Tải xuống ứng dụng

Chương 1127: May asawa ka ba?

Biên tập viên: LiberReverieGroup

Nabilaukan si Han Xian Yu at bigla siyang nag-uubo nang marinig niya iyon. "..."

Nanghuhula na naman siya… Bakit hindi na lang siya gumamit ng ibang pamamaraan?

Tiningnan ni Han Xian Yu ang kumikinang na mga mata ni Ye Wan Wan at awkward niyang sinabi, "Ahem, hindi mo kailangang gawin iyon…"

"Eh? Bakit hindi?" Pilit na tinanong ni Ye Wan Wan.

"Kasi… hinulaan mo na ako noon…"

Makikita ang pagkadismaya sa mukha ni Ye Wan Wan nang marinig niya ito. "Eh? Talaga? Hulaan na lang ulit kita! Kulang ang buhay mo sa…"

Magpapatuloy pa sana si Ye Wan Wan nang biglang umentra si Han Xian Yu dahil may nakita siya sa likod ni Ye Wan Wan na lubha niyang kinatakot. "*Ehem*, Ye Bai. Tumingin ka sa likod mo…"

"Hm?"

Tumingin si Ye Wan Wan sa likod niya.

Nakita niya ang lalaki na nakatayo sa harap ng naka-park na itim na kotse sa likod niya. Mas malamig pa sa gabi ang itsura ng lalaking iyon.

Kumurap si Ye Wan Wan. Kumurap muli siya. Ang mga mata niya ay nakadikit sa mukha ng lalaking ito...

Tinitingnan niya ang napakagandang mukhang ito kaya nag-iba ang orihinal niyang sasabihin dapat kay Han Xian Yu "Ang buhay mo ay kulang sa… calcium…"

Han Xian Yu: "…"

Si Ye Han: "…"

Tinitigan ni Ye Wan wan si Si Ye Han na nasa iisang lugar lamang. "Pogi, parang pamilyar ka sa akin. Nakita na ba kita noon?"

Han Xianyu: "…"

Ito na ba ang lahat ng pick-up line niya?

Nakakalimutan niya ang lahat sa tuwing tinitingnan niya ang lalaking ito… si Si Ye Han lamang ang nasa mga mata niya...

Tiningnan ni Si Ye Han si Han Xian Yu sa gilid ng kanyang mga mata at makikita na naasar siya dito.

Kung hindi siya pumunta doon, ibang tao kaya ang kulang sa buhay ni Han Xian Yu?

Tiningnan ni Ye Wan Wan ang lalaki sa harapan niya at walang tigil niyang sinabi, "Pogi, pogi, may asawa ka ba?"

Tinitigan ni Si Ye Han ang makulit na babaeng kaharap niya, "May asawa ako."

Ang mukha ni Ye Wan Wan ay naging manhid pagkatapos magsalita ni Si Ye Han.

Sa isang saglit, tiningnan ng masama ni Ye Wan Wan si Eleven na nakatayo sa likod ni Si Ye Han. "Siya ba ang asawa mo?"

Dinuro ni Eleven ang kanyang ilong habang gulat na gulat. "Huh?"

Malamig ang mga mata ni Ye Wan Wan habang malinaw niyang sinasabi ang bawat salita, "Mawawala na ang asawa mo!"

Naramdaman ni Eleven na parang naging yelo ang dugo sa kanyang mga ugat. "Ano? Hindi ako ang asawa niya!"

Anong nangyayari?

Bakit niya ako tinitingnan ng masama, eh nakatayo lang ako dito?!

Hindi pinakinggan ni Ye Wan Wan ang paliwanag ni Eleven. Mabilis niyang sinugod si Eleven.

Ang bawat atake ni Ye Wan Wan ay mabangis at handang pumatay, parang ang kalaban niya ay ninakaw ang kanyang asawa. Umuungol si Eleven habang umiiwas siya sa mga atake ni Ye Wan Wan. "Huwag… hindi ako iyon!"

Gulat na gulat ang ibang team leader ng nakatagong mga guwardiya habang pinapanood nila ang eksena sa harapan nila.

Nagsimula ang laban dahil lang doon?! Ano… ano ito?! Bakit ang babaw niya naman?!

"Ah!!!" Sinipa ni Ye Wan Wan si Eleven sa may binti. Muntikan nang mabali sa dalawang piraso ang binti niya.

"Tulong! 9th Master—"

Bakit hindi mo ako tinutulungan?!?!?!

Tinitigan lang ng 9th master ni Eleven ang tinawag na "Little Big Brother" ni Miss Wan Wan at sinabihan pa nga ito na gwapo ang itsura. Kaya, galit na galit si 9th master at hindi na nito narinig ang mga sigaw ni Eleven.

Mala-impyerno si Ye Wan Wan kapag nalasing siya. Hindi na kayang protektahan ni Eleven ang sarili niya.

Mamamatay siya kung magapapatuloy pa ito!

Talunan si Eleven. Nang makita niyang seryoso siyang inaatake ni Ye Wan Wan, bigla niyang dinuro ang mga nakatagong bodyguards na nasa likuran niya. "Hindi ako iyon! Hindi talaga! Sila iyon… sila!"


next chapter
Load failed, please RETRY

Quà tặng

Quà tặng -- Nhận quà

    Tình trạng nguồn điện hàng tuần

    Rank -- Xếp hạng Quyền lực
    Stone -- Đá Quyền lực

    Đặt mua hàng loạt

    Mục lục

    Cài đặt hiển thị

    Nền

    Phông

    Kích thước

    Việc quản lý bình luận chương

    Viết đánh giá Trạng thái đọc: C1127
    Không đăng được. Vui lòng thử lại
    • Chất lượng dịch thuật
    • Tính ổn định của các bản cập nhật
    • Phát triển câu chuyện
    • Thiết kế nhân vật
    • Bối cảnh thế giới

    Tổng điểm 0.0

    Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
    Bình chọn với Đá sức mạnh
    Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
    Stone -- Power Stone
    Báo cáo nội dung không phù hợp
    lỗi Mẹo

    Báo cáo hành động bất lương

    Chú thích đoạn văn

    Đăng nhập