Tải xuống ứng dụng
9.09% When Devil's Fall In Love / Chapter 7: Devil 4: Weird Devil!

Chương 7: Devil 4: Weird Devil!

Zero's Pov

Matapos ang pangyayaring iyon ay agad kaming pinatawag ng dean dahil sa kaguluhang nangyari. Kaya naman sinamahan ako ng dalawa papunta sa deans office.

Nagulat pa ako ng madatnan namin ang dalawa na naroon na at waring walang pakialam sa sermon ni dean.

"Sit down boys." Utos samin ni dean. TIningnan ko pa ang dalawang babae saka tumalima. Nagtetext lang si Shane habang nakaupo naman ng tuwid ang isa habang nakahalukipkip at nakatingin lang sa ibaba. Waring hindi pa pansin na nakaupo narin kami sa harap nila.

'Ang angas talagang umasta nito. Akala mo kung sino, malakas lang sumipa pero I'm sure mahina lang din ito katulad ng karaniwang babae'.

Bahagya pa akong nagulat nang bigla nalang syang tumingin sakin na para bang napatingin lang sa kung saan. Wala akong makitang emosyon sa mukha niya ni hindi ko mahulaan kung anong iniisip nya. Nakatingin lang siya sakin ng deretso na parang walang iniisip samantalang ako kung ano ano na ang mga naiisip ko sa tingin niyang iyon.

"Tss." Anas niya sabay ngisi sakin.

Sinamaan ko naman siya ng tingin sa expression niyang iyon. Feeling ko tuloy alam ko na ang iniisip nya at yun ay ang nangyari kanina. Yung pagsipa nya sakin na halos ikamatay ko pa.

Iniisip nya sigurong ganun ako kahina. Tsh, tingnan natin kung sinong mahina satin sa oras na makaganti ako sayo. Hindi mo pa ako kilala kaya wag kang magpakasaya dahil lang sa naisahan mo ako kanina. Bwisit ka!

"So, anong nangyari sa inyong lima kanina?" Napaiwas ako ng tingin nang marinig si dean. At nang tumingin ako kay dean ay sakin sya nakatingin.

Ako agad ang may kasalanan! Alam kong yun agad ang nasa isip nya kaya sakin nya yun tinatanong. Hindi ako sumagot at nag iwas nalang ulit ng tingin.

"Ahm, sorry po dean..kanina kasi nagkaron lang po kami ng di pagkakaunawaan kaya nauwi sa ganun." Si Drew na pinipilit na pagandahin ang term sa nangyaring away namin ni devil girl.

"Tss." Agad akong napatingin sa expression niyang iyon at kinunutan siya ng noo.

Para kasing minamaliit nya na naman ang katwiran ni Drew. Eh sya nga itong muntik ng makapatay ng tao.

Pinandilatan ko sya saka sinamaan ng tingin. Nakangisi nya naman akong tiningnan.

"Ang totoo po dean, wala naman pong may kasalanan sa nangyari kasi hindi lang po talaga kami nagkaintindihan at aksidente lang po ang lahat."Dagdag naman ni Dy.

"Haay.. sino ba ang nagsimula ng gulo?" Waring naiinip na tanong ni dean. Alam nyang pinagtatanggol lang ako ng mga kaibigan ko kaya di na ako magtataka kung di nya sila paniwalaan.

"Ah..eh.." Walang maisagot na wika ni Dy.

"Baka gusto mong saluhin din ang mga kaibigan mo Mr. Montero?" Makahulugang tanong niya sakin.

"I didn't do anything Dean. At wala akong sasabihin." Naka ismid na sagot ko saka tiningnan ang mga kaiibigan ko ng makahulugan.

"Kahit walang magsalita sa inyo ay tiyak kong ikaw na naman ang nagsimula ng gulong ito. Dalawang linggo palang nagsisimula ang klase pero nakakalimang estudyante ka ng binubully. Hanggang kailan ka ba magtatandang bata ka?" Sermon nya sakin.

"Yan naman ang hirap sa inyo eh. Basta may gulo ako kaagad ang iniisip nyong masama. Bakit hindi nyo tanungin ang maangas na babaeng yan kung anong ginawa nya sakin!" Asik ko sa kanya.

"Zee!" Suway naman agad sakin ni Drew.

"Bastos ka talagang bata ka kahit kelan. How many times do I have to tell na magtino ka na dahil hindi kana bata. Paano mong hahawakan ang eskwelahang ito kung hanggang ngayon ganyan ang ugali mo?" Singhal naman niya sakin.

"Tsh!" Inis na anas ko nalang saka sya sinamaan ng tingin.

"I'm the one who started the fight Mr. Dean." Nagulat pa kami at sabay sabay na napatingin sa maangas na babaeng nasa harap namin.

"What did you say miss..ah what's your name?" Takang tanong naman sa kanya ni dean.

"My name is Jack." Tipid niyang sagot.

"Jack? Hindi ba't panlalaki iyon?" Napapantastikuhang tanong ulit ni dean.

"Tss, if you say so." Nakangisi naman nyang sagot.

"But why did you start the fight miss Jack? Wait, what's your last name?"

"Ryder."

Rider? Ang panget naman ng apelyido nya. Parang sasakay lang ng kabayo.

"Okay, why did you start the fight miss Rider?"

"Nothing. I just got bored."

What the hell.. mas mataas pa pala sakin ang kabastusan nito eh.

"What? You're a transferee right? Kebago bago mo ikaw pa tong nagsisimula ng gulo? At kababae mong tao bastos kang makipag usap sa Dean mo!" Sermon sa kanya ni Dean.

Ganyan nga pagalitan mo din sya. Hindi yung ako lang lagi ang nakikita mo eh.

"I didn't mean to offend you Mr. Dean. I was just like this." Walang ganang sagot nya pa.

"You're just like that? Being rude to anyone?" Galit na asik ni dean.

"Rude is my middle name Dean." Nakangisi nya pang sagot.

"Jesus! What happen to the youths this day! I want to speak with your parents right now." Galit na sigaw ni dean.

"But they're not here." Blangkong sagot nya.

"Call them now!"

"Tss, is there a landline in hell?" Nakangisi nya pang tanong saka kinuha ang cp nya at nagtipa roon.

Napahilamos naman si Dean sa sariling mukha sa sagot niyang iyon.

"It's me." Sagot niya sa kausap. Mataman naman kaming naghintay lang sa kanya. Habang si Shane naman ay busy parin sa cp nya na parang balewala lang dito ang mga nangyaring sigawan.

Ang weird talaga nila.

"The Dean wanted to see you..I don't know, ask him when you get here...stop asking, just get your ass here and ask him why he wanted to see you...5 minutes. Bye." Yun lang at natapos ang pakikipag usap nya. Alam kong pasaway ako but I never talked to my parents like that.

Jezz, kakaiba pala talaga ang babaeng ito eh. Pati parents nya ganun sya makipag usap.?

"He's on his way." Saad niya kay Dean na noon ay nakanganga pa habang gulat na gulat sa paraan nya ng pakikipag usap sa parents nya. At father nya ang kausap nya ha? Grabe, kung ako yun sinapak na ako ni daddy.

"Did you just talked to your parent like that miss Rider?" Halata parin ang pagkalito sa mukha na tanong ni dean.

"Is there a problem?" Wala na namang emosyong tanong nya din kay Dean.

"Jesus! Hindi na ako magtataka kung bakit ganyan kang sumagot sakin dahil kung yung magulang mo nga nasasagot mo ng ganyan eh. Hindi ka ba naturuan ng maayos sa school na pinanggalingan mo?"

Nagkibit balikat lang siya bilang sagot. Kaya naman malalim nalang na napabuntong hininga si Dean. At di nga nagtagal ay may dumating ng isang matikas na lalaki. Maganda ang pangangatawan nito at mukhang mas matanda lang ng ilang taon samin.

Sya ang daddy nya? Ba't ang bata pa naman?

"Good afternoon Mr. Dean." Nakangiting bati pa nito saka magalang na nakipagkamay kay Dean.

"Good afternoon, I guess your Mr. Rider right?"

"Yes I am. Jack said that you wanted to see me?"

"Yes Mr. Rider because your daughter here ay sumabak na agad sa gulo at sya pa mismong nagpasimula nito gayong first day nya palang sa eskwelahan namin." Agad na sabi ni dean habang nakatingin kay Jack na noon ay parang wala paring pakialam.

"Ako na ho ang humihingi ng pasensya sa inyo Dean, I will talk to her." Bahagya pang sinulyapan ni Mr. Rider ang dalawa.

"I'm just getting curious on how you treat her at sa kung papano nyo syang pinalaki dahil kakaiba ang pagiging bastos niya. Don't get me wrong Mr. Rider but I really don't like students with rude attitudes." Di na napigilang sabi ni Dean. Hindi naman sumagot si Mr. Rider at tumingin lang kay Dean.

"And I'm wondering how she passed the school interview with that attitude, I strictly prohibited in this school those students like her."

"She's not what you think she is Mr. Dean, but I do know that she has a bad temper. Pero ang temper nya ay lumalabas lamang sa oras na nasaktan o sinaktan sya ng iba. So I suggest na hindi lang sya ang sisihin nyo sa kung anuman ang nangyari dahil mas kilala ko sya kumpara sa eskwelahang ito." Tiim bagang paliwanag naman ni Mr. Rider. Natahimik naman si Dean at waring nabigla sa sinabi nito.

"But I hope na mapapalampas nyo pa ang pagkakataong ito dahil bukod sa bago lamang siya sa paaralan nyo ay nasisiguro kong she deserves a second chance. But don't worry I assure to you that this won't happen again dahil kung ipapatawag nyo ulit ako for the same reason ako na mismo ang gagawa ng paraan upang maalis siya sa school na ito. At hahanap ng mas babagay na eskwelahan para sa kanya." Dagdag pa nito saka lumingon sa dalawa na noon nakatingin narin sa kanila.

Matapos ang paguusap na iyon ay binigyan lang kami ng oral warning ni Dean at sinabing sa susunod na maulit iyon ay subject for expulsion agad ang ipapataw nyang parusa.

Ang lupet talaga! Palibhasa wala ang asawa nya.

Nang makalabas kami ng Dean's office ay naabutan pa namin ang tatlo na nag-uusap na para bang walang nangyari.

"Jack never did that for the past ten years. But believe me she's really like an angel while doing that. Imagine that she just saved someone." Natatawa pang kwento ni Shane sa daddy ni Jack.

"Really? I wanted to see that. Sana nivideo mo, alam mo namang bibihira lang yun mangyari sa kanya."

"Psh, yun nga eh. Sa sobrang pagkagulat ko nawala sa isip ko pero itatry kong humingi ng copy sa cctv room I'm sure nakuha nila yun."

"Dapat lang..pero dapat lang din na hindi na maulit ang nangyaring ito. You supposed to guard and guide her, Shane. Kapag naulit pa ang ganitong pangyayari paano natin makakamit ang pangarap natin para sa kanya?"

What? Guard and guide her? Ano ba sya, special child? Tsh, kaya siguro ang weird nya. O baka naman may mental defect.

"I know.. I know. Sorry na nga eh, wag mo nga akong utusan! I know what I'm doing, kasi naman nawala lang ako sandali may nangyari na agad sa kanya."

Ganyan talaga sila kabastos mag-usap?

"That's why you must to keep an eye on her dahil walang-!"

"Yah! Will you shut up both of you!? Kung pag usapan nyo ako parang wala ako dito ah. I can hear you remember?" Waring inis na sabat naman ni Jack saka nagulat pa ako ng bigla syang lumingon samin at napalingon din samin ang dalawa na para bang noon lang nila napansin na nandun lang kami sa likod nila.

Nagkatinginan pa sina Mr. Rider at Shane saka kami hinarap ni Mr. Rider.

"I didn't had a chance to know you. My name is James. But you can call me Tanda, that's what they call me." Bahagya pa siyang tumingin sa dalawa.

Sya pala yung Tanda. Tsh, ang panget naman ng tawag sa kanya. Pero di pa naman sya mukhang matanda ah.

"Ah..hello Mr. Rider, my name is Andrew John Reeze." Magalang na pakilala ni Drew. At nakipagkamay pa dito.

"Hello Andrew." Nakangiti namang wika ni Mr. Rider saka tinanggap ang pakikipagshake hand ni Drew.

"Hello sir, ako naman po si Cody Sean Gregory. Dy for short." Abot langit na ngiti namang pagpapakilala ni Dy.

He such a clown!

"Hello Cody." Nakangiti ring bati ni Mr. Rider at nakipagkamay din kay Dy.

Matapos niyon ay binalingan ako ni Mr. Rider. Nakasimangot lang akong tumingin sa kanya.

"And you are..?" Tanong niya sakin. Hindi pa sana ako sasagot ngunit siniko ako ng dalawa kaya sinamaan ko muna sila ng tingin saka hinarap si Mr. Rider.

"Zero is the name." Sagot ko saka nakangising tumingin kay Jack.

"Tss." Nakangisi ring react niya.

"Hello Zero. Well, I'll get straight to the point. I know that you're the one she'd been encountered. Whatever she did to you..I'm really sorry for that." Napakunot ako sa sinabi niya.

"Bakit kayo ang nagsasabi nyan? Hindi ba dapat sya ang humihingi ng tawad sakin?"

Napangiti ng bahagya si Mr. Rider sa sinabi ko.

"She doesn't know that word, Zero."

"What?" Takang tanong ko pa at waring lalo lang akong naasar sa sagot niyang iyon.

Anong gusto nyang palabasin? Na hindi sya kailan man nagsorry sa mga maling nagawa nya? Tsh, ibang klase ha!

"She's not what you think she is, Zero. I suggest that you have to stay away from them because I'm not responsible for what will happen to all of you when she get mad. And worst..ANGRY." Para akong kinilabutan sa sinabing iyon ni Mr. Rider. Paano kasi'y napakaseryoso nya ng sabihin ang linyang iyon.

Bakit? Ano bang kaya nyang gawin when she get mad or angry? Mas malakas pa ba sa sipa nya ang mangyayari?

"Why Mr. Rider? Nagiging halimaw ba sya kapag nagagalit? Tsh!" Nakangisi ko pang tanong sa kanya.

"Tss." Inis na nilingon ko na naman si Jack. Nakangisi lang syang nakatingin sakin.

"You don't wanna know, Zero. Sundin mo nalang sana ang sinabi ko at yun lang kaya kong gawin para sa inyo."

Napatiim bagang ako sa sinabi ni Mr. Rider.

"I don't take orders from anyone Mr. Rider. If you really want her to be safe in our school teach her to respect everyone here at bawasan nya ang angas nya dahil nakakabwisit syang tingnan."

"Zee!" Suway sakin ni Drew. Bahagya namang napangiti si Mr. Rider na pinagtaka ko.

"I'm still working on that. But don't worry I'm sure she's not doing anything harm unless... she's being harmed." Hindi ako nakasagot sa tinuran niya.

"We still have class to attend to, Tanda. And you still have work to do." Sabay kaming napalingon kay Jack.

"Oh, I almost forgot. Well, I guess I have to go now." Ani Mr. Rider saka bumaling samin.

"It's so nice to meet all of you. But I hope the next I'll meet you ay hindi na dahil sa nangyari." Nakangiting wika niya saka kami tinapik sa balikat na parang walang nangyari.

Nang makaalis si Mr. Rider ay niyaya narin ako ng dalawa na bumalik sa room habang ang dalawang babae naman ay hinatid pa si Tanda sa gate.

"Grabe, kakaiba pala talaga ang pamilya nila ano? Akalain mo yun, pati ang daddy ni Jack weird din kung magsalita. Pero mukha naman syang mabait." Si Dy.

"But still, there's something about them na parang hindi ko kayang alamin pa kung ano yun. The way they stare and talked, it's like something that are not ordinary." Naguguluhan paring saad ni Drew.

"Sinabi mo pa pare. Kinikilabutan na naman tuloy ako sa sinabi ni Mr. Rider. Grabe, ano nga kayang mangyayari kapag nagalit na si Jack? Para kasing seryoso talaga sya na paalalahanan tayo eh."

"I don't know. But I guess, we have to follow him. What do you think Zee?"

Napalingon ako sa sinabi nya ngunit hindi ako sumagot.

"Uy dude, are you okay?" Tanong ni Dy.

"Of course I am." Marahas na sagot ko saka nagpatuloy sa paglalakad.

But I'm not giving up with my rules. She still have to pay back.

Nang makarating kami sa room ay tapos narin ang klase sa literature kaya naman yung sumunod na klase na ang naabutan namin. Ilang sandali lang ang nakalipas ay dumating na rin ang dalawa.

I tried to focus in class dahil tiyak na malalagot talaga ako kay Madam kapag may nangyari na namang hindi maganda. Ayoko namang makarating pa sa kanya ang nangyari kanina dahil tiyak na magwawala yun sa galit.

I'm the youngest in the family at lahat ng mga kapatid ko ay may napatunayan na sa buhay kaya ako nalang ang hinihintay nila. Malayo ang agwat ng edad ko sa sinundan ko dahil ang akala ng mga magulang ko ay sya na ang magiging bunso nila. They loved her like she's the only child pero bigla akong dumating kaya naman nahati ang atensyon nila. Sabi nila kapag bunso daw ay sya ang paborito. But not me. Dahil unexpected ang pagdating ko sa mundo. Menopause baby pa nga kung tawagin nila. Because my mom was 45 years old when she had me. Nagalit pa noon si Madam dahil muntik ng mamatay ang mom ko nang ipanganak niya ako. At hanggang ngayon ay mainit ang dugo niya sakin. Lima kaming magkakapatid. Si kuya Eric ang panganay, he's engineer. Bihira ko lang syang makita dahil sa New York sya nakatira. May sarili na rin syang pamilya. Si kuya Eros, the second child. He's a doctor. He managed our own hospital. He's been married pero wala pa silang anak. Madalang ko din siyang makita. Kapag may okasyon lang sa bahay. At ang pangatlo ay si Edward. He's the Dean of my school. He also married at may isang anak. Sya ang madalas kong makita dahil sa bahay parin sya nakatira. Bukod kasi sa palaging wala ang asawa nya ay gusto ding makasama nina mommy ang anak nya. Hindi kami palaging magkasundo pero sya ang pinakagusto ko sa lahat ng mga kuya ko. Though sya lang ang di ko tinatawag na kuya.

And then Erhis, my sweet and loving sister. She's a surgeon. Sa kabila ng pagiging pasaway ko ay hindi nya pinaramdam sakin na iba ako. She love me more than my brothers. Kaya naman hindi rin ako masyadong nag aalala kapag nandyan si Madam dahil palagi nya akong pinagtatanggol dito to think na paborito sya ni Madam bukod kay Edward. Sya at sina mom and dad lang ang palagi kong kakampi.

That's why I have to focus on my study para may mapatunayan din ako sa kanila. I want to be an architect at pagsisikapan kong abutin yun.

Pero bago ko maabot yun ay kailangan kong alisin sa buhay ko ang mga asungot gaya ng babaeng nasa likod ko.

*****

-itsmejollytheminion


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
Jollytheminion Jollytheminion

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

I tagged this book, come and support me with a thumbs up!

Creation is hard, cheer me up! VOTE for me!

Like it ? Add to library!

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C7
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập