"So, ano, nanliligaw na yun sa'yo?" sabi ni Jake habang nagbibiyahe sila pauwi.
"Ewan ko. Ano ba sa tingin mo?" sagot niya dito habang nakatingin lang sa labas ng bintana. Ayaw niya muna sanang makita ang mukha nito, nababadtrip siya e.
Napalingon si Jake sa way ng pagsagot ni Ari sa kanya, "Bakit parang galit ka?"
"Ako? Galit? Naku hindi. Ano naman dapat ko ikagalit? Dapat nga magpasalamat ako di ba?"
Humanap ng pwedeng mahintuan si Jake at nang makahanap, marahas nitong niliko ang manibela ng kotse nito.
"Sandali nga Ari, may problema ba tayo?"
"Wala."
"Naiinis na ako Ari. Bakit ka ba ganyan?"
Bumuntong hininga muna siya ng makailang beses bago nagsalita. "Sa tingin mo Jake, bakit kaya ako nagkakaganito?"
"Ewan ko! Hindi ko naman alam kung ano nasa isip mo e!"
"Okay, bakit hindi mo sinabi sa akin yung tungkol kay Sam? Bakit?"
"Ano ba ang dapat kong sabihin tungkol sa kanya?"
"Sinabi niya na sa akin, Jake. Sabi niya pumayag kang ligawan niya ako..."
"Bakit? Hindi ka ba masaya na may manliligaw na sa'yo? Di ba yun lang naman hinihintay mo?"
"Bakit ka pumayag?" tanong niya rito. Feeling niya hinang hina siya. Hindi naman sila nag-aaway e, ngayon na lang ulit. Siya ba ang may problema?
Napahinto ito sandali sa tanong niya. Nakita niya ang pagtaas baba ng dibdib nito, tanda ng pinipigilang emosyon, siguro galit iyon.
"Bakit hindi ako papayag? Anong karapatan ko? Ano ba kita? Girlfriend ba kita? Hindi naman di ba?"
Napatawa siya sa sinabi nito. Hilaw na tawa. Oo nga naman, ano nga ba siya nito? Bestfriend lang naman siya di ba? Ano ang kinaaarte niya?
"Oo nga pala. Pasensya ka na. Bestfriend mo nga LANG pala ako. Anyway, salamat ha. Nang dahil sa iyo, magkakaboyfriend ako. Maraming salamat!" sabi niya dito na punong puno ng sarcasm.
"Bakit? Sasagutin mo na ba agad siya?" tanong nito sa kanya habang tila nagbabaga ang mga tingin nito sa kanya.
"Oo, gusto ko ng magkaboyfriend e. Salamat ha." Magselos ka naman o? Wala ba talaga ako para sa'yo?
"Okay. Ngayon pa lang binabati ko na kayo, congratulations! Sana maging masaya kayo!" sagot nito habang pinaandar na nito ang sasakyan nito.
"Talaga."
---
After that car incident, hindi na muna sila ulit nag-usap. It's been 3 weeks already at feeling niya, forever na ang haba nun. As of Sam naman, he is true to his words. Niligawan siya nito at araw-araw siyang sinusundo sa opisina at bahay nila. Kung nung una ay dahil sa inis na nararamdaman niya lang ang dahilan niya kung bakit siya magpapaligaw dito, ngayon ay hindi na. Tingin niya naman ay sincere ito sa kanya pero mahirap magsabi agad. Three weeks pa lang itong pumoporma sa kanya. Sweet, maaalahanin din naman ito katulad ni Jake. Erase erase! Why does she keeps on comparing Sam to Jake? Unfair 'tong ginagawa niya.
"Girl, kamusta?" rinig niyang sabi nj Abby, kaofficemate niya.
"Okay lang."
"Okay lang? Parang hindi e. Di pa din ba kayo ayos ni Jake?"
"Hindi pa rin e."
Kung mayroon man siyang kaibigan bukod kay Jake, si Abby iyon. Isa ito sa nakakaalam ng pagsintang pururot niya kay Jake.
"Pero girl," sabi nito habang may kung anong kinakalikot ito sa table niya, "don't you think na mas maganda 'tong ganito? Iyong hindi kayo nagkikita muna? Kasi kung ako ha, I think kailangan mong makalayo muna kay Jake. You have to have your own life, you know."
"Sa tingin mo ba?"
"Oo. Kaya girl, give chance kay Sam ha. Kung hihintayin mo si Jake, wala na 50 years old ka na wala ka pa din jowa!"
"Alam mo, grabe ka!"
"Hahaha! Pero kidding aside, teh, hanap ka na ng iba. Di mo deserve ang taong hindi naman kayang ireciprocate ang feelings mo. Maganda ka teh, matalino... Masuwerte ang lalaking magmamahal sa'yo. Kaya okay na ha. Move on na kay Jake." kuda nito ng biglang lumingon ito sa likuran niya.
"Speaking of the angel, andito na ang magliligtas sa'yo mula sa paasa at manhid na bestfriend mo."
Tinignan niya ang nginunguso nito at nakita niya sa labas si Sam, may hawak na bouquet of flowers at kumakaway sa kanya. Napangiti siya ng makita ito, siguro nga tama si Abby, kailangan na niyang mag move on kay Jake, ang bestfriend niya.
Inayos na niya ang mga gamit niya para sumama na rito. Alas sais na pala. Hindi na niya napansin ang oras dahil sa dami ng ginagawa sa opisina.
"Hi! Pasensya ka na. Matagal ka bang naghintay?" tanong niya rito sabay abot sa bulaklak na binigay nito sa kanya.
"Naku hindi. Saka okay lang naman sa aking maghintay, basta ikaw ang hihintayin."
"Sows, eme mo diyan. Siguro ganyan lagi sinasabi mo sa mga chicks mo."
Hinawakan nito ang mga kamay niya at tinitigan ang mga mata niya. "Inaamin ko na babaero ako. Noon. Pero iba na ngayon, Ari, seryoso ako sa'yo at hindi ko palalagpasin na hindi ka magiging akin. Papatunayan ko na worth it ako para sa'yo." sabi nito sabay halil sa mga kamay niya.
Medyo nailang siya sa ginawa nito kaya bigla niyang nahila ang kamay niya mula sa pagkakahawak nito.
"Halika na? Medyo gabi na din baka matraffic tayo e."
"Okay. Pero dinner muna tayo bago kita ihatid sa bahay ninyo?"
"Hindi ba nakakahiya? Everyday mo kung sinusundo at everyday mo rin akong nililibre ng dinner. Baka wala ka ng pera."
"Huwag kang mag-alala. Meron pa ako dito at sabi ko nga sa'yo, basta ikaw, worth it lahat."
Naglakad na sila palapit sa nakapark na sasakyan nito sa harap ng building na pinagtatrabuhan niya. Ang hindi nila alam, habang masaya silang nag-uusap, ay may isang taong nagtatago sa isang sulok ng building. Hawak hawak ang isang bouquet ng bulaklak.
----
Yey! I feel so productive today! *Palakpakan!* I just finished two chapters today and I feel so accomplished! Thanks iamnyldechan for the inspiration and words of wisdom (naks!) in Writing and Wattpad 101. I know na malayo pa ako na maging katulad mo but I am hoping that I can even finish one story that I wrote. I am very elated and pleasured to know you. 😍
Hi din pala kay iwillbeGreat09, Izzy, I know ikaw lang ang nagbabasa nitong story kong ito and for that, thanks din! Gawa ka na din ng iyo, alam kong mas magaling ka sa akin! 😍
God bless everyone!
Love,
ParkYunHee/Miss_Edzciting