Tải xuống ứng dụng
80% SOON TO BE DELETED 2 / Chapter 64: ♥ CHAPTER 105:1 ♥

Chương 64: ♥ CHAPTER 105:1 ♥

✿ Syden's POV ✿

Umalis na kami sa classroom na 'yon at muling naglakad sa hallway para pumunta sa underground room na sinasabi ni Zorren. Titignan namin kung may tao ba doon at kung sakaling wala ay doon kami magtatago. Hindi namin alam na aabot sa ganito, ang inakala naming ayos lang ay hindi naman pala. Biglang nawala ang Black House ng hindi namin alam at tila sobrang laki ng nawala sa amin ngayon. That was not just our house, it became our home.

Ang paglalakad na ginagawa namin ay katulad rin ng kanina, tahimik at patago na sinisiguradong walang makakakita sa amin. Hinihintay lang namin ang pagsenyas ni Zorren para malaman kung pwede na ba naming ituloy ang paglalakad dahil maigi niyang inoobserbahan ang paligid para tignan kung may tao ba. Higit sa lahat, siya rin ang nakakaalam ng daan papunta sa lugar na sinasabi niya. Nagpalipat-lipat kami ng building at sa tuwing may tao ay nagtatago kami. Nagmadali kami sa pagtakbo sa pinakatahimik na paraan ng mapansin naming nagmadali si Zorren kaya sumusunod lang kami sa kanya. Bigla na lang kaming napaatras ng biglang may lumabas sa likod ng building at tinignan nito ang paligid. Buti na lang ay hindi kami nakita nito kaya pagkapasok niya ay muli kaming nagmadali sa paglalakad habang medyo nakayuko. Nakarating kami sa may pinakadulong building at pumunta sa likuran nito. Sa pinakasulok nito ay may isang parte ng sahig kung saan natatabunan ng buhangin na parang may tinatakpan ito. Tinignan ni Zorren si Nash kaya nilapitan siya ni Nash, sabay silang lumuhod at nag-umpisang tanggalin ang mga buhangin na parang sinadya talaga nilang ilagay doon. Nang matanggal na nila lahat 'yon ay tumayo sila at nakita na lang namin ang isang medyo malaking kahoy na nakadikit sa sahig. Hinawakan ni Zorren ang hawakan ng kahoy na 'yon at hinila pataas kaya sinilip din namin 'yon pero wala kaming makita dahil madilim. Sinilip niya ang nasa loob nito para tignan kung maayos ba at mukhang maayos naman kaya't unang tumalon si Nash. Nakita na lang namin na isang bakanteng kwarto 'yon ng biglang buksan ni Nash ang ilaw sa loob nito, "Go" saad ni Zorren kaya isa-isa na rin kaming tumalon ngunit hindi naman ganon kalalim ito kaya hindi na kailangan pa ng hagdan habang siya naman ay tinitignan ang paligid. Nang makapasok na kaming lahat ay tumalon na rin siya at isinara ang kahoy na 'yon na magsisilbing pintuan. 

Tinignan namin ang paligid at walang kalaman-laman ang buong kwarto, "Pasensya na, itinapon ko na lahat ng laman ng kwartong 'to dahil ang buong akala ko, hindi na ako muling babalik dito. Pasalamat na lang tayo at wala pang nakakakita nito" saad ni Zorren kaya napatingin kami sa kanya. 

"It's okay. Ang mahalaga, may mapagtaguan tayo" sagot naman ni Dean sa kanya.

"Pero sigurado bang hindi nila tayo makikita dito?" tanong naman ni Caleb.

"Sa ngayon, wala pang makakaalam na nandito tayo dahil ito ang pinakasulok at pinakalikod ng building at walang pumupunta dito. Hindi natin maiiwasan na matagpuan tayo ng Venom, pero ang mahalaga ay makapagtago muna tayo dito hanggat wala pang nakakaalam"

"Masyado ng malaki ang grupo ni Claude. Hindi na magandang magtiwala pa kahit kanino dahil siguradong kalat na ang Venom sa buong campus at ang iba, nagpapanggap lang na normal na estudyante" pahayag naman ni Nash kaya nagkatinginan lahat kami. Umupo na lang siya sa may pinakasulok at sumandal doon kaya't ganoon na rin ang ginawa namin. Tatabihan ko rin sana si Dean pero nakita kong pumunta naman si Raven sa kabilang sulok kaya nilapitan ko siya. Nakita niya ako at ngumiti siya kaya ngumiti rin ako bago umupo sa tabi niya. 

"How are you now?" tanong nito sa akin habang nag-aalalang nakatingin sa akin. Bahagya akong napangiti at sumandal sa balikat niya, "I'm still...not okay" sambit ko dito at nararamdaman ko nanaman ang pagtulo ng mga luha ko. 

"When I saw him dying slowly, nanghina rin ang loob ko pero nilabanan ko, dahil kailangan" sambit niya kaya napatingin ako sa kanya. Napansin kong malungkot din siya pero pinipilit niyang ngumiti, "Kahit na madalas kaming mag-away, itinuring ko na rin siyang kaibigan" dagdag pa nito.

"But why did he leave us?" saad ko at muling napaluha. 

"Because he knew. Kaya nga hindi na niya tinanggap yung gamot dahil alam niyang hindi niya kayang labanan. Kaysa naman sa masayang at mapunta sa wala, he just accepted the fact that he would really die. May pinagsamahan din kami,  kaya alam ko kung anong dahilan ng hindi niya pagtanggap sa gamot na 'yon" maayos niya akong tinignan at pinunasan ang mga luha ko, "Hey, listen to me. Jarred accepted it, that's why you need to accept the fact na wala na siya" habang sinasabi niya 'yon ay mas lalo pa akong napapaiyak, "Alam ko mahirap, pero kailangan" kahit gaano ko pigilan ang sarili kong isipin ang nangyari kay Jarred, hindi ko magawa. Niyakap niya ako ng mahigpit at ako na mismo ang nagpunas sa mga luha ko, "No matter what happens, I'll do everything para makalabas tayo dito" bulong nito kaya tumango ako habang magkayakap pa rin kami. 

"Raven?" saad ko.

"What is it?"

"I already lost one. Ayaw kong mawalan pa ulit ni isa sa inyo, promise me na magkasama tayong lalabas sa lugar na 'to....together with the Vipers" pahayag ko sa kanya.

"Of course" maikling sagot niya kaya napangiti ako at kahit papaano ay napipigilan ang pagbuhos ng mga luha. 

"Lalabas tayo dito ng magkakasama. Uuwi tayo sa mga naglalakihang bahay natin. I will make muffins for all of you. Mamasyal ulit tayo sa iba't-ibang lugar kagaya ng ginagawa natin kasama si Heaven noon. We'll make mom and dad proud. Natatandaan mo pa ba yung pangarap natin?" tanong ko dito. 

"We'll be successful in life. That I will have a beautiful wife and you'll have your handsome husband. I think I met him..." saad nito kaya napangiti ako at napatingin sa kanya bago ko ulit siya niyakap.

"I already met your soon to be husband" saad niya kaya natawa ako pero bumalik din agad sa pagiging seryoso, "You knew?"

"Of course. Naikwento na dati sa akin nila mom and dad that you'll have to marry Mr. Schulz grandson. It's Dean right? I'm happy for the both of you" 

"Eh ikaw?" tanong ko naman.

"What?"

"When will I meet your soon to be wife?"

"I don't know. My priority for now is you. Of course, ikaw muna ang iisipin ko bago ang ibang tao" sagot niya kaya humiwalay na ako sa pagkakayakap namin at tinignan ko siya habang seryoso ako, "Pwede bang huwag mo munang isipin ang kalagayan ko. Malaki na ako, you should worry about yourself. Hindi mo na nabibigyan ang oras mo na naging masaya dahil palagi mo na lang iniisip ang kapakanan ko?" sambit ko. Napangiti na lang siya at napayuko bago ako muling tinignan, "Kapag alam kong ligtas ka na at malayo ka na sa kapahamakan, that's the time I will let go of you" saad nito kaya nagtaka ako.

"What are you saying?"

Hinawakan nito ang ulo ko at ginulo ang buhok ko habang nakangiti siyang nakatingin sa akin, "Nothing" pagkatapos niyang sabihin 'yon ay ibinaba niya ang kamay niya, "Araw-araw kitang nakikita at nakakasama pero bakit feeling ko mamimiss kita?" dagdag pa niya na mas ipinagtaka ko.

"Ano bang pinagsasasabi mo?"

"Wala, syempre kapag may kanya-kanya na tayong pamilya, hindi naman pwedeng magkasama pa tayo. I will just miss you kapag dumating ang araw na 'yon"

"I'll wait for that day" sambit ko at ngumiti. Itinaas ko ang kamay ko kaya napatingin siya sa akin, "Promise me na sabay nating hihintayin nag araw na 'yon" napangiti siya at itinaas na rin ang kamay niya, "I promise" saad nito at agad niya ring ibinaba ang kamay niya. 

"I love you, my twin sister" sambit niya kaya mas napangiti pa ako, "I love you too" lumapit ulit siya sa akin at niyakap ako kaya niyakap ko rin siya, "Nakakamiss rin palang makayakap ka" sabi ko sa kanya.

"Syempre, si Dean kasi ang palagi mong kayakap" sagot niya kaya natuwa ako, "Nagseselos ka ba?" 

"No, masaya nga ako kapag nakikitang masaya ka eh" pahayag niya. Napapikit na lang ako at mas niyakap ko pa siya ng mahigpit. Napahiwalay na lang ako ng yakap dito ng may maamoy akong kakaiba. Napansin kong naamoy rin ni Raven 'yon dahil tumitingin siya sa paligid. Nagkatinginan kaming lahat at napatayo kami doon habang si Nash at Zorren naman ay nag-umpisang maglakad kung saan nanggagaling ang amoy na 'yon. Nakita na lang naming lahat na napupuno ng usok ang buong kwarto kaya nagmadaling buksan ni Zorren yung kahoy na nagsisilbing pintuan at napansin namin na ilang beses niyang binubuksan 'yon pero hindi niya mabuksan. Napatakip na kami sa mga ilong namin at tumulong na rin ang iba sa pagsira sa kahoy para makalabas na kami, "Sh*t! It's a trap!" sigaw ni Nash habang tinatakpan niya rin ang ilong niya kaya nagulat kami, "What do you mean?!" gulat na tanong ni Dustin at sumasakit na rin ang mata namin dahil kumakapal na rin ang usok at sadyang mahapdi ito sa mata. 

"Looks like they knew we would come here. They trapped us!" galit na sabi ni Zorren habang sinisira pa rin ang kahoy na nagsisilbing pintuan. 

"Anong gagawin natin ngayon?!" tanong ko naman na inuubo na dahil sa usok. 

"Wala na bang ibang daan palabas?" tanong ni Dean. 

"This is the only way out!" sagot ni Zorren. 

"F*CK!" sigaw ni Nash na galit na galit habang tinutulungan si Zorren.

Napaluhod na lang ako ng maramdaman kong unti-unting nanghihina ang binti ko habang tinatakpan ko pa rin ang ilong ko gamit ang kamay ko at inuubo na ako dahil sa kapal ng usok. Agad akong nilapitan ni Dean at niyakap ako ng mahigpit, ngunit hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa kanila dahil hindi ko na rin mabuksan ang mata ko sa kadahilanang mahapdi na rin ito. Naramdaman kong napaluhod na rin siya at narinig kong ganoon na ring ang nangyari sa iba habang lahat kami ay inuubo dahil sobrang kapal na ng usok na hindi na namin mabuksan ang mga mata namin. Naramdaman kong nanghihina na rin ito dahil nawawala na ang mahigpit na pagkakayakap niya sa akin kaya pinilit kong buksan ang mga mata ko para tignan kung ano ng nangyari sa kanila dahil biglang natahimik. Ngunit bago ko pa man mabuksan ang mga mata ko ay tuluyan na akong nanghina at hindi ko na maigalaw ang katawan ko.

........

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at napansing nasa isang kwarto ako na madilim kaya unti-unti rin akong napaupo. Sa tapat ko ay may nakasabit na ilaw kaya gumalaw ako para maiging tignan ang paligid pero narinig ko ang tunog ng mga kadena kaya napatingin na lang ako sa kamay ko at naramdamang nakatali ito ng kadena kaya nakaramdam ako ng kaba. Sinubukan kong alisin ito sa akin ngunit sadyang mahigpit ito. Habang naghahanap ako ng paraan upang makawala ay nakarinig nanaman ako ng kadena na hindi kalayuan sa akin kaya hinanap ko kung saan nanggagaling 'yon. Kahit madilim ay nakita ko si Dean na nakaluhod at nakayuko, wala siyang malay at nakatali din ang magkabilang kamay nito mula sa magkabilang kadena kaya't parang nakasabit siya dahil sa mga ito. 

Dali-dali ko siyang nilapitan at lumuhod rin ako. Hinawakan ko ang pisngi nito at iniharap sa akin. Kitang-kita ko na nanghihina siya at hindi ko alam kung bakit, "Muffin, wake up!" bulong ko dito at napansing nagkakamalay na siya. Unti-unti niyang binuksan ang mata niya at napatingin siya sa akin, "Hi, sweetie. Nakatulog ako kakabantay sa'yo" sambit niya na ngumiti pa, "We need to get out of here, baka anong gawin nila sa atin!" pahayag ko sa kanya.

"I won't let them hurt you" saad niya.

"Whatever happens, I'll do everything para makalabas ka dito" dagdag pa niya kaya tumango ako.

"I'll leave this place basta kasama kita" sagot ko naman at nakita kong hindi siya makapaniwalang ngumiti, "Ako at ikaw ang kailangan nila, pero alam mo namang hindi ko hahayaan na may gawin silang masama sa'yo right? Promise me you will leave this place even without me" saad niya kaya umiling ako.

"No! I won't. Magkasama tayong lalabas dito!" daing ko sa kanya.

"Sweetie, listen to me" saad nito at maayos kaming nagkatinginan, "Hindi natin alam kung anong balak nilang gawin sa atin ngayon. But I know, they just want to kill me and I can take that as long as they won't touch or hurt you. I'll do everything to stop them at mas madali lang para sa'yo na tumakas and I know you will do that for me..." habang sinasabi niya 'yon ay muli kong naramdaman ang mga luha ko na unti-unting tumutulo. 

"Kahit anong sabihin mo, hindi ako aalis ng hindi kita kasama. If this is the end, then I'll go with you" pahayag ko sa kanya. 

"I can still stop them but I can't go with you or else we'll both die" 

"We can stop them together!" pagpupumilit ko sa kanya. 

"Dba nga ang sabi mo sa akin huwag kitang iiwan? I promised kaya hindi kita iiwan dito!" dagdag ko pa. 

"Sweetie, there will always be a time that you need to let go than to hold on" saad pa nito habang nakahawak pa rin ang mga kamay ko sa mukha niya. Nagkatinginan kami at nakita ko ang mga mata nito na nakikiusap sa akin kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Mas inilapit ko pa ng dahan-dahan ang mukha ko sa kanya and I slowly kiss him. I wish I can just kiss him forever. I don't want to let him go. He also kissed me back at dahan-dahan ko na ring inilayo ang mukha ko sa kanya at dahan-dahang ibinaba ang mga kamay ko na nakahawak sa mukha niya. As always, nakakatunaw pa rin ang mga titig niya sa akin. But I can't promise to let him go. Hindi ko kaya. 

"Look what we have here!" napatingin na kami sa may pintuan ng bumukas ito ng malakas at nakita si Claude na masamang nakangiti sa aming dalawa. 

Pagkapasok niya ay may mga kasama rin siyang members niya, "Ako lang ang kailangan mo dba? You want to kill me? Then do it! Just let her go!" masamang sabi ni Dean sa kanya. 

"Talagang papatayin kita. At kapag nangyari 'yon, I will make your girlfriend's life miserable lalo na kung magmamatigas siya" pahayag ni Claude at tinignan ako ng masama. 

"DON'T. YOU. DARE. TOUCH. HER" masamang sagot ni Dean kaya tinignan ako ni Claude at masamang ngumiti. Pareho kaming nakaluhod na dalawa at masamang nakatingin kay Claude.

"Ang akala ko ba wala kang kinatatakutan? Bakit ngayon parang takot na takot kang hawakan ko ang pinakamamahal mo?" sarcastic na sagot nito. Nilapitan niya ako at hinila ang buhok ko papalayo kay Dean at nakita kong galit na galit siyang nakatingin kay Claude. Hinawakan ni Claude ang baba ko kaya napatingala ako at napatingin sa kanya habang nakaluhod pa rin ako kaya lumuhod din siya ng konti at nagtapat kami, "Come with me. I'll give you my world and everything" saad nito kaya nginitian ko siya ng masama, "F*CK YOU!" saad ko dito. Napansin kong nainis siya sa sinabi but there's no way na sasama ako sa kanya. I will never do such thing para masaktan si Dean.

Mas lalo na lang akong napaluhod at napahawak sa sahig ng sampalin niya ako ng malakas at ramdam ko ang pagkahapdi ng pisngi ko, "STOP IT CLAUDE! HUWAG MO SIYANG IDAMAY DITO!" pagwawala ni Dean pero tinignan ko na lang ng masama si Claude.

"I see, kitang-kita ko na makitang nasasaktan pa lang ang girlfriend mo sa mismong harapan mo, you're going crazy Dean Carson" sambit niya. 

"Why don't you just kill me and let her go?!" galit na tanong nito. 

"I can't do that! Hindi ba mas magiging maganda kung malalaman ng lahat kung paano namatay ang Black Vipers sa mga kamay ko?" saad nito kaya nabigla ako. 

"Where are the others?! Saan mo sila dinala?!" sigaw ko dito dahil kaming dalawa lang ni Dean nasa kwartong 'to at wala ang ibang members.

Lumuhod itong muli at tinapatan ako habang nakangiti ng masama, "Dead" saad niya kaya nakaramdam ako ng galit at ganon din si Dean na kanina pa galit na nakatingin kay Claude.

"WALANG HIYA KA! WHAT DID YOU DO TO THEM?!" sigaw ko. 

"I'm telling you Claude. Hindi ako lalabas ng lugar na 'to ng hindi kita napapatay!" pahayag ni Dean.

Nilapitan ni Claude si Dean at lumuhod para tapatan ito, "How will you kill me? Sa ganyang sitwasyon?" saad nito na tinignan ang mga kadenang nakatali sa kamay ni Dean.

"I will kill you...sa paraang masasaktan ka at wala kang magagawa" sambit nito. Tumayo siya at pumunta sa likuran ni Dean. Nagulat na lang ako ng maglabas ito ng injection at tinignan niya ito ng maayos, "NO! STOP IT! PLEASE DON'T! I'M BEGGING YOU!" pakiusap ko sa kanya habang umiiyak na ako. Lumuhod ako habang nakatingin sa kanya at nakita ko si Dean na parang galit na nakatingin sa akin at alam kong nasasaktan siya, "DON'T YOU DARE BEG HIM, SWEETIE! YOU SHOULD NEVER BEG AND KNEEL INFRONT OF HIM!" saad nito kaya lalo pa akong naiyak.

"I can't lose you!" pahayag ko sa kanya at muli kong tinignan si Claude, "Please. D-don't. I'm begging you!" saad ko habang natutuwa siyang nakatingin sa akin. 

"I treated you like a queen, sweetie. I made you my queen. I'm willing to kneel infront of you, pero ang sakit makita na lumuluhod ka sa iba when I am supposed to be your only king!" sambit niya na alam kong nasasaktan na rin. 

"That's why I'm kneeling infront of him...to save my king" 

"You're wrong" saad nito kaya natigilan ako at nagkatinginan kami. Nanlaki na lang ang mata at tila sumabog ang dibdib ko sa sakit ng biglang itusok ni Claude sa kanya ang injection na hawak nito habang nakatingin pa rin siya sa akin, "N-NO! THIS IS NOT HAPPENING! STOP IT CLAUDE!" 

"Too late" saad ni Claude at nakita kong muli niyang hawak ang injection na wala ng laman. 

"PAKAWALAN MO AKO DITO! TIGILAN MO NA KAMI!- " sigaw ko habang nag-aalala at nasasaktang nakatingin kay Dean na nanghihina. 

"Don't worry. He won't die" saad nito na ipinagtaka ko. 

"W-what?" 

"I just paralyzed him kaya tuluyan siyang manghihina at mahihirapang gumalaw. It's not a poison" sambit nito. 

"But I can still inject him a real one just like what you are thinking" saad niya na muling naglabas ng panibagong injection kaya nanlaki na ang mata ko, "DON'T DO IT! PLEASE!! G-GAGAWIN KO LAHAT NG GUSTO MO! I'LL DO EVERYTHING JUST DON'T KILL HIM! PARANG AWA MO NA!" sigaw ko habang patuloy na umiiyak. 

Napangiti siya ng masama at parang natuwa sa sinabi ko, "Lahat? Gagawin mo?" tanong niya. Napatingin ako kay Dean na pilit na tumingala kahit na nahihirapan siya, "S-sweetie, you're not doing this to me, aren't you?" tanong niya. Alam kong masasaktan siya kaya kahit masakit sa loob ko, "I'm sorry" saad ko. 

"I'll do everything...j-just...don't kill him!" pakiusap ko kay Claude. Muli niyang itinago yung injection na hawak niya at lumapit sa akin. Lumuhod ito para tapatan ako, "Fine, I won't kill him. Just do what I say" muli nitong hinawakan ang baba ko at tinignan ang labi ko habang matapang ko siyang tinitignan, "Don't say a word and don't move kahit ano pang gawin ko sa'yo" pahayag nito kaya nag-umpisa na rin akong manginig pero kailangan kong tiisin para mailigtas ko siya. 

Next...


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C64
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập