Tải xuống ứng dụng
64.51% When You Love Too Much / Chapter 20: Chapter 19

Chương 20: Chapter 19

Carlhei Andrew POV

Dumaan ang ilang linggo at wala akong ginawa kung hindi ang bisitahin si Karen sa company ni Papa. Paminsan minsan ay sabay sabay na kaming nag lulunch kapag walang schedule ng lunch meeting si Mama at Papa.

Kasalukuyan akong nag aantay ng chat ni Karen. Bukas kasi ang monthsary namin pero wala pa akong natatanggap na chat dito simula pa kahapon. Hindi ko maiwasang mag assume na baka may inihahanda itong surpresa sakin. Ganoon kasi si Dannica kay Reinest.

Naihanda ko na ang mga ibibigay ko dito. Dahil hilig mo ang pag guhit at iginuhit ko ang mukha niya. Hindi niya alam na kinuhaan ko siya ng litrato habang nag kakape ito sa garden ng company. Nakangiti siya sa batang may dalang lobo.

Muli ay tinadtad ko ito ng chat. Sabagay, alas singko palang naman ng hapon kaya may dalawang oras pa ito bago umuwi.

Paraluman ♡

Hi beautiful! Busy ka?

Ingat ka sa pag uwi ♡

See you tomorrow!

Rest well!

Isinara ko ang cellphone ko at isinantabi ang drawing ko. Lumabas na muna ako sa kwarto para naman makapag unat unat. Ngayon ko lang kasi natapos ang drawing ko.

"Bye po! Ingat kayo!" Rinig ko ang boses ng kapatid ko mula sa sala

Hindi ko na iyon tinapunan ng tingin at nag handa nalang ako ng meryenda. Nagugutom ako at kakarating lang ng kapatid ko. Dalawang burger ang inihanda ko.

Nang matapos ang pag hahanda burger ay ibinigay ko iyon sa kapatid ko na kaharap ang ipad niya.

"Hey. Hindi ko alam if maniniwala ka ha. I heared a rumor about your current girlfriend." Saad ni Neomi

Kunot noo ko agad itong tinignan.

"Alam kong ayaw mo sa kaniya pero hindi naman tama ang gawan siya ng masamang imahe sa akin." Panenermon ko dito

Humalukipkip ito sa akin at nag salubong rin ang kilay.

"Sabi ko narinig ko lang. Hindi ko sinabing totoo. Bahala ka nga dyan. Wala talagang sisihan sa dulo ha?" Inis na sabi nito

Kinuha lang nito 'yung burger at umakyat na sa kwarto niya. Napangiwi ako dahil doon. Malamang ay ang narinig niyang balita ay iyong doon pa sa dating pinag tatrabahuhan ni Karen. Nakwento na naman iyon ni Karen. Tanggap ko parin ito kahit ano pang tsismis ang lumabas patungkol sa kaniya.

Sumapit na ang gabi at wala parin akong natatanggap na chat kay Karen. Nakauwi na nga rin si Mama at Papa, kasalukuyan na kaming nag hahapunan. Napansin ko ang tingin ni Mama kaya naman nilingon ko ito.

"Ayos lang ba kayo ni Karen? Bakit hindi mo kinakain ang food mo?" Tanong ni Mama

Kaagad akong ngumiti dito, "Okay lang kami, Mama. Hindi lang siya nag rereply. Baka busy lang." Saad ko

"Tama 'nak. Busy nga ang department nila. Ginawa rin kasi itong katulong ng Financial Controller." Paliwanag ni Papa

Kaagad ko namang naintindihan iyon. Napakadami kasing hawak ng Financial Controller tulad ng financial accounting, preparation, reporting, analysis, budgeting, project management at marami pang iba.

Bigla ay naisip kong baka mastress lang ito kung kukulitin ko pa. Bibigyan naman ako nito ng oras kung mayroon siya.

Kinabukasan ng hapon ay napag pasyahan kong mag handa para sa pinakaunang monthsary namin. Inilagay ko sa kotse ang isang bouquet ng red roses. Hindi ko kasi makalimutan ang itsura nito noong unang beses ko siyang bigyan noon.

Nakangiti akong nag maneho papunta sa company at nang makarating ay alam ko na agad kung saan ito pupuntahan. Ganitong oras kasi ay nag cocoffee break ito.

Hindi nga ako nag kamali, sakto at nakatalikod pa ito sa akin kaya naman dahan dahan akonh lumapit ito.

"Happy 1st Monthsary!" Bati ko dito

Umuga ang balikat nito at napaharap sa akin. Ako rin ay nagulat dahil may hawak itong sigarilyo.

"Y-you're smoking." Naiusal ko sa gulat

Hindi ko pa ito nakitang nanigarilyo sa nakalipas na mga buwan kaya labis ang gulat ko. Inihagis niya sa lapag ang sigarilyo at inapakan iyon para mamatay iyon.

"Pasensya na. Busy ako at hindi ko naalala. Nakakahiya at unang monthsary ay nalimutan ko. Babawi ako sa susunod." Pahina ng pahinang sabi nito

Napayuko pa ito kaya naman iniangat ko ang mukha niya gamit ang hintuturo ko. Malapad na ngiti ang ibinigay ko dito at tyaka inabot sa kaniya ang portrait niya na nasa frame pati na rin ang isang bouquet ng pulang rosas.

Ang pagod niyang mata ay napalitan ng mangha. Natuwa tuloy ako dahil nga sumaya na ito kahit papaano.

"Salamat talaga ng marami, Carlhei. Nakakainis dahil pakiramdam ko napakawalang kwenta kong girlfriend sa'yo. Sorry." Saad niya

Mahigpit ko itong inakap para hindi nito maramdamang wala itong kwenta. Kung alam niya lang na siya ang mundo ko ay hindi na niya iisipin iyon.

"Alam mong hindi totoo 'yang sinasabi mo. You're worth it, Karen. Naiintindihan ko ang lagay mo dahil sabi ni Papa ay inilipat ka ng mas mataas na pwesto. Sana magkaroon ka ng rest day. Doon tayo bumawi ng date." Nakangiti kong sabi

Napakalas lang ako sa pagkakaakap ko ng biglang dumating si Lyke. Humahangos pa ito ng lumapit kay Karen kaya nag tataka namin siyang tinignan.

"Miss Karen hinahanap ka! Nawawala 'yung file ng financial report! Nagagalit si Miss dahil kailangan noya daw 'yun." Hinihingal na sabi ni Lyke

Naramdaman ko ang pag kataranta ni Karen. Hinalikan lang ako nito sa pisngi at tumingin sa akin na para bang nag sosorry. Tumango ako dito at ngumiti para ipaalam na naiintindihan ko ito.

Ganoon talaga dahil may girlfriend akong dedicated sa trabaho niya. Mas natutuwa pa ako dahil doon. Unti unti niyang natutupad ang pangarap niya at instrumento ako noon.

Nang makauwi sa bahay at kaagad ko siyang iniwanan ng chat. Alam kong mamaya niya pa iyon mababasa.

Paraluman ♡

'Wag kang mag papagutom. Nag padeliver ako ng dinner mo sa apartment mo. Mag pahinga ka rin ng maaga.

Matapos isara ang cellphone ko ay napangiti ako. Mayroon pa namang susunod na monthsary kaya pwede pang habulin ang monthsary na hindi namin nacelebrate ngayon. Siguradong magiging mas maganda ang susunod dahil sinabi ni Karen na babawi siya. Hindi na tuloy ako makapag antay na mangyari iyon dahil ang araw na iyon ay ika-apat na araw matapos ang bagong taon. Napakagandang New Years gift noon.


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C20
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập