Tải xuống ứng dụng
40.35% Pagdating Ng Panahon / Chapter 23: Chapter 23: Bagyo

Chương 23: Chapter 23: Bagyo

"May bukas pa kayang kainan ngayon?." nasa loob na kami ng sasakyan nya't parehong nanlalamig sa medyo may kahinaang aircon.

"Baka meron pa." tamad nyang sabi. Nilingon ko sya. Tamad pa rin nyang hawak ang manibela. Sa gitna ng kalsada nakatutok ang mga mata. Malakas pa rin ang ulan sabay pa ng may pagbugso ng hangin.

May bagyo ba?.

Wala naman akong nabasa.

Paano mo malalaman?. Wala ka namang interes sa mga ganung bagay, Kendra!. Asan ba utak natin ha?. Natunaw rin ba sa tubig ulan?. O natangay ng hangin?. O baka naiwan sa cafe kanina?.

Hindi ko alam. Bakit ba?. Ang judgemental?.

Halos ikutin na namin ang buong lungsod ng Antipolo subalit wala pa rin kaming nakikita. Alas onse na.

"Hatid mo nalang ako. Sa bahay nalang ako kakain.." I said this because I literally want to go to sleep now. Gusto kong namnamin ang malamig na panahon. May aircon naman kami kaso iba pa rin ang natural phenomenon.

Sa may intersection kung saan ang daan patungo saming bahay. Lumihis sya rito.

Napahawak tuloy ako sa braso nyang abala sa pagmamaneho. "Wrong way ka na.." itinuro ko pa ang daang nilagpasan namin.

Saglit nya lang akong sinulyapan. "I will make hot Beef Mami soup.. sa bahay na muna tayo.."

Umawang ang labi ko. Literal na napanganga habang tinitignan sya.

Anong sabi nya?. Sa bahay nya?. Seriously?. Bakit duon pa?. Pwede namang sa bahay nalang. Tsaka. Anong oras na?. Eleven thirty na. May pasok pa ako bukas.

"Mabilis lang naman.. hatid din kita agad.." he explain now.

"Sige.." nag-alinlangan pa akong sambitin ito. "Mabilis lang ha?." baka kasi umabot pa ng madaling araw. Tulog mantika pa naman ako. Hirap magising. Lalo na ang gumalaw kapag ganitong malamig ang panahon.

Natanaw ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. At natanto ko ring, hawak ko pa rin pala ang braso nya. "You can hold my hand if you're freezing.."

Mabilis ko namang tinanggal ang kamay duon. "No. Thanks.. I still can handle.."

Kinagat ko ang labi sa loob. Bigla ring bumilis ang tibok ng aking puso. Kulang nalang makipagkarera sa bilis ng patakbo ng sasakyan nya. Hoy! Anot ito!?. Simpleng alok lang naman yung sinabi nya ngunit malaki ang naging epekto nito sakin. Lumunok ako. Sobra. Dinig na dinig ko nga. Dala ng kaba at sa pakiramdam na biglang naging awkward. Sa labas ko nalang ibinaling ang tingin.

"You are not.." nagulat nalang ako ng hawakan na nya ang kaliwa kong kamay. Ang kaliwa nya lang na kamay ang nagmamaniobra ng manibela. Napatingin ako dito. Matagal. "Ako din kasi.. nilalamig na.." he added. Explaining why he needs to do this.

I let him intertwined his hands on mine. Wala namang duda na pareho kaming nanlalamig na. Kahit patay na ang aircon dito balot pa rin kami ng nginig.

Hindi naman siguro, dala ng kaming dalawa lang ang magkasama rito hindi ba?. Hindi rin siguro dahil sa katotohanan na pupunta kami ng bahay nila?. Ano ba itong tumatakbo sa isip mo Kendra?. Iba nga sya diba? Bakit yang mindset mo, iba din?. Naku!..

No! Hindi dahil dun. Masyadong basic. Dahil ito sa malakas pa rin na buhos ng ulan at malakas na hambalos ng hangin.

"Medyo, naging okay ako?. Ikaw?. Okay ka lang?." nalunok ko na yata ang dila dahil hindi ko magawang makapagsalita. Tinignan nya ako. Then he lick his lower lip. Binalik sa daan ang tingin. "I didn't mean to be mean to you earlier.." yung nasa cafe yata kami ang tinutukoy nya. "Sina Zaldy kasi. Hindi marunong umintindi.. sabing harangan ka ng husto para di makalusot tapos isang iglap.. nasa harap na kita.." I saw his damn good looking Adam's apple moves. Gumalaw ang kamay nya't medyo niluwagan ang hawak sa akin. "I'm just protecting you from rain.. kaso.. wala na akong nagawa nung tumakbo ka na't pinuntahan ako." he continues. Sa kamay namin ako tumingin. "Nilalamig ka pa ba?."

Mukhang anumang oras. Kukunin na nya ang kamay nya. That's why I need to speak now!

"Oo eh.." ako naman ngayon ang humigpit ang hawak sa kamay nya. Kahit ang totoo. Kanina pa ako init na init dito. Malapit na nga akong pagpawisan. Ang init ng kamay nya't maging ang diinudulot ng pagdikit ng mga palad namin. Pinapauhaw ako.

Hinayaan nya nalang ding magkahawak kamay kami hanggang sa huminto sya sa isang two storey na bahay. Puti at may halong pink ang pintura ng bahay. He park sa may gilid. Mismong tapat ng gate ng malaking bahay. "Tara." anya kasabay ng pagturn off nya ng stereo nya.

Sabay na rin naming binitawan ang kamay ng isa't isa. "Put your jacket on.." paalala nya pa bago tuluyang naunang bumaba. Inalalayan nya ako pagkatapos patakbong pumunta sa gawi ko. Kusa ring bumukas ang pinto. I offered him my jacket. Kahit basa na. Yumuko pa rin sya for me to cover him too. Tinakbo na namin ang ilang hakbang na layo ng bahay. Kinuha nya ang susi sa bulsa nya't binuksan ang Narra na pintuan. In-on nya rin yung switch para lumiwanag. "Come inside.. kukuha lang akong pamalit mo.."

"Wag na.. I'm okay.." pigil ko sa kanya. Huminto sya sa paglalakad half way.

"I'm not okay, seeing you this soaking wet Kendra.. nakakahiya kay Tito.." paliwanag nya bago ako tinalikuran. Nag-init naman ang pisngi ko! Soaking wet talaga!?.. Poro naman! Wag paasa ha!...

Mabilis syang umakyat ng hagdan. Ginawa ng isang hakbang ang bawat dalawang baitang. Tas nawala na sya sa paningin ko. Naglakad ako malapit sa sala nilang magarbong. Umikot din ako para suriin ang bahay. Yung apat na ilaw sa gitna na parang chandelier. Modern style. May grand piano sa tabi ng hagdan. May maliit ding babasaging mesa sa gitna ng sofa. Ang ceiling nila ay mataas hanggang ikalawang palapag. Mukhang, mayaman talaga ang nakatira dito.

"Here.." bumaba na sya't may dala ng jogging pants at isang itim na t-shirt. Mukhang mga damit nya. Huminto sya sa harap ko. Kamot ang ulo. "Duon ka nalang sa guest room magshower ng mainit. Baka lagnatin ka na kapag di ka pa naligo.."

"What about you?. Basa ka rin diba?."

I mean.. Tama naman.. basa din sya..

Napatanga sya saglit. "Ah.. yes.. sa taas na ako maliligo.." he said. Tas kumaripas na ng aalis sa harapan ko. Eto na naman si Mr. Awkward!

"Take your time.." dinig ko pang sabi nya.

Mabilis din akong kumilos at nagtungo sa guest room na tinuro nya kanina. Likod lang ito ng sala nila.

Isang mabilis lang na ligo ang ginawa ko.

Ngunit ang mabilis pala sa akin ay may mas ibibilis pa sa iba. Dahil paglabas ko ng silid. Nasa kusina na sya. Nagluluto. "Let's eat.. tumawag na si Tito.."

"Anong sabi?. Galit ba?." iyon ang pumasok sa isip ko dahil alas dose na.

Umupo na ako sa isa sa mga upuan dito sa pang apat na mesa. Abala pa rin sya sa paghahanda. Amoy bagong ligo nga sya. Ang gwapo ng pabango. Aysuskopo!.

"Hindi naman.. ang sabi nya.. may bagyo raw kaya malakas ang hangin at ulan.. if needed daw.. kung gusto mo raw bang dito na muna matulog.." napasinghap ako!. "Delikado na daw kasi ang daan." dagdag nya naman habang nilalapag na ang pagkain sa gitna namin.

Di ko na naman alam sasabihin. A part of me is saying no, dahil wala akong tiwala sa sinasabi nyang di galit ang Papa ko. But, some parts of me is cheering me, say yes. Papa has this side of considering people, like him. But not definitely me. And upon thinking about his remarks. Papa has a point. Him too. But am I safe here too?.


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C23
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập