Tải xuống ứng dụng
28.57% She Heart Her [TAGALOG GXG] / Chapter 4: Chapter 3

Chương 4: Chapter 3

She Heart Her

Chapter 3

"What? Why?" Parang Sigaw na Sabi ko, Napatingin din naman agad yung ibang customer ng ramen house  na yun sakin. "Sorry...." Saka tumingin kay RJ.

"OA mo naman mag react."

"Eh Ikaw kasi eh,"

"Sige na, I really need it. Please?" RJ while giving me those puppy eyes para Mapa Oo ako sa hinihinging pabor.

"Ayoko, RJ, malelate ako pag mag commute ako sa monday. Darating ang president ng company namin, bawal ako malate, and most of all, bawal akong mahaggard."

"Mag taxi ka nalang. Suli ko naman car mo sa Wednesday eh."

Hihiramin niya kasi ang sasakyan ko, gagamitin niyang bridal car ng client niya.

"RJ, no. Mag hanap ka ng ibang puting oto jan, wag akin, bawal akong ma late..."

Dalawang araw kasi niya hihiramin yun.

"Sige na oh, Ikaw lang kaya kilala kong merong magandang white car, please?"

"Then let me use your car."

"Na kay papa ang sasakyan ko eh..."

"Agh! Alam mo ang kulit mo!"

"Bigyan nga kita pamasahe, Tapos early morning Tuesday, idadaan ko sa office niyo."

"RJ naman eh."

"Taxi ka na muna. Bigyan nga kita pamasahe."

"For two days? Wow. Sure ka? Sa kuripot mong yan?"

"Oo nga!"

Tiningnan ko sya ng masakit.  Kainis talaga tu.

"Bigyan kita commission, Tapos full tank pa yung sasakyan mo pag balik, pramis."

"Siguraduhin mo lang ha. Eh yung pang car wash."

"Sure!"

"K."

"Yes! Thank you, Babe!" Sabay halik sa pisngi ko.

"Buset! Laway mo! Ang lagkit!"

Tumawa ito. "OA mo!"

"Ewan ko sayo!" Pag tataray ko.

"Eeehh.. smile na yan..." Sabay kiliti sakin kaya napangiti nalang din ako.

"Basta ingatan mo,"

"Yes, Ma'am."

Kung di ko lang talaga mahal tung mokong natu.

RJ's been there with me thru ups and downs. Kami na nga talaga yata ang totoong definition ng friends turn to lovers then to strangers to friends again.

——

—-

-

Time check: 2:15 pm

I stopped working and then rested my back on the backrest of my swivel chair. Monday na Monday, wala akong ganang mag trabaho. Buong umaga kanina ay nag meeting lang kami with the Top Management for the updates.

I looked outside, it's raining again, actually kanina pang umaga umuulan, seems like May bagyo nga.

Been thinkin bout you baby

And I dont know what to do

All I think about is you

Seems everything around me

Things I've never understood

They all make sense when I'm with you.

Now Playing(@ Clark's laptop): Once in A Lifetime - Freestyle

That song reminds of her. Always. I unconsciously looked at her office, and as expected, she's busy working.

I missed her, but at the same, I hate her.

Sighed, at inilayo ko na ang paningin sa kanya.

I've always wanted to turn back time and make the right decision not to cross the line. Masaya naman kami dati ah, we're friends, close friends.

Flashback...

"Oh, I've heard it before

Finding so called love then you leave it behind

But now I feel so sure

I'll listen to my heart this time

So I'll lay it on the line.."

And that's Adriana singing, nasa isang KTV bar kami ngayun, birthday kasi ni Ellen, so we decided na mag videoke.

"I know that what I've found is once in a lifetime (and) I know there's no way out

Coz its once in a lifetime..."

She sings as she looked at me.

Napangiti naman akon nun, ang ganda talaga ng boses niya, beauty, brains and talent. She's so near perfect.

"Hey." Napalingon ako when someone tickled me from behind.

"Oh?"  I went out for a while to breathe some air. Also, para makita ko rin yung shortfilm na ginawa ni RJ, pina tingin niya if okay, i a upload niya raw kasi sa YouTube para naman daw kumita sya.

"Okay naman ba performance ko?"

Tumango ako. "Yep, idol nga kita eh."

She smiled and then put her head on my shoulder.

"Hahaha, tinamaan kana?"

"Sa'yo? Pwede ba?"

Napatingin naman ako rito.

"Wag kang mag Biro ng ganyan." Ayoko talagang nag bibiro sya ng ganyan. She's my friend.

Ting!

One Notification Received

Hazel: hi!

"Hazel who?"

Saka biglang kinuha ang phone ko.

"She's a friend." Actually, sya yung girl na na meet ko nung isang araw nang nag night out kami nina RJ.

"A friend? Are you sure?"

She knew I'm bisexual. Since we became friends, naging updated na sya sa buhay ko. I'm glad na di sya nag iba nung time na nalaman niyang bisexual ako.

"Tell me."

"She's just a friend nga." Saka kinuha dito ang phone ko.

Then katahimikan.

"Ano?"

"Why not me?"

Napataas naman kilay ko nun. Then tumawa. "Eh kaibigan nga kita."

"We can be more than that." Direktang sagot niya.

"No, Adri, I don't usually cross that line, we're good friends, I don't want to waste our friendship pAra sa ganyan."

Well, how I wished I didn't crossed the line. Sana okay pa kami.

—-

-

Tumayo ako at lumabas.

"Pantry lang ako." Sabi ko. Makapag kape na nga lang.

"Hi."that's Lawrence.  Papunta rin ito sa pantry.

"Hey."

"Inaantok ka nu."

I smiled Saka nauna nang pumasok.

"Anong coffee mo, pag timpla kita."

"Black lang ako." Saka umupo na.

"Ok, copy." Then umupo na rin ito sa harap ko pagkatapos nitong mag timpla.

Then May mga pumasok na taga Accounting. Nag Tatawanan  at nag haharutan ang mga ito. Then accidentally, yung isa sa kanila ay na siko ang likod ko causing na ma tilwak ko yung hawak ko na kape at napunta Sa damit ko.

"Shit."

"Hey, okay ka lang?" -Lawrence Sabay tayo.

"Yeah, yeah." Sabi ko habang winawaswas ang damit ko.

"Hala, Sorry po talaga, Ma'am." Sabi naman ng naka siko sakin Sabay kuha at bigay ng tissue sakin.

"It's okay." Sabi ko naman Sabay kuha dito at trapo sa damit ko.

"Ma'am, sorry talaga." Ulit nito.

"Okay lang." then lumingon kay Lawrence. "CR lang ako." Saka pumunta nang cr.

Habang pinupunasan ko ng basang panyo ang damit ko Ay biglang bumukas ang cubicle na nasa likod ko. It's Adriana. Pareho kaming nagulat nun. Agad kong iniiwas ang mata ko.

Nag hugas ito ng kamay bago lumabas.

She doesn't look okay.

I know, because I could see and feel, Kahit na sandali ko lang syang tiningnan.

Pagkatapos mag punas ay lumabas na ako.

"Naku, Dinig ko sobrang galit na galit daw ang top management kay Miss Adriana."

Napahinto naman ako nun at lumingon sa mga   katrabaho namin na nada loob ng pantry.

"Oo nga, parang last week lang ang saya at ganado ng team A ngayun parang wala silang energy, Tapos etong si Enzo naman pumapel, sya na raw mag patuloy ng project. Eh gusto niya yun eh, malaking puntos yun sa kanya kung sakali."

Sighed.

So, hindi nga talaga ito okay.

—-

-

I failed to book a grab so I've decided na tumambay nalang muna sa cafe na malapit sa company, then after 30 minutes, I'll try to book again.

I ordered a hot caramel macchiato, yes, I'm into brewed, pero since malamig ang panahon ngayun kasi umuulan, kaya nag Macchiato muna ako.

Nag hanap na ako ng vacant seat na pwedeng tambayan and then I saw Adriana again. Tahimik itong naka upo sa pinaka corner na table, naka yuko ito habang umiinom ng frappe nito, and guess what, sya lang ang naka frappe dito sa loob ngayun, lahat ng customer dito, hot coffee ang inoorder.

That's her way to cope up with her self and emotions. Alam kong stress sya, alam kong May problema sya ngayun.

Flashback...

"Sino ba umiinom ng malamig na frappe sa maulang gabing ito?" Sabi ko Saka binigay dito ang vanilla Frappuccino na tugon nito sakin. Then nakita ko ang walang laman na ice cream container sa bed nito. "...At ice cream."

Adriana looked at me. "Sorry, okay? Sobrang stress lang talaga ako." Saka kinuha sakin ang Frappe.

Andito ako ngayun sa bahay nito. Because she called me and she's panicking and yep she wants a Vanilla Frappucino.

"Pinapasok ako ni Andrea." Sabi ko Saka kinuha ang container ng ice cream at nilagay yun sa trash can nito. Si Andrea ay ang nakakabatang kapatid nito, med tech student. Actually, si Adriana at Andrea lang ang naka tira dito, wala na ang parents ng mga ito, namatay sa car accident, then ang older brother nito ay sa Cebu na nanirahan kasi dun nakapag asawa, May Ari ng isang construction firm sa Cebu.

"So? What can I do to help?" Sabi ko sa kanya.

Naka tulala lang ito habang sinisipsip ang frappucino.

"A, hindi  mo  ba ako Naririnig?"  I call her "A" and she calls me "Z" as endearment, A for Adriana and Z for Zakkiyah.

"Okay? Nice talking to the—" then she suddenly hugged me. Napangiti naman ako nun. "Ikaw talaga." Saka hinug back ito. "So, Ano na?"

"Hindi na gumagana ang brain cells ko, I need your help." Sabi ito habang naka yakap pA rin.

"Is that so?"

Tumango ito na parang bata.

Still not used of her acting like a child when she's with me, I mean, napaka seryoso nito sa trabaho pagkatapos pag kaming dalawa lang, parang bata.

I looked at my watch. 10:45 pm

"Why not matulog ka na kaya muna? Then bukas nalang natin tatapusin yung presentation mo?"

"But..."

"No buts." Then hinawakan ang mag kabilang pisngi nito. "You need to rest, A, obviously, your brain cells are all tired."

"Z... I need that to finish for tomorrow's presentation."

"Anong Oras ba presentation mo?"

"1pm."

"So, we still have time, gigisingin nalang kita early in the morning bukas para matapos mo yung presentation, and I'm here naman to help you. But for now, your body needs to rest na. Okay?"

Tumango ito. Then kinuha ko yung Frappuccino nito at nilagay sa side table nito. "Matulog kana muna ha..." Saka inihiga ito.

"Ikaw, San ka matutulog?"

"I can come back naman early as 3 am tomorrow eh."

"Dito kana matulog. Sabay nalang tayo maging ng 3."

"Okay lang ba?"

Tumango ito. "Yes..."

——

-

"One hot Caramel Macchiato for Zakki."

Agad ko nang kinuha ang kape ko sa counter at umupo sa vacant table malayo kay Adriana.

Ting!

One Notification Received

Taylor: RJ called, he told me to fetch you.

Taylor's one of my flings and is a very good friend to RJ, also, she's his model. Nag kakilala kami dahil sa isang photoshoot, niyaya kasi ako ni RJ na tulungan sya sa photoshoot ng isang endorsement. We're like on and off with each other, kunbaga, kung bored lang at walang ka date o kalandian. She doesn't like commitment, and I don't like attachment, lalo na after what happened to me and Adriana, parang Ayoko nang ma attached sa isang tao, yep, I'm not afraid of commitment, but I'm scared of attachment, Ayoko nang masaktan Muli.

Flashback...

"Zakki! Gumising ka na nga! Hindi ka niya mahal!" Sigaw ni RJ habang niyuyugyug ako.

I'm here at a random bar, lasing na lasing, at muntikan nang ma rape, thanks God dahil saktong dumating si RJ.

"No... call Adriana please, sabihin mo pumunta sya rito."

"No! Ba't ko naman tatawagan ang tao na rason kung Bakit ka nag kakaganyan." Saka tumayo ito. "Come on, put your fuckin' shits together and let's go!"

RJ never left me, indeed, he's the best ex to best buddies anyone would wish.

——

-


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C4
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập