Ginagawa ko naman lahat ng kaya ko.
Pero bakit gano'n?
Hindi pa rin sapat para sa kanila,
Ang lahat ng `yon.
***
Akala ba nila wala lang sa 'kin ang lagay ko?
Na `di ako apektado sa bawat kilos ko?
Kung alam lang nila.
Gusto ko nang sumuko.
***
Idinadaan na lamang sa isang pilit na ngiti.
Dahil kahit ano ang sabihin ay walang nakaiintindi.
Mahirap ipilit ang sariling nararamdaman,
Kung sila mismo ay nagbibingi-bingihan.
***
Sa halip na ibigay ay suporta,
Puro puna at pagkukumpara.
Nakakapagod nang magkunwaring malakas.
Nakakapagod nang maging manhid.
— Chương tiếp theo sắp ra mắt — Viết đánh giá