Abram Garcia POV
"Ano ba abi ang tagal naman!" reklamo ko ng mag30 minutes na sya sa banyo
Aba kanina pa to ah?sobrang dumi mo ba be?Simula ng dumating kami sa dorm ay nauna pa sya sa cr. Lagkit na lagkit na din kami at tiisan sa amoy ng itlog at kamatis.
"Abii ano ba buhay kapa ba?" nakalugmok na sa pinto si Pev
Sabay kasing naligo sila Faye and Abi kaso kanina pa nakalabas si Faye at pumasok na at nakalabas si Sab hindi pa sya tapos. Sobrang pagliligo daw ang ginagawa nya.
"Patapos na omayghd guys ang o.a nyo!" sigaw nya
"Bat ang tagal maligo non?" tanong kopa sa dalawa
"Sobrang pagsasabon ang ginawa, pero parang namumula ung balat nya-" kwento ni Faye
Napatakbp naman sa pinto si Sab sabay katok.
"Abi allergic kaba sa itlog?" agarang tanong nya naalarma naman kami
"Hoy gago kaya pa namin ligo kapa, may gamot kaba na dala?" panic na tanong ni Ivan
"Abi, may sabon kaba para dyan?takbo bako sa NeedHall?" tanong ko din
Bumukas naman ang pinto at lumabas ang umiiyak na si Abi. Namumula nga mga braso nya at leeg na mukang napahidan ng Itlog.
"Naiwan sa Sec u Hall ung gamot and ung sabon ko is nasa next list na kukunin natin sa needhall" iyak nyang kwento
Nakaroba lang sya at namumula talaga.
"Gago, asan ung listahan?kayang ibigay satin ni Denyel yon ng limang segundo" sabi ni Evu at nagsuot ng damit
"Akay Harper ung listahan kasi sabi nya sya nalang kukuha"
"Wala pa si Harper, amputa bat ang tagal non?!" mura ni Sabrina
"Alam moba anong tawag don sa sabon?" tanong ko naman at sinuot na ang tsinelas
"Hindi pwede, dapat kung magsasabon ka nung gamot dapat inumin din ung gamot nya. Kundi mas lalong mamumula skin ko" paliwanag nya
"Wait nga sunduin kona si Harper!" tumakbo na palabas si Evu dahil namumula at may ibang dugo na dahil siguro kinakati nya
"Wag mo katihin!" sigaw ni Ivan sabay tampal sa kamay ni Abi na kinakati braso nya
"Makati!" sigaw naman ni Abi
"Bahala ka magiiwan ng marks yan! papangit ka!" Ivan
"Makati eh! omyghad asan naba si Harper!"
Nagpanic ako dahil kahit anong tampal ni Ivan ay nakakati nya pa din kumuha naman ako ng medyas sa damitan ni Sab at pwersahang inilagay sa mga kamay nya.
"Itali na din putangina, Abi naman sana sinabi mo agad!" sigaw ni Pev sa kanya dahil sobrang namumula na sya
Umiiyak na din ng tuluyan si Abi nakita ko namang nagreready ng panghilamos si Faye sinalihan yata ng mainit na tubig.
"Ayan ayan good ipahid sa namumula nyang balat. Mababawasan din nyan pangangati" sabi naman ni Sab at kumuha pa ng isang bimbo para punasan din si Abi
Sa kabilang braso si Faye at sa kabila naman si Sab. Pinalabas ako ng kwarto dahil kailangan daw punasan nadin ang buong katawan.
Nang hindi ako mapakali ay kumatok ako at nagpaalam na susunod sa Sec U Hall. Alam kong sa Sec u Hall ang diretso ni Harper dahil sa sinabi ko kanina.
Naramdaman ko namang nakikinig ang kabilang kwarto. Hindi naman ako kinabahan dahil alam kong kaya na nila yon.
Nang makalabas ako sa dorm ay pumulot nako ng bike at dumiretso sa Sec U Hall. Tuloy tuloy ang pagmamaneho ko ng makita si Donny na nagbbike rin.
"HOY DONS" sigaw ko at napahinto naman sya at nakita nako
"San punta?"
"Sec u, wala pa si Harper eh! bumalik naba si Ethan?"
"Don din punta ko eh, actually magggirls talk daw sila kaya napalabas kami."
"Si Abi allergic pala sa Itlog wala pa si Harper eh"
"Oh gago?! Tangina kaya pala tahimik sya kanina! Tara tara dalian nalang natin. Hoy Evan! sunod kayo! agad agad!" sigaw nya sa mga kasama
Binilisan kona ang pagpadyak at ilang minuto lang ay nakarating na din kami. Pumasok kami sa sec u hall at nakita sila Leo at si Evu na naguusap.
"Oh tara na dali, kailangan nyana makainom ng gamot" ani ko
"Abram, kami ang kumuha wala daw Harper at Ethan na dumating dito" saad ni Evu
Nagtaka naman kami.
"Please, kung papainumin nyo sya ng 7pm gisingin sya ng 11pm for another med and kailangan din nyang maligo ulit. Kung hindi na namumula wag ng painumun okay?" paliwanag ni Leo
"Leo wala paba talaga si Harper dito?mag30 mins na kami sa dorm!" singit ko naman
"Wala daw BS or GGang na napadpad dito, baka naman inuna ang Needhall? puntahan nyona agad kailangan na ni Abigail nyan" saad naman nya
Napatango naman kami, baka nga inuna nila Harper and Ethan ang need hall. Lumabas na kami ng Sec U Hall at nagbike papuntang Need Hall.
Kita ko naman si Ivan na palabas ng Cube ni Denyel na may bitbit isang box.
"Tara, tara na" pagmamadali nya
"Asan sila Harper and Ethan?" tanong ko
"Ha?wala ba sa Sec u Hall?may listahan ako kaya ako na ang pumunta dito si Evu naman ang sa Sec u Hall" paliwanag ni Ivan
"Ano?tara na! kailangan na nila to!" aya ni Ivan at nagmadali nadin kami palabas
Itinali muna ni Ivan ang box sa bike at paalis na sana kami ng may tumabi sakin.
"Asa likod ng mga tolda ng parking ng mga golfcart sila Harper and Ethan, may nagaya sa kanila. 2 vs dalawang gang ang andon, galing branch building." bulong sa akin
Nang tignan ko kung sino yon ay nakitang si Rhina yon. Seryoso ang muka nya at umalis na.
Nasa akin ang pasya kung pupunta bako don. Tinignan nila ako at naghintay ng sagot, siguradong naintindihan nila yon. Humarap ako sa likod at hinila si Rhina.
"Sakay" ani ko at pinasakay sya sa bike
"Ha?"
"Sasama ka" ani ko at binuhat na sya para isakay
"Wait-bakit? ayoko madamay"
"Para sure, hindi naman ako nanakit ng babae and sagot kita. Don't worry" bulong ko
Nang makitang okay na ang pwesto nya ay pinaandar kona yon.
"Pano mo nalaman?" bulong ko
"Simula kaninang umaga ay sinusundan na namin kayo, simula din kaninang umaga ay may nakasunod sainyong ibang gang. If I'm not mistaken galing sila sa Wex branch building, na ang gang ay Tokunxa X. Nakasunod din sila sainyo nung bumisita kayo sa room ni Pao kanina" kwento nya
"Nang makababa kayo ay palihim na ginamit ko ang elevator para sundan kayo. Si Christian ang naatasang sundan ang grupo nyong bumalik sa Dorm at ako naman ang sumunod kila Harper"
"Mukang pangsusulsol to pero idc. Nakita ko na sumenyas ung TKX kila Harper and Ethan tapos napunta sila sa likod ng mga tolda ng mga Golfcart. Madilim don, ang akala yata nila Harper at Ethan ay dalawa lang din sila pero nung pagkadating don ay saktong dalawang gang ang nakapaikot sa kanila, mapababae o lalaki" kwento nya
"Hmm, nagmamadali kami nakikisabay sila."
_
Ipinark namin ang mga bike sa isang tabi, 7 na at madilim na ang buong QP dahil puro puno din ang nakapaligid.
"Dyan sa may gilid sila, wala ng tao sa mga tolda kasi nagroronda na sila kaya walang makakarinig. Kung nakaharap tayo dito, ay may apat sa left and may apat sa right, isang gang ang nasa harap." paliwanag nya
Narinig naman nila Donny yon at naghanap ng pwesto. Mas lumapit kami sa pwesto nila at rinig kong nagtatawanan ang iba.
"Eh gago ka din pala?! nakailang ulit na kami na sasabihin nyo lang kay Leo na hindi nyo kaya dito kaya uuwi na kayo! mga tanga!"
bobo ba sya?
"Bakit ba kasi pinapauwi kami?takot ka bang baka nasa level 7 ka palang level 20 na kami?" pabalang na sagot ni Ethan
"Hay nako! mga bata palang kayo at hindi nyo kami naiintindihan! ang mga taga main buildings ay hindi para dito!"
"Ilang oras na tayo dito hindi ko parin maintindihan anong gusto nyo, nung una ang sabi nyo ay bugbugan, tapos ay ipinilit nyo na iunder ang gang namin sa gang nyo tapos napunta sa kausapin si Leo para umuwi na kami, ano ba talaga?" tanong ni Harper
"Kung ano ang gusto nyong gawin"
"Wala" sabay na sagot ng dalawa
"Makulit nga naman ang mga Bata!"
"Bugbugan nalang"
"Tara tsk, dalawa lang naman to"
"Tara na ang boring na alam naman nating hindi mapapasunod tong mga to, magdinner na din nyan tara na" aya nung isa at lumapit na
"Bakit kaya ang lalakas ng loob nila maghamon ng away dito?" bulong ni Ivan
"Dahil halos lahat ng mga sec u guard ay galing sa mga branch building" bulong ni Rhina
"Totoo?" tumango naman si Rhina kay Sean
"Shet kaya pala malalakas ang loob, pwede silang baliktarin o kampihan ng mga sec u guards" Evan
"Hmm, iba kasi ang tingin ng mga Leaders dito. Ang mga taga underground ang pinakamababa, side building, branch building tapos ang pinakamataas ay main building" paliwanag ni Rhina
Main
Branch
Side
Underground
"Anong pinagkaiba ng Side sa Branch?" tanong ni Donny
"Mas mababa ang Side dahil Parang branch din sila ng Branch building"
"So bale ang Main building ay may branch tapos may branch din yan na Side tapos ang side branch nya underground?" Evu
"Oo pero hindi sa underground. Pinakamababa lang ang tingin nila sa Underground. Pero ang totoo ay Ang branch ng Main building ay ang Underground. Pero dahil nga underground hindi nila cinoconsider yon" paliwanag pa ni Rhina
"Ah oo gets gets, Bawat Main building or bawat building kasi ay may Underground. Branches lang ung Side and Branch" tatango tango kong saad syemrpe nagets ko bago yan
"Yeah, pero ang QP kasi bias sa magagaling makipagbakbakan kaya ang kahinaan nila ay utak. Walang lumalagpas na taga underground sa level 20 dahil nga hindi naman sila sanay sa bakbakan. Yan ang kahinaan nila na tinatawanan lang ng Cargazar Org" paliwanag pa ni Rhina
"Cargazar Org?" sabay sabay na tanong namin
"Isang organisation kung saan ikaw mismo ang pipili kung sinong pagkakatiwalaan mo. Mautak sila at magaling sa bakbakan. Pero pili lang din ang nakakapasok sa Cargazar Org madalas na mga kasapi nila ay anak sa anak o apo sa apo ng mga nakapasok na don. " napatango nalang kami
Tanong ko yan mamaya kay Harper.
"Gets mo?" bulong ni Sean
"Hindi"sabay sabay na sagot namin at nakitang napangiwi si Rhina
"Grabe, talino mo. Single ka?" bulong ni Donny
"May jowa ako"
"Meron?" napatingin ako kay Evu sa tanong nya napangisi lang sya
"Type pa naman kita, sayang" dagdag pa nya
Sumbong kita kay Sabrina! sabi ni mama wag daw magjowa! type type ka pa dyan!
"Balik na tayo sa dorm kaya na nila Harper yan" ani ko at tumayo na sa damo
Tumayo na din sila
"Ha?bakit?hindi nyo ba sila tutulungan?" naguguluhang tanong ni Rhina na nakahawak pa sakin
"Hindi, kaya na nila yan" sabi pa ni Evu
"Ha?andami kaya" pinalo pa nyako ng hinihila kona sya sa bike
"Onti lang yan" dagdag pa ni Sean
"Edi hintayin nalang natin sila" rhina
"Gusto mopa manuod?osige una na kami sa dorm kasi kailangan na ni Abigail to" Saad ni Ivan at sumakay na sa bike
Sumama sa kanya si Evan, Sean, at Evu. Naiwann dito sa Donny gusto din manuod. Amputa live bugbugan is real dahil sumugod na sila ng sabay sabay.
(Syempre naman hindi papatalo mga manok ko! Laban! Power! HHAHAAHAHHAHAHAA) extra lng to pls😭 nakuha ko sa content ng scam networking sa tiktok😭
Syempre hindi papatalo dalawang manok namin. Mukang Fair naman ang labanan dahil wala pakong nakikitang sumugod na may hawak na kahoy o kung ano. Nang tumingin ako sa mga katabi ay nakitang salubong ang kilay nila habang nanunuod.
Intense yarn?
Nang humarap nako sa laban ay saktong pagsipa ni Harper sa isang lalaki at natapon iyon sa dalawa. Malaki ang katawan ni Harper dahil may sarili silang gym sa bahay. Muka lang anak mayaman to pero kung lumaban kala mo lumaki sa kalye eh.
Hindi ganoon kalaki ang katawan ni Ethan pero malakas ang bawat sipa at suntok. Mas mabilis din magisip si Ethan kumbaga wais, si Harper naman ay mabilis ang galawan kung makakita sya ng tyempo ay agad nya tong susunggaban.
Bagsak na ang isang gang pati si Ethan pinagtulungan ba naman ng dalawang tao na pwede na ipasok sa WWE. Nagunat unat naman si Harper at mukang alam nyang may susunod pang gang kaya pala puro sipa at tulak lang sya kanina.
Isa ito sa mga tips na recommended ni Harper, bago makipaglaban ay makiramdam muna kung ilan ba ang haharap sayo at kung may dadating pa. Kung meron ay huwag masyadong ihype ang sarili dahil madali kang mapapagod.
Proven and tested ni Harper look.
Umayos ako ng tayo sa puno dahil ang sakit sa likod ng naka kuba habang nanunuod ng 2 vs 1 gang for 10 minutes. Kita ko namang umayos din ng upo sa damuhan si Donny.
"Ayan na, mas malalaki ang katawan ng next gang. Nakita ko na sila sa isang underground mission at ex convic sila na maraming connection kaya nakalabas." paliwanag ni Rhina habang mas tinitignan ang mga lalaking lumabas mula sa kadilim haha.
"Gago pre mga edad yata nito 20+ na e, lalaki ng mga katawan." dagdag ni Donny
"May energy pa si Harper" tangging sagot ko
_
Sabi ko nga may Energy pa bagsak na ang dalawa, 6 to go. Tinignan ko si Ethan na nagpapahinga mukang may silbi na sya mamaya.
"Anong oras na?nagugutom na ko, bat hindi pa to tapos?" tanong ni Donny habang nakahawak sa tyan
Hindi ko na sya sinagot dahil may kabakbakan si Harper at may biglang sumalisi sa likod nya at akmang sisipain sya pero nasipa ni Ethan ang isang paa nya dahilan ng pagtumba ng lalaki.
Nang maipatumba ni Harper ang kaharap ay humarap sya sa lalaking kaninang sasalisi sa likod nya na akmang sasapakin si Ethan.
5 down 3 to go
Humarap si Harper sa tatlong lalaki na nakatayo sakto ring tumayo si Ethan at nagunat.
"Grabe nga naman Training ng Main Building. Sabak na Sabak sa labanan grabe. Lakas nyo ah?" asar nung isang lalaki sa gitna
"Putanginamo" pabulong na mura ko ng may humawak sa balikat ko
Paano focus na focus ako sa labanan tapos may ganyan?!
"Cury?bakit?" kagang pala ni Rhina
"May nagsumbong na, after 5 mins dadating na mga Sec U guard mababaliktad sila. Hindi pa ba tapos?" hingal na saad nya
"5 mins?" gulat na tanong namin
"Oo, pasakay na silang Golf cart kanina" at nagpanic na silang dalawa ni Rhina
Nagkatinginan naman kami ni Donny at sabay na tumayo at tumakbo papunta kila Harper. Hindi pa man nakakapagreact ung lalaki sa gitna ay sinapak kona.
Nahagip ko din na nasipa ni Donny ung isa. Sinapak ko na din ung isa at tinulak sila Harper.
"GAGO TAKBO! ANJAN NA GUARDS!" ani ko at naalarma naman sila
Napatakbo kami sa gilid at hinila ko si Rhina at hinila ni Donny si Cury. Hinila naman nila Harper at Ethan ang mga bike sabay takbo! Itapon nila Harper ang bike sa gilid ng malaking puno kumpara sa ibang puno at sabay tumakbo uli.
Tumatakbo kami sa madilim na parte at mas binilisan ang pagtakbo dahil nakarinig kami ng weng weng sa dating pwesto!
"May ilaw na, tatakbo pa ba tayo?"alalang tanong ni Rhina
"Lakad lang, tsaka na tayo tumakbo sa hagdan" bulong ni Harper
Kaya nagslow kami sa pagtakbo at saktong pagka pasok sa QP dorm ay tumatawa kami.
"Kulang ka pa sa practice boy!" malakas na ani ko sabay tulak kay Donny
"Ano yan?gabi na at naisipan nyo pang mag Fun run" biro nung guardiya natawa nalang kami
Hinila kona si Rhina sa hagdan at nakitang nagmamadali din sila dahil mukang papasok na ng QP dorm ung mga Guards. Saktong nakita ko namang bumukas ang elevator. Hinila ko si Rhina at patakbong pumasok don, ramdam ko namang sumunod din sila Harper. Buti nalang at nakisama ung mga papasok dahil agad din silang pumasok at hinarangan kami.
"What the fuck" mura nung isa sa kanila
"Putcha, muntik na tayo don" bulong ni Donny at hingal na hingal
"What floor guys?" tanong nung isa sa kanila binulong yata ni Harper dahil hindi kona narinig
Nang bumukas ang elevator ay patakbo na uli kaming lumabas.
"Thank youu" rinig kong saad ni Rhina at nagthank u na din kami sabay takbo
_
"Tangina anong nangyari sainyo?!" sigaw ni Sabrina
"Tangina Abi?bakit?" sigaw ni Harper
Ay putcha! wala pala tong alam!
"Harp, allergic ung balat nya sa itlog na natuyo na-" pinaliwanag ni Faye
Binigyan naman kami ng tubig ni Pev. Hingal na hingal kami. Putcha na yan ni hindi ko man nakita mga muka nung kasama namin sa elevator.
"Anong nangyari?" tanong uli ni Sabrina
"Kamay mo pre, okay na andito na kayo" bulong sakin ni Evu
Ngayon ko lang napansin nakahawak pako kay Rhina. Binitawan ko naman agad at tinap ulo nya. Punyeta baka kung wala tong mga to bukas bumibisita na kami sa hell hall.
Pinaliwanag naman ni Rhina at Cury lahat ng nangyari hanggang sa paano kami nakatakas. Tangina first ever thrill sa QP!
Nagtinginan naman kami ni Harper ng makita kung paano ipaliwanag nila Rhina ung nangyari. Tumango na ko, tatanggapin namin sila. Malaking tulong sila para samin.