Nagkatinginan kami at tumango para habulin silang dalawa at iligtas ang kaisa-isang member ng council. Nakita naming pumasok silang dalawa sa audio room kaya nagmadali kaming pumunta roon. Pagkabukas pa lang namin sa audio room ay nakita naming bumagsak na sa sahig ang babaeng sinasakal kanina at may saksak na ito sa leeg. Napatingin sa amin ang babaeng pumatay dito at kinuha niya ang kutsilyong nakatusok sa babaeng member ng council. Tinignan niya 'yon ng maayos at kitang-kita namin na punung-puno ito ng dugo. Umupo siya sa may upuan at maayos pang tinignan ang kutsilyo habang nakangiti. Bukod sa babaeng pinatay niya ay nakita rin namin ang buong members ng council na nakahandusay sa sahig, "Do you need something?" tanong ng babae na napatingin sa direksyon namin habang nakangiti ng masama. Nakaupo ito ngunit nakatagilid sa amin kaya't tagiliran niya lang ang nakikita namin.
"Ikaw?! Ikaw ang pumatay sa kanila?!" galit na tanong ni Sean. Ang inaasahan naming estudyante na pumatay sa council ay mali pala, kundi mismong member ng council ang pumatay sa mga kasama niya kaya nabigla kami.
"Ms. Freud? W-why did you do that?!" hindi makapaniwalang tanong ni Syden dito.
"Why did I do that? Do you mean kung bakit ko pinatay ang buong members ng council?" tanong nito na parang wala lang sa kanya ang nangyari kaya masama namin siyang tinignan, "I did that to save all of you" pahayag niya kaya natawa na lang kami at hindi kami makapaniwala sa sinasabi niya.
"To save us?! Are you kidding?! Ngayong pinatay mo na ang council, hindi na kami makakalabas dito! Tell me, bakit ayaw mo kaming palabasin sa lugar na 'to?!" galit na sabi ni Dustin.
"I think we need to clear everything now. This is a total and a big misunderstanding. You are all aware na mamayang 12 am, magbubukas ang mga walls na nag-uugnay sa Heaven's Ward at Curse Academy right?" tanong niya sa amin at ibinaba ang hawak niyang kutsilyo sa lamesa sa gilid niya. Iniharap niya sa amin ang inuupuan niya at maayos na umupo.
"Oo! Pero hindi na mangyayari 'yon dahil sa ginawa mo!"
"My dear students, sino bang nagsabi na hindi matutuloy ang plano ng council just because they all died?" sarcastic nitong tanong habang nakikita namin ang dugo sa damit, kamay at mukha niya kaya nagtaka kami.
"What are you saying?"
"Bago pa man ako maging isa sa staff ng Heaven's Ward High, hindi pa man ako nakakapasok sa lugar na 'to, alam ko na" saad niya na mas ipinagtaka namin, "Paano?"
"A person inside this campus who is a member of council contacted me, since from the start she wanted to help you pero hindi siya makagawa ng paraan. Siya ang tumulong sa akin para agad akong makapasok sa impyernong 'to kung saan kayo nabubuhay kaya kahit baguhan pa lang ako sa Heaven's Ward, nakapasok na ako sa Curse Academy. The council who should help you escape tonight you said? That was a big lie! Dahil council mismo ang may pakana ng lahat ng ito! Kung bakit kayo nandito at kung bakit hindi kayo makalabas! I came here, at yung nag-announce kanina...ako 'yon pero pinigilan ako ng council so I had no choice but to kill them dahil gusto ko kayong iligtas! Dahil kapag hindi ko sila pinatay...ako ang papatayin nila para hindi kayo makalabas sa lugar na 'to dahil alam nilang tutulungan ko kayo" pahayag nito kaya hindi namin alam kung maniniwala ba kami o hindi dahil baka patibong niya lang ito.
"At bakit kami maniniwala sa'yo?" tanong ko. Tinignan ako nito at tila natigilan siya ng ilang segundo bago muling nagsalita.
"Because if I am a mother...hindi ko gugustuhing makita ang mga anak ko sa ganyang sitwasyon katulad ng nararanasan niyo ngayon. I know you Black Vipers, dahil kilalang-kilala ko ang mga pamilya niyo. I even received invitations from your events, at pinagmamalaki kayo ng mga magulang niyo dahil sa pinakamahal at pinakakilalang eskwela kayo nag-aaral...kahit ang totoo, nakikipagpatayan na pala kayo. Ano sa tingin niyo ang mangyayari kapag nalaman nila 'to? There would be a greater war" saad nito na napaluha pero pinunasan niya rin 'yon.
"Lahat ng sinabi ko ay totoo. The owner of Heaven's Ward High, Mr. Augustus Douglas Wilford is leaving this country for some business matter...at gusto naming tulungan kayong makalabas na dito habang wala siya" pahayag niya.
"At paano kami maniniwala na matutulungan mo kami?! Hindi naman basta-basta matatanggal ang electric barriers at mabubuksan ang wall dba?" tanong ni Hadlee.
"It is only Mrs. Lim who knows about it" sagot ni Dave kaya tinignan namin siya.
"That's it" sambit ni Ms. Freud kaya napatingin kami sa kanya, "She was the one who contacted me para tulungan kayo and tonight, she will help us dahil siya lang ang makakagawa ng lahat ng 'yon" saad niya.
"Mrs. Lim?! Are you serious Ms.Freud?! Siya nga ang dahilan kaya kami nandito, parang napakaimposible naman ata ng sinasabi mo?!" paghihinala ni Icah kaya tinignan siya nito.
"You're right, si Mrs. Lim ang kasabwat ni Mr. Wilford para mapunta kayo dito. But do you think gusto niya ang pinapagawa sa kanya ng mismong owner ng eskwelang 'to? Since from the start, hindi na nagustuhan ni Lim ang iniuutos sa kanya ni Mr. Wilford. In fact, gusto niyang tulungan lahat ng estudyante pero hindi ganon kadaling kalabanin si Augustus dahil kapag nagsumbong daw si Lim, ay papatayin ang pamilya nito. Simula noon, para matulungan kayong makalabas dito, nagpanggap siya na natutuwa sa tuwing may bagong estudyante na napupunta dito para makuha niya ang tiwala ni Augustus at kapag nakuha na niya ang tiwala nito, doon niya kayo palalabasin...sa mismong araw ng pag-alis ni Mr. Wilford. Siguro naman, naniniwala na kayo sa sinasabi ko?" pahayag niya sa amin pero nakatingin pa rin kami sa kanya, "We are helping you students. Kaya sana, paniwalaan niyo ako dahil para rin naman sa inyo ang ginagawa namin kahit na alam naming delikado" dagdag pa niya at nakita namin ang mga mata niya na nag-aalala habang nakatingin sa amin.
"Kung ganon...anong kailangan naming gawin Ms. Freud?" tanong ni Dave. Maayos pa rin itong nakaupo habang nakatayo kaming lahat sa harapan niya, "Mrs. Lim is in Heaven's Ward right now. She knows all passwords and codes of Mr. Wilford's office. May access din siya sa laptop nito. Sa ngayon...." tinignan nito ang relo niya bago muling nagsalita, "It's already 11:13 pm at sigurado akong wala na si Augustus. He's on the way to the airport and Lim will going to invade his office. Para makalabas kayo dito, I am here to gain access from Lim na nasa Heaven's Ward at nandon siya para makakuha naman ng access sa akin dito. I will gather all informations, passwords and codes na manggagaling sa kanya and I will use it to remove the barriers. Masyadong matrabaho 'to and I need you to do nothing but wait for that wall to open"
"Then how about you Ms. Freud? Paano ka?" tanong ni Syden.
"Right after I encode everything, this academy will be bombed. Masyado ng maraming nangyari sa lugar na 'to at hindi na magandang maulit pa ang mga nangyari. For the safety of all, papasabugin namin ang lugar na 'to ng hindi nadadamay ang Heaven's Ward High"
"But how will you do that? Masyadong malaki ang campus"
"I told you students, planado lahat ni Lim ang paglabas niyo dito. She secretly planted bombs all over this place. Our help might be too late dahil marami ng namatay, but at least we can still help others to escape"
"You just said earlier na pagkatapos mong ma-encode ang lahat, sasabog ang buong campus? What will happen to you Ms. Freud? Malayo ang building na 'to sa wall na sinabi mong magbubukas?"
Napangiti na lang ito dahil sa sinabi ni Syden at nagkibit-balikat, "Don't worry about me, huwag niyong sayangin ang sakripisyo namin ni Lim dito, umalis na kayo ngayon dahil ang pagbukas at pagsasara ng wall na 'yon ay naka-oras lang at hindi namin masisiguro na makakalabas kayong lahat pero wala ng ibang paraan at ito lang ang tamang oras. Naka-oras rin ang pagsabog ng mga bomba kaya kailangan kong bilisan ang pag-eencode para mabuksan at matanggal ang barrier, at mabuksan ang mismong wall. The timer of the bombs already started. Isama niyo na rin lahat ng makakasalubong niyong estudyante. So go now!" saad nito kaya nagkatinginan kami.
"Ano pang hinihintay niyo?! Umalis na kayo dito!" sigaw niya kaya nag-umpisa na kaming maglakad ng mabilis pero bago ako tumakbo ay nagsalita ako kaya napatingin siya sa akin, "Ms. Freud, thank you" saad ko kaya ngumiti siya, "Walang anuman, Mr. Dean Carson Rhodes Shculz, 'til we meet again" saad nito kaya tumango ako at tumakbo na rin. Nakita kong natigilan rin si Syden sa pagtakbo at hinintay niya ako kaya nagmadali akong lapitan siya at inilahad ko ang kamay ko, "Sweetie, your wish is granted. We can now leave this place together...with the Vipers" saad ko sa kanya kaya ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. Sinundan namin ang grupo na nagmadali ng lumabas sa building na 'yon at natigilan kami sa pagtakbo ng may makasalubong kaming mga estudyante na parang natakot kaya natigilan rin sila, "Sumama na kayo sa amin" sambit ni Dave kaya nagtaka sila, "H-ha? B-bakit naman?"
"There are bombs everywhere at matutuloy ang pagbubukas ng wall kaya pumunta na kayo doon ngayon. May mga estudyante pa ba kayong nakita sa ibang building?" tanong niya kaya't nagulat sila. Nagkatinginan sila bago muling nagsalita yung babae, "Oo, karamihan sa kanila nagtatago na lang ngayon dahil ang akala nila hindi na talaga tayo makakalabas" saad nito.
"Pero bukod sa pinanggalingan naming building, marami pang ibang grupo ang nakatago sa ibang building" saad ng isa sa kanila.
"Fine, kailangan nating maghiwa-hiwalay para sabihan ang lahat na pumunta na sa open field ng campus at abangang magbukas ang main wall" saad ko naman kaya tinignan nila ako, "You're right, kailangan nating hatiin sa dalawa ang grupo" sagot naman ni Dave.
"Doon kami sa kabilang building" saad ni Dave at napansin kong tumabi sa kanya yung mga kaibigan ni Syden kaya nagsalubong ang kilay ko, "No, mas mabuti pa kung huwag na kayong sumama. We can handle this, sumama ka na rin sa kanila" saad ko sa kanilang tatlo at tinignan ko si Syden, "No! I'll go with you" saad nito na diretsong nakatingin sa akin kaya napabuntong-hininga na lang ako, "Fine. Kayong tatlo pumunta na kayo doon at hintayin niyo na lang kami"
Nagkatinginan silang tatlo na parang ayaw kaming iwan kaya tinignan ko si Julez, "Julez, pwede bang samahan mo na rin sila?" tanong ko sa kanya, "Kaya niyo na ba?" tumango na lang ako sa tanong ni Julez kaya tinignan niya yung tatlo at nilapitan sila, "Let's go!" saad ko kay Syden habang hawak ko ang kamay niya at sumunod naman sa amin sina Raven at Caleb habang sina Dustin, Oliver, Dave at Stephen sa kabilang building naman. Tumakbo kami ngunit hindi pa man nakakalayo sa kanila ay nagsalita si Icah kaya natigilan kaming dalawa at tumingin sa kanya, "Sy, ingat kayo" saad nito kaya tumango si Syden at ngumiti.
Tumakbo na kaming dalawa para pumasok sa isang building habang sina Sean at Caleb sa kabilang building naman. Mabilis naming tinignan lahat ng classrooms para mahanap ang ibang estudyante na nagtatago. Yung mga nakikita namin ay sinasabihan namin na pumunta na sa dapat nilang puntahan dahil baka biglang sumabog ang campus at hindi sila makalabas, nagmadali naman ang mga ito at buti naman ay naniniwala sila sa sinasabi namin kahit na nagdadalawang-isip sila.
Nagmadali na lang kaming bumaba ng building ni Syden ng marinig naming may sumabog kaya nagkatinginan kami at nagmadaling tumakbo. Kitang-kita namin ang umaapoy na building na nasa tapat namin at kahit anong oras ay maaari itong bumagsak sa building kung nasaan kami. Lalabas sana kami sa may entrance at nakita naming pabagsak sa direksyon namin ang building na 'yon kaya tumakbo kami papunta sa likuran ng building para lumabas sa mismong exit nito. Nagmadali kaming lumabas hanggang sa muli kaming makarinig ng pagsabog kaya napatalon na lang kaming dalawa at napahiga sa sahig. Iniharang ko na lang ang sarili ko sa kanya para kung sakaling may bumagsak sa amin ay ako ang mababagsakan at hindi siya. Sabay na lang kaming napatingin sa building kung saan kami nanggaling at nasusunog ito kaya't bumabagsak na rin ang ibang parte nito.
Alam naming dalawa na sasabog pa itong muli kaya nagmadali akong tumayo at hinawakan ko ang kamay niya para tulungan siyang makatayo. Nagkaroon kaming dalawa ng mga gasgas at konting sugat pero nagmadali pa rin kami sa pagtakbo dahil parami na ng parami at palakas ng palakas ang mga pagsabog na naririnig namin. Nagtuluy-tuloy na ang mga pagsabog kaya tumakbo kami ng mabilis papunta sa wall na sinasabi ni Ms. Freud dahil malaki ang posibilidad na nagbukas na ito at nakalabas na ang iba.
Habang tumatakbo kaming dalawa ay may mga estudyante pa rin kaming nakakasabay na nagmamadali. Napansin kong natigilan sa pagtakbo si Syden kaya tumigil na rin ako at tumingin sa direksyon na tinitignan niya. Nakita namin ang electric barrier na nakapalibot sa mga wall at tila unti-unti itong nawawala. Pagkawala ng electric barriers ay napansin naming nagcracrack ang mga wall at tila babagsak ito anumang oras. Muli kaming nagkatinginan at mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak sa kamay niya, sabay kaming tumakbo ng mabilis papunta sa open field ng campus at hindi pa man kami nakakalapit ay natatanaw na namin ang ibang estudyante na nasa mismong harapan ng wall na nagdudugtong sa Heaven's Ward at Curse Academy.
Unti-unti itong nagbubukas dahilan para mapatakip sila ng tainga dahil sa ingay na ginawa ng wall na 'yon. Hindi rin nagtagal ay nagkagulo at nagkasiksikan ng bumukas ito at nakita namin ang eskwelang pinanggalingan namin. Mas nagmadali pa kaming tumakbo papunta doon lalo na't siksikan at nahihirapan sa paglabas ang iba. Tumingin ako sa likuran namin at tanging kami na lang ang hindi pa nakakalapit sa wall habang patuloy pa rin ang mga pagsabog.
Habang papalapit kami doon ay nakakalabas na ang iba at nakaramdam ako ng tuwa ganoon rin si Syden.
Lumipas ang ilang minuto, ang mabilis na pagtakbo papalapit sa wall ay biglang naglaho at tila tumigil ang mundo.
Natanaw at kitang-kita naming mga naiwan pa sa loob kung paano bumalik ang electric barrier dahilan upang makuryente halos lahat ng nasa tapat ng wall kaya nakuryente na rin ang iba dahil siksikan at tabi-tabi sila. Lahat ng hindi pa nakakalabas ay biglang lumayo dahil kapag dumikit sila sa mga estudyanteng nakukuryente ay makukuryente rin sila. Ang pagmamadali namin ay biglang natigilan dahil sa nangyari
na ikinabigla namin.
Hindi kami makapaniwala at natulala habang nakatingin sa mga estudyanteng 'yon na unti-unti ring bumabagsak sa sahig.
Mas ikinagulat pa namin ng makitang bumabalik ang mga wall sa dati nilang posisyon. Unti-unting nagsasara ang mga ito at ang mga bahagi na nag-crack ay muling bumalik sa dati. Hindi pa man tuluyang naisasara ang wall ay hindi na rin namin binalak na lumabas dahil sa electric barrier na muling pumalibot sa amin at nakita rin namin ang mga nakalabas na hindi makapaniwalang nakatingin sa amin. Napatakip na lang kami ng tainga ng marinig ang unti-unting pagsasara ng wall na nakagawa ng malakas na ingay.
Dahil nakuryente ang iba sa tapat ng wall ay hindi na sila makagalaw pa habang ang iba ay nakahandusay sa sahig. Isa-isa na lang naming nakita at narinig ang unti-unting pagkaipit ng mga katawan nila dahil sa tuluyang pagsara ng wall kaya maraming mga parte ng katawan nila ang tumalsik sa amin lalo na ang mga dugo nila. Natulala kaming lahat sa nangyari na hindi na namin magawang makagalaw lalo na't nagkalat ang mga parte ng katawan nila sa harapan namin at ang ibang parte ng katawan nila na naiwan sa labas ng wall.
"A-ano...ba talagang...nangyayari? B-bakit hindi tayo...h-hindi tayo nakalabas?" sambit ng isang babae habang nakatingin sa nakasarang wall.
"Bakit ba 'to nangyayari sa atin?!" sambit naman ng isa na napahawak sa ulo niya. Isa-isa rin kaming napaupo at napahawak sa ulo namin ng maalala namin lahat ng nangyari.
"Ano ng mangyayari sa atin ngayon?" dinig kong saad ni Syden habang tulala siyang nakatingin sa wall at nakaupo din gaya namin. Tinignan ko siya at hinawakan ko ang kamay niya dahil nabitawan namin ang kamay ng isa't-isa ng makita ang nangyari kaya dahan-dahan siyang napatingin sa akin.
"We almost did it, muffin" mahinang saad nito habang tulala. Napayuko na lang ako at hindi na nagsalita dahil hindi ko rin alam kung bakit nangyari 'to. Ano ng mangyayari sa aming naiwan sa loob ngayon?
Nakita kong isa-isa ring pumupunta sa amin ang mga members at umuupo malapit sa amin. Dahil sa nangyari ay wala ng makapagsalita at nagkakatinginan na lang kami. Napansin kong nakita ni Syden ang tatlo niyang kaibigan kasama si Julez na papunta sa direksyon namin kaya agad niya silang nilapitan, "Anong ginagawa niyo dito?! Bakit hindi kayo nakalabas?!" gulat na tanong nito at halatang malungkot silang apat.
Umiling si Icah at nagsalita, "Masyadong maraming estudyante ang nakasabay namin kanina kaya nagkasiksikan at nahirapan kaming lumabas. We didn't make it!" saad nito na napaiyak.
"Chance na nating lumabas 'yon...p-pero bakit nangyari 'to?" saad naman ni Maureen na umiiyak din.
"Hindi ko rin alam" saad ni Syden na muling umupo sa tabi ko at napahawak sa ulo niya.
"Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil ligtas tayong lahat o malungkot dahil hindi tayo nakalabas" dagdag pa niya.
"But guys, sobrang bilis para magsara ang wall ng ganun-ganon na lang!" saad ni Dave na nakaupo rin kaya tinignan namin siya.
"Pero hindi ba ang sabi ni Ms. Freud naka-oras lang ang pagbubukas ng wall?" tanong ni Icah.
"Oo naka-oras, pero sobrang bilis ng pangyayari!" sambit ni Dave.
"What do you mean?" tanong ni Sean.
Sandaling napatingin si Dave sa wall at nagsalita, "There must be something wrong" saad niya kaya nagkatinginan kaming lahat at natahimik. Umupo ang mga kaibigan ni Syden at si Julez sa tabi naming lahat.
Tahimik kaming lahat habang ang ibang estudyante ay napaupo na rin sa kinatatayuan nila habang tulala at ang iba naman ay umiiyak na. Bigla akong napatingin sa gilid ko ng makarinig ng kung anong ingay at nabigla ako ng makita kong sugatan at nanghihina si Ms. Freud kaya agad ako tumayo at inalalayan siya para makaupo dahil isang bench lang ang inuupuan namin. Sugatan ito at may dugo sa mukha. Napatingin kaming lahat sa kanya habang humihinga siya ng mabilis at malalim, "Anong ginagawa mo dito?" dinig namin na pagsasalita ng isang estudyante at napansin naming galit siyang nakatingin kay Ms. Freud.
"Hindi ba member ka ng council? Base sa pagkakaalam namin, namatay silang lahat pero bakit buhay ka pa?" tanong nito at dahil sa lakas ng boses nito ay narinig na rin siya ng iba pang estudyante at unti-unting lumalapit sa kanya na halatang galit din.
"Who knows? Baka nga siya pa ang pumatay sa kanila kaya siya lang ang nabuhay" sambit ng isang babae habang nakakibit-balikat ito at masamang nakatingin kay Ms. Freud.
"You're right. Ako nga ang pumatay sa kanila" sagot ni Ms. Freud kaya galit siyang nilusob ng isang lalaki pero pinigilan ko ito kaya napatingin siya sa akin, "Pwede bang kumalma ka?" matapang kong tanong dito kaya galit niya rin akong tinignan, "Paano ako kakalma?! Mamamatay tao 'yan! Hindi niyo ba narinig? Siya ang pumatay sa council kaya siguro hindi tayo nakalabas dito!" saad nito kaya't sinuntok ko siya ng malakas at napaupo ito sa sahig.
Napahawak siya sa labi niya at nakitang may dugo ang kamay niya kaya't masama niya rin akong tinignan, "Wala kang alam" sagot ko dito.
"Ms. Freud was actually the one who helped us para mabuksan ang wall na 'yan!" saad ni Icah kaya tinignan namin siya.
"Really?" saad ng isang babae at alam naming hindi sila naniniwala sa amin kaya natawa na lang si Icah at nagkibit-balikat din ito, "Huwag kayong mag-malinis. Lahat tayo nakapatay. Yung nag-announce sa audio room, it was Ms. Freud pero pinigilan siya ng council para tulungan tayo that's why she had no other choice but to kill them. Since from the start alam naman nating council ang may pakana nito. Because of her..." tinuro nito si Ms. Freud habang nakatingin pa rin sa mga estudyante, "Bumukas ang wall na 'yan!" saad nito kaya natahimik sila.
"B-but...if she managed to open the wall..." napatingin kami sa isang babae ng magsalita ito, "Bakit agad ring bumalik sa dati ang barrier pati na rin ang wall?" saad nito kay Ms. Freud.
Next...