Tải xuống ứng dụng
50% The Bad Boy wants Me (TAGALOG) / Chapter 6: Five- In your dreams

Chương 6: Five- In your dreams

Chapter 5

In your dreams

"What the heck?"

My face was like a ripe tomato, I can also feel my cheeks burning up. Tinignan ko ng masama ang dalawa na 'ni hindi makatingin saakin at pilit iniiwas ang mga mata nila.

"I'm sorry, I was just messing with you." Kita ko ang kabado sa mukha ni Ysa at siniko nito si Janice na nakatungo.

Umangat ang tingin ni Janice na nakanguso. "Yung kausap ko kanina, Cas. Kaibigan ko talaga iyon."

What? Inaasar talaga nila ako? At iyong dare dare nila, hindi totoo? Matagal na sila ganiyan- yung dares and stuffs at hindi ako sumasama sa mga ganon dahil lagi akong busy.

Napahawak ako sa akong ulo at napailing. Ano ba 'yan, ang kukulit ng dalawa.

"We are sorry, Casey." Sabay nitong paghingi ng tawad.

Tumingin ako sakanila at napapikit. Bumuga ako ng hangin at maya maya ay ngumiti sa harap nila. "It's fine, tapos na eh."

Ayokong magalit sakanila, nangyari na ang nangyari. Ang problema ko lang ay bakit si Zach lagi ang makikita ko? I hate it.

Nakauwi na kami saaming dorm at kumakain ng mga bili namin kanina. Nanunuod kami ng isang thrill movie, we all love a suspense movie dahil hindi namin alam sino ang pumatay. Matetest namin ang sarili namin. It may sounds weird but I love it. Habang kumakain ako ng ice cream on my cup. Napatingin ako sa phone ko.

May lumabas na isang remainder kaya tinignan ko iyon. "Shoot!" I muttered at napahawak sa ulo. How can I forget it?

"Yes, shoot! Kunin mo 'yong baril sa lamesa dali!" Ysa shrieked at sinapaksapak si Janice sa balikat.

Napailing ako at tumayo. "Balik lang ako."

Pumunta ako sa study table naming tatlo sa room at isinaksak ang laptop dahil lowbat ito. Napaupo ako sa aking upuan while waiting patiently to access the wifi sa school.

I clicked the Kingdom Quest icon at lumabas ang loading. Nang lumabas ito ay bumungad saakin ang mga messages sa mga kilala ko.

[sundymaddz: Cas, matutuloy pa ba?]

[sundymaddz: Just chat me if matutuloy tayo, okay?]

[sundymaddz: I'm sorry to disturb you :(]

Oh my, nakalimutan ko talaga. Tinignan ko ang huling chat niya and it was fifty three minutes ago pa, at nakita ko na online pa rin ito kaya agad akong nag private message.

[strcasey: Hey girl, I'm really sorry. Kakauwi ko lang ngayon. Anyway, are you still free?]

Ilang minuto ako naghintay at agad itong nagreply.

[sundymaddz: Super duper yes, I missed you!]

Napakagat ako sa aking labi dahil hindi ko mapigilang mapangiti. Nakita ko ang pag on-mic nito sa aming chat.

[sundymaddz: Girl, pwede mic tayo? Mahirap kasi magchat habang maglalaban tayo sa quest. Nasa internet cafe kasi ako, alam mo na yung keyboards dito mahirap pindutin.]

Napatulala ako sa chat niya. Mic?

[strcasey: Alam mo naman na wala pang nakakarinig sa boses ko diba?]

Wala pa talagang nakakarinig saakin, everyone seems off. Nagtataka na rin ang iba saakin, iniisip nila na baka lalaki ako o 'di kaya isang bakla. Ang gender ko sa aking profile ay babae at halata na rin dahil sa avatar kong female fighter.

Simula nang naging top one ako sa buong server ay doon na sila naghinala saakin. They wanted to see my face, but I still keep my profile low. Isa lang rason ko kaya ayoko magpakita o magpakilala sakanila dahil ayoko makilala bilang Casseopia na tahimik at nag-aaral sa isang prestigious university. Dahil narinig ko rin sa tabi tabi sa aming school na may naglalaro pala nito.

May mga nakakaaway na rin ako sa larong ito, at ayoko ng gulo. Laro ay laro, iba na ang private life ko.

[sundymaddz: Pretty please? Ayoko naman sabihin sakanila ito no.]

Napabuga ako ng hangin. Ang kulit talaga niya, pero wala namang masama diba? Hindi ko siya kilala at hindi rin niya ako kilala in real life. So why bother?

[strcasey: Okay, one moment.]

Tumayo ako sa aking kinatatayuan at kinuha ang laptop.

"Cas, where are you going?" Takang tanong ni Ysa habang kumakain ng pop corn.

Napalingon ako sakanilang dalaqa at nakita kong nakatulog na si Janice sa kaniyang tabi. "Out." Tinuro ko ang pintuan.

Ngumuso ito. "Okay, be back ha?"

Tumango ako at ngumiti bilang sagot sakaniya. Lumabas ako sa dorm namin at iilan sa mga babaeng estudyante ay bumabati saakin at napapansin din ang nagong buhok ko, kaya hindi ko mapigilang mahiya sakanila.

Nakarating na ako sa Garden at umupo ako sa isang bakanteng table. Napapikit ako sa hangin na bumabalot saakin, it's refreshing.

Binuksan ko na ang laptop ko at isinuot ang aking headphones.

"Done, game?" Tanong ko nito.

Ilang minuto lang ay narinig ko ang impit na tili nito. "Oh my gosh, ang cute ng boses mo!"

Napailing ako sa sinabi niya at tumawa ng mahina. "Don't flatter me, game na ba?"

"Wait! Yung quest ko. Mahirap daw ito, kailangan natin ng isang marksman o mage na hero. Dalawang fighter kasi tayo eh." Aniya sa kabilang linya.

Napakunot ang noo ko sa narinig. "Anong quest ba 'yan?"

I've never heard it before. Hindi ko rin natry iyon.

"Quest number 1429."

Tinignan ko ang quest na iyon at pending pa ito saakin. Perfect! If maipanalo namin ito, matatapos ko din ang quest na ito.

"Well-" I paused for a moment at nag isip. "May kilala akong makakatulong sa quest natin."

"Really?" I heard her excitement.

"Yes." I replied at agad hinanap ang profile ni blackzmxx. Napangiti ako ng nakitang online ito. I opened a private message at agad nag tipa ng mensahe.

[strcasey: Hey, uhm. May quest ako ngayon kasama ang kaibigan ko. I need your help.]

Senend ko iyon at binasa. Napakunot ang noo ko, para akong desperate sa chat ko. Napailing ako at nag tipa uli ng mensahe.

[strcasey: It's okay if ayaw mo. Hehe.]

Ugh! Napatampal ako sa aking mukha. Bakit ang weird ko kapag kausap na siya?

Nakita ko na binasa na niya ang message ko, kaya napakagat ako sa aking labi.

[blackzmxx: No, it's okay. I will help you, my wife.]

There he goes again with his wife thingy. It still gives me these unfamiliar feeling.

Ininvite ko siya sa isang lugar na doon magsisimula ang quest.

"Is that black? Oh my." Rinig ko ang pagkagulat at pagkamangha sa boses ni Sundymaddz.

"Yup, siya ang asawa ko sa larong ito." Sagot ko sakaniya.

[blackzmxx: On-mic? I'm sorry. Nasa school ako ngayon at hindi ko dala ang headphones ko.]

Chat nito sa gc naming tatlo. School? So, nag aaral pa pala itong black? O baka isa itong faculty member? Hindi ko pa alam ang edad nito.

"Awe, sayang naman. Gusto ko pa naman marinig boses niya. I heard na babae daw ito o hindi kaya bakla- opps. Sorry."

Nanlaki ang mata ko sa narinig niya. "Bakla?"

Narinig ko ang pilit na tawa nito. "I'm sorry, tulad din sayo. Hindi namin alam ang mukha, kaya nagtataka din sila if babae talaga o lalaki."

"I get it. Malay mo tulad din siya saakin na may reason din." Sabi ko sakaniya habang nagtatype ng mensahe kay black na okay lang.

Nang nagsimula na kami sa aming laro ay tama nga ang sabi ni Sundymaddz, hindi makakaya kapag dalawang fighter lang. Kailangan talaga ng isang range hero.

Nang natapos na ang laro namin ay nagpasalamat si Sundymaddz sa chat.

[blackzmxx: Always welcome, tutulungan ko basta kaibigan ng asawa ko.]

Hindi ko mapigilang mapangiti sa mensahe niya at narinig ko ang tili sa kabilang linya.

"Lalaki talaga ito! Hindi ako maniniwala sa iba." Sabi nito. "At may gusto akong sabihin, ang cute ng boses mo! Pakiramdam ko maganda ka rin sa personal." Dagdag nito.

"It's okay. Aalis na ako ha?" Pagpaalam ko pero narinig ko uli ang boses niya.

"Wait, taga saan ka?" Tanong nito.

Should I tell her? Napabuga ako ng hangin. Wala naman sigurong masama.

I told her my location at narinig ko ang pagbuntong hininga nito. She sounded like dissaponted.

"Sayang, gusto ko kasing makameet up ng isang girl gamer na katulad ko-" she paused for a second. "At tsaka, sa lugar mo madami akong kilala. I'll pm you the usename baka kilala mo. Bye girl! Thank you, out na ako dahil time na yung computer ko."

Napailing ako, ang kulit din niya. Nakita koang pag chat nito sa gc na aalis na ito. Nang nawala na ang avatar ni sundymaddz ay chinat ko na si black.

[strcasey: Hey, salamat.]

[blackzmxx: Welcome, wife. Happy to help, and I've missed you.]

What? Ano raw?

[strcasey: Uhm, hey aalis na ako ha?]

Hindi na ako agad nag hintay sa reply niya ay agad akong umalis doon sa laro at inoff ang laptop. The hell? Bakit ba lagi niya nalang ako sinusurpresa sa bawat salita niya?

Napailing ako at tumayo. Kinuha ko na ang laptop, aalis na sana ako nang napansin ko si Zach sa 'di kalayuan sa pwesto ko.

Dumaan ako sa likod niya para bumalik sa dorm ko nang napansin ko ang nasa laptop niya.

I froze. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Nakita ko itong lumingon saakin na nakakunot noo at maya maya ay ngumisi. "Hey retard, do you want more than just a peck? Maybe on the lips will do."

I gritted my teeth at tinignan siya ng masama. "In your dreams."

Tumingin muna ako sa laptop niya and I stormed out. Napahawak ako sa aking ulo at umiling.

This is not happening, blackzmxx and Zach? No freakin' way!

----


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C6
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập