Tải xuống ứng dụng
58.33% Owning Her (tagalog) / Chapter 14: Chapter 14

Chương 14: Chapter 14

MARAHAN  bumango si Mael at maingay na kinumutan ang hubad na katawan ni Angela.

Hinalikan niya ang makinis na balikat nito at marahang hinimas ang umbok nito sa tiyan.

Nag-uumapaw ang saya sa dibdib niya sa nalamang mahal din siya nito. Wala na ata siyang mahihiling pa.

Ngayong alam niyang mahal siya ni Angela at magkakaanak na sila hindi siya papayag na may sumira doon.

Napatiim-bagang siya. Hindi siya papayag na may gumulo sa pamilya niya.

Maingat siyang tumayo at mabilis na hinagilap ang mga damit. Tinignan niya ang oras mula sa wall clock. Alas dos na nang madaling araw. Agad niyang kinuha ang susi ng kotse niya.

Muli niyang tinignan ang asawang himbing na natutulog sa kama bago lumabas ng kwarto

Sumakay siya sa sasakyan niya at pinaandar iyon. Halos wala pangkinse minutos nang marating niya ang pakay.

Isang maliit na bunggalow na pinagawa ng Daddy niya na ilang kilometro lang ang layo sa log house.

Bumaba siya at malalakas na kinalampag ang pinto. May narinig siyang kaluskos mula sa loob, maya-maya ay bumukas ang pinto.

"M-Mael..?" Pupungas pungas na sabi ni Suzzeth.

Agad niyang tinulak ito papasok sa loob ng kabahayan at pabalibag na isinara ang pinto.

Marahas na hinaltak niya ang braso nito. Napapiksi ito pero wala siyang pakialam kung masaktan man niya ito.

"Anong pumasok sa kokote mo at nilapitan mo si Angela?!" galit na singhal niya dito.

Bumakas ang galit sa mukha nito, "Bakit anong masama kung malaman niyang buntis ako? Kadugo rin naman ng anak niya ang anak ko?!" sarkastikong anito.

Lalong humigpit ang hawak niya sa braso nito. Gustong-gusto na niyang pilipitin ang leeg nito kung hindi nga lang ito buntis.

"A-ano b-ba nasasaktan a-ako!" Nagpupumilit itong kumawala sa kanya.

"Subukan mong lapitan uli ang asawa ko malilintikan ka sa'kin. Wala akong pakialam kung buntis ka. Sumunod ka sa usapan natin kung ayaw mong--"

"Kung ayaw kong ano?!" Taas noong putol nito sa kanya pagkuwan ay ngumiti ito ng nakakaakit. "You want to punish me? What punishment would I get? Spanking? Or you going to bondage me like before?" Pinaraanan ng mga daliri nito ang gilid ng labi niya.

Nandidiring iniiwas niya ang mukha sa kamay nito saka ito nginisihan

"I don't have an appetite fucking a whore like you!" Marahas na bnitawan niya ito. "Hnding-hindi ko hahawakan ang babaeng kasing dumi mo!"

Kitang-kita niya ang sakit at galit na bumadha sa mga mata nito.

"Shut your fucking mouth and leave my wife alone!" pagbabanta niya dito.

Tumalikod na siya para iwanan ito nang muling magsalita ito.

"Kahit anong gawin niyong tago sa'kin lalabas at lalabas pa rin ang totoo, Mael!"

Hindi siya umimik pero naikuyom niya ang mga kamao. Lumabas na siya sa bahay na yon at sumakay na sa kotse niya pabalik sa asawa.

Napahampas na lang siya sa manibela para mailabas ang galit na nararamdaman.

Kanina nang banggitin ni Angela ang tungkol kay Suzette ay halos mapigil na niya ang paghinga.

Hindi siya papayag na makagulo sa kanila si Suzette at ang dinadala nito. Kailangan niyang rendahan ng mabuti si Suzette para hindi ito makalapit sa asawa niya.

NAGISING si Angela sa tunog ng makina ng sasakyan. Bumangon siya at nakitang wala sa tabi niya ang asawa

Ipinulupot niya ang kumot sa katawan niya at tumayo para lumapit sa bintana. Nakita niya pa ang puwetan ng kotse ni Mael na papalabas sa gate. Napakunot-noo siyang tumingin sa wall clock. Alas dos pa lang ng madaling araw. Saan kaya pupunta ang asawa niya? Bakit hindi man lang nagpaalam sa kanya?

Kinuha niya ang cellphone sa bedside table at dinial ang number ni Mael.

Nangunot ang noo niya nang marinig na may nagri-ring din sa loob ng kuwarto nila. Hinanap niya iyon at nakita niya sa sahig ang cellphone ni Mael na nagri-ring. Pinatay na niya ang tawag at pinulot ang cellphone ng asawa. Naalala niyang basta nga lang pala binato iyon ni Mael kanina pagkatapos putulin ang tawag ni Suzette. Nakalimutan na siguro ng asawa niya na pulutin iyon.

Inilapag niya iyon sa bedside table kasama ng cellphone niya.

Saan kaya pupunta si Mael nang ganitong oras?- tanong niya sa sarili.

Nakaramdam uli siya ng antok kaya naman muli siyang nahiga sa kama at natulog. Pagkagising niya nasa tabi niya na si Mael. Nakayakap ito sa kanya at mahimbing na natutulog. Hindi niya namalayan na nakauwi na pala ito. Hinaplos niya ang pisngi nito at marahang hinalikan sa mga labi. Dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata.

Napangiti ito nang masilayan siya.

"Morning..." anito sa paos na boses.

Napakagat-labi siya. Ang hot tignan ni Mael kapag ganitong bagong gising. Namumungay ang mga mata nito na nakangiti rin.

"Morning..." ganting bati niya dito. "Saan ka pala galing kanina?" tanong niya nang maalalang umalis ito kanina.

Nakita niyang tila natigilan ito. Yumakap ito sa kanya saka isinubsob ang mukha sa leeg niya at sininghot-singhot siya doon dahilan para makiliti siya

"Mael, nakikiliti ako!" natatawang saway niya dito.

Lalo naman nitong pinanggigilan ang leeg niya kaya napahalakhak na siya ng malakas.

"T-tama naaa!" tili niya na pilit kumakawala dito. "Maeeel!"

Natatawang tinigilan na siya nito at kinubabawan. Idiniin nito ang sarili sa kanya kaya naman dama niya ang pagkalalaki nito dahil wala itong soot na kahit ano. Nag-init ang mukha niya.

"M-Mael..." hindi niya man gusto pero naging ungol ang lumabas sa bibig niya nang tawagin niya ito ng bigla itong umulos sa kanya.

Napangiti ito dahil sa naging reaksyon niya kaya sinimangutan niya ito.

"I love you," puno nang pagmamahal na sabi nito sa kanya. Kita niya ang sensiridad sa mga mata nito habang sinasabi iyon.

Napangiti siya. Gusto niyang maiyak sa sobrang saya. Hanggang ngayon hindi siya makapaniwala na okay na sila ni Mael. Na mahal siya nito at may katugon ang damdamin niya para dito.

"I love you too..." hinaplos niya ang pisngi nito at siya na mismo ang humalik sa mga labi nito. Naging mapaghanap ang mga halik nito. Naging agresibo habang tumatagal parang sabik na sabik sa mga labi niya. Lalo itong dumagan sa kanya.

Umungol siya at marahan itong itinulak. Napadilat ito at nagtatakang tumingin sa kanya.

"Bakit ?" takang tanong nito.

Pinanlakihan niya ito ng mga mata. "Baka po nakakalimutan mo Mister na buntis ako at medyo malaki na ang baby bump ko. Naiipit na si Baby sa ginagawa mo."

Tumawa ito. "Sorry." Umalis ito sa pagkakadagan sa kanya at lumipat sa tabi niya. Pinatagilid siya nito patalikod dito. Itinaas nito ang isang hita niya at dahan-dahang pumasok sa kanya.

Napasinghap siya nang maramdaman ito sa loob niya. "Mael... " di niya maiwasang iungol.

"Do you like it?" tanong nito sa kanya at muli ungol lang ang lumabas sa bibig niya bilang sagot sa tanong nito.

Naging mabilis pero may pag-iingat ang bawat kilos at pag-ulos nito sa kanya. It's a gentle and sweet making love that they shared. Ramdam niya ang pagmamahal nito sa bawat pag-angkin nito sa kanya.

Siguro nga'y hindi naging maganda ang simula nila pero hindi pa naman huli ang lahat hindi ba? They can make a one big happy family together because they love each other. Panatag na ang loob niya, dahil alam niyang siya ang mahal ni Mael. Paniniwalaan niya iyon ano man ang mangyari at hinding-hindi na siya makikinig sa kahit na sinong gustong sumira sa kanilang mag-asawa gaya nang ginawang kasinungalingan ni Suzette tungkol sa pagbubuntis nito. Naniniwala siya kay Mael. Tiwala siya dito na hindi siya nito lolokohin at sasaktan dahil mahal siya nito.

Mahal niya ang asawa at nangangako din siya mula sa kanyang namayapang ina na pakamamahalin ang kanyang kabiyak sa hirap man o sa ginhawa katulad na lang nang sinumpaan nilang pangako sa isa't-isa nang ikasal sila.

Walang makakasira sa kanila hangga't mahal nila ang isa't-isa.

PAGKATAPOS nilang mag lambingan sa kama sabay silang naligong dalawa at siyempre pa hindi lang basta panliligo ang ginawa nilang dalawa sa loob ng banyo.

Tinuyo siya nito ng tuwalya at binuhat papunta sa walk in closet at pinilian ng damit. Isang pink na maternity dress ang pinili nito para sa kanya. Tinulungan siya nitong suotin iyon at kung hindi niya pa ito sinaway at sinabing nagugutom na siya baka kung saan na naman na papunta ang tagpo nilang iyon.

Magkahawak ang kamay na bumaba sila ng hagdan at nagtungo sa kusina. Sa pintuan pa lang ay amoy na ang mabangong niluluto ni Nay Caring.

"Good morning po, Nay," bati niya sa matandang katiwala.

Lumingon ito sa kanila mula sa pagluluto nito at bumati rin ng magandang umaga.

Pinaghila siya ni Mael ng silya. Nakangiting umupo siya at nagpasalamat dito.

Hindi ito naupo sa tabi niya. Lumapit ito sa sink at kinuha ang strawberry doon. Naglaway siya habang pinanonood itong gumawa ng strawberry smoothies. Ilang araw na siyang nagca-crave dito, noon pang makapanood sila ni Mael ng documentary about Baguio.

Takam na takam siya habang pinanonood itong magsalin sa baso at lumapit sa kanya. Ibinaba nito ang baso na may lamang strawberry smoothies sa harap niya. Saka pa lang naupo ito sa tabi niya na nakangiti.

"Naisipan kong maghanap niyan kanina kaya umalis ako," anito pagkuwan.

Na-touch naman siya sa sinabi nito. Yun pala ang dahilan kung bakit umalis ito kanina.

"Thank you..." hindi niya alam kung bakit pero feeling niya naiiyak siya.

Natatawa itong dumukwang at hinalikan siya. "A kiss is much better than thank you, hon."

Hinalikan niya ito. Ang lapad ng pagkakangiti nito nangg magkahiway ang mga labi nila.

INILAPAG ni Nay Caring ang niluto nitong almusal. Agad pinagsilbihan ni Mael si Angela. Nilagyan niya ng scramble egg at bacon ang plato nito.

Natutuwa siya at halatang tuwang-tuwa ito sa strawberry smoothies na ginawa niya para dito. Alam niyang gusto nito iyon. Buti na nga lang ng pauwi na siya nang madaanan niya ang anak ni Mang Isko na pauwi na. May dala itong strawberry na galing pa raw ng Baguio. Binigyan siya nito.

Buti na nga lang at nabigyan siya ng anak ni Mang Isko dahil nagkaroon siya ng dahilan nang tanungin siya ni Angela kung saan siya nagpunta kanina. Nakahinga siya ng maluwag ng hindi na ito masyadong nag-usisa sa kanya. Magana na itong kumain habang panaka-naka'y titingin sa kanya at ngingiti.

Napapangiti na rin siya ito ang pinakamasayang breakfast na pinagsaluhan nilang mag-asawa.

"Saan ka nga pala nakahanap ng mga strawberry?" natigilan siya sa tanong nito.

"Ah... S-sa..." Tumikhim muna siya at nilunok ang pagkain na nasa bibig niya. "Sa bayan dun sa suki kong prutasan." Hindi siya makatingin dito. Natatakot kasi siya na mabasa nito na nagsisinungaling siya.

"Ahh... Ganon ba," anito at ngumiti sa kanya kaya nahawa na rin siya sa ngiti nito. Nagpatuloy na ulit ito sa pagkain na ikinahinga niya ng maluwag.

Kinakabahan siya kapag nagtatanong ito. Hangga't maari kasi ayaw niyang pagsinungalingan ang asawa.

Lihim siyang napabuntong-hininga. Sino bang niloloko niya? Ayaw niyang pagsinungalingan si Angela pero kanina pa siya nagsisinungaling para lang hindi siya mabuko nito kung saan siya tunay na nagpunta kanina.

Napahigpit ang hawak niya sa kubyertos. Kailangan makagawa na siya nang solusyon sa problema niya kay Suzette.

NAG-AYA si Mael na mag-picnic sila sa may batis na malapit lang daw dito sa log house kaya naman nagmamadali siyang magpalit ng damit kanina pero nang makapagpalit siya ay nakita niya naman itong seryosong nakikipag-usap sa kung sino mangkausap nito sa cellphone nito. Lalapitan niya sana ito kaya lang ay parang nakikipagtalo ito sa kausap. Naisip niya na baka sa trabaho ang tawag na iyon. Agad kasing nagpaalam sa kanya si Mael na may pupuntahan lang pagkatapos nitong makipag-usap sa cellphone nito.

Gusto man niya itong pigilan pero hindi niya ginawa. Mukha kasing importante ang pupuntahan nito dahil nagmamadali ito at aligaga.

Tumambay na lang siya sa may garden at doon nagpalipas ng oras. Natutuwa siyang pagmasdan ang mga bulaklak na nakatanim doon. Nare-relax siya habang nakaupo sa swing na pinalagay ni Mael para sa kanya dahil hilig niya talagang tumambay dito sa garden, lalo na kapag busy si Mael sa mga paper works na iniuuwi nito galing opisina.

Hardworking kasi ang asawa niya. Napag-alaman niya rin na hindi lang ang company na pag-aari ng parents nito ang pinamamahalaan nito kundi pati na rin ang Almendra Internationals na pag-aari ng lolo niya.

Pinaliwanag na sa kanya ni Mael ang lahat. Nilinaw din nito na hindi ito interesado sa share na nakuha nito sa Almendra. Katunayan nga ay gumawa ito ng kasulatan na nagsasabing inililipat na nito sa pangalan niya ang buong 40% share na hawak nito, walang labis at walang kulang.

Natanawan niya si Mang Isko na papasok sa gate at may dalang basket kaya tumayo siya at sinalubong ito

"Magandang tanghali ho, Señorita," magalang na bati nito sa kanya. Tinanggal pa nito ang suot na salakot at bahagyang yumukod.

"Magandang tanghali din po Mang Isko," nakangiting bati niya din dito. "Naku wala po dito si Mael may pinuntahan po siya," pauna niya dito sa pag-aakalang ang asawa niya ang hanap nito.

"Ay ayos lang ho. Dinala ko laang ho itong mga strawberry na dala ng anak ko. Naikwento ho kasi sa'kin kanina ni Caring na pinaglilihian niyo ata are," wika nito.

Tinanggap niya naman ang basket na iniaabot nito. Puno iyon ng strawberry na mapipintog at mukhang napakasarap

"Anak niyo po pala ang may pwesto ng prutasan sa bayan?"

"Ho? Naku hindi ho. Doctor ho ang anak ko, nagkataon lang na may medical mission sila sa Baguio kaya may dala siyang mga strawberry kanina nang madaanan siya ng Señorito kanina sa daan ng papauwi na dito sa log house," mahabang paliwanag ni Mang Isko.

Natigilan siya sa sinabi ni Mang Isko. Kung ganoon hindi talaga siya hinanapan ng strawberry ni Mael gaya ng pagkakasabi nito sa kanya kanina. Pero saan ito talaga nanggaling kanina?

"A-anong oras ho pala nakita ng anak niyo si Mael?" hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan.

"Mag-aalas kuwatro ho siguro," nakangiting tugon ng matanda.

Siya naman ay pilit na rin ang naging pagngiti. "Ganon po ba..."

"Paano ho, Señorita, mauna na ho ako ay sadyang idinaan ko lamang iyan dito palusong ho kasi ako ngayon sa bayan."

Nginitian niya si Mang Isko at tinanguan. Tumalikod na ang matanda saka umalis na.

Wala na si Mang Isko pero nakatayo pa rin siya hawak ang ibinigay nito.

Bakit nagsinungaling sa kanya si Mael?

Ipinilig niya ang kanyang ulo. Ayaw niyang pag mdudahan si Mael lalo na at ngayon pa lang sila nagkakaayos.

Pero saan nga kaya galing si Mael?

To be continued..


next chapter

Chương 15: Chapter 15

GABI NA ng dumating si Mael. Siya naman ay nag babasa habang nakasandal sa headboard ng kama, inaantay niya kasi ang asawa.

napangiti siya ng makitang may bitbit itong mga laruan. Hindi ito mag kandatuto sa pag bububat.

"Ano yang mga dala mo?" natatawang tanong niya dito. Hindi kasi bagay dito ang mga bitbit nito. Naka three piece suit ito, businessman na businessman tignan, a very dignified one. Tapos napaka daming bitbit na makukulay na laruan.

Binitawan niya ang binabasang libro sa gilid niya para abutin ang mga dala dala ni Mael

Inilapag nito sa ibabaw ng kama ang mga plastic saka siya hinalikan sa mga labi at nakikalkal narin sa mga dala nito. Parang mga batang inisa isa nilang tignan ang mga pinamili nito.

Natatawang dinampot niya ang teether at winagayway sa tapat ng mukha ng asawa. "Hindi pa ito agad magagamit ni baby. Ahmm.. Lahat ito hindi pa naman niya magagamit"

"Magagamit niya 'rin yan, sabi dun sa forum na sinalihan ko mabilis daw lumaki ang mga babies di mo mapapansin tumatakbo na sila" katwiran nito na umakbay pa sa kanya

Napataas naman ang kilay niya sa sinabi nito "forum? Anong klaseng forum? Sumasali ka sa mga ganon?"

"Ahuh" nakita niyang naging mailap ang mga mata nito at tila nahiya. Mas lalong tumaas ang kilay niya dahil doon. tumingin ito sa kanya na may alanganing ngiti "well.. ahmm, actually narinig ko lang na pinag uusapan yon ng mga empleyado ko na may mga anak na. Isa yong group page na ang name ay 'supermumph' its a group na para sa mga mommies" nag kamot ito ng batok at nahihiyang nag patuloy "Naisip ko kasi na baka makatulong lang.. you know pareho tayong first time parents.. Tapos mag kaaway pa kami ni Mommy kaya wala naman akong mapag tanungan.. So i tried to research and.." napabuga ito ng hangin, hirap na hirap sa pag papaliwanag. Bahagyang namumula ang tenga nito at iwas ang tingin sa kanya.

Niyakap niya ang bewang nito at malambing na inihilig ang ulo niya sa dibdib nito. Natutuwa siya dahil sobra ang effort na ginagawa nito para sa anak nila. Kahit kailan di niya naisip na magiging ganito ka hands on si Mael. Isa pa wala kasi sa itsura ng asawa niya na gagawa ito ng mga ganoong bagay dahil sa lalaking lalaki itong tignan, hindi mo maiimagine na balang araw hahawak ito ng mga feeding bottles para pumili kung ano ang mas magandang gamitin ng baby nila, kung ano ang mas safe at mas comportable sa baby.

Nalulungkot lang siya dahil hindi parin ito nag kakaayos at ng Mommy nito. Lalo na at dahil sa kanya niya kaya nag kasamaan ng loob ang mga ito. kahit naman hindi sabihin ng asawa niya ay ramdam niyang apektado ito sa gap nito at ng mommy nito.

"Bakit di tayo pumasyal kina Donya-- ahm sa Mommy at Daddy mo?" suhestyon niya. tiningala niya ito at nakita niya ang dumaang saya sa mga mata nito na agad ding napalitan ng lungkot. Umiling ito saka pinatakan siya ng halik sa noo.

"Saka na, baka ma-stress ka lang don. masama daw ma stress ang mga buntis. Kilala mo naman si Mommy, kita mo nga nung huli, muntik na kayong mapahamak ni baby"

"Kasama naman kita, saka hindi naman alam ng Mommy mo na buntis ako nung time na yun"

Nag tagis ang bagang nito "Kahit na. Hindi ka niya dapat sinaktan"

"Tapos na yon, nakaraan na yon. Saka alam mo ba masama daw may kasamaan ng loob ang buntis, kasi mahihirapang manganak"

Napasimangot naman ito "Kalokohan, saan mo naman narinig yan"

"Sa Lola ko!" paismid na sabi niya dito

"Kay Lola pala e, di mo naman sinabi agad" natatawang anito saka pinag hahalikan ang leeg niya. Nakikiliti namang umiwas siya dito

--

HUMINTO NAMAN siya sa pangingiliti kay Angela at muling hinarap ito "ano nga palang gusto mong pangalan sa baby natin?" seryosong tanong niya dito. Almost five months nalang kasi lalabas na ang baby nila at gusto niyang naka prepare na lahat bago pa man maisilang ang anak nila

Napalabi ito na lalong nag pa bata ditong tignan. Sa tingin niya magiging babae ang anak nila, nabasa niya kasi nakapag blooming daw ang buntis may posibilidad na babae ang magiging anak

"hindi pa nga natin alam ang gender e" sabi ni Angela

Nahiga naman siya at hinila ito sa tabi niya. Pinaunan niya ito sa braso niya at niyakap ito "Ang gusto ko Amariah" sabi niya

"Pano kung lalaki? Saka bakit Amariah?"

"Amariah means gift from god" yumuko siya at hinalikan ang umbok ng tyan ni Angela. Totoo ang sinabi niya, pakiramdam niya regalo ng may kapal ang baby nila dahil alam niyang may bahagi ni Angela na kinonsidera ang baby nila kaya ito nag pasyang manatili sa kanya "Parang ikaw regalo ka ni God sakin" hinaplos niya ang pisngi nito

Tandang tanda niya pa ang unang beses na nag kakilala sila.

Siyam na taong gulang siya non at ito naman ay pitong taon. Christmass party iyon sa company ng daddy niya at pinit siya ng daddy niya na sumama sa event ng gabi na yon.

Mag bibihis na Santa claus habang namimigay ng mga regalo sa mga anak ng empleyado nito.

Pinilit siya ng daddy niya na sumama kahit na mas gusto niyang panoorin ang cooking show na ipalalabas sa netflix

Hindi niya magawang mag saya ng time na yun dahil kahit napakaraming bata na anak ng mga empleyado ng daddy niya, ilag naman ang mga ito sa kanya. Ayaw siyang lapitan dahil natatakot ang mga ito na mag kamali sa harap ng anak ng boss ng mga magulang ng mga ito. Kaya kahit gustuhin niya mang makipag kaibigan hindi niya magawa. Nag lakad lakad siya palayo sa bulwagan hanggang sa nakarating siya sa Entrance ng bulwagan. Wala na doon ang receptionist.

Lumpait siya sa nakalatag na lamesa sa tabi ng christmass three na may roong isang malaking box ng regalo na hanggang baywang niya ang taas hugis kwadrado siguro ay nasa kalahating dipa ang lapad ng bawat side niyon.

Sinipa niya iyon sa pag aakalang isa lamang iyong malaking karton na walang laman at binalutan ng christmass gift wrap saka nilagyan ribbon. Nangunot ang noo niya ng mapansing mabigat iyon at parang may laman

Inulit niya uli ang pag sipa, nilakas niya sa pag kakataong iyon. Natigilan siya ng makarinig siya ng pag igik.

Hinawakan niya ang takip niyon na bahagyang nakaangat at unti unting binuksan. nang matanggal niya ang takip ay tumambad sa kanya ang pinaka maamong mukha na nakita niya. Nakapikit ito habang nakapamaluktot sa loob ng kahon.mahimbing itong natutulog.

Hindi niya maalis ang tingin sa mukha ng isang munting anghel sa loob ng kahot, naka puti itong bistida at may kulang laso sabuhok. Malupula ang mga labi nito na binagayan ng malalantik na pilik mata at manipis at matangos na ilong.

Bahagyang gumalaw galaw ang talukap ng maya nito.

At parang huminto ang lahat ng nasa paligid niya ng masilayan ang magagandang pares ng kulay tsokolatemg mga mata. Napahawak siya sa sariling dibdib dahil hindi niya alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso niya n para siya may ginawang kasalanan dahil sa sobrang kaba, lalo na ng sumilay ang munting ngiti sa mga labi nito.

Bumalik lamang siya sa reyalidad ng dumating ang ama nito at nag aalalang kinuha ito at agad na inilabas sa kahon.

Nakatingin lamang siya sa mga ito partikular sa batang babae na ngayon ay mapupungay ang mga matanf nakatingin sa kanya. Halatang antok na antok pa ito. Agad itong humilig sa balikat ng ama nito ng makatulog ito.

"Angela.." anas niya. Narinig niya kasing tinawag na Angela ang batang babaeng may maaamong mga mata. Napangiti siya. Bagay dito ang pangalan nito, para itong isang tunay na anghel sa amo ng mukha nito. Wala pa siyang nakitang ganon kaamong mukha.

Pag katapos ng gabi na yon ay hindi na niya nalimutan ang maamong mukha nito. Bata pa siya pero hindi niya alam kung bakit masaya siya kapag naaalala ang maaamo nitong mga mata.

Natuwa siya ng malamang sa iisang school la g sila pumapasok ni Angela.

Nakipag lapit siya dito kahit mas bata ito sa kanya. Hanggang sa mag high school sila ay parang anino siya nito. Lagi siyang naroroon kung nasaan ito. Naging kaibigan niya ito, at unti unti nagiging higit pa sa kaibigan ang nararamdaman niya dito. Kaya nman bata palang sila binabakuran niya ito. Hindi niya hinahayaang may manligaw at makalapit ditong iba. Nag seselos siya kapag may ibang nagiging kaibigan ito bukod sa kanya. Ang gusto niya kasi sa kanya lang ang buong atensyon nito.

Ilang beses niyang sinubukang umamin ng nararamdaman niya dito, pero lagi siyang inaabot ng takot. Takot na baka hindi pareho ang nararamdaman nila at mauwi lang sa wala ang pag ka kaibigan nila.

"A gift from god.. Hmmm.. Amariah.. Gusto ko rin yun ang ganda pa ng meaning" sabi ni Angela sa tabi niya.

Napangiti siya dahil nagustuhan nito ang napili niyang pangalan para sa magiging anak nila

"Alam mo hindi ko akalaing biblical ang pipiliin mong ipangalan sa magiging baby natin" nangingiting anito "Pero come to think of it, ang name ko biblical din 'Angela' means messenger of god and 'Ishmael' means hear from god. Kaya mas maganda nga na biblical din ang name ng baby natin"

Hinalikan niya ito sa mga labi "Kaya mag isip ka na ng name na pang baby boy"

"Mmmm.. E , kung junior nalang?"

"Nah ayoko non." umiling iling siya na ikinasimangot ng asawa. Natatawang hinalikan niya ito na tinugon naman nito.

'Hmmm.. Sana lagi nalang kaming ganito' piping hiling niya sa isip.

"SINIPA AKO NI BABY!" Manghang ani ni Mael sa kanya. Nanlalaki ang mga mata nito at parang batang nabigyan ng regalo ang itsura.

Nakadikit ang mukha nito sa malaki na niyang tiyan nakahiga ito sa kandungan niya habang siya naman ay naka upo habang nakasandal sa headboard ng kama. Pitong buwan na ang tiyan niya at sobrang excited na itong makita ang baby nila.

Kung noon ay maalaga na ito sa kanya, mas lalong naging OA ang pag aasikaso at pag aalaga nito sa kanya. Para na siyang malulumpo lalo na ng mag deklara ito na kailangan niya ng mag bedrest. Kahit wala namang problema at healthy naman silang mag ina.

Ito rin ang personal na nag hahanda at namimili ng mga kakainin niya. Lagi rin itong nag babasa ng mga blog about parenthood. Gusto raw kasi nitong pag handaang maigi ang pag labas ng baby nila.

Napaka swerte ng anak nila at napaka swerte rin niya. Tinupad nito ang pangako nitong babawi ito sa kanya. Na magiging mabuting asawa ito at ama sa anak nila.

"Excited narin siguro si Baby Amariah na makita tayo ng personal hon." nakangiting anito sa kanya. Napangiti narin siya. Tuwang tuwa ito ng malamang babae ang magiging anak nila. Kakagaling lang nila sa OB para sa pre-natal check up niya at ni reveal narin ang ng OBgyne niya ang gender ng baby nila.

"Hmm.. Two months nalang ang ipag hihintay natin" hindi maitago ang saya nito.

Natahimik siya. Two months na nga lang at lalabas na ang baby nila.

"Bakit natahimik ka. May problema ba?" nag aalalang tanong nito ng mapansin ang pananahimik niya.

Ngumiti siya at hinilot ang nakakunot nitong noo.

"Natatakot lang ako.. " pag amin niya.

Mas lalong kumunot ang nok nito dahil sa sinabi niya.

"Saan?" tanong nito sa kanya. Bumangon ito at tinabihan siya sa pag kakaupo saka siya inakbayan. "Hindi ko naman kayo pababayaan. Kung natatakot ka na naman sa panganganak pwede naman nating ipa-painless ka para wala kang maramdamang kahit na anong sakit"

Humilig siya dito "Hindi naman yun e. Hindi naman ako natatakot manganak o masaktan dahil sa panganganak. Parte daw ng pagiging isang ina ang sakit ng pag lalabor at panganganak kaya ayokong mag pa painless at gusto ko ng normal delivery"

"So, Saan ka natatakot?"

Bumuntong hininga muna siya saka tumingala dito. "Natatakot ako kasi may isang buhay ng involve. Natatakot ako kasi mas sanay akong maging anak kesa sa maging magulang. Paano kung.. Paano kung h-hindi pala ako fit para maging isang ina?"

Marahan itong natawa saka siya pinatakan ng halik sa noo.

"I believe that you're going to be a great mom. Because you are a great woman with the most kindest heart i've ever known" bumaba ang labi nito sa labi niya.

Napapikit siya ng lumapat ang labi nito sa labi niya.

"I love you.." nakangiting sabi niya dito ng mag hiwalay ang mga labi nila.

"I love you more" anito na titig na titig sa kanya.

"AALIS KA NA NAMAN?" Tanong niya kay Mael. Kakarating lang nito mula opisina pero aalis na naman hindi pa man sila nag hahapunan.

Lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa noo. "Babalik agad ako. May emergency lang sa opisina" anito na bakas ang pag mamadali sa boses.

Napabuntong hininga na lang siya at parang batang nangunyapit sa leeg nito "Hindi ba pwedeng ipagpabukas na lang iyon?" lambing niya dito. Napapadalas ang pag alis-alis nito at namimiss niya na ng sobra ang asawa.

Hinapit siya nito sa baywang saka siya hinalikan ng mariin "Babawi nalang ako sayo. Kailangan ko lang talagang bumalik sa opisina" anito kasabay ng pag tunog ng cellphone nito.

Napabuntong hininga na lang siya saka dahan-dahang bumitaw kay Mael. Gusto man niyang pigilan pa ito ayaw naman niyang makaabala sa trabaho nito.

"Okay.." inayos niya pa ang kwelyo nito bago tuluyang lumayo dito.

Bakas naman ang guilt sa mukha nito. "Babawi ako promise" anito saka siya muling mabilis na hinalikan sa labi "Balik ako agad. I love you."

Ngumiti lang siya at tumango dito. Nag mamadaling tumalikod na ito at lumabas ng kwarto nila.

Lumakad siya papunta sa bintana para tanawin ang pag alis ng asawa. Kumaway pa ito sa kanya ng makita siyang nakasilip sa bintana. Gumanti rin siya ng kaway dito at tipid itong nginitian. Pinaandar na nito ang kotse nito palabas ng gate. Tinanaw niya ang kotse ng asawa niya hanggang sa mawala na sa paningin niya.

Marahan niyang hinimas ang kanyang tyan. Walong buwan na iyon. Next month kabuwanan na niya kaya naman minamadali na ni Mael maayos ang mga kailangang iayos sa kompanya para makapag leave ito.

Nasanay lang siya na laging nasa tabi si Mael kaya naman ngayong laging wala ang asawa ay namimiss niya.

Siguro dahil sa hormones kaya nagkakaganito siya. Muli napabuntong hininga siya. Iniisip niya nalang na uuwi naman agad ang asawa.

Bumalik siya sa kama at dinampot ang librong binabasa niya. Mag babasa nalang siguro siya ng mag babasa hangga't wala pa si Mael.

To be continued..


Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C14
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank 200+ Bảng xếp hạng PS
Stone 0 Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập

tip bình luận đoạn văn

Tính năng bình luận đoạn văn hiện đã có trên Web! Di chuyển chuột qua bất kỳ đoạn nào và nhấp vào biểu tượng để thêm nhận xét của bạn.

Ngoài ra, bạn luôn có thể tắt / bật nó trong Cài đặt.

ĐÃ NHẬN ĐƯỢC