawa bago bitawan nung lalaki yung collar ng damit ni zayne.

"Kumuha na kayo ng gasolina." Sabi ni greyson kaya agad namang kumilos sila zayne at felix, tumulong na rin si greyaon sa pagkuha.

Inayos naman nung lalaki at tiningnan yung laman nung bag nya.

"Tara na drea." Sabi ni zayne kaya lumapit na ako sa kanila.

"Bukas ba makakadating din tayo agad sa kabilang city?" Pagtatanong ko.

"Oo, kung walang sasagabal sa daan natin." Sabi ni greyson.

"Hanap muna tayo bukas kahit mini store lang para makakuha ng pagkain at tubig." Sabi ni felix.

"Sige." Sabi ni greyson.

"Teka!" Sigaw nung lalaki kaya napatigil kami sa paglalakad at nilingon sya.

"Bakit?" Tanong ni felix.

"Pupunta kayo sa kabilang city?" Pagtatanong nung lalaki.

"Oo, bakit? Sasama ka ba?" Tanong ni felix.

"Pwede bang sumabay sainyo? Hanggang sa kabilang city lang, hihiwalay din ako sainyo dun. Nandun daw kasi yung mga rescuer hahanapin ko yung lolo ko." Sabi nya.

"Anong pangalan mo?" Pagtatanong ni greyson.

"Sylus."

"Tara, sa likod ka sumakay." Sabi ni greyson.

"Felix sa likod ka na lang sumakay, sa unahan na ako sasakay." Sabi ni zayne at nauna nang maglakad sa amin.

-

-

-

Nakasakay na nga ulit kaming lahat at pinaandar na ni greyson yung sasakyan.

Tatlo kaming nandito sa likod, ako, si felix at si sylus.

"Sorry pala sa nangyari kanina." Sabi ni sylus.

"Kausapin mo na lang si kuya, para magkasundo kayo, mabait naman yun." Sabi ni felix.

"Ah sige, ikaw si felix at ikaw si drea diba? Narinig ko lang kanina." Sabi ni sylus.

"Ah oo." Sabi ko.

"Wag nyo akong kakausapin, ayoko ng madaldal." Sabi ni sylus.

Luh?

-

-

-

"Baka gusto mo ng tubig o pagkain?" Tanong ko.

"Ayoko." Sabi ni sylus.

"Kumot? Baka nilalamig ka?" Tanong ko ulit.

"Ayoko nga sabi, pwede bang tumahimik ka na lang." Sabi nya.

"Hayaan mo na sya drea, pinaglihi ata yan sa sama ng loob." Sabi ni felix.

"Ha? Anong sabi mo?" Tanong ni sylus.

"Wala, tumahimik ka na lang." Sabi ni felix at natawa naman ako.

-

-

-

"Drea gising na." Sabi ni felix kaya agad akong gumising.

Papalitaw na yung araw.

"Nasaan na tayo?" Pagtatanong ko.

"Hindi ko alam eh, may ibang dinaanan si boss greyson baka shortcut to." Sabi ni felix.

Maya maya pa bigla na lang tumigil yung sasakyan.

"Ha?" Nagtataka si felix.

"Anong nangyari?" Tanong ni sylus.

"Tumigil yung sasakyan." Sabi ko.

"Alam ko." Sabi nya.

Alam naman pala nagtanong pa. Bumaba naman sila greyson at zayne sa kotse.

"Anyare boss greyson?" Tanong ni felix.

"Na flat, wala tayong pamalit na gulong dito." Sabi ni greyson at tinitingnan yung gulong nung sasakyan namin.

"Ayusin nyo na yung mga gamit nyo, maglalakad tayo." Sabi ni greyson.

"Sige!" Sabi ni felix.

Naglalakad na nga kami at puro gubat lang ang nasa paligid, nasa gitna kami ng daanan ng sasakyan. Hindi sya highway, shortcut lang sya na daanan like isang sasakyan lang pwedeng dumaan.

"Kamusta yvonne? Okay na ba pakiramdam mo?" Pagtatanong ni allison kay yvonne.

"Ahh oo, ayos lang ako." Sabi ni yvonne.

"Malayo pa ba tayo sa kabilang city?" Pagtatanong naman ni kevin.

"Malayo pa, hindi pa kita yung mga building dun mula dito." Sabi ni greyson.

Lumapit naman sa akin si cessa.

"Drea?" Mahinang sabi ni cessa.

"Sino yung isang lalaki? Kelan pa natin sya kasama?" Pagtatanong nya.

"Kagabi pa, sa may gas station natutulog kasi sya dun eh, akala nga namin zombie sya tapos ayun, sasabay nga daw sya hanggang sa kabilang city, hinahanap nya yung lolo nya. Sylus yung pangalan nya tapos ang sungit din, nag away nga sila ni zayne kagabi eh." Paliwanag ko.

"Ooohhh, itsura palang mukhang mayabang na, pero pogi." Sabi nya kaya medyo natawa naman ako.

Tahimik lang ang paligid habang naglalakad kami.

"Kung naka sasakyan sana tayo madali tayong makakapunta sa kabilang city." Sabi ni greyson.

"Pag nakarating na ba tayo dun at na rescue na tayo nila maghiwalay hiwalay na tayo?" Tanong ni allison.

"Depende kung andun yung hinahanap nyo." Sabi ni greyson.

"Wala naman akong hinahanap, kanino ako sasama?" Tanong ni allison.

"Sa amin ni yvonne." Sagot ni greyson.

"Oh, o sige." Sabi ni allison.

"Gusto ko nang makapunta dun agad, ilang beses na akong muntik mamatay at ayaw ko na yung maulit, ayaw ko ring may masaktan sa ating lahat." Sabi ni cessa.

Patuloy nga lang kami sa paglalakad hanggang sa napatigil kami kasi may isang sasakyan yung nakataob dun, naaksidente ata tapos may dalawang ding zombie ang lumalapit doon.

"May tao ata dun sa loob." Sabi ni kevin.

"Wag kayong magpapaputok ng baril." Sabi ni greyson at agad lumapit sa isa sa mga zombie at sinaksak yun sa ulo.

Lumapit na din si kevin dun sa isang zombie at agad nyang hinampas sa ulo yung zombie.

Agad namang sinilip ni zayne at greyson kung may tao nga dun.

"Tulungan nyo ako, nagmamakaawa ako sainyo, tulungan nyo ako." Sabi nung lalaki dun sa loob.

"Oo teka lang, kumalma ka muna." Sabibni greyson.

"May kasama ba sya?" Tanong ni yvonne.

"Wala." Sabi ni zayne.

Maya maya pa nga nailabas na nga nila yung lalaki dun sa sasakyan. Duguan yung ulo nya at may mga sugat din sya sa braso.

"Saan kayo pupunta?" Pagtatanong nya at takot na takot yung itsura nya.

"P-pu-punta kami sa kabilang city?" Sabi ni cessa.

"Wag! Nababaliw na ba kayo?! Gusto nyo bang mamatay?" Sigaw nito sa amin.

"Umalis na kayo dito!! Mamatay kayong lahat!" Sigaw nya.

"Teka, huminahon ka." Sabi naman ni greyson.

"Baliw ba sya?" Tanong ni felix.

"Hindi ako baliw! Binabalaan ko kayo wag kayong pupunta sa kabilang city! Mamatay kayong lahat." Sigaw nya sa amin.

"H-huh? Anong sinasabi mo?" Tanong ni cessa.

"Nasa kabilang city yung mga rescuer diba? Anong ibig mong sabihin." Sabi ko kaya napatingin sila sa akin.

Nagulat na lang kami ng bigla nyang kunin yung baril sa may bewang ni greyson kaya napaatras kami.

Tinutok nya samin hung baril.

"Teka! Ibaba mo yan!" Sigaw ni greyson.

"Walang tutulong sa inyo dun, wag na kayong magbalak pumunta dun, mamamatay kayong lahat!" Sabi nung lalaki at biglang tinutok sa ulo nya yung baril.

"Teka!" Sigaw pa ni greyson pero nagulat na lang kami ng bigla nya yung ipinutok sa ulo nya at tuluyan na syang bumagsak sa gitna ng daan.

Lahat naman kami ay nagulat sa nangyari.

Agad namang pinulot at kinuha ni greyson yung baril dun sa harap nung katawan nung lalaki.

"Umalis na tayo dito." Sabi ni greyson at tahimik kaming umalis dun.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at hindi parin mawala sa isipan ko yung nangyari. Nanginginig yung mga kamay ko.

Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni cessalat yung kamay ko.

"Magiging okay din ang lahat." Sabi ni cessa at nginitian ako.

"Sa tingin nyo ba totoo yung sinasabi nung lalaki? Na walang tutulong sa atin dun?" Tanong ni yvonne.

"Hindi natin alam, kaya kailangan na agad nating makapunta dun sa kabilang city." Sabi ni greyson.

"Pero paano kung totoo yung sinasabi nung lalaking baliw? Na walang tutulong sa atin dun. Takot na takot din sya." Sabi ni kevin.

"Maghahanap pa rin tayo." Sabi ni greyson.

"Tumahimik na nga kayo, naniniwala kayo sa baliw na yun? Bilisan nyo na para makarating na tayo sa kabilang city." Sabi ni sylus.

"Wow, hindi ho agad agad tayo makakapunta nang naglalakad lang at kung magrereklamo ka mauna ka na lang." Sabi ni cessa.

"Anong sinabi mo?" Tanong ni sylus

"Bingi ka ba?" Pabalik na tanong ni cessa.

"Hayaan mo na yan." Sabi ni felix kay cessa.

"Nakikisama na lang kasi, ang dami pang sinasabi." Sabi ni zayne kaya napatingin kami sa kanya.

"Isa ka pa, ang hilig mong makealam sa buhay ng iba." Sabi ni sylus at sinamaan naman ng tingin ni zayne si sylus.

"Tama na yan." Sabi ni yvonne.

"Para kayong mga bata." Sabi ni greyson.

"Yes, hindi naman kami mga mukhang lola at lolo diba." Sabi ni cessa.

"Isa pa, babarilin ko kayong lahat." Sabi ni greyson at nauna nang maglakad.

"Sorry po hehe." Sabi ni cessa at natawa naman sila yvonne, felix at allison.

-

-

-

Tumigil sa paglalakad si yvonne kaya napatigil din kami.

Ginamit nya yung inhaler nya.

"Pwedeng magpahinga muna tayo saglit?" Tanong ni yvonne.

"Oo nga, kanina pa tayo naglalakad nahihirapan na ata syang huminga." Sabi ni cessa.

"Hindi ayos lang, pahinga lang tayo saglit." Sabi ni yvonne.

"Sige pahinga muna tayo, kumain kayo kung nagugutom na kayo." Sabi ni greyson.

"May sasakyan dun!" Sabi ni kevin at tumakbo papunta dun sa may sasakyan. Sumunod naman si greyson kay kevin kaya sumunod na din ako.

Ichineck nila kung anong meron sa loob.

"Ano yan?" Pagtatanong ko sa hawak ni greyson.

"Mapa." Sabi nya.

"Patingin nga." Sabi ni kevin kaya nakisilip na rin ako.

"Ito yung kabilang city....." Sabi ni greyson at tinuro sa map yung kabilang city.

"Eh nasaan tayo ngayon?" Tanong ni kevin.

"Tingin ko, dito." Sabi nya at tumuro sa map.

"Ang layo pa pala natin." Sabi ni kevin.

"Hmm, kung dito tayo dadaan mas mapapadali ang pag punta natin sa kabilang city." Sabi ni greyson.

"Eh saan ba yan?" Tanong ni kevin.

"Sa highway, kung sa highway tayo dadaan mas mapapabilis pagpunta natin dun." Sabi ni greyson.

"Hindi ba delikado? Baka maraming zombie dun." Sabi ko.

"Titingnan natin, kung delikado, babalik na lang tayo dito." Sabi ni greyson.

"Sige." Sabi ko.

"Tara na, sabihin na natin sa kanila." Sabi ni kevin.

-

-

Sinabi na nga ni greyson na dun na kami maglalakad at dadaan sa highway para madali kaming makapunta sa kabilang city.


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C5
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập