Tải xuống ứng dụng
71.15% Regrettable Love / Chapter 37: Thirty Six

Chương 37: Thirty Six

Thirty Six

"Ma'am, lets celebrate." Kaagad na bigkas nila John saakin habang nag-aayos ako ng gamit para pauwi.

"Pass muna ako, may pupuntahan pa ako." Kaagad silang sumimanhot sa harap ko ngunit ngitian ko lamang sila.

Kumuha ako ng dalawang magazine roon at masiglang limabas ng gusaling iyon.

Sold out kaagad ang Magazine na inissue namin for this month, halos pinaguusapan si Liam ng buong Masa kaya labis labis kaming nagpapasalamat dahil kami ang napili niya.

Kaagad akong nagpara ng Taxi at nagpababa sa pinakamalapit na Coffee shop, balak kong pumunta sa Headquarters nila para personal na magpasalamat.

Katulad ng nakagawian, marami akong biniling Ice cofee for the Policeman na hindi nagsasawang magbigay proteksyon sa pamayanan.

Halos hindi ko na mahawakan ng maayos ang dala ko dahil sa dami but then I can still manage.

Pagkababa ko ng sasakyan ay ngumiti kaagad ako habang may mga nakakasalubong akong mga Police Officer, nagtuloy tuloy ako sa pagpasok sa Lobby at nagtanong sa Information Desk kung nariyan ba si Liam, and thank God at nandiyan siya.

Ang lapad ng aking ngiti habang isa-isa kong pinagbibigyan ang mga ka-teammate niya.

"Ow, Ms. Magazine long time no see" kaagad na salubong saakin ni Sir. Delos Reyes.

"Ou nga po..." binigyan ko siya ng Ice Cofee.

"Tagal mo na ring hindi nagpapakita..." aniya.

"Ou nga po, medyo naging busy po kasi sa Office for the issue of this month magazine."

Tinap niya ang balikat ko at kakaiba akong tiningnan. Ininguso niya saakin ang table ni Liam na walang tao.

Pati ang mga kasamahan niya ay tiningnan ako at nagpasalamat.

"May meeting lang..." sabi niya saakin. Nag okay sign lang ako at naghintay. Maya-maya ay tumabi din ito sa tabi ko.

"Alam mo bang palaging tumitingin sa pinto iyan at nagbabakasakaling darating ka?" Nginitian ko si Sir Delos Reyes.

So totoo pala talaga yung sinabi niya saakin? I cant imagine him waiting for me.

Hindi ko mapigilan ang aking mga ngiti habang pinapakinggan si Sir Delos Reyes sa kanyang pagkukwento, hindi nagtagal ay iniluwa na nga ng conference room si Liam at kaagad akong napatayo.

May kausap siyang babae, sinuri ko ang pananamit nito at hindi ko mapigilang hindi mapakunot noo dahil sa suot nito. Para na siyang huhubaran sa sobrang ikli at pagkahapit ng dress nito.

Halos magkanda-bali bali narin ang mga leeg ng mga ibang police habang nakatingin sakanya.

Tumayo na si Sir Delos Reyes at sumisipol pa. Hindi padin niya ako napansin dahil sa discussion nila nung babae.

Naupo na siya sa kanyang table habang ang babae naman ay nakatayo naman sa tabi niya na animoy may hinihintay, lumapit ako at pabagsak na inilapag ang Ice coffee na kanina ko pa hawak.

Masama akong tiningnan nung babae kaya poker face ko lamang siyang nginitian. Maging si Liam ay nagulat ng makita niya ako.

"K-Kanina ka pa dito?" Gulat na tanong niya.

"Nope. Kararating ko lang." 30 minutes lang naman kitang hinintay.

"Mauuna na din ako" pinasadahan ko ulit ng tingin yung babae at ngumiti ng kakaiba sakanya.

Biglang naginit ang ulo ko. At walang sali-salitang umalis doon sa gusaling iyon. Kaagad akong nagpara ng taxi at tinawagan si Lovely.

"Whats up?" Tanong niya kaagad saakin sa kabilang linya.

"Asan ka?"

"Uhm, palabas palang ng Opisina. Why?"

"Kita tayo, gusto kong uminom ngayon." anyaya ko sakanya

"Woah, himala! Nagyaya kana ngayon. Ok fine same Resto Bar parin ba?"

"Ou." at pinatay ko na.

Ni hindi man lang ako nakapag pasalamat sakanya at ni hindi ko nga naibalita sakanya ang outcome ng Magazine niya.

Napahinga ako ng malalim habang pinapakalma ang aking emosyon, pilit na pumapasok sa isip ko ang itsura nung babae at kulang nalang ay ipalamon niya kay Liam ang hinaharap niya dahil sa mga pasimple niyang pagyuko.

Halata sa aking mukha ang bakas ng pagkairita habang hinihintay ko si Lovely sa Resto Bar. Nagsimula na din akong umorder ng makakain habang hinihitay siya.

Hindi nagtagal ay nakangiti na nga itong iniluwa ng pintuan at kasama niya si Bryle.

"Billy..." tawag niya saakin. Ngumiti lamang ako bilang ganti. Halos sabay silang naupo sa harap ko habang tamang-tama naman ang dating ng order ko.

Kumain muna kami bago nagsimulang maginuman. Kanina ko parin masamang tinitingnan si Bryle dahil sa mga pagsusumbong saakin ni Lovely about sa pambababae niya.

"Ikaw Bryle, nababalitaan ko ang ginagawa mo." Umiwas siya ng tingin saakin at uminom ng alak.

"You always break Lovely's heart, hindi ako natutuwa..."

"Hindi na. Wala lang iyon!" Napaismid ako sa sinabi niya at hindi na ulit itinuon ang atensyon sakanya dahil kanina pa ako palihim na nakakatanggap ng kurot dito kay Lovely.

"So anong meron at nag-aya kang uminom?" Panimula ni Love ng usapan.

"Wala lang, bigla lang akong natakam sa alak." Kaagad niya akong inibahan ng tingin dahil sa sinabi ko.

"Hindi mo ako maloloko, Billy. Ano nga?" Pamimilit niya.

"Wala nga, g-gusto ko lang magpa-" halos lahat kami natigilan ng may biglang umupo sa tabi ko. Nanlaki ang mata ko'ng nakita si Liam roon.

"S-Si L-Liam?" Bulalas ni Lovely habang titig na titig na nakatingin sakanya.

Si Bryle naman ay nagsalubong ang kilay.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Sinusundan ka." Simpleng sagot niya at tumayo. Nagpakilala siya kila Lovely.

"Im sorry for not introducing myself first, I'm Liam Dwayne Perez, you're Lovely right?" Nakangangang tinanggap ni Love ang kamay niya at tumango. Sunod na tumingin si Liam kay Bryle na masama padin ang tingin sakanya.

"And you must be Bryle, Lovely Boyfriend?..." maging si Bryle ay nagtaka din dahil kilala siya nito.

"You look familiar? Nagkita na ba tayo dati?" Tanong ni Bryle habang tinaggap na ang mga kamay nitong nakalahad.

"I don't think so." Sagot ni Liam at naupo na.

Napangisi ako ng mapakla at iinumin na sana ang alak na nasa harap ko ng dali-dali niyang binawi ito sa kamay ko at walang salitang ininum ito.

"Yah, anong ginagawa mo?" Singhal ko sakanya.

Tinitigan niya ako habang nakapangalumbaba, bigla akong nailang dahil si Lovely at Billy ay binibigyan ako ng makahulugang tingin.

Biglang namula ang mukha ko.

Agaran kong kinuha ang isang baso ng tubig habang hindi niya padin inaalis ang kanyang mga tingin saakin.

Nabilaukan na ako ng magtama ulit ang paningin naming dalawa. Sinipa ako ni Lovely at inginunguso ang titig na titig padin na si Liam saakin.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya ginawa ko ang lahat ng paraan para hindi magkrus ng tuluyan ang mga mata naming dalawa.

"I remember you, you are that guy in the hospital" Natigilan ako sa sinabi ni Bryle.

Nagkatinginan din kami ni Lovely dahil sa sinabi niya. Nawala na din ang atensyon ni Liam saakin.

"Ha?" Tanong niya.

"You are that guy na pinapaalis ni Tita Mara, you visit Billy, diba?"

Kumunot noo ako at tiningnan si Liam. Nagiwas na siya ng tingin saakin.

"Pumunta ka?" Wala sa sariling tanong ko.

"I mean, nanduon ka?" Paguulit kong tanong sakanya.

Tiningnan ko si Lovely at kita kong nagiiwas na din ito ng tingin saakin. May hindi ba sila sinasabi saakin? Pumunta ba talaga siya noong nasa Hospital ako?

Why? Bakit hindi nila sinabi saakin.

Biglang natahimik silang lahat at ang daming tanong na naman ng isip ko.

Nagtama ulit ang paningin namin ni Liam-at katulad ng palagi niyang ginagawa, nangungusap na naman ang kanyang mga mata at tsaka tumango.

Natigilan ako at masamang tiningnan ang tahimik na si Lovely.

Inis akong tumayo sa aking kinauupuan at kinuha ang bag. Pinigilan pa ako ni Love ngunit maagap kong nakuha ang aking mga kamay.

Naiinis ako, noong mga panahong nagtatanong ako kung nasaan siya, what happen, pumunta ba siya habang nag-aagaw buhay ako? No one didn't tell me, that he's there.

Pinaniwala niyo ako sa mga akalang wala na siyang pakialam saakin at nakalimutan na niya ako.

Even you Lovely.


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C37
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập