Tải xuống ứng dụng
54.86% No Strings Attached / Chapter 62: Doubt

Chương 62: Doubt

KYLE

Umuwi ako na lasing na lasing.. Ilang bote ba ang ininom ko? 7? 9? 11? Teka, bakit ko ba iniisip to?!! Nababaliw na siguro ako eh.. Pagewang-gewang ang lakad at parang umiikot ng sobra ang mundo ko.. Huh?

"Elle..." Bulong ko as I open the door of my unit.. Umaasa na makikita ko ang mala-anghel niyang mukha, ang tamis ng kanyang ngiti, ang maganda niyang boses.. it's about her... Everything about her.. Pero hindi, hindi ganoon ang nangyayari. Kasal ako.. Kinasal ako pero sa ibang babae at yun ang masaklap!

Napansin kong may kausap si Michelle sa kanyang phone at hindi niya pa napapansin na nandito na ako. Mukhang napapadalas ang pakikipag-usap nito sa phone ah?!

"Really?! OMG! You're so naughty talaga! I can't wait to see you again!" Rinig ko ang pagtili ni Michelle sa kausap niya sa phone. Teka, bat ang sweet nito sa kausap niya?!

"Yeah, I'll call you later. Yes, I miss you also.. I--" Naputol ang kanyang sasabihin sana nang makita niya ako.

"I'm hanging up, bye.." Sabi niya at in-end na ang call at tumingin saakin ng masama. Oh? Nangyari dito? Moodswing?

"Where have you been?! I've been calling you kanina pa!! T-teka! Lasing ka na naman ba?!" Bulyaw ni Michelle saakin. Oh kanina lang ang sweet-sweet nito, bakit nagiba na ngayon?

Pero hindi ko siya pinansin at pumasok sa loob ng kwarto ko. Sumunod naman siya saakin.

"Hey! I'm talking to you! Hindi mo pa ako sinasagot! Where have you been?! at bakit lasing ka na naman?! Ano?! Ganito ka na lang parati?! Uuwi nang lasing?! Hoy kinakausap kita!!" I glared her.

"Ano bang pakialam mo?! Hindi kita pinakasalan para pakialaman ang buhay ko! You do yours, and so do I!" Sabi ko sa kanya at hinubad ang suot kong polo sleeve.

"Of course, I do have the right para pakialaman ang buhay mo! I'm your wife you jerk! Tsaka bakit ka ba nagkakaganyan ah?! Ano?! Dahil na naman ba to kay Elle?! Siya pa rin ba hanggang ngayon?!" Tinignan ko siya nang nanlilisik ang mga mata.

"Anong pakialam mo?! Tsaka huwag na huwag mong idadamay dito si Elle! Wala siyang kasalanan dito! Kung may dapat na sisihin, itong lecheng kasal na to! Naiintindihan mo?! Nasasakal na ako! Nakakasakal ka na!!" Galit na galit kong sabi sa kanya. Bahagya naman siya nagulat dahil sa sinabi ko at mamaya pa'y umakto siyang parang umiiyak. Sus, ang arte niya!

"Y-you jerk! You're very impossible! I hate you!" Sabi niya and then walked out. Anong akala niya? Madadala niya ako sa paganyan-ganyan niya?! No way.

"Well, guess what! The feeling is mutual!" Sigaw ko sa kanya.. at nagbihis na.. Pagkatapos ay umalis ako ulit at sumakay sa loob ng kotse ko.. Pero hindi ko ito pinaandar. It's just that, I don't want to stay in that place! Parang hindi ako malayang gumalaw doon..

"SH.T THIS LIFE!!" Sigaw ko habang sinasabunot ko yung buhok ko. Isinandal ko ang aking ulo sa manibela at naramdaman kong tumutulo ang aking mga luha.

"Elle.." I whispered as I dozed to sleep.

--

Kinaumagahan, ay bumalik ulit ako sa unit ko.

Nadatnan kong may kausap si Michelle habang nasa kusina at may ginagawa.

"Really?! Omg! You're so funny talaga! Hahaha" I don't know if it's right to say but parang nag-iba na siya. Akala ko nung una, simple lang siya pero ngayon, parang naging maarte na siya.

"My husband? Who?" Hindi ko alam kung namisheard ko lang ba yung sinabi niya or totoong sinabi niya yun.

Nagtago ako sa likod ng dingding para marinig ko pa yung usapan nila.

"Hmm. Let's not talk about it.. Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa utak ni Dad eh.. It's so clichè kaya!" Rinig kong sabi niya.

"What?! Of course not! Never noh!" Kahit hindi ko tinitignan ang expression niya, alam kong nandidiri to.. Lalo tuloy akong nacurious kung ano yung pinaguusapan nila.

"Wait, bakit siya na ang topic natin?! Eh diba dapat ikaw yung topic dito?!" Sabi naman niya na parang naiinis. Ako ba pinaguusapan nilang dalawa?!

"You want na magkita tayo? As in now? Really?!" Excited niyang sabi sa kausap..

"Okay! Teka, magbibihis lang ako.. I'll call you later then.. Bye!" Sabi niya at naglakad nang mabilis papuntang kwarto namin.

Napansin kong iniwan niya ang kanyang cellphone sa may counter dito sa kusina.. I tried to open her cellphone pero laging incorrect password ang lumalabas. She changed her password.. Makes me think of something...

Aalis na sana ako nang biglang magpop ang kanyang phone.. Pagtingin ko, may text siya..

Tinignan ko kung kanino galing, pero ang nakalagay lang ay, 'Gnaras"

"Huh? Sino naman to?" Bulong ko at tinignan ang kanyang text.

"Max's Restaurant sa ***** mall tayo magkita. See you, Gnaras!" Lalo tuloy akong naconfuse dahil sa text niya.

"Oh? Mabuti naman at nandito ka na!" Gulat niyang sabi saakin. Tinignan ko naman siya mula ulo hanggang paa.

"Mukhang may lakad ka ah?" Sabi ko at nilapitan siya. Bahagya naman siyang napaatras.

"A-anong ginagawa mo?" Tensyonadong tanong niya saakin

"Why? May ginagawa ba ako, ah Wifey?" Sarcastic kong sabi sa kanya. At nacorner ko na rin siya.

"Y-yang ginagawa mo saakin!" Kinakabahang sabi niya. Napangisi ako sa sinabi niya at unti-unting inilapit ang mukha ko sa mukha niya.

"K-kyle!" Bantang tawag niya saakin.

Napansin kong nakapikit na siya, dahilan para mas ngumisi ako.

1 meter away na lang ang pagitan naming dalawa nang biglang tumunog ang kanyang cellphone.

Tinulak niya ako at nagmamadaling kinuha ang kanyang phone para sagutin ito.

"Yes. I'm on my way. Bye." Sabi niya habang tinitignan ako ng masama.

Mukhang tama ang iniisip ko..

May maling nagaganap ngayon..

Ang pinaka-ayoko sa lahat yung ginagawa akong tanga at g*go.

Yung ginagawa akong katawa-tawa sa harap nila..

At yung pinagmumukha saakin na ang bobo kong tao, na madali lang akong utuin dahil hindi ako ganoong klaseng tao..

"Kung ano man yang tinatago mo, Michelle. Make sure na hindi ko malalaman yan, dahil sa oras na ginagago niyo kong lahat, hindi ko alam kung anong magagawa ko sa inyo.." Bulong ko sa hangin at pumasok na sa loob ng kwarto ko para maligo't magbihis na.

I need to know the truth. Kung ano pa man yun, basta kailangan kong malaman yun..


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C62
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập