Paunawa: Ang pamamaraan ng salita sa unang kapitulo ng aklat na ito ay na-ayon sa pamumuhay ng mga unang tao sa kaharian. Ibinagay lamang sa estado ng pamumuhay ng mga unang tauhan sa kwento bago ang pag-sisimula ng kanilang pag-lalakbay sa buong kwento.
"Kamahalan! Hindi ka na pwedeng bumalik pa sa loob ng palasyo! Masyado ng mapanganib!" Sigaw ng isang tagapag-bantay sa palasyo.
Sinusubukan nitong pigilan ang sampung taong gulang na si Yohan na gustong bumalik sa loob ng kanilang palasyo na kasalukuyang sina-salakay ng mga halimaw na galing sa kabilang bahagi ng kaharian.
"Nasa loob pa ang aking ina at ama! Kailangan ko silang maisama palabas!" Umiiyak na sagot ng batang prinsipe.
Hating gabi na ng mga oras na iyon ng biglang tumunog ang emergency alarm ng palasyo, palatandaan ng panganib na parating. Mahigit labing-limang taon na ang naka-lipas ng huling sumalakay ang mga halimaw. Marami ang mga namatay ng panahong iyon dahil na rin sa kakulangan ng mga taong pandigma ng palasyo. Higit pa roon, ang mga halimaw ay may angking kapangyarihan na tanging mga mages lang ng palasyo ang pwedeng kumalaban. At kabilang na doon ang kanyang mga magulang.
"Patawarin nyo ako, pero hindi ko maaring baliwalain ang utos ng inyong mga magulang, kamahalan." Mabilis na hinila ng sundalo ang kamay ng batang prinsipe palayo sa palasyo.
"Bitiwan mo ako! Kailangan ako ng mga magulang ko! Sabi ko bitiwan mo ako!"
Patuloy na pumalag ang batang prinsipe at nagsusumikap na makawala sa pagkakahawak ng lalake ng biglang may apoy na humarang sa kanilang dinaraanan. Parehas na nagulat ang dalawa na hindi rin naka pagsalita pa.
"Well, well, well, who's here? The runaway prince?" Sabay na napa-lingon sa kanilang likuran ang dalawa.
Laking gulat ng dalawa ng makita ang isang lalake na naka-sakay sa likod ng isang hayop na ang katawan ay sa aso subalit ang ulo ay sa ibon. Acon, the fire type monster na may buntot ng sa lion. Ang mga paa ay tulad rin ng sa aso. Isa sa pinaka-nakakatakot na halimaw sa buong Drakaya Kingdom.
"Uncle?" Hindi siguradong tanong ng batang prinsipe sa lalakeng bagong dating.
"Uncle? Hahahaha! Yohan, you have sharp eyes. I am using magic para baguhin ang itsura ko pero nakilala mo parin ako? Isn't it surprising?" Sagot ng lalake.
Maaring naguguluhan kayo kung bakit may taong marunong mag-salita ng english sa palasyo. Isa lang ang dahilan, those people are originally not from the kingdom. They just suddenly appeared from no where at napilitan na lang na tumira sa kaharian. Itinatanong mo kung saan matatagpuan ang nasabing kaharian?
Ito ay matatagpuan sa Romblon's triangle kung tawagin ng mga taong napadpad sa palasyo. At sinasabi rin nila na ang kaharian ay matatagpuan sa ilalim ng karagatan ng Dragon's triangle.
"Anong ginagawa mo dito? Ang mama at Papa ay na sa loob pa ng palasyo! Help them!" Sigaw ni Yohan na nag patahimik sa lalakeng tinawag niyang uncle.
Subalit ilang sandali lang ay muli itong bumunghalit ng halakhak. Isang nakakalokong halakhak na sinabayan ng pag huni ng sinasakyan nitong halimaw. Nang bahagya itong tumigil ay seryosong tumingin ito sa kanya.
"How naive. Anak ka ba talaga ng hari ng Drakaya kingdom na nakapangasawa ng isang huluwa?" Tanong ng lalake.
Huluwa, tawag sa mga taong napadpad sa kaharian ng kailaliman ng dagat galing sa mundong ibabaw. Isa sa huluwa ang kanyang ina. Kaya hindi nakapagtataka na may kapangyarihan din ng mahika ang kanyang ina. The truth is, the man in front of him, is actually the older brother of his mother.
"What?!"
Magkasabay na napadpad sa lugar ng Drakaya ang dalawa ng aksidenteng lumubog ang barkong sinasakyan ng mga ito noon. Ayon sa kwento ng kanyang ina. And by that time, his father the king, fall in love with her and they got married. Habang ang kuya nito ay ginawang pinuno ng mga tagapag-bantay ng palasyo.
"Hindi pa ba obvious? Ako ang dahilan kaya nagkakagulo ang kaharian." Tumatawang pag-amin ng lalake.
"Pero bakit? Ikaw ang nakatatandang kapatid ng Reyna!" Hindi na rin napigilan ng tagapag-bantay ang mag-tanong habang hinihila niya ng palihim si Yohan papunta sa kanyang likuran.
Ramdam niya ang panginginig ng katawan ng kanyang alaga subalit hindi sila pwedeng umalis ng basta-basta dahil na rin sa napalibutan na sila ng mga tauhan ng kapatid ng Reyna. Hindi siya sinanay para hindi maintindihan ang kasalukuyang sitwasyon nilang dalawa ng prinsipe. Ang lalakeng kanilang kaharap ay malaki ang hangarin na mapatay ang nag-iisang taga-pagmana ng trono.
"Bakit? Hmmmm.. Well maybe because, she didn't listen to me. Gusto kong bumalik sa mundong ibabaw dahil may pamilya ako doon, pero ayaw niya dahil narito ang pamilya niya. Wasn't that enough reason for me to destroy this kingdom?! Capture them!" Malakas na utos nito sa mga nasasakupan.
"I hate you, uncle! I hate you!" Sigaw ng batang dama ang sobrang takot ng mga sandaling iyon.
Lalo na ng makita nitong unti-unting humakbang palapit ang mga halimaw sa kanila. Sa pagkumpas ng kamay ng kanyang tiyuhin ay ang pagpalibot ng apoy sa kanila ng tagapag-bantay. Lalong nanginig ang batang katawan ng prinsipe subalit pinanatili ang pagiging tahimik.
"Kung dahil sa inyo, kaya hindi ko magawang makasama ang mag-ina ko, then let's just disappear mula sa dalawa nating mundo!" Sigaw ng lalake habang malakas na humalakhak na nagpapakita ng kanyang tagumpay.
"Drakaya, if you are real, please us." Bulong ng batang prinsipe habang umiiyak na nakapikit.
"Drakaya? Who's that?" Tanong ng kanyang uncle.
Subalit hindi manlang sumagot si Yohan, patuloy ang kanyang taimtim na dalangin ng paghingi ng tulong sa nag-iisang taga-protekta ng buong kaharian. Ang nag-iisang hari ng mundong kailaliman.
"Enough with your mumbling! Walang magliligtas sa iyo! Kill them!" Sigaw ulit ng lalake.
Hindi na nga nagdalawang isip ang mga halimaw na tauhan nito at tuluyan ng sinubukang paslangin ang dalawa. Subalit sumubok namang manlaban ang nag-iisang tagapag-bantay na sumusubok na iligtas siya. Subalit dahil na rin sa dami ng kalaban, hindi na naiwasan na ito ay masugatan.
"Hadana!" Sigaw ng prinsipe ng sa tagapag-bantay na bumagsak sa lupa at sugatan.
"Oh?! She's a girl?" Gulat na tanong ng kanyang uncle.
Napatiim bagang ang batang prinsipe at madilim ang anyong tumingin sa kanyang tiyuhin. Ang luha sa kanyang mga mata ay umaagos sa kanyang pisngi subalit wala kang maririnig na tunog ng pag-iyak. Galit, galit ang makikita sa kanyang mga mata.
"Simula ngayon, isinusumpa kong hindi na ako magtitiwala sa mga huluwa!" Sigaw ng batang prinsipe.
"Kamahalan, ang iyong ina at ako ay isa ring huluwa." Utal na sambit ng tagapag-bantay.
"Only the two of you, kayo lang ang paniniwalaan ko. So please don't die." Mahigpit na hawak ng batang prinsipe sa kamay ni Hadana.
"Ugh.. How boring." Bulong ng tiyuhin ng bata.
Marahas na napa-lingon naman si Yohan dito at muling tinapunan ng puno ng galit na tingin.
"I wonder if my sister has finally have her own child. If ever, gusto ko sana siyang dalhin dito upang maging iyong kalaro kamahalan. Subalit sa palagay ko, malabo nang mangyari iyon." Putol-putol na sambit ni Hadana.
Naikuyom naman ni Yohan ang maliliit na kamao at saka pumikit. Bakit hindi pa nabubuhay ang kanyang kapangyarihan? Kung may superpower lang siya ngayon, maaring mailigtas pa niya o matulungang makatakas ang kanyang tagapag-bantay.
"I will use my last string of power, Your Highness. Please try to escape." Bulong ni Hadana.
Napadilat siya ng mga mata. Escape? Kung makakatakas siya sa mga kamay ng kaaway ng kaharian, may posibilidad na pwede pa siyang makapag-higanti.
"I'm sorry, Hadana. Because of me, because I'm so weak, I'm useless." Usal niya sa tumatayong babaeng tagapag-bantay.
"Enough with blaming yourself, please be ready.".
Oh?! You're still have strength in you?" Nakakalokong turan ng lalake. "You're difficult to deal with." Dugtong pa nito saka muling isinenyas ang mga kamay upang sumugod ang mga halimaw na tauhan.
"Now! Your Highness!"
Kasabay ng pag sigaw ni Hadana, ay ang pagpalibot ng mga halamang ugat sa buong lugar na kumulong sa mga halimaw na naroroon maliban kay Yohan na mabilis namang sinunod ang utos ng kanyang tagapag-bantay na tumakas. Pinapalibutan din siya ng mga halamang ugat subalit upang itago sa kalaban.
"This wench!" Sigaw naman ng lalake na nagpakawala ng apoy upang sunugin ang mga halamang ugat na nakapalibot sa kanila. Ilang sa mga halimaw na kasama niya ay patay na dahil pinuluputan na ng bagin sa leeg. Ang ilan ay patuloy na lumalaban.
"I'm gonna kill you!!!" Sigaw ng lalake at muling pinalaki ang apoy.
Maririnig ang malakas na sigaw ng mga halimaw kasabay ang huling sigaw ni Hadana.
Samantala, kasalukuyan ng malayo si Yohan sa lugar. Patuloy parin ang kanyang pagtagpo habang umiiyak ng tahimik. Ang galit sa kanyang maliit na puso ay nabuo na. Galit sa mga halimaw at galit sa isang huluwa.
"Mother, father, Hadana. Hindi ko sasayangin ang sakripisyo ninyong lahat. Maghihiganti ako sa taong sumira sa buong kaharian ng Drakaya.
Meanwhile, sa isang liblib na kweba sa ilalim ng karagatan. Isang nilalang ang muling nagkamalay, dahil sa matinis na iyak ng isang sangol na nagmumula sa ibabaw ng karagatan. Ang sangol na nakatadhana na kanyang maging master.
Sa dami ng taong lumipas na kanyang paghihintay, sinong mag-aakala na muli siyang magkakamalay? Mabilis na lumabas ng kweba ang nilalang, at sa tulong ng mga maliliit na kuryenteng namumuo sa bawat hibla ng kanyang kaliskis, unti-unting naging malinaw ang kanyang anyo.
"Sa wakas, sa loob ng sampung libong taon, bumalik kana ulit, Master."