Tải xuống ứng dụng
66.66% Pagdating Ng Panahon / Chapter 38: Chapter 38: Hold

Chương 38: Chapter 38: Hold

Ano kayang iniisip nya?. Bakit sya tahimik?. Kanina pa nakaalis yung dalawa pero kaming dalawa?. Hindi alam kung paano papatayin ang awkward moment na ginawa nila. Alam ko sa sarili ko na hindi iyon mawawala sa isipan ng iba. Lalo na nga't lalaki sya tapos babae ako. Lahat pwedeng mangyari. Lahat posible. Subalit hindi naman iyon ganun kasimple lang. Dahil sa ngayon. Magkaibigan lang kami.

Teka. Magkaibigan ba kami?. Parang wala akong narinig na ganung salita mula sa kanya ha?.

But actions are louder than words Kendra. Hindi man nya sabihin sa'yo. Yung ginawa nya sayong pagtulong na dumito muna sa bahay nya ay malaking bagay na yun. Nakikita mo lang na maliit dahil hindi mo alam ang totoong dahilan. Ngunit sya?. Hindi ko din alam. May malalim siguro syang rason para gawin ito sakin. Maybe because of Papa. O kay Mama. O baka, dahil sakin na rin. Higit sa lahat. Baka dahil ito sa sarili nya na rin. He wanted to show his kindness na inborn na yun sa kanya.

Sa mga nabanggit ko nga. Isa sa mga yun ang dahilan nya o meron pa. Ewan ko na kung ano yun.

"Natapos nyo na yung group study nyo ni Jane?." suddenly. He open the door for me. Not literally. But the door for unawkwardness. Masyado na kasing nakakailang. Kung di pa siguro sya ang naunang nagsalita. Baka tumayo nalang ako basta rito at sundan sina Karen sa baba. Bigla itong parang allergic reaction na, nangangati bigla buong katawan ko.

"Thanks to her.. naisubmit naman namin in time. How about your case study?. Tapos mo na?."

Umiling sya tapos naglagay ng alak sa kanyang baso. Dinampot nya yun at uminom dito. "Patapos palang. Ang hirap kasi."

"Wala namang madali sa buhay.." I talk the talk. Hindi ba tama ako?. Sinong tao naman sa mundo ang naging madali ang lahat sa kanila?. Bawat tao may daang tinatahak. Hindi lahat ay pare-pareho. Bawat isa, iba-iba. Kaya ko to nasabi. "Umpisa pa nga lang kung paano tayo nabuo, mahirap na.."

"What do you mean?. Hindi naman mahirap gumawa ah.."

Nanlaki ang mga mata ko dito. Kinilabutan pa ako ng bahagya nyang ilapit ang mukha nya sa mukha ko. Imbes maukit ang ngisi sa labi ko. Nagsalubong lang ang kilay ko sa ngisi ng kanyang labi.

Bwiset!. Nang-aasar ba sya!?.

"You mean, gustong gusto mo ganun?. Yuck!.." halos maduwal ako ng lagukin ko ang alak sa hawak nyang baso. Ang pait ng pasok nito sa lalamunan ko. Para bang may nilagay dun na lason at ngayon ko lang napagtanto ng matikman na ito.

Lumapit pa sya't sa mismong gilid ng tainga ko bumulong ng, "Of course.. I have this needs.."

"Lumayo ka nga!. ang init init.." tinulak ko sya dahil hindi ako halos makahinga. Subalit hindi man lang sya natinag.

"And, I'm on my legal age now.. if you want–..."

"Toro!.." marahas akong napatayo sa kinauupuan ko. Agad kumalat sa katawan ko ang init na dulot ng mainit na hininga nya. Gusto ko tuloy biglang lumusong sa maraming yelo na nakakababad sa tubig. Gusto kong makaramdam. Gusto kong maramdaman ang lamig sa katawan ko dahil kulang nalang mapaso na ako. Kingwa!. Ano ba kasing ginagawa nya?.

"Ahahahhahahahahah!." humagalpak sya ng todo!. Pinanood ko lang syang humawak sa kanyang tyan. Namimilipit sa pagtawa. "Toro?. Hahahahaha.." anya pa sabay tango ng tango.

Baliw na yata sya!

"Bababa na ako.. umuwi ka nang, mag-isa mo.." nakakainis!. Anong nakakatawa?. Biro lang pala sa kanya ang mga bagay na ganun?. Kingwa!. Mabulunan sana!.

At, nabilaukan nga!.

Hinayaan ko lang syang maubo hanggang sa di ko na kayang makita kung paano sya matuwa.

Naglakad na ako paalis. Bahala sya dyan!.

Ngunit, hindi pa ako nakakalayo sa kinauupuan namin. Nahablot na nya ang palapulsuhan ko. I look at his arm, holding me tight. Tapos tinignan ko sya. Binalanse nito ang katawan bago tumayo ng tuwid sa harapan ko. "I'm just kidding, baby.." nagsitayuan bigla ang mga maliliit na balahibo sa batok ko pababa sa talampakan ko.

Napamaang ako sa mukha nya. Abot hanggang balikat nya lang kasi ang height ko. Kaya kapag ganitong magkaharap kami. Tinitingala ko sya. Yung pitik ng dibdib ko, bumibilis ang takbo. Lumalakas na parang tambol ang kabog nito. Daig ko pa ang sumali sa triathlon. Anong baby?. Kingwa!.

Nagkatinginan kami. Tapos dahan dahan nya akong hinila at nilagay sa dibdib nya. Duon pumulupot ang mga bisig nya sa likod ko. "Wag ka sanang magalit sakin.." he whispers on top of my hair.

"Biro lang sa'yo ang ganun?."

"Nope.. I'm just trying to tease you.. not my intention to get you mad."

"Psh.. ganyan ba kayong mga lalaki?. They usually have their needs na kailangan dapat punan?. Ganun ba talaga dapat?."

"It really depends on someone."

"Like you?. How do you fulfill your needs huh?. Hire a girl?. Rent her?. Or take her home?." tiningala ko na ngayon sya. Di ko na kasi kaya yung kabog din ng dibdib nya. Nabibingi ako. I don't know why his heartbeat is like that. It's like, he's saying that his words is a bit true and not just a joke. Na gaya ng sabi ng labi nya.

"Never did I do that. I have my ways. Clean ways.."

Natuyo nalang bigla ang lalamunan ko sa naiisip. Bakit bigla nalang nauwi sa ganito ang lahat?. Kingwa!. Nag-iinit tuloy pisngi ko!. Hindi ko na alam kung paano kumalma.

"Tsk.. nakadrugs ka ba ha?." kinapa ko ang mukha nya. Kumunot ang noo nya ng ilang sandali tapos umayos din iyon ng suriin ko ng mariin ang mukha nya. Nagugustuhan yata ginagawa ko.

"Oo eh.."

Bahagya akong lumayo sa kanya. Yakap nya pa rin ako kaya di pa rin ganun kalayo ang agwat namin. "What the heck, Toro!.." pinanlakihan ko sya ng mata.

Pinaloob nya ang labi nya upang di sya humagalpak na naman. "Yakap ko kasi ang droga ko kaya para na akong nababaliw.."

"Bolero!." tinulak ko na sya. Binitawan nya naman ako pero hinuli nya rin naman ang kamay ko.

"Let me hold your hand, Ken." dun sa mga kamay namin ako tumingin. Pinagsalikop nya nga ang aming mga kamay. Ang mga patlang sa pagitan ng aking mga daliri ay napunan na ngayon ng kanyang mga daliri.

Wala akong naramdaman na kuryente pero ang pakiramdam ng pagiging kalmado at ligtas ay dito ko lang din nadama.

Umupo kaming muli sa aming pwesto. Magkahawak na ang mga kamay. "Can I ask something?." anya. Hinila ng bahagya ang kamay ko para mapansin ko sya. Kanina pa kasi ako nawawala sa sarili. Nawiwindang sa mabilis na pangyayari.

"Ako muna.."

"Go on.. what is it?."

"Did you already fulfilled your needs?."

What the heck Kendra!?. Akala ko ba ayaw mong topic yan?. Anyare bigla sa ayaw mo, naging gusto mo na agad because of him?. Grrrr!!!.

He groans. "Damn it!. Don't make it this big. I'm just curious.." mabilis kong paliwanag.

"Bakit ka curious?." nakataas na ang gilid ng kanyang labi. Napalunok ako. Kingwa! Oo nga! Bakit nga ba?.

"Wala. Gusto ko lang malaman.." bagay na pinagsisihan ko ng husto dahil nasabi ko pa ito. Imbes sa akin nalang din sana ito. Lumabas pa sa labi ko. Kaasar! Nahihiya na tuloy ako.

"Lalaki ako Kendra. Kahit anong pagpipigil ko, kapag naakit na ang Toro.."

"What the heck!!. Stop!. Ayoko na! Oo na. Sige na. Magtanong ka na.." pigil ko sa mga sasabihin pa nya.

Toro?. Yung bansag ko sa kanya ginawa nyang pangalan ng kanyang... ay sus ginoo!.

"Bwahahahhahahah!."

Hinayaan ko lang syang tumawang muli. Then he asks me, tungkol sa mga lalaking nanligaw daw sakin. "Did they make you fulfill your needs?."

"Ano kamo?."

Hindi ko alam kung bakit hindi ko makuhang magalit sa kanya. Gayong sa mga lalaking nanligaw sakin noon. Ni hindi kayang banggitin sa harapan ko ang tungkol dito. Why him?. Bakit ganito nalang ako kaopen sa kanya with this topic?. Nababaliw na yata ako!.

"I mean." tinaas nya agad ang mga kamay nya. Defensive masyado. "I don't want to be offensive pero dahil naopen na rin lang naman. Why not talk about it diba?. Mukhang pareho naman tayong open minded."

"You know Papa.. so, it's a no.." para maging simple nalang ang lahat. At di pa humaba. "I have suitors but they are just a suitor, Poro. Never did I gave them any opportunity to hold me like you are doing to me right now."

Kumurap sya. Natatanaw ko sa mata nya ang pagkawala kalaunan ng isang inaalala nya. "And that's my choice."

"Then, why did you let me hold you this way?." noong una. Isang kamay lang ang magkahawak kamay namin. Ngayon. Hinanap nya ang isa kong kamay para hawakan nya ulit to. "Anong dahilan bakit mo ako hinahayaang gawin to sa'yo?."

"Simply..." I paused for me to bit my lower lip. Kabado kasi ako. Todo ang hagupit ng puso ko!. Pinagpapawisan ako!. "You are my friend.." not that.. Simply because, I like you.. That's the thought. Not my remarks.

Tumawa sya. And it feels like. A fake one. "Yeah.. a friend.. we're friends right?." Anya saka binitawan ang kamay ko to drink his shot.

Nadismaya ako sa totoo lang. Nagsisisi ako na dapat di ko nalang sinabi ito dahil may parte sakin ang nasasaktan at umaasa sa kabaliktaran ng sinabi ko.

But because I am so coward to tell the truth. Eto ako ngayon. Nganga!. Nasasaktan sa nakikitang, nagpapakalasing sya!.


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C38
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập