Tải xuống ứng dụng
55.76% My Innocent Maid / Chapter 29: My Innocent Maid XXIX

Chương 29: My Innocent Maid XXIX

Katherina

Maaga akong nagising dahil kailangan kong magtrabaho. Pagmulat ko ng aking mga mata ay napasigaw ako dahil wala ako sa sarili kong kuwarto. Huli na nang maalala kong nasa kuwarto pala ako ni Senyorito dahil dito kami nanood ng tv at dito din niya ako tinulungang magreview kagabi.

Napabalikwas naman si Senyorito nang bangon sa mahabang upuan  nang marinig nito ang sigaw ko. Nag aalala itong lumapit sa akin.

"Anong nangyari? Ayos ka lang ba? Bakit ka sumigaw?" sunod-sunod na tanong nito sa akin at bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Napangiwi naman ako at alanganing napangiti dahil sa hiya ko.

"Ah-eh, pasensiya na po, Senyorito. Akala ko kasi kung nasaan na ako kaya napasigaw ako." nahihiyang amin ko na ikinapalatak niya nang higa sa kama.

"Akala ko naman kung ano na ang nangyari sa 'yo, Mahal ko." sabi nito at itinakip ang kanang braso nito sa kanyang mukha. Napalaki ang mata ko nang makitang wala itong suot na pang-itaas na damit kaya napasigaw ulit ako.

"Waaaaahhhh Senyorito!" sigaw ko at napatalikod sa kanya. Kahit gusto ko pang titigan ang kanyang matitipunong dibdib ay hindi ko nagawa dahil baka haplusin ko pa ito at nakakahiya pa mas lalo.

"Bakit ka na naman sumigaw, Mahal ko? Ano na namang problema?" bumangon ito at hinawakan ako sa aking kamay at pilit na pinapaharap sa kanya pero umiling lang ako. "Bakit?" tanong ulit nito.

"Eh ka-si na-man po Sen-yorito, 'yong mga pandesal niyo." nauutal kong sabi dito.

"Anong pandesal ang pinagsasabi mo? Nagugutom ka na ba?" Hindi ko makita ang expresiyon ng mukha nito dahil nakatalikod at nakapikit pa din ako.

"Yang ano, Senyorito, 'yang nasa tiyan niyo na para bang nagkorteng pandesal. Kahit wala na ngang palaman ay ayos na." diretsong sagot ko dito na ikinatawa nito nang malakas. Kaya napatingin ako dito pero agad ding tumalikod nang mapagtanto kong nakahubad-baro pa rin ito.

"Waaaahhhh! Magdamit po kayo, Senyorito, baka kung ano pa ang magawa ko diyan sa pandesal niyo." nakatakip ang matang sabi ko na mas lalo nitong ikinatawa.

"Pwede mo namang gawin lahat nang gusto mo, Mahal ko. Willing na willing ako, Mahal ko." tumatawang sabi nito at naramdamn ko ang pag-alis niya sa kama. "Puwede ka nang tumingin, Mahal ko. Nakabihis na po ako."

Dahan-dahan akong humarap dito habang nakatakip pa din ang mata ko pero may nakasilip na konting butas para makasiguradong nakabihis na nga ito.  At nang masiguro kong nakabihis na ito ay agad akong bumangon at nagpaalam dito na aalis na.

"Bababa na po ako, Senyorito." paalam ko.

"Hindi mo na ba pagtitripan ang mga pandesal ko?" nang-aasar na sabi nito sa akin na ikinairap ko.

"Hmmp! Hindi na baka kasi maubos ko pa yan at mawala pa yan sa katawan mo. Kawawa ka pag nagkataon, Senyorito." sagot ko dito at kinuha na ang gamit ko sa mesa. Akmang lalabas na sana ako nang magsalita ulit ito.

"Ayos lang sa akin, Mahal ko. Basta ba ikaw ang mag-uubos nang lahat nang ito."  nakangising turo niya sa may parteng tiyan nito sabay kindat na ikinangiwi ko.

"Yuck, Senyorito. Para kayong may sakit na epilepsy sa ginagawa niyo. Wala ka namang sakit na ganoon diba, Senyorito?" paninigurado kong tanong dito na ikinailing-iling nito.

"Maka-epilepsy ka naman. Kindat ang tawag doon, Mahal ko." pagtatama nito sa akin pero hindi pa din ako nagpatalo.

"Parehas din 'yon, Senyorito. Konti lang ang pagkakaiba." sabi ko at naglakad na palapit sa pintuan.

"Magandang umaga na lang nga, Mahal ko. Wala talaga akong panalo sa 'yo." pagsusuko nito sa pakikipag-argumento sa akin kaya napangiti ako at binati din ito pabalik.

"Magandang umaga din sa 'yo, Senyorito. Alis na po ako," nakangiting bati ko din at binuksan na ang pinto para makalabas.

Pagkalabas ko ay agad akong dumiretso sa aking kuwarto para  makaligo. Nang matapos na akong maligo ay agad akong gumayak para makapag-umpisa nang magtrabaho.

Lumabas na ako papuntang kusina at tinulungan si Lola at Lhynne na ayusin ang mga pinamili nila. Kadarating lang kasi nila galing ng palengke. Agad kong inayos ang ibang pinamalengke nila at ilagay ito sa kanya-kanya nilang lalagyanan bago ko sila tinulungan sa pagluluto.

Matapos ang isang oras ay naghahain na kami sa hapag. Naunang bumaba si Senyora at dahil nagmamadali ito ay kaonti lang ang nakain nito. Humigop lang ito nang kaonti sa kape niya nang magpaalam sa amin na aalis na. Ilang minuto pa ang lumipas nang bumaba na din si  Senyorito para kumain.

Napangiti ako nang masilayan ko ang napakaguwapo nitong mukha habang naglalakd palapit sa amin. Nang makalapit na ito ay agad ko siyang hinainan. Sandali kaming nagkuwentuhan hanggang sa matapos na ito at nagpaalam dahil may bibilhin lang daw ito sa labas.

Pagkaalis nito ay agad naming iniligpit ang hapag at nagsimula nang maglinis sa buong bahay. Habang abala kaming naglilinis ay nagku-kwentuhan din kami at nagtatawanan. Hindi na namin namalayan ang pagdating ni Senyorito. At napataas ang kilay ko nang makita kong kasama nito ang bruha.

"Tara na, Lhynne, baka kung ano pa ang magawa ko sa bruhang 'yan." bulong ko kay Lhynne at napatingin kaming dalawa sa papasok na dalawang tao. Nakahawak si Senyorito ng bulaklak habang nakakapit naman 'yong bruha sa braso nito. Napairap ako sa hangin dahil doon. "Bwisit! Mauna na ako sa loob, Lhynne." inis na bulong ko ulit at naglakad na papuntang kusina.

Bago pa man ako makarating sa pinto ay tinawag na ako ni Senyorito. Hindi ko alam kung lilingon ako o hindi. Kaya nanatili na lang akong nakatayo at nakatalikod pa din.

"Mahal ko," tawag nito pero hindi talaga ako lumingon dahil naiinis pa din ako sa kasama niya. Naramdaman ko nalang na hinawakan na nito ang kamay ko at pinaharap ako sa kanya.

Pagharap ko, nakatakip ang mga bulaklak sa dibdib nito at iniaabot nito iyon sa akin. Nakakunot-noo ko siyang tinitignan.

"Para sa 'yo, Mahal ko, sana magustuhan mo." nakangiting sabi nito at hindi ko maiwasang mas kumunot pa ang aking noo.

"Po? Para sa akin? Baka po nagkakamali lang kayo." tumingin ako dito at kay Lhynne na ngayon ay parang kinikilig na sa sulok.

"Oo, para sa 'yo yan, Mahal ko." Kinuha na nito ang kamay ko at nilagay ang bulaklak dito. Hindi ako makapaniwalang binibigyan niya ako ng bulaklak. Ito ang kauna-unahang beses na  makatanggap ako ng bulaklak katulad nito at galing pa sa amo ko.

"Salamat po, Senyorito. Hindi na po sana kayo nag-abala pa. Mahal po ang ganitong klase ng bulaklak." pahayag ko na agad niyang ikinailing.

"Kahit gaano pa man kamahal ang mga 'yan. Bibilhin at bibilhin ko pa rin ito para sa 'yo, Mahal ko. Di ba nga nililigawan kita?" nakangiti nitong tanobg sa akin at ini-ipit ang nakatakas kong buhok sa aking tenga.

Kinilig naman ako sa sinabi at ginawa niya kaya hindi ko maiwasang pamulahan ng pisngi.

"Salamat po dito, Senyorito." kinikilig kong sabi at itinaas ang kumpol ng bulaklak para maitakip ito sa namumula kong pisngi.

"Siyangapala, Mahal ko. Kasama ko pala si Trish. May sasabihin daw ito sa 'yo." Napatingin ako bigla sa kanya at kay Trish na ngayon ay papalapit na sa puwesto namin. Ang kaninang kilig ko ay napalitan na nang inis dahil dito. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Aaminin ko na naiinis talaga ako sa kanya dahil sa ginawa nitong pagpapahiya sa akin sa eskuwelahan.

Nang makalapit na ito ay agad siyang tumabi kay Senyorito at humarap sa akin.

"Pasensiya ka na pala sa inasal ko sa 'yo noong nakaraan. Hindi ko talaga sinasadya ang lahat. Nagselos lang talaga ako sa 'yo. Pangako, hindi na 'yon mauulit." hinging paumanhin nito. Makikita mo namang sincere siya sa sinasabi nito kaya tinanggap ko na at ngumiti rin dito.

"Ayos lang po 'yon, Senyorita. Sana nga po hindi na maulit 'yon. Pasensiya na din po kayo kung nasagot-sagot ko kayo. Nagalit lang po talaga kasi ako sa mga paratang niyo sa akin na hindi naman totoo." pahayag ko na ikinalungkot nito.

"Nagsisi ako sa nagawa ko sa 'yo, Katherina. Sana maging magkaibigan tayo. Friends?" patanong na alok niya sa akin sabay lahad nito ng kamay niya sa harap ko. Noong una ay nag-alangan ako. Pero nang makita kong nakangiti si Senyorito sa harap ko at parang sinasabi nitong tanggapin ko ang oakikioagkaibigan nito.

"Friends." sagot ko at tinanggap ang kamay nitong nakalahad.

"Salamat, Katherina. Napakabait mo ngang talaga. No wonder kung bakit nagustuhan ka ni Marco." nakangiti nang sabi nito at tumingin pa kay Marco.

Hindi lingid sa akin ang pagkagusto ni Senyorito sa akin dahil lagi nito iyong binabanggit kagabi at liligawan daw niya ako hanggang sa mapasagot noya ako. Napangiti ako nang maalala ko ang usapan naming dalawa kagabi.

"Hmmm... Parang may naaalala ka Katherina at bakit ang lapad ata nang ngiti mo." tukso sa akin ni Senyorita na ikinangiti ko nalang.

"Maupo na po kayo doon, Senyorito at Senyorita. Dalhan ko nalang po kayo nang mamemeryenda niyo. Marami pa po kasi kaming gagawin at dapat tapusin ni Lhynne." sabi ko sa kanila at tinignan si Lhynne na naglilinis sa may hagdan.

"Sige, Mahal ko. Huwag ka magpapagod. Dito lang kami sa salas at may ikukwento daw si Trish sa akin." nakangiting sabi nito kaya tinanguan ko na lamang siya.

Tatalikod na sana ako sa kanila nang biglang napahawak si Senyorita kay Senyorito habang sapo nito ang kanyang ulo. Tinanong ni Senyorito kung ayos lang ito pero umiling siya kaya inalalayan na siya Senyorito papuntang sala at pinaupo doon.

Naawa naman ako dito dahil sa nangyayari dito. Nakita ko pang inihilig nito ang ulo niya kay Senyorito habang ang dalawang kamay niya ay nakapulupot sa braso nito. Napataas ang kilay ko sa ginawi niya pero inisip ko nalang na baka nga hilong-hilo ito at kailangan niya nang suporta para hindi tuluyang matumba. Iniwan ko nalang sila at gumawa na nang meryenda sa kusina para makabalik agad sa paglilinis.


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C29
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập