Tải xuống ứng dụng
99.32% My Beautiful ... Me / Chapter 441: Saang Banda?

Chương 441: Saang Banda?

≈News Flash≈

Isang Mayor, suspect sa pambubogbog at pambubully sa isang civilian!

Civilian, isinugod sa ospital!

Hindi detalyado ang news.

Isa lang ang detalyado, ang suspect.

Isang MAYOR.

Kilala ng lahat.

Nangungunang mayor ng bansa.

Babae.

Kulang na lang pangalanan si Eunice.

Sa pagkakataong ito, hinayaan ni Miles na maglaro ang issue sa isip ng makakabasa.

Sabi nga ng kinakasama nyang senador: "Kung walang makitang masama ang mga tao sa kalaban mo, magtanim ka ng pagdududa. Sinong makakapagsabi kung totoo yun o hindi!".

Kaya hindi sya nagbigay ng gaanong detalye sa pasabog nya ngayon.

"Hayaan mong magtagal ng kaunti ang issue bago ka ulit magbigay ng iba pang detalye. Habang nagtatagal, lalong napapaisip ang mga tao at sila na mismo ang magdudugtong sa kwento."

Sabi pa ng kinakasama nyang senador.

At yun nga ang nangyari, maraming naguguluhan kaya maraming kwento ang lumabas. Kwentong wala naman basehan.

"Si Mayora Eunice nga kaya yung tinutukoy?"

"Malamang! tugma sa kanya lahat yung description eh!"

"Totoo ba yang issue na yan?"

Hindi makapaniwala ang lahat ng nakabasa dahil hindi bayolenteng tao ang pagkakakilala nila kay Mayora. Mabait ito at malumanay na tao, hindi ito mananakit agad agad ng sino man at higit sa lahat, hindi ito marunong mambubully.

Pero marami pa ring naniniwala.

"Ang sama naman ni Mayora, bakit sya nambubully, anong dahilan?"

"Malamang lalaki ang dahilan, baka may third party sa relasyon nila!"

"So ibig sabihin babae yung biktima ni Mayora?"

"Syempre, mabubogbog nya ba yun kung lalaki!"

"Malay natin baka pinabugbog nya sa mga bodyguards, tapos ay pinatahimik para hindi magingay!"

Wala pang isang oras na naka post ang pasabog ni Miles, humakot na ito ng kung ano anong kuro kuro at may ilan na kumbinsidong kaya ngang gawin ni Mayora ang bagay na iyon.

Hindi maalis ang mga ngiti ni Miles sa labi.

"Ngayon Eunice, tingnan natin ang galing mo! Sa huli, mauubos din ang swerte mo dahil mawawalan na sila ng tiwala sa'yo at unti unti ng mapupunta sa aking ang tiwala ng mga suporters mo!"

"Hahahaha!"

≈ALERT! ALERT≈

BABALA: HUWAG BASTA, BASTA MANINIWALA SA KWENTO KWENTO LANG!

INILILIGAW LANG KAYO SA KATOTOHANAN!

Nagulat ang lahat ng nakabasa sa Alert warning.

"Anong kwento yung tinutukoy nyan?"

"Baka yung news flash?"

"Hah? Bakit naman sya magbibigay ng warning sa mismong post nya?"

Naguguluhan ang lahat dahil ang ginamit na account na nagpost ng news flash ay sya ring account na nagpost ng Alert warning.

Gulong gulo ang lahat.

≈ALERT! ALERT!≈

WARNING: THIS ACCOUNT HAS BEEN HACKED!

NEWS FLASH IS FAKE NEWS!

HUWAG MAGPAPANIWALA SA NEWS FLASH POST, HINDI TAMA ANG KWENTO!

"Ahhhh, kaya pala, na hack daw!"

"So ibig sabihin yung nag post na may nakalagay na news flash at may kwento ng pambubogbog at pambubully ay hindi totoo?"

"Ang sabi, hindi raw tama ang kwento, hindi naman sinabing hindi totoo!"

"So, ano ang totoong kwento?"

Hindi naman agad sila naiinip dahil after 30 minutes, may nag post ulit.

≈ALERT! ALERT!≈

BABALA: FAKE NEWS ANG NEWS FLASH!

HINDI SI MAYORA ANG SUSPECT SYA ANG VICTIM!

NILALALANSI LANG KAYO NG MAY PAKANA NG NEWS FLASH!

Nagimbal ang lahat.

"OMG! Sabi ko na hindi totoo ang news flash ek ek na yun eh!!"

"Tama! Imposibleng si Mayora ang suspect!"

"At sino naman ang may lakas ng loob na mambubully kay Mayora?"

Maging si Miles ay nayanig din ng makita ang sunod sunod na Alert post.

"Sinong may gawa nito? Bakit nya ginagamit ang account ko at paano nya yun nabuksan?"

Nanggigil sa galit si Miles.

Hindi ganito ang gusto nyang mangyari.

Ang plano nya ay mag post ng News flash every hour tungkol sa sinimulan nyang kwento. Uunti untiin nya ang pagbibigay ng detalye para may thrill.

At habang paunti unti syang magbibigay ng detalye, paunti unti rin dapat masisira ang kredibilidad ni Eunice.

"Yun ang dapat na mangyayari! Ganun dapat, hindi ganito!"

Hindi nya inaasahan na may gagawang iba nun pero hindi paninira kay Eunice ang nakalagay. Imbis kasi na si Eunice ang lalabas na masama, ito ang lumalabas na biktima.

Imbis na galit, awa ang nararamdaman nila kay Mayora.

"Sino ang pesteng taong may gawa nito at bakit parang nababasa nya ang mga iniisip ko? Hindi ako makakapayag na sirain nya ang mga pinaghirapan ko!"

Hindi sya makapaniwala na ang idea nya ay gagawin din ng iba.

Pero hindi na nya ma open ang account na ginamit nya sa News Flash post nya. Napalitan na ito ng password.

Lumang account na ito at hindi na nya gaanong maalala ang personal details nito, gaya ng email address na ginamit nya.

After 30 minutes, muling nag post ang Alert warning.

At nanlaki ang mga mata nya ng mabasa nya ito.

≈ALERT! ALERT!≈

BAKIT HINDI NINYO TANUNGIN SI KAPITANA MILES BERNARDINO?

BAKA KILALA NYA ANG NAMBUBULLY KAY MAYORA!

"HINDEEEE! Hindi pwedeng mangyari ito! Sino ang bwisit na 'to na sumisira sa maganda kong pangalan?! SINO???!!!"

Halos sabunutan na ni Miles ang buhok nya sa inis.

Pero hindi pa dun natapos ang Alert post.

Naglagay din ito ng copy ng old message account ni Miles na nagpaplano at naguutos ng hindi maganda kay Eunice.

"Grabe naman pala ang pagka maldita nyang si Kapitana Miles!"

"Josme, paano ba pinalaki ng magulang nya yan?"

"Bata pa sya ganyan na sya kasamang magisip, paano pa kaya ngayon?"

Every 30 minutes ito kung maglabas ng Alert post, natabunan na tuloy ang tungkol sa news flash na pinost ni Miles.

"Haaay, mabuti na lang at naklaro agad ang tungkol dyan! Isipin mo na lang kung ano ang mangyayari kay Mayora kung nagpatuloy yan!"

"Sa susunod kasi huwag basta basta maniniwala sa kwento kwento lang lalo na kung hindi detalyado! Halatang may masamang balak yang si Kapitana kaya nya ipinost yan!"

"Oonga! Saan ka naman nakakita ng krimen na kumpleto ang detalye ng suspect pero walang sinabi tungkol sa biktima? Ni hindi sinabi kung babae o lalaki ito!"

"Ang galing nyang magtahi ng kwento, ginawa nyang suspect ang totoong biktima!"

"Pero ano nga ba talaga sng totoong kwento? Curious ako!"

*****

Nakatingin ang lahat kay Eunice, nagaantay ng paliwanag nya.

"Bakit nyo po ako tinitingnan ng ganyan?"

Tanong nya sa mga tao sa paligid nya.

Curious ang mga ito sa totoong kwento tungkol sa pambubully at pambubogbog issue ng news flash at kung may kinalalaman nga ba si Kapitana Miles dito?

"Mayora, sabi po kasi dito sa Alert post, kayo daw ang biktima, totoo po ba ito?"

Napapaisip si Eunice.

Wala syang alam sa issue pero bakit sya ang kailangan sumagot?

'Juskolord, paano ko po ba sasagutin ito?'

"Uhm, mas maigi pong huminahon po muna tayo. Malay nyo may continuation po yung kwento at sa huli malalaman nyo rin ang kabuuan nito!"

Sagot ni Eunice.

"Mayora naman eh, nambibitin!"

"Bakit po ako? Hindi naman po ako ang nagsimula ng kwento!"

Natatawang sabi ni Eunice.

Ano bang sasabihin nya, eh wala naman talaga syang alam kung saan pinagkukuha ng mga nagpopost ang mga kwento nila?

*****

Samantala, napalusob ang mga kapartido ni Miles sa kanya.

"Ano naman ba ito Miles, bakit nadadawit ang pangalan mo?"

Sabi ng isa.

"Bakit sa akin kayo galit? Na hack ang account ko, hindi ako ang napopost ng alert post na yan!"

"Obviously hindi ikaw yang nagpopost ngayon. Alangan namang sirain mo ang pangalan mo diba?"

"So, ibig sabihin, sa'yo talaga ang account na yun? Diba yan din yung account na nagpost ng mga pictures ni Mayora at nagpakalat ng video nya?"

"Oo! Yan ngang account na yan!"

Deretsahang sagot ni Miles.

Parang inamin na rin ni Miles na sya ang nagpost ng mga pictures at video ni Eunice.

"Sino naman ang maghahack sa'yo at bakit?"

Napaisip silang lahat.

"Si Eunice? .... hindi imposible!

Di hamak naman na mas magaling ako at mas maganda sa kanya! At hindi lang ako beauty and brain, super sexy pa! Di tulad nya na mukhang balyena!"

Sabi ni Miles.

Napataas ang kilay ng mga kapartido nya.

'Saang banda yung mas maganda sya at mas magaling kay Mayora?'

'Malabo na ata ang mata nitong si Miles, anong super sexy? eh, mukha na nga syang natutuyot!'

'At bakit ba lagi na lang nyang sinasabihang balyena at hipo si Mayor e mas mataba pa nga ang asawa ko sa kanya?'


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C441
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập