Tải xuống ứng dụng
40% Winning His Heart / Chapter 2: Campaign

Chương 2: Campaign

Chapter 1

Campaign

           

        

NAGING abala si Chelin sa paghahanda para sa nalalapit na pagmu-moving up. She's on her tenth grade and the classes were closing so she had lots of requirements that she had to submit. Naging matagumpay siya sa lahat ng kanyang projects at iba pang requirements kaya naman pa-chill chill na lamang siya ngayong isang linggo na lang at magmu-moving up na sila.

"'Pa, I want to help out on your campaign," sabi niya habang kumakain sila ng hapunan. Her dad smiled brightly to her.

"Sa bakasyon, anak. I want you to focus on your studies."

"Okay po."

Chelin's clan came from a family of politicians. Her great grandfather from his father's maternal side was the governor of Manila, and her late uncle—her mom's brother—was the mayor of Pasig years ago. And now, her dad filed his candidacy for Mayor in their hometown, and the campaign period will start soon.

Kinabukasan ay maaga siyang pumasok dahil may final exam sila sa kanyang P.E. class. Nang matapos ang finals nila sa swimming ay agad siyang nagbanlaw sa shower room. Habang nagbibihis naman sa locker room ay hinarang siya ng isang naging kaklase niya noong Grade Seven pa.

"Hindi naman kayo Pilipino, bakit hahabol ang Papa mo?" nangungutyang tanong ng classmate niyang si Jo-an.

"We are Filipinos. My lolo may be Korean but my dad was born here. He also grew up here," esplika niya kahit hindi naman kailangan.

"Ah, basta. You're still not Filipinos. Dapat umatras na lang kayo sa pagtakbo para walang kalaban si Lolo." Umirap ito. Gusto niyang umirap pabalik ngunit hindi niya ito pinatulan. Aksaya lang iyon sa oras.

Nagpasya siyang umalis na lamang para makaiwas sa gulo. She went to the covered court and she saw Brian, her childhood friend, was playing basketball with his teammates. Bata pa lang siya ay napapansin na niyang iba ang pagtingin niya sa binata. She had been crushing him for years and he didn't even notice. Nakababatang kapatid kasi ng turing nito sa kanya lalo pa't may kapatid na babae ito na itinuturing niyang matalik na kaibigan. Though his sister was friendly and had lots of friends, she knew she's special for her and loved her. Sisterly love.

Bumalik ang tingin niya sa binata.

Brian Lee Mendoza was tall in his age, hindi gaanong matipuno ang pangangatwan ngunit hindi rin naman mataba. Sakto lang para sa kalusugan. Grade twelve na ito at nag-aaral din sa paaralang pinapasukan niya. One of the reasons why she chose to study in that very same school was to see him most of the time. Ngunit ngayong graduating na ito at magmu-moving up na siya ay mas naging abala sila, kaya nama'y hindi na sila nakakapagkwentuhan o nakalalabas man lang katulad ng dati.

"Chelin Song," untag ni Brian na nasa harapan na niya pala. "Ang layo ng iniisip natin, ah. Kanina pa kita tinatawag," nakangiting bati nito.

"Ah, kasi, iniisip ko lang ang nalalapit na eleksyon," she resasoned out. Which is partly true.

"Don't worry 'bout that. Focus ka muna sa studies mo."

"Parang narining ko si Papa sa iyo," natatawang tugon niya. "Daddy Brian," tukso niya.

"Well, he's right," pagkuwa'y sabi nito. "Kaya naman nila ang pangangampanya pero alam kong mas sasaya siya kung ang nag-iisang anak niya'y sususportahan siya." Kumibot ang labi nito bago uminom ng tubig mula sa bottled water. Now that she's aware with his presence, she couldn't help herself but stare to him and praise him silently. Pawis na pawis ito sa suot na jersey at sa bawat paggalaw ng braso ay nakikita niyang nagfi-flex ang biceps nito. Napakurap-kurap siya.

Umupo ito sa kanyang tabi sa bleacher. "We'll help during campaign period, too."

"Lumayo ka nga nang kaunti. Pawisan ka," naiilang na taboy niya rito.

"I know you don't mind." Ngumisi lang si Brian at inakbayan pa siya. Bumilis ang tahip ng kanyang dibdib nang masamyo ang panlalaki nitong amoy na naghahalo sa pabango nito. It complimented his scent together that she almost wanted to hug and just smell his scent. Napailing ulit siya. She shouldn't be thinking about hugging him! It's kind of inappropriate for a fifteen-year old.

"Ang pawis mo, ano ba?!" singhal na lang niya.

Tatawa-tawa lamang nitong tinanggal ang pagkaka-akbay sa kanya, at kinurot naman niya ang braso nito para maibsan ang pag-iisip na ihagis ang sarili sa bisig nito.

"Lumaki 'ata ang mga 'yan?" tanong niya habang sinundot-sundot ang biceps nito. Napansin niya iyon kanina kaya bahagya siyang napakurap-kurap.

"I'm working out." F-in-lex pa nito nang bahagya ang braso kaya hindi na niya iyon masundot. Sa panggigigil ay pinisil na niya ang isang braso nito gamit ang isang kamay. "What are you doing?" Nagtataka ngunit bakas sa mukha ang pagpipigil nito ng tawa.

Nanulis ang kanyang nguso at pinagpatuloy ang ginagawa sa kabilang braso naman nito. "Kunwari stress ball," bale-walang sagot niya. "Can you flex this one, too?" turo niya sa kanang braso nito.

"Hey, stop doing that," pigil nito ngunit hindi siya natinag.

"Ayoko nga. Sayang ang maskels mo kung hindi ko mapakikinabangan, 'no!"

"Alright," sumusukong anito. "Do what you want."

Ngumisi siya at pinisil muli ang braso nito. Hindi pa siya nakuntento dahil dalawang kamay na niya ang nanggigigil sa pobreng braso ng binata. Impit na napatili siya nang bigla nitong sundutin ang tagiliran niya.

"I'll do what I want, too," nakangising ganti nito saka sinundot muli ang kanyang tagiliran.

"Aba, ang sweet ninyo ni Ate Chelin, ah?" sabad ni Brianna, ang kapatid nito na kadarating lang doon. Parehas naman silang nasa ika-sampung baitang pero tinatawag siya nitong ate kahit pa nga ilang buwan lang ang tanda niya sa babae.

"Baby girl!"

"Yuck, Kuya!" singhal ni Bree.

Tumawa lamang ito na nagpatulala nang bahagya sa kaniya para matitigan ito. It was refreshing to watch him laugh as his perfect set of white teeth shown. Kinastigo niya ang sarili. Quota na siya sa pamumuri sa kababata ngayong araw.

"Hay, naku, luko-luko ka talaga, Bry. Tigilan mo na nga iyan, big girl na kaya si Bree," kunwaring sita na lang niya. Alam kasi nitong ayaw na ng kapatid na tinatawag na baby girl ngunit patuloy pa rin nitong tinatawag si Brianna,o Bree, lalo na sa tuwing nasa labas sila. "O, sige na, malapit nang mag-start ang afternoon classes. Mauna na ako," paalam niya.

"Tapos na kayong magligawan?"

"Brianna," saway ng kuya nito.

"Bukas naman, Bree. Baka magsawa ang kuya mo, eh," sakay niya sa biro nito. Ngumisi siya bago tuluyang umalis.

     

       

"'WAG n'yo pong kalilimutan, sa darating na eleksyon, Carlo Perez Song po para Mayor," pangangampanya ni Chelin bago ang meeting de avance ng mga kaalyado nito.

"Chelin, uminom ka muna ng tubig," si Brian na may bitbit ng bottled mineral water.

Tinanggap niya iyon. "Thanks."

"Magpahinga ka na muna, kanina ka pa nangangampanya, eh. Ako na riyan," kinukuha nito ang hawak na flyers.

"Hindi na, kaya ko pa naman," tanggi niya.

"Sige, sabi mo, eh."

Sinamahan na lang siya nito at namigay sila ng flyers sa mga residenteng nakaabang sa venue. Magiliw siyang nakipagkwentuhan sa mga nakatatanda roon.

"Chelin, anak, magpahinga na muna kayo ni Brian. Magsisimula na rin niyan naman ang meeting," tawag sa kanya ng kanyang mama at inabutan siya ng bagong bimpo. Akmang pupunasan pa nito ang pisngi niya

"'Ma, ako na," natatawang saway niya. Dahil nag-iisang anak ay spoiled siya sa mga magulang. Kung hindi siguro niya nakasama sina Brian ay spoiled brat pa rin siya ngayon. Baka mas malala pa siya sa kaibigang si Bree. Well, sometimes she still was a spoiled brat though. Lalo na kung si Brian ang nang-i-spoil sa kaniya.

"Bry, sumilong na muna kayo," baling nito kay Brian.

"Opo, Tita."

"Nasaan nga pala sina Bree?" tanong niya sa binata nang makasilong sila.

"Kasama ni mmommy, nangampanya sila sa kabilang baryo. They'll be here later."

Magkaibigang-matalik ang kanilang mga ina, magkaklase ang mga ito noong kolehiyo. Kaya naman ngayong tumakbo ang kanyang Papa sa pagka-alkalde ay kuntodo suporta rin ang pamilyang Mendoza. Kung hindi siya nagkakamali, ang mga Villaraigosa, na siyang angkan ng ina ni Brian, ay nanungkulan din sa La Union noon, kung saan lumaki si Mrs. Mendoza.

"Ah, ganoon ba? Bakit hindi mo sila sinamahan?"

"Nandito ka," kaswal na sagot nito.

"Mas mainam kaya na kasama mo sila, 'no. Para may kasama silang lalaki," katwiran niya.

"Marami naman silang kasamang kalalakihan din. Dela Costa is with them, too." Tinutukoy nito ang isa pa nilang kababata.

     Nagkibit-balikat na lamang siya.


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C2
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập