Loey.
"Hi guys! Welcome to my Channel, and for todays video ipapakita ko ang behind the scenes ng music video shoot namin sa Cavite. I'll be back later pag nakarating na kami. See ya!"
It was Yeri, recording for her vlog content on her Youtube Channel. Kasama namin sila ni Sean ngayon, at on the way kami sa aking home town sa Cavite.
Sila kasi ang napili kong actors para sa music video ng kantang ni compose ni Rose, at sa Beach resort namin sa Rosario, Cavite kami magshoshoot.
In less than two weeks ay irerelease na namin ang kanta sa Youtube Channel ng Studio YEOL.
Galing 'yong name sa kabaliktaran ng pangalan ko by the way.
Nakapag record na rin kami ng kanta. It was a very nice collab, Rose was the one who played the guitar then she also sang some parts too. then ako 'yong nagdadrums at may part din ako sa pagkanta, nilagyan ko pa ng kaunting rap parts para mas lalong masaya.
At sa tulong ni Harvey na siyang nagpatugtog ng Piano.
I was driving at katabi ko sa passenger's seat si Rose habang sa backseat naman si Sean at Yeri.
Hindi nag iimikan ang dalawa, naka earphones sila pareho at nag jive sa magkaibang tugtog habang nakatingin sa labas ng window, ewan ko ba rito kay Sean at bigla na lang inignore itong si Yeri simula nang malaman nito na may gusto ito sa kanya. Sa katunayan, awkward para sa kanila itong pinagsama ko silang dalawa. I have no choice, sila kasi ang bagay maging actors ng MV at sikat na rin kasing youtuber si Yeri kaya makakatulong din para dumami 'yong makadiscover ng kanta. Plus, sila lang talaga ang available sa lahat ng kaibigan ko. Isa pa, masyadong mahal ang TF pag kumuha pa kami ng ibang artista. At least sila ay presyong kaibigan. Haha ni hindi nga sila nagpabayad actually, suporta raw nila ito sa akin. Ganoon ako ka mahal ng friends ko.
Mahimbing namang natutulog si Rose habang bumibiyahe.
Pansin ko sa kanya ay napakadali lang makatulog. Well, I made a little reasearch about her illness. Isa rin talagang epekto ng Arrythmia ay ang pagiging matulugin.
I focused myself on driving. I'm a little bit excited na makarating sa amin, na mimiss ko na rin kasi sina Mama at Papa.
It took 2 hours bago kami tuluyang nakarating. Medyo heavy traffic kasi sa bandang Bacoor hanggang Dasma.
Nang makababa na kami sa sasakyan at pagkatapak kong muli sa lupa kong sininilangan ay hindi ko maiwasang maramdaman ang pagka miss rito.
Akala mo naman ay sobrang layo no?
Kahit 2 hours away lang naman talaga ito from Manila.
Honestly, matagal na rin kasi akong hindi maka-uwi rito dahil sa hectic sched ng Peter pan. Ngayon nga lang kami nakapag pahinga after 10 years of being active as a boy group.
Si Mama at Papa ang madalas na bumibisita sa'min ni Ate Kat sa Maynila kaya wala na talagang chance na maka-uwi rito.
Mula sa bungad ng beach resort ay ramdam ko na ang sariwang hangin na hindi gaya sa Maynila.
Lumakad na kami papasok pagkatapos kong mag park ng sasakyan sa designated na parking lot.
It's time for vitamin sea.
Nadatnan ko si Mama na abala sa mini cafe nila sa loob ng resort.
Isa itong parang coffee shop na may binebentang pastries, coffees at cocktail drinks. May resto rin naman sa loob na pag-aari ng nagrerentang kaibigan nila Mama na ninang ko rin.
"Baby Channie ko!" Salubong ni Mama saka niyakap ako at pinaulanan ng halik sa noo at pisngi.
Hindi naman halatang na miss ako ni Mama no?
Napapabungisngis si Sean habang nakatingin sa ginagawa ng Mama ko. Nakakahiya, baka isipin ni Rose na Mama's boy ako.
Sanay na rin naman si Sean at Yeri sa inaasta ni Mama dahil madalas na nila itong nakikita at nakapasyal na rin ang lahat ng kaibigan ko rito sa resort.
At tinawag pa niya akong baby channie. Ewan ko ba kung saan niya napulot 'yang palayaw niya sa'kin.
Napabungisngis na rin si Rose. At sa tingin ko ay namumula na ako sa hiya ngayon.
"Hello po Mama Park," bati ni Yeri at Sean.
"Buti naman at nandito rin kayo," tugon ni Mama at napasulyap siya kay Rose at pilit niyang inaalala kung nakita na ba niya ito.
"Hello po, ako po si Rose," magalang na pagbati nito.
"Hello hija, ako nga pala si Mrs. Parkina Alcaraz. Tawagin mo na lang akong Mama Park," nakangiting sabi ni Mama na may pa complete name pa talaga.
Napatingin si Mama sa'kin na parang iniintriga ako.
"Ah, kaibigan ko po siya Ma," sabi ko naman.
Ngumisi naman si Mama. "Ikaw talaga bunsoy ko. Wala naman ang sinasabi, hmmm," anito na nakangisi parin.
"Oh hali kayo, anong gusto niyong kainin?"
Pina-upo na kami ni Mama sa table at nagpa serve siya sa mga staff ng makakain namin.