After one month of dating.
Nahulog na nga nang tuluyan ang loob ko sa kanya.
Then he said, he is too.
We dated a lot and going out too. Pinayagan pa kami minsan na magtravel sa labas ng probinsya. Pumunta kaming Baguio.
"Babe, dalawang kwarto ang nirentahan ko.." pinakita pa nya sakin ang dalawang susi. Humahalakhak ako sa pagwagayway nya. "Don't worry now huh.." inayos nya ang takas na buhok ko saka dinampian ng isang magaan na halik ang aking sentido.
Bago pa kami nagtungo rito. Pinagsabihan na sya nina mama na kumuha ng dalawang kwarto. Kailangan pa raw isend ang susi sa kanila through messenger para maniwala raw sila. Nakakahiya pero mabuti nang ganun para hindi sila maging praning o maging ako sa kung anong pwedeng mangyari saming dalawa.
Di rin kasi ako mapakali sa isipang matutulog kami sa iisang kwarto at sa iisang kama pa. Hindi sa nagmamalinis ako. Sadyang wala pa iyon sa plano ko. Lalo na ang magnobyo. Subalit nang dumating sya. Nagbago iyon ng kisap mata lang.
Ngayong nililigawan na nya ako. Gusto ko na syang sagutin. At makilala pa ng husto.
"Go in.. ipasok ko lang tong gamit ko, then we'll eat together.." nauna nyang nilagay sa loob ng silid ko ang bagpack ko bago sya nagpaalam papunta sa sarili nyang kwarto. Tapat lang naman.
Naligo ako ng may gamit na mainit na tubig. Di ko kasi kaya ang malamig.
Ilang saglit lang may kumatok na. Patapos na akong mag-ayos ng buhok ng huminto sya sa pagkatok. Ang akala ko, umalis na sya. Noong dinungaw ko ang buong hallway. Andun sya sa tabi ng pinto ng kwarto. Nakasandal sya roon habang nakayuko. Inaayos ang buhok.
"Tara.." masigla kong alok sa kanya. Eksaktong ala sais na ng gabi at masarap kumain ng may sabaw ngayon.
Tumindig sya ng maayos at inilahad sakin ang kanan nyang kamay. "Tara.." natulala ako roon sa palad nyang di ko pa rin tinatanggap.
Bakit ganito sya kasweet at kagwapo?. Isang lalaking simple lang ang hiniling ko pero sobra sobra pa itong nasa harapan ko.
"Tsk.. sobra ko bang gwapo?." noon ko nalang napansin na hawak na nya pala ang kamay ko ay nakatayo sa mismong harap ko. Ilang pulgada nalang ang agwat sa pagitan namin. "Sagutin mo na kaya ako para mas matitigan mo ng husto tong mukha ko..." may ngiti sa gilid ng kanyang labi.
Inirapan ko sya saka pinalo sa dibdib. "Tara na nga. gutom na ako.."
"Hahahaha.. babe kasi.. sige na please.." habol pa nyang sabe. Nagbibiro. Ngumiti ako sa kakulitan nya. Lalo na samga galaw nyang unexpected.
Dinig kong hinabol nya rin ako kalaunan. "Sana, pag-uwi natin, hawak ko na ang kamay mo habang naglalakad.." hirit pa nya.
"Elijah.." sita ko sa mga di maubos nyang banat.
"What babe?.. sasagutin mo na ba ako?.."
Mas lalo akong nahiya nang pagtinginan kami ng mga taong napapadaan. Tinakpan ko ang mukha. Alam kong namumula na iyon ngayon.
"Hahahaha.. why so cute babe. " umalingawngaw ang halakhak nya saking pandinig.
Di na ako nagkamali. Nilapitan nya ako saka niyakap ng takip ang aking mukha.
Oh damn babe!. Why am I falling inlove with you this fast?.
That fast?.
Yes.
That was fast. Too fast. But I felt safe everytime when I'm with him. Masaya ako kapag kasama sya. Ramdam ko ring iba sya sa mga lalaking naging nakaraan ko. At sana rin, sya na ang The One ko.