Tải xuống ứng dụng
66.66% The One That Got Me Away / Chapter 2: TOTGMA 2: Unrequited Love

Chương 2: TOTGMA 2: Unrequited Love

Charmaine hugged Ellie the moment she saw her. She doesn't know how to comfort her. She can't tell her what to do because she knows how much Ellie loves him. All she can do is listen and be there for her but, things have changed. Tables have turned and she doesn't want to see Ellie in pain anymore.

Nasa rooftop sila ng isang coffee shop around Timog Ave. and only VIPs can come up there. And since isa sa shareholder si Ellie kaya matuturing na VVIP siya. Pinasara niya ang buong rooftop para walang makakita sakanyang umiiyak.

"El, ano bang balak mo? Lagi ka nalang bang ganito?" sabi ni Charmaine. Kumuha siya ng tissue at inabot 'to kay Ellie. "Imagine.." humarap siya kay Ellie na para bang sobrang seryoso ng pag uusapan nila. "Nakita mo na silang dalawang magkasama, tapos ikaw? Mine-message mo parin siya, ano bang balak mo? Hanggang kailan ka ba mag papaka tanga sakanya? Kasi Ellie, wala nang tama sa ginagawa mo. Alam kong mahal ka ni Matt, pero sis sa nakikita ko ngayon parang hindi na. Alam mo naman kung ano point ko diba? Hindi naman gagawin ni Matt yan kung same parin yung pagmamahal na nafi-feel niya sayo. Hindi yan tukso, Ellie. Choice niya na yan. Choice niya lahat ng nangyayari sakanya."

Yumuko lang si Ellie. Para sakanya, si Matt na ang nakikita niya sa future niya. Despite sa lahat ng ginawa ni Matt, naiintindihan niya parin 'to na baka tukso lang at para sakanya, hindi pa naman sila mag asawa kaya hinahayaan niya itong gawin lahat ng gusto niya kahit na makakasakit ito sakanya.

"I don't know, Cha. Alam mo naman kung gaano ko ka-mahal si Matt, 'di ba? Hindi ko lang maintindihan kung bakit ayaw niya ko iwan kung gusto niya na pala yung babae. Kita mo naman, sa ilang beses niya akong niloko, ito ang unang beses na kinita niya yung babae niya. First time, Cha. Hindi ko alam kung na excite lang siya sa feeling ng bago. Di ko na alam Cha." gustong yakapin ni Charmaine si Ellie pero hindi niya magawa. Kung meron mang kakaiba sa friendship nilang dalawa, yun ay ang hindi sila katulad ng ordinary-clingy-relationship. Ayaw nilang nag bebeso, nag yayakapan, or nag iiyakan. Kaya naman alam niyang sobra nang nasaktan si Ellie nung makita niya 'tong umiyak. "First time" bulong ni Charmaine sa sarili niya.

"Anong naramdaman mo nung nakita mo silang magkasama? At bakit mo sila sinundan?"

Agad na napa facepalm si Charmaine nang ma-realize niya na ang tanga nung tanong niya. "Stupid Charmaine, dont state the obvious, nasaktan yung kaibigan mo itatanong mo pa" bulong nya sa sarili niya. Tumigil sa pag hikbi si Ellie. Napatitig siya sa kawalan na tila ba'y inaalala ang mga nangyari kanina nang biglang may pumatak na luha sa gilid ng mata niya. Tinignan niya si Charmaine. "Sobrang sakit, Cha. Sa sobrang sakit wala na ko halos naramdaman. Walang tumulong luha nung nakita ko sila. Nanghina lang ako para bang tumigil yung mundo ko. Nagtaka nga ako kung bakit di manlang ako naiyak, siguro sobrang nagulat ako or I already saw this coming?" hindi na nakapag salita si Charmaine. Gusto niyang tawagan si Matt para sabihin kung gaano siya ka walang kwentang lalaki pero alam niyang magagalit si Ellie dahil for sure, wla nanamang ka muang muang si Matt na nahuli nanaman siya. "May problema ba sakin? May kulang pa ba? Bakit di siya makuntento?"

"Sobrang bait mo Ellie yun ang problema sayo!!!! Gusto na kitang tirisin, napakatibay ng helmet na pinasuot sayo!!" inis na sinabi ni Charmaine out of frustration. "Ano? wala ka nanaman bang balak sabihin sakanya na nahuli mo siya? Ellie kahit manlang iparamdam mo sakanya na may mali siya, gawin mo. Ganyan bang future ang gusto mo? Ha?"

"Alam mo naman kung gano ako ka-mahal ni Matt diba? Nakikita mo naman yun diba?" sagot ni Ellie nang hindi siya tinitignan.

"Oo alam ko yon, pero El pagmamahal ba tawag mo dyan? Maaaring mahal ka niya pero hindi na katulad ng dati kasi kung mahal ka niyan hindi niya naman magagawa sayo yan." matagal bago nakasagot si Ellie tila bang hinahanap niya yung mga tamang salita bago nila ilabas.

"Sinundan ko lang naman sila kasi alam mo naman ako diba? Ayokong bigyan agad ng meaning lahat ng bagay. Baka kasi mamaya, pinsan niya yon or what"

"Sis pinsan??? 10 years na kayo, impossibleng di mo kilala lahat ng kamag anak niyan. Hala sige mag tanga-tangahan ka" sumandal sa upuan si Charmaine at nilagay ang dalawang kamay sa likod ng batok niya, tinignan lang siya ni Ellie at tinuloy ang kwento.

"Basta naghahanap parin ako ng excuse para isiping wala lang yon. Ayoko kasing magalit agad sakanya, ang haba na ng pinagsamahan namin. Dapat may tiwala ako sakanya, hindi ko dapat siya i-judge basta basta dahil lang may kasama siyang ibang babae--"

"Oh? So anong nangyare sa trust trust mong yan? Ano napala mo?" nilapit ni Charmaine ng bahagya ang mukha niya kay Ellie kaya napa sandal siya sa upuan niya.

"Ayon nasaktan ako hahahaha sobra na pala yung trust na binigay ko sakanya. Di ko alam kaya niyang gawin sakin yun. After all these years Cha, di manlang niya ko naisip bago niya ginawa yun. Sobrang saya niya kasama yung babae, nung nakita ko siyang ngumiti dun ako nasaktan. Naisip ko bigla na langya kaya pala siya cold sakin nung mga nagdaang araw kasi meron ng ibang nagpapasaya sakanya. Kaya pala wala siyang pakialam kahit umiyak ako or magalit kasi may iba na pala siyang cinocomfort at binabantayan. Kaya pala madalas siyang busy sakin kasi may iba na pala siyang pinaglalaanan ng oras. Kala ko pa naman kasalanan ko kung bakit nagiging ganun kami kasi lagi ko siya inaaway yun pala kasi hindi na ako yung mahal niya. Taena naisip ko yan lahat habang pinapanood ko silang magkasama."

Hindi alam ni Charmaine kung ano ang sasabihin niya, hindi siya expert sa love at alam ni Ellie yun. Ang gusto niya lang din naman ay yung may makinig sa kwento niya, hidni niya kailangan ng advice dahil alam niya sa sarili niyang hindi niya rin susundin yun. Napasindi nalang ng yosi si Charmaine habang si Ellie naman ay nag lakad papunta sa kabilang dulo ng rooftop kung saan may bar counter at fish pond na pwede mong ibaba ang mga paa mo. Umupo si Ellie sa fish pond at nilaro ang mga isda.

Isang oras na ang nakalipas pero wala paring nagsasalita sakanila. Ang kaninang naka pwesto sa fish pond na si Ellie ay ngayo'y naka sandal na sa isa sa mga couches malapit sa bookshelves habang si Charmaine na kanina'y nag yoyosi ay nagyoyosi parin.

Nakatingin sa kawalan si Charmaine habang nagyoyosi nang bigla siyang tawagin ni Ellie.

"Uuhaw ako Cha." pinatay ni Charmaine ang yosi niya saka tumayo.

"Tara inom." hinatak niya palabas ng coffee shop si Ellie at pumasok sa katapat na bar.


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
ts_ ts_

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation! Have some idea about my story? Comment it and let me know.

next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C2
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập