Tải xuống ứng dụng

Chương 8: Chapter 6

Naging malungkot si Nica kinabukasan pagkatapos ng "Set up" date nila ni Leo kagabi. Pakiramdam nya ay pinagtaksilan sya kahit wala namang namamagitan sa kanila ng binata.

"...I even take them to bed afterwards. But since you're not my fling, ihahatid kita." naalala niyang wika ng binata.

She sighed at that thought. Siguro ay nag-assume sya na gusto sya nito. Maybe she's no that special. Siguro nga wala lang para dito ang ginawa nilang milagro nung gabing iyon.

"No! He asked you to be his partner in bed! Hinalikan ka nya ng ilang beses kahit na hindi ka nya lubos na kilala! Maybe he's attracted to you!" Sigaw ng kanyang isip. Napabuntong hininga sya. Masyado syang nag-o-overthink sa feelings ng binata sa kanya.

Napa-iling iling sya at pinagpatuloy ang pagta-trabaho. The best thing about her job is it is so indulging to the point na hindi nya alam na nag-o-overtime na pala sya.

Bigla syang natigilan nang may biglang maalala. Birthday ni Dennis ngayon!

Nagmamadali nyang kinuha ang handbag at hinanap ang binatilyo sa building.

****

"Ma'am Nica! Hindi ko po yata kayang pumasok dyan."

"Ano ka ba! Bar lang yan! Sasayaw ka lang dyan at iinom at makikipag-usap sa mga girls!"

Kanina pa hinihila ni Nica si Dennis sa loob ng exclusive bar para sana mag liwaliw at i-celebrate ang kaarawan nito. Ang kaso ay masyadong mahiyain ang kasama nya at nagpapahila pa papasok ng bar. Marami ng tao ang nagtitinginan sa kanila dahil kanina pa nya pinipilit ang kasama.

"Halika na Dennis! Ganyan din yung feeling ko nung first time ko mag bar hopping! Pero worth it naman eh! Masaya sumayaw dyan sa loob! Party party!" Bahagya syang sumayaw sa mahinang musika na naririnig nila mula sa labas ng bar.

"Ma'am Nica pang mayaman yang bar na yan, diba? Hindi ko kayang bayaran ang entrance fee dyan! Ayoko po talaga!"

"Nako Dennis! Kalalake mong tao, duwag ka! Masaya dyan sa loob! Sige na! Para kang Virgin eh!" Singhal nya dito. Natawa sya nang makitang namula ang magkabilang tenga nito.

"Halika na! Birthday mo ngayon kaya dapat masaya ka lang! Akong bahala sa entrance fee at sa drinks!" Ngiti-ngiti nya itong hinatak ulit papasok sa bar.

Nang makapasok na sila ay halos mabingi sila sa lakas ng music na naririnig nila. Malakas din ang sigawan ng mga tao sa paligid nila. Sa gitna ng bar ay ang dancefloor, sa gilid naman ng dancefloor ay mga sofa at tables na para sa mga regular customers. Nasa 2nd and 3rd Balcony naman ay para sa mga VIP at VVIP at kadalasan ay puno iyon ng mga mayayaman at feeling mayaman.

Naupo sila sa isang bakanteng sofa at um-order ng drinks. She ordered whiskey. Nahihiya man ay umorder na rin si Dennis ng beer at pulutan.

"Gusto mo bang sumayaw, Dennis? Pwede ka namang sumayaw kung gusto mo eh." Sigaw nya para marinig sya nito sa kabila ng ingay sa loob ng bar. Nginitian nya ito at uminom ng whiskey.

"Ma'am Nica nakakahiya po!" Sigaw ni Dennis sa kanya para marinig nya ito.

"Ano ka ba! Mag-enjoy ka nga! It's your day!" Hinila nya ito papunta sa dancefloor. Sumayaw sila sa isang hiphop song. Natatawa sya dahil nakasimangot si Dennis habang sumasayaw. Pero nung may isang sexy'ng babae na nakisayaw kay Dennis ay wala na itong nagawa kundi ayusin ang pagsayaw para ma-impress ang babaeng kasayawan nito. Paglipas ng ilang minuto ay may sariling mundo na ang dalawa.

Mag-isa syang sumayaw sa gitna ng dancefloor. Napapangiti sya habang pinagmamasdan si Dennis na unti-unting nasasanay sa mga tao at ingay ng bar.

"Mukha yatang bad influence ako kay Dennis!" Bulong nya sa sarili habang sumasayaw.

Maya-maya'y may lalakeng lumapit sa kanya at nakisayaw din sa kanya.

"Hi Miss! What's your name?" Tanong ng isang lalake na sa tingin nya ay nasa mid-40's nito. Malakas din ang appeal nito at medyo mataas ng konti sa kanya. Nakasuot din ito ng white longsleeves na nakatupi hanggang siko at slacks. Hula nya ay nagtatrabaho ito sa isang opisina. Higit sa lahat, may bakat ng wedding ring ang ring finger nito kahit walang wedding ring na nakasuot dito which means na katatanggal pa lang nito ng wedding ring sa kamay nito. Normal na para sa kanya na lapitan ng mga lalake'ng "sex" lang ang habol sa kanya------pero hindi naman sya nagpapadala sa mga iyon.

"I'm asking what's your name?" Sigaw ng lalake sa kanya para marinig sya nito sa kabila ng napakalakas na music sa dancefloor.

"How about you?! What's the name of your wife?!" Tanong nya dito sabay titig nya sa ring finger nito na may bakat ng wedding ring. Napansin ng lalake ang pagtitig nya sa kamay nito. Natawa sya nang sumimangot ito at umalis sa harapan nya.

Nang matapos ang isang music ay mabilis na hinanap ng mata nya si Dennis ngunit nagtaka sya na wala na ito sa puwesto nito kanina. Umalis sya ng dancefloor at hinanap ang kasama. Napangiti sya nang makitang may ka-halikan itong babae sa isang sulok.

"Fast learner din pala itong kasama ko." Napahagikgik sya. Pwede na rin naman pala syang maging proffesional matchmaker kagaya ng babaeng nag-set up sa kanila ni Leo.

Napasimangot sya. "Bakit ko ba naaalala ang lalakeng yun? Masaya naman yun na nakahiga sa kama nya kapiling ang mga fling nya." Sa sobrang sama ng loob ay napa-order muli sya ng isang baso ng whiskey. Umupo sya sa sofa na kinauupuan kanina at nagpahinga saglit. Unti-unti na rin syang nakakaramdam ng hilo kaya pinuntahan nya si Dennis para ayain na itong umuwi. Nagulat sya nang makitang hinahalikan na ni Dennis ang leeg ng babaeng kahalikan nito kanina. Nag-init ang magkabilang-pisngi nya nang makitang hinila ni Dennis yung babae papunta sa CR.

"Hala! Anong gagawin ko?" Natatarantang tanong nya sa sarili. Napa-padyak padyak sya sa sahig sa sobrang pag-aalala.

"What are you doing here?"

Napakunot-noo sya at nilingon ang pamilyar na boses ng isang lalake. Nagulat sya nang makita ang seryosong mukha ni Leo. And in an instant, millions of electricity was sent to each and every cell in her body. Mistula syang estatwa dahil sa biglaang pagsulpot ni Leo sa kinaroroonan nya. She can feel her heart's beating----na animo'y lumulundag iyon sa loob ng katawan nya. She stared to his grey, emotionless eyes.

"Why are you here? Maraming mga bastos at lasing dito tapos mag-isa ka pa." Mahinahong tanong nito sa kanya. Bigla syang natauhan sa tanong nito.

"Eh ikaw? Anong ginagawa mo dito? Hindi ba dapat pag mayaman nasa 2nd or 3rd Balcony ka kasi nga VVIP ka? Paano mo ako nakita dito?" Nagtatakang tanong nya. Nagulat sya nang bigla sya nitong hilahin palabas ng bar.

"Uy ano ka ba! May gagawing milagro si Dennis sa kasama nyang babae kanina! Kailangan ko silang pigilan!" Pilit syang nagpumiglas sa pagkakahawak ni Leo sa pala-pulsuhan nya. Nang makalabas na sila ng bar ay hinarap sya nito ng maayos

"At saka bakit mo ako hinila palabas?! Pipigilan ko pa si Dennis eh! Alam mo bang magme-make out sila ng babaeng kasama nya kanina? Baka mabuntis nya 'yun!" Dugtong pa nya. Napahalukipkip sya at napakagat-labi sa sobrang kaba.

"Tssss... Don't worry. Ipinasundo ko na si Dennis kay Harvey. Si Harvey na ang bahalang maghatid kay Dennis sa Dorm nya."

Nanlaki ang mga mata nya. "Dis oras na ng gabi, Leo! Bakit mo pa pinagtatrabaho si Harvey? Ibang klase ka! Hindi mo man lang ba naisip na kulang na kulang na ang oras ni Harvey para sa pamilya nya? Tapos madaling araw na kasama mo pa rin sya? Hindi ka ba talaga nag-iisip? Akala ko may utak ka?" Sinigawan nya ito na parang magulang na sinasaway ang anak. Mabilis nyang tinakpan ang bibig dahil sa mga sinabi nya.

"S-sorry. Medyo lasing na rin kasi ako eh. Hindi ko talaga napipigilan yung sarili ko kapag may gusto akong sabihin. Sorry po talaga." Napayuko sya sa sobrang pagkapahiya.

"Tapos na ang panenermon mo? Pwede na ba kitang ihatid pauwi?" He asked in a cold tone.

Biglang bumilis ang tibok ng puso nya. Bakit sya ihahatid nito? Wala naman itong responsibilidad sa kanya.

"Huwag na. Bakit ka pa mag-aabalang ihatid ako? Mabuti pa, maghanap ka na lang ng babaeng maisi-siping mo dyan sa loob ng bar. Pakisabi kay Harvey na ako na lang ang maghahatid kay Dennis sa dorm. Paki iwan na lang kamo si Dennis sa harap ng bar, susunduin ko sya. Kaya ko pa namang mag-drive eh. Babay po." Tinalikuran nya si Leo at pumasok ulit sa loob ng bar. Nakita nya sa di-kalayuan si Harvey kasama si Dennis. Inaaalalayan ito ni Harvey dahil medyo lasing na rin ito. Nang makalapit siya sa dalawa ay agad nyang inalalayan si Dennis at inakbay ang kanang braso nito sa kanya. Lumabas na sila ng bar at hinanap kung saan naka-park ang kotse niya.

"Dennis! Okay ka lang ba? Akala ko isang beer lang ang ininom mo? Bakit ka nalasing ng ganyan?" Tanong nya dito.

"Ma'am Nica! Ayos lang po ako! Hindi pa po ako lasing. Nahihilo lang po ako." Tanggi ni Dennis sa paratang nya. Napabuntong hininga sya at binalingan si Harvey.

"Sige na Harvey. Umuwi ka na. Ako na ang bahala sa walang puso mong amo. Madaling araw na nagtatrabaho ka pa rin?"

"Naku Nica. Papagalitan ako ni Bossing kapag pinabayaan kitang umuwi mag-isa."

"Ano ka ba? Wala naman kaming relasyon ng boss mo. Bakit naman sya concerned sa akin? Sabihin mo sa akin kung pagagalitan ka ng mokong na yun! Akong bahala na rumesbak para sayo. Uwi ka na Harvey." Inalis ni Nica ang kamay ni Harvey na umaalalay sa bewang ni Dennis at sinenyasan itong umalis na. Ngunit bago pa man makaalis si Harvey ay pumarada na sa harap nila ng isang Buggatti. Bumukas ang bintana ng kotseng iyon at bumungad ang seryosong mukha ni Leo.

"Halika na Nica. Sumakay na kayo sa kotse ni boss. Ako na ang bahala maghatid ng kotse mo sa bahay nyo tutal magkapit bahay naman tayo. Si boss na maghahatid sa inyo." Pagpupumilit ni Harvey sa kanya.

"Okay lang. Kaya ko mag-isa itong si Dennis. Umuwi na kayo ng boss mo."

"Harvey! Gawin mo na ang inuutos ko." Mariing utos ni Leo kay Harvey habang seryosong nakatingin sa kanya. Mabilis na kinuha ni Harvey ang susi ng kotse nya na hawak-hawak nya at tinulak sila papasok ng kotse ni Leo. Napasimangot sya. Kahit kailan talaga ay loyal na loyal si Harvey sa amo nito.

"Saan nakatira si Dennis?" Malumanay na tanong ni Leo sa kanya.

"Sa bahay ko na lang muna sya matutulog. Ihatid mo na lang ako sa bahay ko." Walang gana nyang tugon.

"Bakit sa bahay mo? Are you serious? You'll let a drunk man sleep in your house? Nahihibang ka na ba?" Iritadong tanong nito sa kanya habang nagmamaneho.

"Bakit naman hindi? Ako nga nakitulog at nag-enjoy sa kama mo nung araw ng party. Stranger ka at lasing pa nga ako nung mga panahong 'yun.. Nagreklamo ka ba? Diba hindi naman? Nag-enjoy ka pa nga ng husto. Nag-three rounds ka pa. "

"That's a different situation, Veronica! For pete's sake! Pwede bang tigilan mo na yang pakikipagtalo mo sakin? Mas mabuti kung ihahatid mo sya sa bahay nya."

"Walang pamilya si Dennis dito sa maynila. Mag-isa lang sya at nagdo-dorm pa. Sa tingin mo sinong mag-aasikaso sa kanya sa dorm nya paggising nya sa umaga? Diba wala?" Napabuntong-hininga sya. "At least dun sa bahay namin, maaasikaso ko sya. Tutal ay ako naman ang may kasalanan kung bakit sya nalasing kaya ako na lang ang mag-aasikaso sa kanya. Mabait na bata si Dennis kaya nakakasiguro ako sayo na wala syang gagawing masama sa amin ni nanay. Nag sleepover na kaya sya sa bahay namin ng ilang beses."

"What??!" Biglang inapakan ni Leo ang preno sa gulat. "You let a guy sleep in your house multiple times?!" Galit syang tinitigan nito sa rearview mirror.

"Bakit ang sama mong makatingin? Wala naman kaming ginagawang masama ah! Nakikitulog lang sya minsan sa bahay tuwing christmas at new year. Ano ba ang iniisip mo? Na may namamagitan sa amin? Higit kanino man ay ikaw ang mas nakakaalam na wala pa akong nakakapiling na ibang lalake sa kama maliban sayo!." Sumbat nya dito sa galit na tono.

"I'm sorry." Biglang lumambot ang ekspresyon nito sa kanya. Gayunpaman ay nag-iwas sya ng tingin sa sobrang inis. Nagagalit sya dito. Wala ba itong tiwala sa kanya?

"Fine. Pwede syang matulog sa bahay nyo pero sa isang kondisyon." Bigla nitong wika. Tiningnan muli ito ni Nica sa rearview mirror.

"Ano na naman ang trip mo?" Inis na tanong nya.

"Matutulog din ako sa bahay mo."

Nanlaki ang mga mata nya. "Ano?! Hindi na tayo kasya sa bahay! Masikip kung matutulog kayong dalawa sa extrang kuwarto sa bahay namin. Sigurado akong hindi ka sanay matulog sa sahig!"

"I'll sleep in your bed."

Mas lalo syang nataranta. "Ano ba yang pinagsasasabi mo? Baliw ka na ba? Ano na lang ang iisipin ni Nanay kapag nakita nya tayong magkatabi sa kama?" She exclaimed.

"Tssss... Ngayon ka pa nahiya? I've kissed every part of your body kaya wala akong nakikitang mali kung tatabihan kita sa kama."

Bigla syang namula. "P-pero.... M-m-maliit lang yung k-kama ko--"

"Basta matutulog ako sa bahay nyo kung matutulog din doon si Dennis." Putol nito sa mga protesta nya.

Hindi na sya umangal. Magmumukha lang syang tanga kung papatulan nya ang lalake.

Nang makarating na sila sa bahay nya ay inlalayan nilang dalawa ang lasing na si Dennis papasok ng bahay niya. Dinala nila si Dennis sa bakanteng kuwarto kung saan natutulig ang mga bisita nila. Nang maihiga nya si Dennis ay marahan nyang isinara ang pinto at hinarap ng maayos si Leo.

"Nasaan ang kwarto mo?" Tanong nito sa kanya.

Tinuro nya ang kwarto na nasa likuran nito. Agad itong pumasok sa loob at walang pakundangang humiga sa kama nya.

"Magpapalit lang ako ng pantulog. Ayos ka lang ba sa suot mo? M-magpapalit ka pa ba ng damit? Pasensya na wala kaming damit panlalaki dito sa bahay."

"It's okay. I'm used on wearing only my boxers and shirt." Hinubad nito ang coat na nakapatong sa V-neck gray shirt nito at pants. Nag-iwas sya ng tingin at pumunta na sa CR para magbihis. Simpleng terno ng pajamas ang sinuot nya. Paglabas nya ng CR ay nakita nyang mahimbing na natutulog si Leo.

Napangiti sya at humiga na rin sa tabi nito. Kahit paano ay may malasakit sa kanya ang binata. He's a type of guy na kapag nakuha na ang gusto sa isang babae ay tapos na. Pero kahit may nangyari na sa kanila't lahat ay patuloy pa rin syang nilalapitan ng binata. Kahit paano ay masaya na rin sya dahil sa pinapakitang concern nito sa kanya.

"Thank you nga pala sa concern." Dinampian nya ito ng halik sa noo bago nya ipinikit ang mga mata at hinayaang lamunin sya ng antok.

Naalimpungatan si Leo nang makaramdam sya ng mabigat na bagay na naka-dagan sa tyan nya. Nang imulat nya ang mga mata ay bumungad sa kanya ang tulog na mukha ni Nica. Nakadagan ang binti ng dalaga sa tyan nya habang nakatihaya itong natutulog. Bahagya ring naka-awang ang labi nito at medyo malakas humilik.

Napangiti sya. Nica never fails to amuse him. She could send a million volts of electricity in his system everytime she stare or touches him. Her smile is also his happy pill. Kaya pinapasundan nya ito araw-araw kay Harvey. Si Harvey din ang nagsabi sa kanya na balak nitong pumunta sa bar kasama si Dennis.

And then it hit him. Naalala nya ang sinabi nito kagabi.

"Dis oras na ng gabi, Leo! Bakit mo pa pinagtatrabaho si Harvey? Ibang klase ka! Hindi mo man lang ba naisip na kulang na kulang na ang oras ni Harvey para sa pamilya nya? Tapos madaling araw na kasama mo pa rin sya? Hindi ka ba talaga nag-iisip? Akala ko may utak ka?"

He smiled at that thought. Ito lang ang kauna-unahang tao na sumasagot-sagot sa kanya maliban sa Mommy nya. He's a well-known lawyer in his field pero kapag nakikipagtalo sa kanya si Nica ay natatameme sya. She's good at arguing!

Nabigla sya nang humarap sa kanya si Nica at bigla syang niyakap. His smile widened. He can even smell the scent of her morning breath. Unti-unti itong nagmulat ng mata at medyo nabigla pa ito nang makita syang titig na titig sa kanya. Medyo lumayo si Nica sa kanya at inayos ang sarili.

"Good Morning." Bati nya sa dalaga. He smiled.

"A-ano... Good Morning. H-hindi ba ako humilik? Sabi kasi ni Nanay malakas daw akong humilik." Nahihiyang tanong nito sa kanya. Even her morning voice sounds sexy.

"Nope. Ni isang hilik wala akong narinig." Pagsisinungaling nya. He stared at her, like it is the last time he's going to do that.

"B-bakit ka ganyan makatitig? May muta ba ako? O tuyong laway?" Nag-iwas ito ng tingin sa kanya at kinapa-kapa ng daliri ang gilid ng mga mata at labi nito, kapagkuwa'y biglang nagseryoso at hinarap sya ng maayos.

"Thank you nga pala sa paghatid sa amin ni Dennis. Pwede ka ng umalis. Mamaya naman ay uuwi na rin si Dennis sa dorm nya. Hindi ba't busy kang tao? Baka naaabala na kita ng husto." Nahihiyang wika ng dalaga sa kanya.

Tumango sya. "Fine. I'll go. But first, i wanted to tell you na hindi libre ang pagtulong ko sayo."

Her eyes widened in disbelief. "Grabe ka! Ikaw 'tong nag-utos kay Harvey na pwersahan kaming ipasok sa magara mong kotse tapos ngayon gusto mo ng kapalit? Nagsha-shabu ka ba?"

"Go out with me."

Literal na napanganga si Nica. "Ano?"


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C8
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập