Tải xuống ứng dụng

Chương 6: Chapter 4

"Matchmaker?" Nica's eyes widened in disbelief.

"A few months ago, nag-hire ako ng Matchmaker para hanapan ng babaeng pag-i-interesan ang anak ko. The matchmaker did put an effort para maghanap ng babaeng maaaring matipuhan ng anak ko. And then, she recommended you. Sya rin ang nagplano ng pagkikita nyo ng anak ko that night sa party." Pag-amin ng Ginang.

"So ang ibig nyo pong sabihin, nag hire po kayo ng taong magse-set up sa aming dalawa ng anak mo?" She felt defeated. Pakiramdam nya ay pinagtutulungan sya ng mga tao sa paligid nya.

"Yup. The Matchmaker i hired is like the modern day cupid minus the bow and arrow. Nagse-set up sya ng mga milyonaryo sa mga babaeng pasok sa mga standards ng mga kliyente nya. I can tell that she's very good at her job as a matchmaker. Simula ng makilala ka ng anak ko that night ay pinaimbestigahan ka nya kaagad. Iyon ang isang bagay na hindi nya nagagawa pa sa mga babaeng dumaan sa kama nya. Im so sorry pero hindi ko intensyon na may mangyari sa inyo ng gabing yun. Ang gusto ko lang naman ay makilala ka nya."

Bigla syang namula. "P-paano nyo po nalaman na m-may n-nangyari..." Hindi na nya naituloy ang sasabihin sa sobrang pagkapahiya. Nginitian sya ng Ginang.

"As you can see, lahat ng sulok ng bahay ay may cctv except sa mga kwarto namin. Nang lumabas ka ng kwarto ng anak ko ay madaling araw na at suot mo pa ang longsleeves at basketball short nya paglabas mo ng mansyon. Sa tingin mo, kung ikaw ang kikilatis ng sitwasyon, ano ang unang papasok sa isip mo? Pumasok ka ng gabi sa kwarto ng isang lalake at paglabas mo ay iba na ang suot mong damit. At maliban doon ay ini-report din ni Manang Pilar na may bahid ng dugo sa bedsheets ng anak ko. I think you're still untouched the night he took you, am i right?"

Napakagat-labi sya. Hindi nya alam kung paano magre-react sa harap ng ginang. Halos gusto nyang lamunin ng lupa sa sobrang kahihiyan. Napayuko na lang sya at nilaro-laro ang mga daliri.

"Don't worry, hija. Mananatiling sikreto ito sa pagitan nating dalawa kaya huwag ka ng mahiya. You seem pretty intelligent in my own opinion. Akala ko talaga ay walang makakahalata ng mga plano namin ni Matchmaker. But at least i feel less guilty about what i did. Im so sorry for the troubles i caused. Gusto ko lang naman na hindi maging mag-isa sa buhay ang anak ko. Im sure you understand my perspective."

Kahit paano ay nagawa nyang ngitian ang ginang. "Naiintindihan ko po, Maam. Maging si Nanay ay gusto na akong ibenta sa lalake para lang makapag-asawa. Kagaya nyo ay takot rin sya na maging mag-isa ako sa pagtanda. Pero maam, kung kami po talaga para sa isa't-isa ng anak nyo ay tadhana na mismo ang gagawa ng paraan para paglapitin kaming dalawa. Hindi nyo na po kailangang mag-abala sa magiging future ng anak mo dahil matalino naman sya at higit sa lahat ay may direksyon sya sa buhay at napaka-successful na nya para sa edad nya. Kung gusto nyo po talaga ng babaeng karapat-dapat para sa kanya ay hindi po ako 'yun."

"Sa tingin mo ba ay deserving ang anak ko ng isang buong pamilya?" Tanong ng ginang sa kanya para iwasan ang usapan nila kanina. Gayunpaman ay tumango sya bilang pagtugon.

"Lahat naman po yata ay deserve ng pamilyang buo, Maam. Matalino po ang anak mo kaya hindi na kailangan na i setup pa sya para lang magka-lovelife. He's successful, good looking, and a very fine man kaya hindi na sya mahihirapang maghanap ng babae para sa kanya. Sa tingin ko nga ay ang mga babae pa ang luluhod sa harap nya para lang mapakasalan nya."

"Then give him a shot. Please hija. I want you to get to know my son well. Maybe he's mean and cold pero sa totoo lang ay compassionate ang unggoy na 'yun. Hindi lang talaga sya marunong mag-express ng emosyon nya." Ngumiti ito. Tila lumambot ang puso nya sa mga sinabi nito tungkol sa anak.

"Thank you po Maam kasi naging honest kayo sakin. Hayaan nyo po, tutulungan ko po kayo. Ita-try ko pong mas kilalanin pa ang anak mo. Pero kung hindi man kami ang para sa isa't-isa ay ako mismo ang magre-reto ng mga kaibigan ko sa kanya."

Natawa ang ginang. "You have a great sense of humor, hija. Please call me Mom. Wala kasi akong anak na babae. I like you so much to be a member of our family. Alam kong masyadong mabilis pero madali ka kasing mapag-gaanan ng loob. You have this sweet charm with you everytime you smile. And you have a cute dimples."

"Thank you po." She smiled.

Nagtuloy pa ang kwentuhan nila ng Ginang hanggang sa hindi na nya namalayan na mag-aalas otso na pala ng gabi. Halos lahat ng pinag-usapan nila ay tungkol sa buhay nya.

Inanyayahan na sya ng ginang na mag-dinner sa mansyon. Nagpaluto ang ginang ng mga putaheng paborito nya. Pilit man syang tumanggi ay hindi nya na natanggihan ang ginang nang magmakaawa ito na sabay na silang kumain. Lumabas na sila ng library habang masayang nag-uusap hanggang sa hindi nya namalayan na nakaupo na pala sila sa hapagkainan.

Habang kumakain ay tuloy pa rin ang pag-uusap nila tungkol sa mga hilig nya at hilig nito sa mga libro at pelikula. Ni hindi na nya namalayan nang may biglang umupo sa tabi nya.

"It seems na bumalik ka ulit sa mansyon. Akala ko ayaw mo ng bumalik dito?" Tanong ng isang pamilyar na tinig ng taong umupo sa tabi nya. Biglang napawi ang ngiti nya at nilingon ito. Nagulat sya nang makita ang seryosong mukha ni Leonardo na titig na titig sa kanya.

"Hehehe. Sorry po, Sir... may pinag-usapan lang kami ng mama mo. Tara kain po tayo." Pag-aaya nya sa binata ng may ngiti sa mga labi. Nilagyan nya ng kanin ang plato nito at nilagyan nya ng adobo."

"Im sorry, i don't eat adobo."

Biglang tumaas ang isang kilay nya. "Sus! Anong i dont eat adobo? Pilipino ka bang talaga? Lahat ng pilipino mahilig sa adobo! Aarte ka pa. Try mo kasi muna." Nginitian nya ito.

Napipilitan man ay sumubo ito ng adobo. Nagulat sya ng bigla nitong kinuha ang isang mangkok ng adobo na naka-hain sa gitna ng lamesa at kumuha pa ng marami.

"Diba masarap? Sabi ko sayo masarap eh. Aarte ka pa." Ngiti-ngiti sya at nagpatuloy na rin syang kumain.

"Bagay na bagay kayong dalawa." Biglaang wika ng ina ng binata na naging sanhi ng pagsamid nya. Mabilis nyang kinuha ang isang baso ng tubig sa tabi nya at ininom ito.

"Mom!" Saway ng binata sa ina.

"What? Totoo naman! Look how charming Nica is. Nag bother pa talaga syang pilitin kang kumain ng pagkaing pinandidirihan mo dati."

Biglang pinamulahan ng mukha si Nica. "Mommy, nakakahiya po kay Sir. Baka masisante ako ng wala sa oras." Napangiti na rin sya. Nasanay na sya sa paulit-ulit na pag-i-insist ng ginang na bagay silang dalawa ng binata.

"And now you're calling her 'Mommy'." Puna nito sa kanya at muling binalingan ang ina nito. "Pinangungunahan mo na naman ba ang future ko, Mom? We talked about this!"

"Tssss.. don't be such a brute, anak. Close kami ni Nica kaya ako mismo ang nag-request na tawagin nya akong Mommy. Tutal ayaw mo namang magpakasal ay nagdesisyon na lang ako na gawing syang anak-anakan. Okay lang naman kay Nica kaya i don't see any problem with that."

"Sir, nagseselos ka ba sakin? Gusto mo bang ikaw lang ang tatawag ng Mommy sa mama mo? Sige, tita na lang ang itatawag ko sa kanya."

"Tsss.. Let him be, Nica. Hayaan mo syang magselos. Wala naman yang time para sa ina nya kaya kasalanan nya yan."

Padabog na umalis si Leonardo sa hapagkainan. Nagulat sya nang makitang simot na simot ang plato nito bago umalis.

"It seems that he likes your favorite food too." Ngumiti ng makahulugan ang ginang. Napangiti na rin sya. Nakaramdam sya ng kilig dahil sa sinabi ng ginang.

Matapos nilang kumain ay nagpaalam na syang umalis. Nag-alok ang ginang na ipahatid sya sa driver nito ngunit tumanggi sya.

"Mag-iingat ka hija. Sigurado ka bang ayaw mong magpahatid?"

"Huwag na po, Mommy. Kaya ko pong umuwi mag-isa. Salamat nga po pala sa pagkain at mga kwento."

"You're welcome, hija." Inilapit nito ang mukha nito sa kanya at bineso-beso sya.

"Sige po mauna na ako." Kumaway sya rito at naglakad palabas ng gate. Hindi pa sya nakakarating sa kalsada nang magulat sya ng may itim na kotse na humarang sa daraanan nya. Napakunot-noo sya nang makita ang mukha ni Leonardo na naaaninag nyang nasa driver's seat nito.

"Ano na naman ang trip ng taong ito at hinarangan ako sa daan?" Tanong nya sa sarili. Nabigla sya nang bumukas ang bintana ng kotse nito.

"Ihahatid na kita." Alok nito.

"Hehehe! Sir okay lang po ako! Kaya ko pong umuwi mag-isa. Masyado na akong nakaka-abala." Nginitian nya ito. Nag-umpisa na syang maglakad ulit at nilagpasan ang kotse nito ngunit nagulat sya nang biglang humarurot ito at hinarangan ulit ang daraanan nya.

"I said, HOP IN!" He said with full of authority. Napalunok sya. Nakakatakot ito kapag nakakunot ang noo at tumataas ang boses. Ngunit hindi sya nagpatinag at umarteng walang narinig. Sumipol-sipol sya at iniwas ang tingin sa binata.

"Hop in or i'll make love to you right in this very spot. Right here, right now!" Banta ni Leonardo sa kanya. Nanlaki ang mga mata nya at mabilis na sumakay sa kotse nito.

"Pwede ba huwag ka manakot? Nakakatakot ka eh! Tapos nagbibiro ka pa ng sensitibong bagay!" Saway nya dito.

"I'm not joking, Nica. I can drag you in my car and im going to drive you crazy to your senses until you cant feel anything except lust and desire." Tinitigan sya nito. Napalunok sya. On the other hand, she wanted him to do that. She wanted to feel him inside her. She wanted to feel what it is like to be in that paradise again.

Namula sya dahil sa mga naiiisip. Mabilis nyang iwinaksi ang kagustuhan ng sistema nya at isinuot ang seatbelt nya.

"Sorry po ulit sa abala, sir." Napayuko sya.

"Stop calling me Sir. Hindi ako komportable sa pormalidad mo. I said, call me Leo."

Hindi na sya nagsalita. Hinayaan nya lang ito na magmaneho hanggang sa maihatid sya nito sa bahay niya.

Limang araw ang lumipas, naging regular muli ang takbo ng buhay nya. Yung tipong parang walang nangyaring matchmaking at walang chairman na biglaang sumusulpot sa tuwing mag-isa sya. Pakiramdam nya ay nag-reboot ang buhay nya.

Nakaupo sya sa couch ng starbucks at nagtitipa sa laptop ng mga ise-send nyang files sa pinsan nya nang maramdaman nyang may nagmamasid sa kanya sa di-kalayuan. Itinigil nya ang pagtipa at sinubukan nyang magmasid sa paligid ng coffee shop gamit ang kanyang peripheral vision. Nanlisik ang mga mata nya nang makita ang isang lalakeng naka-sunglasses at naka-cap na nasa pinakasulok ng coffee shop at kinukuhanan sya ng litrato. Mabilis syang tumayo at nilapitan ito. Kinuha nya rin ang camera na nasa kamay nito.

"Bakit mo ako kinukuhanan ng litrato?" Tanong nya at sinuri ang laman ng digital cam nito. Tama nga ang hinala nya, kinukuhanan sya ng mga litrato ng misteryosong lalake.

"I'm sorry, Miss. I'm a tourist and a proffesional photographer from japan and i decided to rest for a while here in this coffee shop. I saw you right there and i just love your angle, that's why i took your photo. But you see, your face is not that obvious in those pictures. You really have a pretty face." Inalis nito ang sunglasses at inextend ang kamay nito para makipag shakehands. "By the way, i'm Takashi Hino." He smiled, flashing his complete set of white teeth na animo'y magmo-model ng isang toothpaste brand. Gwapo din ito at sa tantsya ni Nica ay mga kasing-edad nya lang ang lalakeng kaharap. Napabuntong-hininga sya nang mapatunayang nagsasabi ito ng totoo dahil magaganda naman ang mga anggulo nya sa pictures na nasa digicam nito at hindi naman kita ang hitsura nya. At isa pa ay halata nya na japanese nga ito dahil sa accent at physical features ng lalake. Medyo singkit kasi ang mga mata nito at maputi ang complexion.

"I'm so sorry, Mr. Hino. I thought somebody hired you to stalk and gather info about me. By the way, I'm Veronica Manalo. You can call me 'Nica'. Nice to meet you." Tinanggap nya ang kamay nito na nakalahad at gumanti ng ngiti dito.

"It's okay, Nica-chan! Im really sorry for the troubles i caused."

"By the way, My breaktime's over and i need to go back to my cousin's office. It was really nice to meet you. " Nginitian nya ulit ito at kinuha na ang laptop at bag nya saka kumaripas ng takbo paalis.

"Nakakahiya ka Nica! Bakit ka kasi sumisigaw kaagad? Hindi mo muna inalam kung masama o mabuti yung intensyon ng tao!" Saway nya sa sarili habang tumatakbo papunta sa building ng Law Firm. Mabuti na lang at wala gaanong tao sa coffee shop kanina kaya walang gaanong nakakita ng pagbulyaw nya. Kung hindi ay baka napahiya ng husto ang foreigner na naging 'instant' tagahanga nya.

Sa wakas ay narating na nya ang opisina ng pinsan. Napalundag sya sa gulat nang bumungad sa kanya ang nakangiting mukha ni Mrs. Villaruiz na naka-upo sa upuan ng pinsan nya.

"Hello hija!" Lumapit ito sa kanya at bineso-beso sya.

"Hehehe! Ano pong ginagawa mo dito, M-mommy?" Naiilang na tanong nya. Hanggang ngayon kasi ay hindi sya sanay na tawagin itong 'Mommy'.

"Good thing you've asked. Gusto lang kasi kitang ayain mag dinner mamaya. Ayaw naman akong samahan ng magaling kong anak kaya naisipan kong ikaw na lang ang isama. Since anak na din kita kaya responsibilidad mo na samahan ako sa pagkain. Ipapasundo na lang kita kay Harvey mamaya. Mauna na ako." Mrs. Villaruiz smiled. Bineso-beso muli sya nito at lumabas na ng opisina ng pinsan nya bago pa sya makapagsalita at tumutol.

"Bakit ba ako naiiipit sa problema ng mag-inang Villaruiz na 'yun?" Tanong nya sa sarili.


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C6
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập