Nag-iiyakan kami ni tita knowing na this can be worst until...
tiiit... tiit... tiit.... tiiiiiiiiiiiiiiiiiiittt....
Her heart rate monitor started to go flat. Tumakbo agad yung papa ni Allie na nasa labas lang ng room para tumawag ng doctor. Everyone is in panic. I don't know pero napatulala lang ako sa kanya habang nirerevive sya ng doctor and nurses... Everything seems to be in slow motion. Nakita ko yung face ni Allie, lifeless, unresponsive... Biglang nagflashback lahat ng memories namin together. Yung una kaming nagkakilala sa food court ng campus habang kumakain ako ng hotdog sandwich sa mesa at nabangga nya ko. Nadumihan nya yung fave shirt ko and nagsorry sya. Nung una nainis ako sa kanya kasi bigla syang umalis at mukhang di sincere yung pagsosorry nya. Ang angas pa nyang umalis habang hawak yung strap ng backpack nya. Di ako naka-attend sa first day ng orientation non para sa mga papasok sa jhs dahil sa kanya. Until nagkakita ulit kami ng next day of orientation para sa mga di nakaattend sa first day.
"Hi. Sorry last time ah. Nagmamadali kasi ako non kaya di na ako nakapagsorry ng husto. Ito oh... "
Then inabutan nya ko non ng parehas na parehas ng shirt ko.
"Naisip ko kasi baka namantsahan yung damit mo non, mukhang mamahalin pa naman kaya naghanap agad ako ng kaparehas online, sana kasya sayo. "
From that day on, naging super close tayo. Sa lahat halos ng lakad magkasama tayo. Yung mga kilos natin at tayo mismo, maraming nagsasabing nagiging magkamukha na tayo dahil lagi tayong magkasama. Boyish ka kaya nahawa din ako sayo. Mga suot natin halos nagkakaparehas hanggang sa magdecide nga akong magdorm and niyaya mo agad ako sa tinutuluyan mo na saktong para sa 2 tao lang at kaaalis lang ng roomate mo.
Nung bumalik ang senses ko, nakita ko na tinatanggal na unti-unti ang life supports mo.
"Allieeee... " gusto kong sumigaw pero bigla akong napaupo sa pagkakatayo ko. Nanghina ako bigla. Yung best friend na nakasama ko for so many years... wala na? No! ALLIEEEE!!!!