Third Person
Lingid sa kaalaman ng binatang si Logan, payapa na siyang naibalik ni Khen sa kaniyang silid. Pinapunta rin ng kaniyang kaibigan ang mga kasamahan sa D 'Lit upang makibalita. Ngunit gabi na kung kaya't kinailangan nila Oliver na pumuslit sa nagmamartsang CPPS.
"Inaantok na ako," reklamo ni Oliver. Umirap lang ang kaniyang mga kasamahan.
"Ano'ng nangyari?" unang tanong ni Khen patungkol sa naganap na gulo kanina.
"Kami ang dapat magtanong niyan, ano'ng nangyari kay Logan?" si Jeff.
Kinwento ng binata ang ganap. Nagpalitan sila ng mga salita habang sa labas ay ganap ng umuulan. Nabalot sila ng andap sa loob. Samantalang sila ay kinakaliglig, ang kasamahan nilang si Logan ay namamawis. Dinagit ng kumukubling init ang tubig na kaniyang inilalabas at itinatapon sa umaalimpuyong hangin. Hindi ito napapansin. Nahihirapan siya sa kaniyang napangangarap.
Sa isip ni Logan, siya ay tumatakbo. Hingal na hingal papunta sa ikatlong palapag ng gitnang gusali. Maikli ang kaniyang buhok at pang Junior High-Level pa ang kaniyang damit. Patingin-tingin sa orasan habang nilalakbay ang kakaibang katahimikan sa pasilyo.
Hindi mawari kung ang kaniyang mukha ay takot, kinakabahan, o natutuwa. Ang alam niya lang, mayroon siyang kikitain upang manalo sa eleksyon. May nag-text sa kaniyang telepono na matutulungan siyang matalo ang kalabang si Mateo para sa pagka-Head Student. At bilang isang bata, agad siyang nadala.
Siya ay naroon na sa lugar ng pinag-usapan nang kumunot ang kaniyang noo. Nakita niya si Mateo mula sa opisina ng direktor, paatras na lumalabas habang nakatingin sa loob at animo'y nagulat. Agad na nanlisik ang mata ni Logan. Tunay na galit siya sa lalaki dahil inaakala niya na ang kalaban ay inaagaw ang kaniyang sariling ina.
Nakamasid lang si Logan habang si Mateo ay ganap ng nakalabas ng kuwarto.
"What are you doing there?" galit na wika ni Logan.
Ang naistatwang lalaki ay napalingon sa nagsasalita. Mabilis itong pumunta sa gawi ni Logan. At sa biglang pagkakataon, hinawakan ni Mateo ang braso ng kaharap. "You shouldn't be in here," nag-aalala niyang wika.
Nagpumiglas si Logan kaya lumipad ang parehas nilang braso sa hangin. "What's your deal, huh?" mapanghamon na sambit nito.
"You need to listen to me," panimula ni Mateo, "you're in danger. Someone's trying to kill you."
Nagkasalubong ang kilay ni Logan habang napako ang kaniyang mata sa kalaban. "Nasisiraan ka na ata," sabi ni Logan, galit pa rin, "kung may magtatangka man sa akin, ikaw lang din iyon."
Ngunit si Mateo ay hindi nadala ng galit ni Logan. Totoong siya ay nag-aalala sa kaibigan. Ngunit ang kaibigang turing niya ay tingin sa kaniya'y kalaban.
Tinalikuran ni Logan ang kausap. Siya ay patuloy na sana sa paglakad nang pilitin ni Mateo na mapapihit ang kaniyang likod.
Iritadong napaharap si Logan habang humihiyaw, "Wag mo akong abalahin, puwede ba?"
Ngunit ang tanong ay hindi sinagot. May inilabas na libro— diary, si Mateo. Inilahad niya ito kay Logan. Tinitigan ito ng binata habang hindi kinikibo.
"Diary. You have to read this. Nakita ko ito sa ilalim ng desk mo noong nakaraang linggo," panimula ni Mateo, "I'm sorry for stealing it. But it looks so suspicious kaya kinuha at binasa ko muna. Here, ibabalik ko lang."
Marahas na sumagot si Logan, "I don't use diary, okay? Hindi iyan akin at wala akong pake. Get that thing away from me."
Sa pagkakataong ito, hindi na napigilan ni Mateo ang pagsara ng kaniyang mga panga. "Fine!" sigaw niya, "darating ang araw na kakailanganin mo rin ito. You'll regret about this, Logan. Binalaan na kita, but you leave me no choice."
Nagbigay ng isang mapanuksong ngisi ang kaniyang kausap. Ito ay lalong ikinasama ng loob ni Mateo. Samantala, ipinamulsa ni Logan ang kaniyang kamay pagkatapos na mahigpit na tapikin ang balikat ng binatang nasa harap.
Lingid sa kaalaman nila, mayroong tao ang nakamasid habang sila ay nagtatalo. Tunog ng flash ng camera ang umalingawngaw. Ngunit iyon ay hindi pinansin ng dalawa.
Dahil walang mapapala si Mateo sa pakikipag-usap kay Logan, tumalikod siya at nagmartsa paalis. Habang naglalakad ay isinasariwa ng kaniyang isip ang mga narinig sa loob ng opisina.
"... hindi naman kailangan malaman ng lahat. Iyon anak mo lang siguro, sapat na," boses sa isip ni Mateo. Ito ang nangyaring usapan sa opisina na hindi niya sinasadyang marinig. Hindi alam ng binata kung kaninong boses galing iyon.
"Don't touch Logan," sagot ng direktor. Nang marinig iyon ni Mateo kanina, siya ay naistatwa. Ipinagpatuloy niyang marinig ang buong pag-uusap, naguguluhan siya.
"No worries, hindi ko naman siya siguro sasaktan. SIGURO. Hindi katulad ng ginawa mo noon," tumawa ang boses. May lumabas namang malakas na ingay. Mula ito sa pagkakasalampak ng kamay kontra sa lamesa.
Nagsalita ang direktor, "Stop doing this, Troy!"
Ito ang unang pagkakataon na marinig ni Mateo ang hiyaw ng direktor. Sino si Troy? Iyan ang tanong ni Mateo sa sarili. Baka asawa, iniisip niya. Pero sa tono ng kanilang pag-uusap, mukhang hindi. Mukhang ang lalaking nagsasalita ay may malaking galit para sa direktor.
"Ang lakas ng loob mong bumalik! Matapos mong pumatay, tinatakot mo ako ngayon?" dugtong ng direktor.
Narinig ni Mateo ang paghalakhak ni Troy. "Alam naman natin na hindi ako ang salarin. You just made it look like I was the suspect. You made me play your dirty script I never wanted. Then, when time has to go, you forced me to join them."
Dama ng tagapakinig ang pait ng salita ng lalaki.
Sumagot ang direktor," Bury it all. Pinatay ka na namin. Please... leave and forget."
"WOW. You know how to say please? Noong nagmakaawa kami na itigl iyong ginagawa mo, nakinig ka ba? HINDI. Wala kang karapatan na pigilan ang gusto kong mangyari. Kung gusto kong malaman ni Logan ang totoo, gagawin ko. Kung gusto kong malaman ng Stanford ang totoo, gagawin ko. AT— kung gusto kong patayin ang anak mo, gagawin ko."
Nagulat si Mateo sa narinig. Napaatras siya palabas ng silid. Kailangan kong iligtas si Logan, sa isip niya.
***
Samantala, ang naiwang si Logan ay hindi natuloy sa kaniyang pupuntahan nang malamang ang kaniyang orasan ay nawawala. Tumalikod siya at akma na maglalakad pababa ng hagdan. Ngunit may tumulak sa kaniya dahilan upang siya ay mahulog.
Tumama ang kaniyang likuran sa bako-bakong hagdanan. Tumama ang kaniyang ulo sa kapitan. May lumalabas ng dugo, nawawalan siya ng malay. At sa kaniyang isip, dumating na ang araw ng kaniyang kamatayan.
Naramdaman niya na lang ang pagkakahiga sa sahig, pati ang likidong bumabalot sa kaniyang likuran ay nagbigay sa kaniya ng kakaibang lamig. Utay-utay, napapikit siya. Ngunit mayroong mukha ang lumabas bago niya tuluyang isara ang mata.
Natatandaan niya na.
Naaalala niya na.
Mukha ng kaniyang kaibigan. Si Shion, nasa harap niya.
(More)
A/N: I really made this part short.