Tải xuống ứng dụng
87.5% Owning Her (tagalog) / Chapter 21: Chapter 21

Chương 21: Chapter 21

- Mael -

AYAW niyang sumbatan ito pero hindi na niya mapigil ang sama ng loob niya. Masakit at parang sasabog na siya.

"Kung nasaktan ka ng mawala ang anak natin mas nasaktan ako. Mas masakit sakin dahil wala akong ibang masisi kung di ang sarili ko. Takot na takot ako, dahil hindi lang ako nawalan ng anak. Nawala din yung isang bagay na pinanghahawakan ko sa'yo." Pasabunot na sinuklay niya ang kamay sa buhok. "Pinagdasal ko yun e, hiniling ko na magkaroon tayo ng anak. Hindi lang dahil gusto kong magka-anak tayo pero dahil alam kong kapag nagka-anak tayo mananatili ka sa tabi ko."Tumawa siya ng mapait. "Alam ko kasi kung gaano mo pinahahalagahan ang pamilya. At magiging pamilya tayo kung magkaka-anak tayo. Umasam ako na kapag nakita mong isa tayong pamilya baka sakali pahalagahan mo din ako... Na mahalin mo rin ako sa kabila ng mga kasalanang ginawa ko sayo." Huminga siya ng malalim para tanggalin ang bara sa lalamunan niya. "Kaya kung nasaktan ka dahil napabayaan ko kayong mag-ina wala pa yon sa sakit na naramdaman ko."

nanatiling tahimik at umiiyak si Angela. Gusto man niyang patahanin ito pero sobra na ang nararamdaman niyang sakit, gusto na niyang ilabas labas. Gusto niya ng samantalahing sabihin dito ang mga nararamdaman niya.

"Julianna is not my daughter," Nakita niyang natigilan si Angela. Inantay niyang tumingin ito sa mga mata niya bago siya nag patuloy. "She's my sister." Malakas na napasinghap ito.

"My father and Suzette had an affair. At si Julianna ang naging bunga. Hindi sa akin baliw na baliw si Suzette kundi kay daddy. Nakipag relasyon siya sa akin para mapalapit sa father ko. Nalaman ko yon ng pinatawag ako ni dad at sabihing bubtis si Suzette. Mahal na mahal ni daddy ang mommy, kaya nakiusap siya sa akin na ako umako sa bata at itago si Suzette. Nagalit ako nung una, ayokong pumayag dahil iniisip kita, kayo ni Amariah. Pero nagmakaawa si daddy, nagaalala siya na malaman ni mommy at baka hindi kayanin ni mommy ang lahat dahil may sakit ito sa puso. So I'm thorn between my love for you and for the sake of my mother. I love the both of you at ayokong masaktan kayo pareho. So I decided to kept it. Kaya ako laging umaalis noon dahil laging nag babanta si Suzette na kung hindi ko siya aasikasuhin pupuntahan niya ang mommy. Nang araw na dinala ka sa ospital yun din ang araw na nanganak si Suzette. I was tired and exhausted tapos pag uwi ko wala na pala akong anak. Naiisip mo ba kung gaano ako kinain ng ko sensya ko non? Halos maglumuhod ako sa diyos para lang ibalik niya ang anak natin

I waited for you to recover to what happened physically and emotionally. Sa araw araw na nakikita kitang malungkot nadadagdagan yung bigat na dala-dala ko. At nung oras na umalis ka at sumama kay Jonas doon ako bumigay." Saglit siyang tumigil para saglit na pagluwagin ang dibdib niya. "Pinili kong maging isang mabuting anak pero ang kapalit pala non ay ikaw... Bakit? " Puno ng hinanakit na tayong niya dito. "Minahal naman kita pero bakit nagawa mo kong iwan sa ere?"

Lalong lumakas ang hagulgol ni Angela. Kinuha niya ang tungkod niya at ginamit iyon para makatayo. Naglakad siya papalapit dito. Pumwesto siya mula sa likod ng kinauupuan nito at yumuko para yakapin ito gamit ang isang kamay niya. Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito at doon umiyak.

"I love you... Please love me again, be mine again..." Pagmamakaawa niya.

Gagawin niya ang lahat mahalin lang siya uli nito kahit pa ang lumubod siya sa harap nito at paulit ulit na magmakaawa.

He was hoping na kahit papaano mayroon paring nararamdaman para sa kanya si Angela. Kahit na bigyan lang siya nito ng pagkakataon na turuan itong mahalin uli siya. He will do anything, give everything just to be loved by his wife... Again. Kahit matagal ayos lang.

Hinalikan niya ang buhok nito. Oh God knows how much he missed her scent. Napapikit na lang siya at nahiling na sana habang-buhay niya na lang yakap si Angela. And when Angela hug him back nakahinga siya ng maluwag. Parang may isang bara na natanggap sa dibdib niya. Niyakap nito ang braso niyang nakayakap dito at hinalikan ang kamay niya. Hindi ito nagsita at ganun din siya. nanatili sila sa ganoong posisyon hanggang sa tumigil na ito sa pagiyak.

"I'm sorry... " Anito, malat ang boses nito. "I didn't know you feel that way," Muli na naman itong napaiyak.

"Sshhh..." Pag-aalo niya dito. Marahan niya hinimas-himas ang braso nito.

"I didn't know you suffer that much, I can't imagine the pain and agony you've been through. I'm sorry, I really am sorry..." Anito. "Nasaktan ako ng mawala ang anak natin at oo ikaw ang sinisi ko. Umalis ako noon pero araw-araw kitang inaantay na sunduin ako. Nang malaman kong naaksidente ka, pumunta agad kami ni Juancho sa ospital. Kinausap ako ng mommy mo na tuluyan ng makipag hiwalay sayo. Ayoko sana, ayokong iwan ka at handa na akong magsimula uli kasama ka. Pero hindi kaya ng konsensya ko, Mael." Tumayo ito at humarap sa kanya. "Nang mahawakan ko ang baby ni Suzette na akala ko'y anak mo, pumayag ako sa gusto ng mommy mo. Dahil nakita ko yung anak natin sa baby ni Suzette. Hindi ko kayang agawan nang isang buong pamilya ang bata. Sabi nga ng mommy mo I've been a mother even in a short span of time," Tumingala ito at kinulong ang mukha niya sa mga palad nito. "At bilang isang ina... Hindi ko kayang maging masaya kung mayroong isang batang mag susuffer dahil sa akin. I giving you up because I know you have a chance to be happy even without me. You have you're daugther, and I know how much you loved the idea having a child... At hindi ko din yon kayang ipagkait sayo." Tumulo ang mga luha nito na agad niya pinunasan. "Because I love you... I love you, Mael. Hindi mo kailangan magmakaawa sa akin na mahalin kita dahil kahit kailan hindi ko nakalimutan kung gaano kita kamahal. "

Parang lumobo ang puso niya sa huling sinabi nito. Mahal siya ni Angela! Niyakap niya ito ng mahigpit.

"Thank you... Oh God," Aniya parang inalis ng mga 'I love you' nito ang apat na taong pinagdaanang sakit at hirap. Mabilis niyang inilayo sa pagkakayakap sa kanya at agad na sinakop ang mga labi nito. He kissed her with all his heart, gusto niyang iparamdam dito kung gaano niya ito kamahal, kung gaano siya nangulila dito. Ipinulupot nito ang mga kamay sa leeg niya at tinugon ng buong alab ang mga halik niya. Hinapit niya ito at nabitawan niya ang baston niya kaya naman muntik na silang matumba kung hindi lang siya mabilis na napakapit sa table niya.

Nahihiyang ngumiti siya kay Angela. "I'm sorry, nakalimutan kong hindi pa pala kaya ng paa kong buhatin ang bigat ko." Aniya dito. Napamura na lang siya ng lihim. Ayaw niya man ipakita dito ang kahinaan niya pero wala siyang magawa.

Lumungkot ang magandang mukha ng asawa. "Dahil ba yan sa aksidente na kinasangkutan mo four years ago?"

Marahan siyang tumango. "Yeah. Nito lang ako nakapag therapy, pero sabi ng therapist ko ilang buwan pa magiging normal na ang paglalakad ko." Aniya dito saka hinaplos ang pisngi nito.

Nangilid na naman ang mukha nito at kita niya ang guilt sa mga mata nito. "Sorry kung wala ako sa tabi mo para alagaan ka ng mga oras na dapat ay nasa tabi mo ako. " Anito.

"We have a lifetime, pwede kang bumawi. Pwede nating bawiin yung apat na taon na nawala sa atin." Masuyong aniya dito saka ito pinatakan ng halik sa mga labi.

- Angela -

TAMA, meron silang habambuhay para bumawi sa isa't isa. Nahihiya siya kau Mael dahil hindi biro ang sakit na pinagdaanan nito. At sa araw-araw na magkasama sila babawi siya. Babawiin nila ang apat na taon.

"P-Pero p-paano si Suzette?" Tanong niya kay Mael. Hindi naman pwedeng basta na lang mawala sa pagitan nila si Suzette dahil ito parin ang ina ni Julianna.

"Hindi na niya tayo magugulo. " Tiim bagang na anito. "I'll make sure of that."

"Siya oarin ang ina ni Julianna... " Gusto man niyang ariin si Julianna pero hindi naman ito sa kanya galing. Wala siyang karapatan sa bata.

"Not anymore, ikaw na ang kikilalaning ina ni Julianna. Kahit kailan naman hindi siya naging isang ina sa anak niya. Nalulong siya sa sugal kaya bata pa lang si Julianna hindi na niya naaalagaan. Nasa isang mental institute na si Suzette ngayon at dahil ako ang tumatayong ama ni Julianna na sa akin ang full custody ng bata. Pinaasikaso ko na rin kay Jim ang adoption papers para ikaw na ang maging legal na ina ng bata. "

Nakaramdam siya ng awa para kay Julianna. Hindi pala worth it ang ginawa niyang pagsasakripisyo dahil hindi rin pala nagkaroon ng isang buong pamilya si Julianna. "Ano nga palang sabi ng mommy mo?" Hindi niya napigilang tanong. Botong boto si Donya Matilde kay Suzette noon tapos...

"Disappointed. Hindi niya akalain na magiging ganoon si Suzette. Nagagalit siya kay Suzette dahil naging pabayang ina. Hindi niya akalain na ang babaemg gustong gusto niya para sa akin ay ang asawa niya pala ang habol." Umiling iling si Mael.

"Did she already know?"

"No. Not yet," Anito naupo ito sa ibabaw ng lamesa at hinila siya papalapit dito. "Kahit galit ako kay Mommy hindi ko magawang sabihin sa kanya ang totoo." Malungkot na anito.

Hinaplos niya ang pisngi nito. "Hindi mo naman na kailangang sabihin. Andito naman tayo para tumayong magulang para kay Julianna." Aniya.

Lumamlam ang mga mata ni Mael at ngumiti sa kanya. "Are you willing to accept her?"

"Of course! Alam mo ba kung gaano ko hiniling noon na sana ako na lang ang ina niya?" Naalala niya pa ng una niyang mahawakan si Julianna sa ospital. "Gusto kong isipin na siya ang kapalit ni Amariah." Naginit ang sulok ng mata niya. "Lahat gagawin ko para sa kanya, para sa anak natin. "

"Thank you... "

"Ako ang dapat magpasalamat, dahil hindi mo ako sinukuan kahit nasaktan kita. "

"Pareho lang tayong nasaktan. Ang importante nandito ka ngayon." Napaluha siya. Nagpapasalamat siya dahil may isang Mael na nagmamahal sa kanya ng sobra-sobra.

To be continued...


next chapter

Chương 22: Chapter 22

- Angela -

PAGKATAPOS nilang mag-usap ni Mael pinuntahan niya si Julianna sa kwarto nito. Alam niyang nagtatampo ito kanina. Binuksan niya ang kwarto nito na parang kwarto ng isang prinsesa. Hindi na siya magtataka dahil alam niyang may pagka-spoiler si Mael.

Nakita niyang nakaupo ito sa tapat ng isang malaking dollhouse. Mag-isa lang itong naglalaro. Saglit na sinulyapan siya nito pero agad ding ibinalik ang tingin sa nilalaro.

"Hi, " Bati niya dito pero hindi ito umimik. "Anong nilalaro mo?" Tanong niya ulit. Naupo siya sa tabi nito. "Pwede ba akong sumali?"

Tumingin sa kanya si Julianna na may nagbabadyang luha sa mga mata. Hinaplos niya ang pisngi nito. "Nagtatampo ka ba kay mama?" Malambing na aniya dito. Nanlaki naman ang mga mata nito. "Sorry ha... Hindi ka kasi agad nakilala ni mama kanina. Ganito ka lang kaliit nung huli kitang makita, " Ipinakita niya dito ang hintuturo at hinlalaki niya na kakaunti lang ang uwang.

Bumilog ang mga mata nito.

"Ganyan lang po ako kaliit?" Namamanghang anito.

Natawa siya dahil sa reaksyon nito. "Oo tapos ang cute cute mo." Pinanggigilan niyang pisilin ang magkabilang pisngi nito. Humagikgik ito. "Tapos ang lambot lambot mo at ang bango bango mo." Kinalong niya ito. Yumakap naman ito sa leeg niya at inihilig ang ulo sa balikat niya.

"I missed you, mama." Malambing na bulong nito.

"I missed you too, sweety." Naluluhang aniya saka ito hinalikan sa ulo. Kinagat niya ang ibabang labi para pigilan ang luha. Akala niya hanggang pangarap na lang ang ganito. Mayakap ang anak. Hindi man niya kadugo si Julianna pero para sa puso niya, siya ang ina nito. Anak niya ito at mahal na mahal niya.

"Hindi na po kayo uli aalis? Hindi niyo na po uli kami iiwan ni Papa?" Inosenteng tanong nito.

"H-Hindi na. H-Hinding hindi kana iiwan ni Mama... Kayo ni Papa."

"Promise?"

"Mmm... promise cross my heart." Aniya saka nginitian ito.

Lalo humigpit ang yakap nito sa leeg niya. "Thank you po!"

Ginantihan niya rin ito ng magaang na yakap. Natatakot siya na baka masaktan niya ito kapag hinigpitan niya ang pagkakayakap niya.

"Kakain na." Sabay silang napalingon ni Julianna sa may pintuan ng magsalita don si Mael.

Bumitaw sa kanya si Julianna at tumakbong lumapit kay Mael.

"Papa! Hindi na daw po aalis si Mama! " Masayang anito sa yumakap sa binti ni Mael.

Nginitian siya ni Mael bago niyuko si Julianna. "Are you happy pumpkin?" Malambing na tanong nito sa bata.

Sunod sunod na tumango si Julianna kay Mael, kitang kita ang saya na nakalarawan sa mukha ng paslit at walang katumbas na halaga ang saya na yon na nakikita niya.

Nilapitan niya ang mag-ama niya at niyakapa ang mga ito.

"Thank you... " Bulong sa kanya ni Mael. Nang tingalain niya ito ay namumula ang mga mata nito. Hinaplos niya ang pisngi ni Mael.

"I love you... I love the both of you..." Aniya saka ito oinatakan ng halik pagkatapos ay niyuko si Julianna at kinarga saka hinalikan. Inilagau naman ni Julianna ang magkabilang kamay sa mga leeg nila ni Mael at niyakap, nagkauntugan tuloy ang mga ulo nila. Sabay sabay na lang silang natawa dahil sa nangyari.

PAGKATAPOS ng hapunan ay dinala niya si Julianna sa kwarto nito. Pinaliguan at binihisan niya si Julianna bago dinala sa kama at binasahan ng libro hanggang sa makatulog ito. Ang tagal niyang tinitigan si Julianna. Masaya siya na bukod sa ayos na sila ni Mael ay binigyan siya ng pagkakataon na maging ina nito. Nangangako siyang mamahalin ito higit pa sa tunay na anak. Ibibigay niya dito ang lahat ng pagmamahal na dapat sana ay para sa namatay niyang anak. Gagawin niya ang lahat para maging isang mabuting ina dito. Nang alam niyang himbing na ito ay hinila niya ang kumot para ikumot dito at saka ito iniwanan.

Pagpasok niya sa kwarto naabutan niya si Mael na nakaupo sa kama at hirap na inaalis ang sapatos nito. Agad siyang lumapit dito at naupo sa paanan nito saka siya na mismo ang nagtanggal ng sapatos at medyas nito.

"Thanks, " Anito na matiim na nakatingin sa kanya. "I'll be fine soon. I promise. Hindi ako magiging pabigat sayo dahil lang sa paa ko." Anito na nakatiim bagang.

Nginitian niya ito para i-assure dito na wala itong dapat ipag-alala. Itinupi niya ang laylayan ng pantalon nito hanggang tuhod. Tumambad sa kanya ang malaking pilat sa binti nito hanggang tuhod. Marahan niya iyong pinaraanan ng kamay. Narinig niyang suminghap ito. Nang tingalain niya ito nakita niya ang apoy sa mga mata nito na tumutulay sa bawat himaymay ng kalamnan niya. Ramdam niya ang init na nararamdaman nito sa pagkakalapit nila

"God knows how much I want to make love to you, but I'm afraid I can't perform well with this damn condition." Mahinang anito na sa bawat salita ay ramdam niya ang init na nararamdaman nito.

Nginitian niya ito saka tumingkayad sa pagkakaupo para tawirin ang pagitan ng mga labi nila.

Maalab at puno ng pananabik na hinalikan niya ito. Naglalayong lang ang mga labi nila para sumagap ng hangin pagkatapos ay walang kasawaang mag didikit at maglalaban muli ang mga labi nila.

Lahat ng pangungulila niya dito sa loob ng apat na taon ay ipinaramdam niya dito. Wala siyang pakialam kung nagiging agresibo man siya kay Mael. Bahagya niya itong itinulak para mapahiga ito sa kama. Nag magtagpo ang mga mata nila ay nakita niya ang amusement sa mga mata nito. Nginitan niya lang uli ito saka inisa isang Tanggal ang butones ng polo nito. Ang mga kamay naman nito ay bahagyang humaplos sa gilid ng balakang niya, na nagbigay ng kakaibang init na gumagapang sa katawan niya.

"Is this Melbourne tought you? " Magksalubong ang kilay na tanong nito sa kanya.

"No, " Natatawang sagot niya ng mahimigan ang selos sa boses nito. Idinikit niya ang noo sa noo nito. "This is how I longed for you for past four years, Gusto kong bumawi sa lahat ng bagay na kaya ko... at isa pa, namiss ko to ng sobra." Aniya saka hinalikan ang mga mata nito. "Ang mga haplos at halik mo... " Hinihingal na aniya at sinalubong ang titig nito na puno ng pagnanasa. "Ang maramdaman ka sa loob ko,"

"You missed that? " Paos na tanong ni Mael. Parang nagsisikip ang paghinga nito at mas humigpit ang kapit nito sa balakang niya.

"A lot."

"But... I'm afraid I can give my hundred percent right now."

"It doesn't matter. Just teach me what to do."

"You driving me crazy, Angela..."

"Me too, Mael... Me too... " Muling naghugpong ang mga labi nila hanggang sa tuluyan na nilang pawiin ang pangungulila sa isa't isa.

To be continued...


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C21
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank 200+ Bảng xếp hạng PS
Stone 0 Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập

tip bình luận đoạn văn

Tính năng bình luận đoạn văn hiện đã có trên Web! Di chuyển chuột qua bất kỳ đoạn nào và nhấp vào biểu tượng để thêm nhận xét của bạn.

Ngoài ra, bạn luôn có thể tắt / bật nó trong Cài đặt.

ĐÃ NHẬN ĐƯỢC