Tải xuống ứng dụng
66.66% The Cheating Man's Daughter / Chapter 2: Chapter 1: Secretary

Chương 2: Chapter 1: Secretary

Chapter 1

Secretary

"The more you show your feelings, the more people can find ways to hurt you."

It's a normal day. And when we say normal, it means Dabi always starts her day with a mountain of papers on her desk.

Umagang-umaga ay mainit na ang ulo niya. Paano ba naman kasing hindi kung umagang-umaga rin, palpak na naman ang bagong sekretarya niyang kaka-hired niya lang last week.

"I'm sorry, Miss Dabi. I didn't finish the presentation you gave to me last friday. Nakulangan po ako ng oras e. Napuyat po ako kakabantay kagabi sa anak ko pong inataki ng lagnat." Bakas ang pagsusumamo sa mukha ni Miss Aravelo sa harap ng kanyang amo. Magkalapat din ang kanyang mga kamay at may takot na nanghihingi ni despensa sa kanyang kapabayaan sa kanyang trabaho.

"Having an excuse means having a way of escaping from your mistakes and then, repeat it all over again. If you don't want to do your job well, tell me! So I could fire you right away and so you can leave my company immediately! I don't need an incompetent employee like you!"

Magkasalubong ang dalawang kilay ni Dabi at taas-baba ang dibdib dahil sa konsumisyon dahil sa kapalpakan ng sekretarya. Napahilot siya ng sintido at mariing napapikit. Sumasakit ang kanyang bungo dahil dito.

Importante ang presentation na iyon dahil yun ang ipipresenta niya sa harap ng Board of Directors mamaya sa pagpupulong nila dalawang oras mula ngayon.

Na-iistress siya at ayaw na ayaw niya kapag umagang-umaga ay ito agad ang pambungad sa kanya. Kapalpakan dahil sa kapabayaan sa responsibilidad na iniatang niya sa kanyang mga tauhan.

"Pasensya na po talaga, Miss Dabi. Ihahabol ko na lang po ang presentation para mamaya. Wag niyo po sana akong sisantihin. Maawa po kayo. Wala po akong ipapakain sa anak ko kapag nawalan po ako ng trabaho." Umiiyak na ngayon si Miss Aravelo pero matigas pa rin si Dabi. Inangat niya ang paningin at tinitigan ito.

Ayaw na ayaw niya rin kapag ginagamit ang pagluha para makakuha ng simpatya. For her, it's a sign of weakness and an act of being hopelessly pathetic.

Tumikwas ang kanyang natural at perpektong kilay.

"Get your 1 month's worth salary in the Finance Department. Also, no need for your resignation letter, I won't be needing it. Makakaalis ka na."

"Miss Dabi, maawa po kayo. Di ko po alam kung saan ako pupulutin, kami ng anak ko. Miss Dabi.. "

She pursed her lips in a thin line and called the HR Department in the intercom inside her office.

"Call the guards and get Miss Aravelo out of my office. Right now!"

Ipinaikot niya ang kanyang swivel chair at humarap sa floor to ceiling na salamin- tanaw ang kalawakan ng syudad-nakatalikod sa sekretaryang ngayon ay kinakaladkad na ng mga guwardiya palabas ng kanyang opisina.

"Miss Dabi!" Huling katagang narinig niya bago tumahimik sa loob ng kanyang opisina.

Sa wakas, a peace of mind.

Namahinga muna siya at sumandal sa kanyang swivel chair. Kailangan niya iyong gawin kung hindi ay maibabaling niya sa iba ang inis na nararamdaman.

Ilang minuto lang siyang nakapikit at nagpapahinga nang magmulat siya. Tatawag siya mamaya sa Human Resource Department.

Kailangan niya ng bagong sekretarya. Yung competent, responsable at maasahan.

Ngayon, ang kailangan niya munang gawin ay ang ikansela ang pagpupulong na dapat ay magaganap mamaya at i-reschedule ito sa susunod na linggo. Siya na naman ang mahihirapan nito at ang masama pa ay baka kuwestiyunin pa ang pagiging effective CEO niya sa kompanya kung sa napakasimpleng pagpupulong lamang ay hindi niya maisagawa nang maayos.

That's why she doesn't like it when a person is irrationally irresponsible. Nadadamay at naaapektuhan ang walang kamuwang-muwang na mga tao sa paligid.

Ang kalalabasan, sila pa ang sasalo sa ka-irresponsablihan mo.

"Good afternoon, Miss Dabi." Si Mrs. Helado iyon, ang Head ng HR Department na responsable sa pagpapapasok ng empleyado sa kompanya niya.

Kakatapos niya lang kumain ng brunch niya nang tawagan niya ito para atasan at pag-usapan ang tungkol sa paghahanap niya ng bagong sekretarya.

"Good afternoon." Maawtoridad niyang pagbati at sinabayan pa ng maliit na pagtango.

She is comfortably sitting in her swivel chair while resting her chin on her clasp hands, both elbows are on the table.

Parang tigre siya kung tumingin at hindi man lang ngumingiti sa matandang kaharap.

"I summoned you here to discuss about the qualifications of my new secretary. I need a competent, responsible and very efficient secretary as soon as possible, Mrs. Helado. I don't want a lousy and irresponsible one just like the one you got me last week. If this happens again, I will fire you. But don't worry because I'll be the one who will interview them for their final interview if they pass your screening, so I need you to start now. Do you understand, Mrs. Helado?" Mahaba niyang paliwanag.

Nanatili namang propesyonal ang matanda at nakangiti sa kanya. Sa loob ng Sampung taong pagtatrabaho ng matanda sa kompanya ni Dabi ay kilala niya na ang dalaga. Alam na alam ng ginang na seryoso ito sa mga sinasabi at kung ano ang sinabi, agad na ginagawa. In short, may isang salita ang dalaga.

Hindi naman nababahala ang matanda dahil alam niyang hindi siya papalpak sa kanyang trabaho. Tumagal nga siya ng sampung taon sa tabi ng dalaga kaya walang dapat problemahin. At saka isa pa, si Miss Aravelo ay isa lamang sa mga sekretaryang minalas na masesante dahil sa pagiging pabaya sa tungkulin.

Hindi naman agad nangsisisante ng trabahador si Dabi. Ginagawa lamang nito iyon kapag alam nitong malaki ang naging kasalanan mo.

"Yes, Miss Dabi. I understand what you meant. Ngayon din ay magsisimula kami sa paghahanap ng mag-a-apply para sa posisyon. Magpo-post din kami sa website tungkol dito upang mapadali ang paghahanap." Pormal na sagot ng matanda.

"Good. You can leave now. Thank you."

"My pleasure to serve you, Miss Dabi." Yumuko ang matanda bago marahang tumalikod at lumabas ng kanyang opisina.

Napabunga siya ng hangin.

I hope they choose the right one for the position. I don't want to fire them everytime they make mistakes.

Nung hapon ding iyon ay nagsimula ang pagpapasok ng mga aplikanteng gustong mag-apply bilang sekretarya niya.

"Next." She said after she finished asking questions with the 20th applicant.

"God, they're all saying the same thing!"

Aniya sa sarili at may pag-iling pa ng kanyang ulo.

She adjusted her reading glasses as her temple twitched in pain.

Pangalawa na iyon sa panghuli at makakauwi na din naman siya pagkatapos. At kung tutuusin ay mas maaga ang uwi niya ngayon kung sakali. Salamat na rin sa former secretary niyang si Miss Aravelo, nakansela ang meeting niya na alam niyang mag-o-over time siya kung natuloy man.

"Good morning, Miss Caso." Anang baritonong boses na nagpaangat sa kanya mula sa pagkakatutok niya sa resumé ng bagong dating na aplikante.

Nangunot ang kanyang nuo dahil sa pagkakatingala sa isang mala-Diyos na nilalang na nasa kanyang harap. Pang-apat na lalaki itong aplikante.

Kahit nakasuot ito ng salamin ay hindi nito nagawang itago ang taglay nitong kakisigan. Mayroon itong mga matang sing itim ng dilim sa gabi, makapal na kilay, matangos na ilong, nakadepinang panga at mapupulang mga labi. Katamtaman lamang sa pagkaputi ang balat ng lalaki at alam niyang mataas ito kumpara sa isang normal na lalaki para sa edad nito.

Gwapo ang lalaki. Aminado siya.

Mahal ang compliment niya, hindi rin siya madaling magwapuhan sa isang lalaki.

Ngayon lang.

Well, she'll give him that. No arguments. Just that, period.

Nagkatitigan lang sila sa loob ng ilang minuto at kung hindi pa siya nangalay sa pagkakatingala dito ay hindi pa siya iiwas ng tingin. Marahil ay mas tatagal pa ang titigang 'yon.

She composed herself and focused more on the resumé that she is holding. Her forehead remained puckish.

She didn't offer her hand for a shake hands. Hindi rin naman nag-offer ang lalaki.

Hmmm.

"You can sit down, Mr. Villagomez."

"So.." panimula niya at sinabayan ng pagtikim para kahit papaano ay maayos ang sarili.

Inangat niya ang mukha at walang emosyon niya itong tinitigan sa mata. Malayo sa uri ng tingin ng magkatitigan sila kani-kanina lang.

uncrushyou🦋


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C2
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập