Malapit na ang Graduation Day namin ngunit hanggang ngayon, wala pa rin akong makitang mali kay Crayon. I admit that we kissed, petted and almost made love already but so far there is no sex involved yet for those hot moments that we shared together. I kept reminding myself that it was just all part of the truce. Ngunit dapat ko pa ba kaya itong ipagpatuloy? Ayoko ko mang aminin ngunit unti-unti na akong nahuhulog sa sweetness at mga halik ni Crayon sa akin. Is this also what my sister felt before? Nahulog din ba siya sa bitag ng isang Crayon Cruz dahil sa sweet gestures nito?
Hindi ko alam kong tama pa ba itong plano ko. I do not want to fall for him. Never!
''A penny for your thoughts, mine?'' Kahit hindi ko pa lingunin ang may-ari ng boses na iyon ay alam ko na agad kung sino ito.
He kept on calling me ''mine'' everytime he has the chance to. Possessive si Crayon at talagang napaka territorial na tao.
''Wala ka na dun.'' malamig kong tugon.
Nasa pantry ako ng campus at hinihintay si Kim na matapos sa Dance club na ino-organize niya.
''Suplada.'' nakangusong saad niya sa akin.
Pinandilatan ko siya ng mga mata nang maramdaman ko ang pasimpleng pagtabi niya sa akin.
''H-hey!'' I stammered. ''Baka may makakita sa atin, ano ba?'' sita ko.
''I know.'' ngisi niya. That boyish grin again.
Napairap ako nang atubili siyang lumipat sa bakanteng upuan na nasa aking harapan at humalukipkip. Para talagang bata!
''Kailan ko ba pwedeng sabihin sa lahat na ikaw ang girlfriend ko, Trish?'' palabing sabi niya. Itinukod niya ang mga braso sa upuan at tila maamong batang nakatingin sa akin.
So cute! I mean---he's trying to be cute! I snapped.
''I'm still thinking about it.'' sagot ko at kinuha ang cellphone mula sa aking bag.
Bakit kaya ang tagal ni Kim sa Dance Club? Rehearsal lang naman dapat ang ginagawa nila, ah.
''I'm calling, Kim.'' inporma ko kay Crayon na pasimpleng sinisilip ang aking itinitipa sa phone.
He smirked. ''Sanaol.'' aniya. I know he's trying to tease me. Siraulo. I just rolled my eyes and continued dialling Kim's number.
Busy tone.
Bakit kaya?
May kausap ba si Kim sa phone niya? Sino naman kaya?
''Sabay na tayong umuwi, ha.'' pinal na tono ni Crayon. As if, not allowing me to say ''no'' to him.
I ignored him and this time chatted Kim. A minute later ay nakita ko ang pag-seen niya sa mga chats ko.
Seenzoned?
This is not normal! Bakit parang may mali? Bigla tuloy akong naalarma at tinignan si Crayon na halatang nakamasid lamang sa akin.
''What's the matter?''
''She's not answering.'' Halata ang kaba sa aking boses.
Agad na napatayo si Crayon sa aking sinabi at mahinang hinila ang kanang braso ko.
''Let's go.'' seryosong ani niya. I saw him gritted his teeth too.
What's happening?!
Hinayaan ko na lamang siyang dalhin ako sa may likuran ng gym. He grabs his phone and called someone.
''Sino ang huli niyang nakausap?'' He asked with anger in his voice. Ngayon ko lang nakita ang another side na ito ni Crayon. Mula sa maloko or happy-go-lucky na lalaki, here comes ang seryosong side niya.
''Dammit!'' Iyon ang huling sinabi niya bago ako pinasakay sa kanyang kotse at walang sali-salitang pinaharurot iyon ng takbo.
''C-Crayon? Where are we going?'' Kinakabahang tanong ko sa kanya.
Have some idea about my story? Comment it and let me know.