Pagkarating ko sa bar, hinanap ko agad si Jacey. Pero iba naabutan ko. Magkasama sina Megan at Jacey kaya napasandal ako sa pader.
Nakakainis pero wala kang karapatan kasi hindi naman kami.
Napansin ako ni Jacey pero mukhang lasing ito at tinuro niya ko kaya agad akong umalis sa pwesto ko at nagtago sa dalawang naghahalikan sa dance floor habang nagpapanggap na sumasayaw.
Hindi maalis sa aking paningin silang dalawa kaya sinundan ko ito na hindi halata.
"Masakit ba?"
Nahuli ako ni Clint.
"Anong 'masakit'?" depensa kong sabi sa kaniya at kanina pa siya nakatingin sa akin na parang kailangan ko magpaliwanag sa kaniya kung ano man nakita niya.
"They are here tonight but you are doing nothing," sabi niya sabay inom ng alak and sinabi sa waiter na isa pang order.
"You?"
"Water lang kailangan ko."
Umupo ako at napaface palm ako. Kasi ako naiinis ang nararamdaman ko ngayon. Pero wala akong magawa kundi tingnan lang silang dalawa. Wala naman ako karapatan.
"Hinahanap ka pa kanina ni Jacey bago malasing siya," Napansin kong naka-leather jacket ito parati tuwing nakikita ko siya pero bagay sa kanya ang pormahan.
"Busy. May kausap din ako that time," sabi ko at mukhang kailangan ko pa magpaliwanag sa kanya.
"Do you still want a special offer?" tanong sa akin ni Clint.
Umiling ako at natawa na lang. Uminom ako ng tubig at klinaro ko ang boses ko.
"Wala akong balak kunin," mariin kong sabi sa kanya.
"If money is involved, would you say 'yes' to our offer?" napatingin ako sa kanya.
Kahit bigyan nila ako ng offer ng malaking halaga, hindi talaga ako papayag. Naniniwala ako na kung tadhana man gagalaw sa amin, doon ako papayag.
Umiling ako at biglang tumawag sa akin na unknown number.
Kaya sinagot ko ito at sinabi ko kung sino ito.
"Im Megan. I am here outside the bar baka naman pwede siya ihatid sa bahay? Lasing na lasing kasi."
Tumingin ako kay Clint na nagdadalawang -isip ako ngayon kung pwede kong sabihin na hindi ako makakasipot or pupunta ako.
"Who's that?" bulong ni Clint at sinabi ko kung sino ito. He mouthed like 'o' kaya iniwan niya ako mag-isa. Huli na ang lahat para hatakin si Clint para tulungan ako dito pero wala na siya. Hindi ko na siya makita pa.
"Y-yes. Ata. Ano.. Nasa bar din ako," Binaba ko agad at hindi ako mapakali kaya napainom ako ng tubig at inubos ko ito. Nag-ayos ako ng sarili sa may cr at pagkatapos ko, dumeretso na ako sa labas ng bar.
Nakita ko si Megan na nakayakap ito kay Jacey. Ngumiti siya sa akin dahil nandito na naman ako taga-alaga ni Jacey tuwing lasing. Inalalayan namin si Jacey at pinaupo namin sa backseat na nakasandal ito at sinara ko yung pinto.
Naging awkward ang atmosphere namin ngayon. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sa kanya.
Sinabi niya na nandito pala ako sa bar kanina. Ang sagot ko naman na nagdrunk text si Jacey kaya napapunta ako. Totoo naman napapunta lang ako kasi nagdrunk text ito pero ano... siyempre nag-aalala rin naman ako kahit papaano pero hindi ko na sinabi kay Megan.
May kinuha siya sa bag at may binigay sa akin na sobra na malaki.
Ito ba yung invation?
Tinanggap ko ito at dali-dali kong binuksan.
Megan's 25th birthday Party at Emerald Princess Hotel | 9:00 pm
Bring your date and wear elegant <3
Invitation nga niya pero isa lang ito.
"Si Jacey binigyan mo rin ng invitation?" curious kong tanong at napansin kong umiling siya.
"Hindi na kailangan pa. I just want you to bring Jacey to my birthday as a date," hindi ako mapaniwala at tinuro ko yung sarili ko.
Ako? Dadalhin ko si Jacey? Eh, mukhang hihimatayin nga kung hindi niya makuha yung invitation.
"Kay Jacey na lang. Mukhang siya ang importante doon sa birthday mo," at umiling ulit siya sa akin.
"I just want Jacey to move on. Hindi ko kayang ipaglaban pagmamahal ko sa kanya. Sorry kung duwag ako pero kailangan ko maging masaya kaming dalawa kahit hindi na kami magkasama," nakita kong lumuha siya, "Ayokong makita siyang ganito ka maserable sa akin. Nasasaktan din naman ako. Pero desidido na ako na magpakasal sa iba." pinunas niya ang binigay kong panyo sa kanya.
"Kaya kahit ano. Gagawin ko para layuan niya ako," sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko," Alam ko ikaw magpapawi ng lungkot at sakit sa puso ni Jacey kaya please help her." sabi niya sa akin, "I'll give you five hundred thousand. I know you need also a money for the medication of your mother." sabi niya at laking gulat ko alam niya tungkol sa inay ko.
"Papaano mo alam?" tanong ko sa kanya.
"I just hired some people to have background check on you. Ayun, yung findings, kilala ng tauhan ko si Francis," kaya pala naghire pala talaga siya para pumayag ako sa kondisyon niya.
Kilala ng tauhan niya si Francis?
"Ha? Paano?"
"May amo si Francis isang loan shark kaya siguro nagpautang siya sayo," Kaya pala prinepressure niya ako makabayad ng utang dahil may amo pala.
Bakit hindi niya sinabi sa akin? Para naman makapaghanap na rin ako ng trabaho.
"Once na hindi ka pa rin makakapagbayad hahabulin ka ng mga tauhan ng amo ni Francis."sabi niya at parang gumuho ang mundo ko no'ng nalaman ko yon galing pa kay Megan.
Hindi ko alam na ganito mangyayari sa akin.
Tatanggapin ko ba o hindi?
"Pag-iisipan ko muna, Megan. Kausapin ko lang si Francis tungkol dito. Pero thank you sa offer mo," ngumiti siya sa akin at kumalas na siya sa pagkakahawak niya ng kamay ko.
"Don't forget to call me?" nagcall-sign ito at tumango ako. Nagpaalam na ako sa kanya at sumakay na ako sa kotse para ihatid si Jacey sa bahay niya.
Pagkatapos ko ihatid si Jacey sa bahay niya, yung butler na niya ang nagasikaso sa kanya. Nagpahinga na ako at bukas na bukas din kakausapin ko si Francis tungkol sa pinagusapan namin ni Megan.
***
"Let!" tawag sa akin ni lola.
Ikot muna sa higaan.
Talukbong.
"Scarlet! Kakain na!" tawag ulit sa akin ni lola at kumatok na ito sa pinto.
Binuksan ang pinto, "Hindi ka ba kakain? Nandito na sa hapag kainan ang mga kapatid mo. Ikaw na lang hinihintay?" sabi sa akin ni lola at hinubad ko ang kumot ko na nakapalupot sa aking katawan.
"Kakain na, 'la. Susunod na ako," Tumayo na ako at umalis na si lola sa kwarto.
Monday na naman. Araw ng katamaran ko pumasok sa trabaho. Nakatira nga pala ako sa lola ko habang nasa hospital ang aking ina. Nasa coma ang aking ina mga tatlong taon na. Paano kami nakakabayad? Ako lang naman inaasahang kumita ng pera dahil mga kapatid ko pinapaaral ko rin. Napupunta lang ang pera sa billing ni ina sa hospital. Kailangan kong bayaran baka wala ipambayad sa oxygen ni ina. Oxygen na lang bumubuhay sa kanya.. Ang tatay ko naman, nilayasan kami dahil nabaon sa utang na ako mismo nagbabayad ng utang niya dati. Nagsusugal kasi tatay ko. Napupunta na lang sa alak at sugal kaysa pampagamot ni Ina sa hospital. Nagsimula magkagano'n ang tatay no'ng nasagasaan si Ina. Kasama ako sa nasagasaan pero hindi malala sitwasyon ko dahil nasa driver seat ako at ang Ina ay driver.
Kaya kinupkop kami ng mga kapatid ko kina Lola Everlyn.
Pumunta na ako sa hapag-kainan at umupo katabi si Irene.
"Si Ate ang tagal!" reklamo ni Kevin na bunsong kapatid ko. Grade 3 pa lang siya ngayong pasukan nila.
"Sorry ang tagal ni ate. Alam mo naman Monday. Kapag gutom ka na 'wag mo na akong hintayin," Sabi ko sa kanya at kumuha ako ng itlog at hotdog na niluto ni Lola.
"Sinabi ko na rin sa kanila kaso hinihintay ka talaga nila," Sabi ng lola ko.
"Gusto namin kumpleto tayo kahit wala si Inay," Sabi ni Irene at nakita kong tumango si Kevin.
"Grabe naman pagmamahal niyo sa akin. Napakasweet niyo. Ginanahan tuloy ako." Ngumiti ako sa kanila.
"Oo nga pala, dumating dito si Francis kanina," Sabi ng lola habang kumakain ng gulay.
"Naniningil na naman po ba?" sabi ni Tim na kapatid ko rin. Highschool na siya kapareho ni Irene.
"Oo, apo. Kailangan na bayaran ng kalahati ang utang dahil may panggagamitan siya."
"Ako na po bahala kay Francis, 'la," Sabi ko. Pwede naman mapakiusapan si Francis kaso depende sa mood nila ng mga kasama niya. Kapag kinakailangan, kailangan ko talaga ibigay ang pera sa kanila. Pero wala pa akong pera ipapambayad. Ginastos ko sa mga gamit sa school ng mga kapatid ko at sa tuition na rin.
"Sigurado ka apo? Mukhang kailangan niya talaga. Pwede naman ako umuta-" hindi ko pinatapos si lola na ayoko rin may nagsasabi na uutang sa mga kakilala niya. Masisira lang negosyo namin.
"Lola, walang uutang, okay?" sabi ko at nakitang bumuntong-hininga si lola.
"Ikaw bahala, Let. Basta kaya ko naman tumulong sa problema niyo," sabi ni lola.
" 'La, ayoko naman masira negosyo natin dahil lang sa uutang ka sa mga kaibigan mo. Kapag hindi mabayaran, saan tayo kukuha ng pera. O diba? Mapapaaway tayo nyan. Kaya maraming nasisiraan ng pagkakaibigan ang utang," pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Pwede naman muna tumigil sila sa pag-aaral," sabi ni lola. Nakita ko reaksyon ng mga kapatid ko na parang nagulat sila sa sinabi ni lola.
Hinawakan ko ang kamay ni Irene at Tim, "Balak ko sila ipatigil kung hindi ko na talaga kaya magpaaral pero hangga't may solusyon pa ko sa problema sa utang kay Francis, hindi ko muna sila ititigil sa pag-aaral," sabi ko habang nagpapaliwanag.
Tapos na ko kumain, "Mauna na ako. Mag-aayos pa ako," tumayo na ako, "Irene, ikaw na bahala sa mga kapatid mo pagpasok sa school," utos ko sa kanya at nag-okay siya.
Nag-ayos na ako ng sarili ko. Naligo at nagmake-up. Kailangan ko na rin makahanap nf trabaho ngayon araw. Umalis na ako. Sumakay ng jeep at pagkababa ko sa jeep nakita ko si Francis sa may kanto kasama ng mga tropa niya.
Sana hindi ako makita. Please!!
Dali-dali ako naglakad at kumuha ako ng pamaypay at tinago ko ang aking mukha.
"Scarlet!" tawag sa akin ni Francis. Alam ko ang boses niya kaya napatakbo ako.
Oo, tumakbo ako dahil solusyon ko sa problema ngayon magtago sa kanya. Wala pa talaga ako ipapambayad sa kanya kaya ito ang solusyon ko. Bahala na kapag nahuli ako pero hindi ako magpapahuli. Ako pa.
Dumeretso ako sa isang bus papuntang Pampanga.
Tama kayo. Hindi talaga ako pupunta sa Pampanga pero dito ako sasakay para hindi nila ako mahanap.
Dali-dali akong sumakay at tumabi ako sa babaeng naka-cap at earphones.
"Nasan na pre?" narinig kong sumakay ang tropa sa bus.
Kinalabit ko ang babae, "I need your help." sabi ko at nakita niya ang sitwasyon ko, "Hinahabol ako. Please help me." nagmamakaawa ko sa kanya.
"Ayun ata pre! Deretso ka pa," nakita na ata ako nila.
Patay.
Hinawakan niya ang pisngi ko at nilapit. Hinalikan niya ako at nilipat niya ang cap niya sa akin.
"May naghahalikan don pre."
"Oo nga pre. Anuba! Hindi yan ang pinunta natin. Hindi naman pupunta ng Pampanga yun eh," Rinig kong sabi ni Francis.
Tuluyang umalis silang lahat na magtrotropa sa bus na sinasakyan ko.
Kumalas sa paghahalik sa akin ng babae at parang na-estatwa ako sa pwesto ko. Shet! Hinalikan niya ako.
Oh please?! Lord, bakit may tao nagtatangka na gusto ako halikan. Nagulat ako na tinanggal niya ang cap ko at nilipat sa kanya at hindi ako makapaniwala.
Speaking of....
Si...
"Jacey..." Tinanggal niya ang earphones at walang gana tumingin sa akin.
Siya nga.
" Ikaw nga teka bakit mo ko hinalikan?" inis kong sabi sa kanya.
"Anong gusto mo gawin ko, ituro kita sa kanila?" pilosopo din pala tong si Jacey.
Nakakainis naman kasi hindi kasi ako handa. Charing!
"Sabi ko nga," Humiyaw na ang kundoktor na papaalis na ang bus kaya tumayo na ako.
Pero hinila ako ni Jacey. Nagtaka ako kung bakit niya ako hinila na wala pasabi.
"Stay with me," sabi niya at marami kumantyaw sa aming dalawa at kinikilig na pasahero. Marami nagsasabi na 'kami' daw pero tinatanggi ko sa kanila. Pagkatapos, natameme na lang ako at umupo sa kinauupuan ko kanina. Kita ko sa mga mata niya na kailangan niya ng kasama.
Anong 'stay with me' dyan. Hindi ako kinikilig sa sinabi niya pero bakit parang nakangiti na ata ako. Pinipilit ko hindi mapangiti baka kung ano na naman sasabihin sa akin ni Jacey.
Madali naman ako pakiusapan na manatili sa tabi niya e. Isang call away man lang kaya ko naman eh. Kaso puro Megan ang bukangbibig nito. Anong laban ko sa ex niya? Diba?
Pero teka lang diba papuntang Pampanga to? Bakit siya pupunta ng Pampanga na nasa bus siya? Marunong naman siya magdrive diba? May gas naman yon. Nagfull tank ako nung isang araw. Ubos na agad ganun?
Tinanong ko siya kung saan kami pupunta pero ang sabi niya sa family niya raw. Gusto niya isurprise ang inay niya. Sabi ko naman may kotse ka naman bakit bus pa rin sinakyan niya. Ang sagot naman ni Jacey ay 'mind your own business'. Ang suplada tuloy sa akin.
Tahimik lang kaming dalawa habang busy sa pakikinig ng music si Jacey at nakaramdam ako ng antok. Kaya natulog muna ako.
Pero maya-maya nakaramdam ako ng pagalalay sa ulo ko sa balikat niya. Humikab ako at nakatulog ng mahimbing.
"Wake up."
Nakaramdam ako ng kiliti sa tenga ko dahil hininga niya at nagising ako sa boses niya.
Hindi namalayan na nasa balikat na pala ako natulog sa kanya at nakakahiya. Pwede naman hayaan na lang ako pero siya nag-insist na sa balikat niya ako matulog.
"Nandito na tayo," sabi niya at tumayo na ako dahil kukunin niya ang gamit niya sa itaas ng cabinet pwesto namin.
Tinulungan ko na rin siya at bumaba kaming dalawa sa bus. Pagkababa namin, sinalubong ako ng sarap ng simoy ng hangin. Amoy probinsya. Si Jacey naman busy sa kausap niya sa phone niya.
Habang naghihintay kami ng matagal, biglang may pumarada na van sa harap namin.
"Justine Clair Erevalo po?" sabi ng driver pagkatapos niya bumaba sa van.
"That's me," sabi ni Jacey at inalalayan niya ako umupo muna bago siya umupo. Nilagay niya muna ang mga gamit sa backseat pagkatapos, dumeretso na siya sa tabi ko.
Tahimik lang kami sa byahe. Walang imik at radio lang ang maingay dito sa van. Pinagmamasdan ang kapaligiran at tuwang-tuwa ako sa mga nakikita ko. Ang daming kalabaw at bundok na napapansin ko. Namiss ko tuloy ang probinsiya ko.
Napabuntong hininga ako.
"What's wrong?" concern niyang tanong sa akin.
"Namiss ko lang pumunta sa probinsya." sabi ko.
"I'll let you have a long weekend para makapunta ka sa probinsya." at natawa ako dahil naawa siya sa akin kaya may long weekend agad ako. Swerte ko naman sa amo ko. Hmmp! Hahaha. Kiss ulit. Charing!
"Eto naman. Nakakahiya sa kabaitan niyo po." tumawa ako at nakita kong ngumiti siya.
Maganda pala siya kapag nakasmile siya.
Tumino ka muna, Scarlet. Meet and greet with Jacey's Parents mo ngayon kaya tumino ka.
"You'll be happy when you meet my family. When you meet them, they are hospitable and heartwarming," ngumiti siya sa akin pero wait lang.
"Hep! Friends lang ipapakilala mo sa akin. Baka kung ano na naman imbento magawa mo." sabi ko sa kanya at magsasalita na sana siya kaso bigla kami napahinto sa sinabi ng nagmamaneho.
Sabi ng driver nandito na kami sa destination kaya bumaba agad si Jacey at bumaba na rin ako pagkatapos niya.
Ang ganda naman puro hardin ang labas ng mansion nila. Agad kami pumasok sa mansion niya at winelcome ng mga katulong si Jacey. Kinuha nila mga dalahin niya at dumeretso siya sa kusina. Kaya ako naman sumusunod lang sa likod niya. Medyo kinakabahan nga ako pero keri lang naman.
"Look who's here." tuwang-tuwa sabi ng babaeng medyo may edad na pero kasing ganda pa rin ni Jacey. Magkahawig silang dalawa kaya naman pala nagmana ito sa itsura niya.
Mommy niya pala yon.
Nagbeso si Jacey sa kanya at napansin din ni Jacey na katabi niya rin ang asawa nito.
Daddy niya.
Mukhang strikto at lalo akong kinabahan baka kung ano itanong nila sa akin mamaya.Nagbeso rin siya sa daddy niya at umupo kami at kaharap ko yung father niya na kanina pa nakatingin sa akin.
"What's your name, iha?"seryosong sabi ng Dad niya. Kinabahan ako dahil ang nagtanong sa akin ang Daddy ni Jacey.
"A-ano po...Scarlet de Guia po," nauutal kong sagot. Sabi ni Jacey very hospitable at heartwarming pero pakiramdam kong kabaliktaran ang sinabi niya sa akin.
"Stop, Dad. You're scaring her," natawa din ng malakas ang Dad niya.
"Sino ba siya, anak? Girlfriend mo?" tanong ng kanyang mommy at iiling sana ako pero hindi ako pinasalita ng tapos ni mommy niya.
"You're beautiful, anak. You look dressed as a businesswoman."
Businesswoman? Wish ko lang pero maghahanap talaga ako ng trabaho sadyang yung anak niyo lang po yung gusto na samahan ko siya dito. Siyempre madali naman akong kausap.
"No. I'm looking for the job po kaya nakasuot po ako nito," sabi ko at naintindihan na nila kung bakit nakasuot ako nito. Dumating na din ang mga pagkain at ang katulong naman nilgayan mga ng tubig ang glass wine namin pero nauna sila.
"So are you two? Together? Like girlfriend - boyfriend thingy," nakangiting tanong sa amin ng mommy ni Jacey.
"Mom, stop." sabi ni Jacey at napansin kong huminga ng malalim ito.
"So are you still together with Megan?" napatigil kumain si Jacey.
"No. But I want to win her back." cold niyang sabi at nakatinginan silang mag-asawa.
"Make sure, you will handle your company very well. Ayokong mangyari ang dati." seryosong sabi ng dad niya.
Anong company? Ito ba yung sinasabi ni Clint at Chloe na nagkanda leche siya sa pag-ibig? Napabayaan niya yung company niya?
"Birthday ni Megan next week. Did Megan invite you?" seryosong tanong ng Dad niya.
Umiling si Jacey at sumingit ako.
"Pero may invitation po akong dala para makasama siya. Si Jacey po ang dadalhin ko as a date po." sabi ko sa kanila at nagulat silang dalawa sa nilabas kong invitation. Kinuha agad ni Jacey at hindi makapaniwala sa nakikita niyang invitation.
Tinulungan ko lang isalba si Jacey sa mga tanong ng Dad niya. Mukha kasing seryoso at gusto isumpa si Megan dahil sinasaktan niya ang anak niya.
"How?" bulong ni Jacey sa akin.
"Secret. Try mo muna hindi maglasing para malaman mo." bulong ko sa kanya.
May gana pa ito mang-irap sa akin.
"So do you have clothes to wear sa birthday ni Megan? Ikaw iha, meron ka ba? I can lend something to you." sabi ng mommy at hinila ako papunta sa room.
Nandito kami sa master bedroom at binuksan niya ang closet.
"Ang gaganda ng mga dress niyo po." puri kong sabi.
Lahat sobrang elegant pero parang hindi kasya sa kanya. Pang teenager ang fit nito. Bakit ang gaganda naman pero hindi fitted sa kanya.
"I made these all designs. Fashion designer ako nung mid-20s ako kaya ito yung pinaka the best kong designs." may nilahad siyang dress sa akin, "This dress looks so good on you. Try this Mauve Dress."
Triny ko rin naman ang dress na binigay sa akin at medyo hindi ako kasing tangkad kaya medyo maluwang yung pinadulo. Pinakita ko sa Mom ni Jacey at natuwa siya dahil kasya sa akin. Ang sabi pa niya aayusin niya yung pinakadulo kaya natuwa din ako.
"Hindi ba talaga kayo ni Jacey?" umiling ako at nalungkot ang Mom niya.
"Hindi po kami ni Jacey," natatawang sabi ko, "Friends lang po kami, Tita." sabi ko sa kanya.
"Pero alagaan mo yung anak ko. Hindi mo alam kung gaano kabaliw ang anak ko sa pag-ibig."
"Oo nga po. Hindi niyo po alam na laging lasing anak niyo," nadulas kong sabi, "Pero secret lang po yon. Baka magalit si Jacey sa akin."
"I hope nandyan ka lang sa tabi ng anak ko. She need someone to lean on. Ayoko mangyari sa anak ko ulit nangyari sa kanya dati sa amin. Ayaw kong madisappointed ang Dad niya sa kanya." hinawakan niya ang kamay ko.
"Si Clint at Chloe lang pumupunta dito sa mansion. Buti na lang she made new friends din." ngumiti ako sa kanya at hinawakan ko rin ang kamay niya.
"Promise ko po. Nandyan ako sa tabi ni Jacey kahit pinagtatabuyan na niya ako." As a friend lang. Baka kung ano isipin niyo ha?
Buti na lang may ina si Jacey na nabubuhay ngayon. Ganito kamiss ko ang inay ko. Namimiss ko kung paano protektahan ang anak niya sa iba. Kung paano ganyan ka-concern sa anak niya. Namimiss ko kung paano kasupportive para sa lovelife ng anak niya.
Everytime naiisip ko ang inay ko, umiiyak ako kaya ang dalang ko pa rin dumadalaw sa nanay ko sa hospital. Pero after these dadalaw din ako sa inay ko kasama mga kapatid ko.
After naming mag-usap ng heart to heart talk ng mom ni Jacey, lumabas na rin ako sa mansion nila para ihatid ako ng driver niya. Kailangan ko na rin umuwi dahil hindi pwede ako magovernight.
"Scarlet.." napakamot siya sa ulo niya sa sobrang hiya niya sa pagtawag sa akin.
"Thanks for staying with me tonight. About the invitation, you don't ha-"
"Okay lang sa akin na magthank you ka dahil sa invitation, Friend." sabi ko sa kanya at ginulo niya ang bangs ko.
"Anong Friend?" nagtataka niyang sabi.
"Friends naman tayo diba?" nagkatinginan kaming dalawa na naghihintay ng sagot sa kanya.
"Y-yeah, we're friends."
Friend na lang itatawag ko sa kanya para maramdaman niya na may kaibigan din siyang katulad kong kaganda. Bwahaha.
Ang saya ng araw ko ngayon. Share ko lang hihi. Friends na kami, e. Kayo ba ng crush niyo?
Like it? Add to Library!
Don't forget to leave some votes and comment on my story. If you have time, follow my social accounts below:
> wattpad: @leavamarie
> twitter: @leavamarie
This story is also available on Wattpad!