@ International_Pen
((( SENA )))
" Wag na friend. Madidisapoint ka lang."
Nang bigla akong akbayan ni Sean, at inipit sa kilikili niya ulo ko.
" Sinong friend… huh, finifriend mo lang ako."
Sabay kiliti sa akin.
" Ano ba Sean… awat na…" Inaalis ko na braso niyang nakapulupot sa akin. Ayaw talaga. Madudurog ulo ko. Siya kaya tong paiyakin ko.
" Tama na nga… ahhhhahahaha…" Mangingiyak na ako sa sobra niyang pangingiliti sa akin.
Saka nga niya ako nirelease.
Hinga malalim. I am fine.
" Pag ako namatay."
"Isa pa."
Napaunat na lamang ako ng katawan ko. Humanda ka sa akin Sean… kiliti pala. Seryoso na naman siyang nakatulala sa kawalan. Napalinga ako sa likuran. Sina Cecile, abala nang pagbuksan yung mga kurtina. Senenyasan ko si Jane na lumapit sa akin. Lumapit ito sa akin na parang may mali… nakasimangot. Pero mamaya na mag-share kung ano ang problema… may gagawin muna ako sa Sean na ito.