Nagising ako sa loob ng sang... Hospital.
Si Sya ang nadatnan ko.
"Anong nangyari..."
" Master Zhio..."
Babangon na sana ako ng...
Bigla kong naramdaman ang sakit...
Kaya napahiga ulit ako.
" Wag ka masyadong magalaw."
Pag-aalala ni Sya.
" Zhio." Biglang pagdating ni Dr. Eriez.
" Ano bang nangyayari!"
Gumalaw ako... Ngunit napahiyaw ako sa sobrang sakit at hapdi....
" Zhio... Masasaktan at masasaktan kapag nagpumilit ka pa."
"...tss. ... Ano ngang nangyayari sa akin!.." Pagsigaw ko ng dis-oras.
May lumapit na nurse kay Dr. Eriez dala ang isang tray... May kinuhang Injection...
" bumalik lang naman ang Injury mo simula no'ng bata ka pa."
Lumapit siya sa akin... Pinigilan ako ng mga nurse... Saka sa akin itinusok.
" makakatulong yan sa'yo para kumalma ka."
Di ko alam kung anong gamot ang itinurok sa akin... Nanghina ako... At bago gumibat ang aking mga mata... Ang tangi kong sinabi...
" ... Kung maari lang iuwi niyo ako sa bahay."
<<<<<<<<<Sya>>>>>>>>>
" Kailangan siguro natin sundin ang gusto niya. Dr. Eriez.Alam natin na hindi siya komportable dito."
" kailangan nga ..."
" Bumalik ba talaga ang injury niya."
" Masama pa lalong lumala. May mga findings pa ngang pinag-aaralan upang maayos na makompirma."
" Sana di gaano mahirapan si Master Zhio."
Mula sa hospital , maingat na inuwi si Master Zhio.
Isa lang ang nagpapaalala sa akin... Ang mabusising pag-aalala ni Dr. Eriez sa injury ni Zhio.
" Kapag nagising siya agad mo ako ipatawag may kailangan siyang malaman..."
Kung ano man yun... Nasisigurado ko... Hindi yun magandang balita para kay Zhio.
<<< Zhio>>>>>>>>>>>
Masakit ang ulo ko ng magising ako. Mabuti at naisipan nilang iuwi ako.
"Oppss. Gising ka na. Huwag kang babangon at magalaw."
Si Dr. Eriez...
" Ba't nararamdaman ko na naman ito."
" Mabuti at naunawaan mo. Yan yung injury mo ng mahulog ka sa kabayo.Naalala mo pa ba kung gaano kasakit yun?."
" Sagutin niyo na lang ang tanong ko..."
" Ang injury maaring bumalik kapag nainfection ito ng bacteria... O masyado mong pinapagod ang sarili mo. At dahil dyan... May napakalaki kang problema."
"Tss...ano yun."
"Pinag-aaralan pa namin... At hindi ako magdadalawang isip na sabihin sa'yo na malaking problema nga yun. Ang magagawa mo lang ngayon ay magpagaling at magpahinga."
"Hangang kailan."
" One week."
" Ano!"
" Yun kung gusto mong habang-buhay kang malumpo... Bakit di mo suwayin. Zhio, ako ang doctor dito.."
" Isang linggo ako magkukulong dito!"
" Yah. Malaki ka na. Gagawin mo ang sinabi ko... Upang gumaling ka. Si Atty. Wenziel muna ang bahala sa kompanya ninyo."
" tss..."
" Magpahinga ka muna."
"Asar."
" Isipin mo na lang One week ...Day-off mo."
" Argh..."
Tumalikod si Dr. Eriez.
Tumunog ang phone ko...buti na lang malapit sa akin.
Si Deo ang caller.
" Napatawag ka."
" Sorry Sir. Pero lumalala na ang problema ni Ms. Claire tungkol sa pamilya niya."
" Tss... Anong sinabi ko. Tulungan ninyo siya."
" pero... Pati po ba ang pamilya niya."
" Tsk. Lahat ng bagay na nagdudulot ng problema sa kanya... Lahat ng yun ayusin ninyo!"
" Yes .. Sir."
Napabuntong hininga ako sa init ng ulo ko ngayon.
" Teka lang Deo."
"Sir..."
" Kamusta siya ngayon."
" Sir sa totoo niyan... Nakita ko siyang umiiyak kahapon. May madre namang kumausap sa kanya."
" Bakit daw."
" Kunausap ko din yung madre. Ayon dito ... Dinala yung older brother niya sa hospital kahapon.
" Tss... Alamin ninyo... At ayusin ninyo ang trabaho niyo."
" Yes. Sir."
Binaba ko na.
Pumasok si Sya. May dalang sang tray...
" kumain ka na Master Zhio."
" Hindi po ako nagugutom."
" Ngunit hindi ka pa kumakain."
" Mamaya na lang po siguro."
" Sige... Tawagin mo na lang kami kung may kailangan ka."
Lumabas si Sya.
Ilang minuto pa lamang ang lumipas ...
Naiinis na ako.
" F*ck."
What is your greatest Accident happened in your life?