Tải xuống ứng dụng
0.21% Ms. Hoodie / Chapter 1: Kabanata 1
Ms. Hoodie Ms. Hoodie original

Ms. Hoodie

Tác giả: lyniar

© WebNovel

Chương 1: Kabanata 1

2010,

Sa may kasilyas "Kuyaaaa...."

"Si baby sis" Ang sabi ng apat na lalaki.

"Knock...knock..."

"Bunso, bakit anong nangyare?"

"Kuya...may dugo..."

"Dugo? Saan?"

"Buksan mo ang pinto titignan namin saan ka nasugatan?"

"Oo nga baby sis patingin sila kuya."

"Eh? Pero...kuya...kasi...ano..."

"Sandali lang ako na mga bro, Bunso...si kuya Kevin ito anong nararamdaman mo?"

"Ang sakit ng puson ko...booohooo..."

"Huwag kang umiyak ayos lang yan nurse si kuya di ba?"

"Bro, anong nangyayare kay bunso?"

"Ako ng bahala dito mga bro mag init nalang kayo ng tubig at ipagluto niyo ng lugaw si baby sis."

"Sige..."Ang tugon ng tatlo.

"Kuya? Andiyan pa kayo?"

"Oo baby sis huwag kang mag-alala makinig ka sasabihin ko ha?"

"Opo."

"Di ba naalala mo yung binili natin noong nakaraang linggo na tampon?"

"Yung...pang..."

"Oo, normal lang yan babae ka at ngayon dalaga ka na makinig ka bilisan mo para hindi ka lamigin okay?"

"Pe-pero kuya natatakot ako..."

"Ayos lang yan natural lang yan sa mga babae sundin mo lang ang direction sa supot ng tampon okay? Tapos lumabas ka na agad. Naiintindihan mo?"

"Ye—yes kuya...pero kuya ang sakit ng puson ko."

"Kaya nga bilisan mong lumabas diyan mag-usap tayo sa baba pagtapos."

"Sige po."

Kasalukuyan,

"Kelly!!!"

"Oho, Andiyan na..."

Ako nga pala si Kelly Ann Marie Dela Cruz ang haba noh? Tapos Kelly lang naman ang tinatawag sakin minsan nga "Kellang" baho noh? Ahahaha...Anyways, bunso ako sa limang magkakapatid at nag-iisang babae. Nasa huling taon na ako sa kolehiyo isa akong I.T student not E.T okay? I.T yes Information Technology. Okay...eto na nga ang mga kuya ko ay sila Kian Dela Cruz 30 years old panganay samin at isang guro sa elementarya "Math Teacher" siya na sobrang istrikto.

"Kelly, ano ba iiwan ka na namin diyan." Oo yan si kuya Kian "nerdy" pero habulin ng chikababes.

Kelly: Ere na nga ho.

"Oh, ano yang suot mo?" Iyan naman si kuya Kim pangalawa sa panganay 28years old isa ring guro sa Junior high naman "History Teacher" medyo mainitin ang ulo at sobrang conservative.

Kelly: Eh...kasi bago ireng corporate attire namin kuya kaya eto...di nga ako sanay eh para kasing ang iksi ng skirt.

"Nako, kung hindi ko pa nga yan tinahian bro...medyo di kasi sya makagalaw ng ayos ang haba kasi ng slit." Si kuya Kevin yan ang parang nanay samin well, di naman siya beki mahilig lang talaga sa mag-ayos ng kung ano-ano kaya siya rin ang nabili ng mga needs ko alam niyo na yun girls. Ahehehe...sya na dapat  ang bunso kaso I'm here...menopause baby kasi ako eh kaya medyo malayo ang agwat ko sakanila 25 na si kuya at isang nurse sa DLRU o De Los Reyes University kung saan ako nag-aaral.

"Oh eh bakit naka jacket ka? Ang init-init..."Yan naman si kuya Keith ang happy go lucky kong kuya pangatlo siya saming magkakapatid 27years old isa ring guro "P.E Teacher" sa Junior High kung saan nagtatrabaho si kuya Kim.

Kelly: Eh..wala pa kasi akong coat kuya.

Kian: Bakit? Di ba nung nagpatahi kayo ni Kevin kasama na yon?

Kevin: Ah...hindi pa kasi nadeliver nalimutan ni aling Mirna.

Kelly: Kukunin ko nalang mamaya pag-uwi galing school.

Kim: Tara na malelate na tayo.

"Okay...."Ang tugon ng lahat.

Nagtataka siguro kayo kung bakit wala ang mga magulang namin ano? Ganito kasi iyon ang nanay namin ay isang caregiver sa Canada. Ang tatay naman namin ay sakasamaang palad ay sumakabilang bahay...Charot! Hindi ang totoo niyan isa syang pulis at noong nag limang taong gulang ako nabaril siya habang may birthday party sa bahay. Sabi nila kaaway raw ni daddy syempre dahil pulis siya di mawawala yung mga gustong maghiganti kaya ayon nalungkot ang ate girl niyo dahil tuwing sasapit ang aking kaarawan ginugunita rin namin ang kamatayan ni daddy pero wala ganoon talaga ang buhay kailangan nalang tanggapin. At oo nasa Canada ang nanay namin eh ayaw niya pa kasi mag retiro feeling niya raw kasi magkakasakit sya kapag nasa bahay lang siya kaya ayun occasionally nalang siya nakakauwi samin. Panatag naman kami na ayos siya doon kasi kasama niya ang dalawa niyang kapatid doon minsan nga nag a-around the world pa ang mga lola niyo dinaig pa tayo ano? Ahahaha...at mapapa "Sana All" ka nalang but okay lang deserve ni mama ang mag enjoy dahil simula noong nawala si daddy siya na ang nagtaguyod samin kaya ngayon may mga trabaho na sila kuya chill-chill na siya kasi sila kuya na rin ang nag papaaral sakin.

Sa DLRU,

Pagkarating ng magkakapatid habang nasa loob ng sasakyan "Kevin, gisingin mo na yan si Kellang." Ang sabi ni Kian.

Kevin: Bunso, gising na andine na tayo sa school.

Kelly: Mmm..mamaya na kuya inaantok pa ako.

Kim: Puyat kasi ng puyat hala sige pisilin mo ang ilong niyan.

Keith: Baka naman di makahinga Bro.

Kian: Sige na Kevin di yan papatinag eh malelate na rin kami.

Kevin: Si---sige.

At pinisil nga ni Kevin ang ilong ni Kelly "Ahhhh...Kuya!!!" Ang reaksyon ni Kelly.

Kevin: Sorry, ayaw mo kasing gumising eh.

Kelly: Bayan lagi nalang eh...tsk..

Kian: Sige na bumaba na kayo ng kuya mo baka malate ka pa pati na rin kami.

Kelly: Tsk...Oho.

Binuksan ng pabagsak ang pintuan ng kotse "Galit ka?" Ang sabi ni Kim.

Kelly: Hindi ho! Tsk...bleeeh...

Kevin: Sige na mga bro una na kami ingat kayo.

Keith: Kelly?

Kelly: Tsss..oho...ingat sila sa inyo!

At kumaripas na ng takbo "Kelly!!!" Ang sabi ni Kian.

Kim: Yung batang yon talaga.

Kevin: Sige na mauuna na ako.

Keith: Ikaw na bahala kay Kellang.

Kevin: Yeah...

Habang natakbo "Morning manong guard." Sabi ni Kelly habang nagmamadali.

Guard: Mo---morning...bakit ka nag mamadali?

Habang natakbo nagsasalita parin siya "May zombie po kasi... Sige ho.."

Guard: Zombie?

Kevin: Morning Manong.

Guard: Good morning nurse Kevin nag mamadali ata si Kelly?

Kevin: Ahhh...wag niyo nalang hong pansinin...Sige ho una na ako.

Guard: Ah? Oo sige.

Sa Classroom,

Hingal na hingal si Kelly at nagulat ang mga kaklase niya dahil sa suot nito "Sigh...salamat nakarating rin..." Ang sabi ni Kelly habang nakatungo at hingal na hingal at pag tunghay niya nagulat ito dahil nakatingin lahat ng kaklase niya sa kaniya "Mo---morning??? He---hello?" Aniya.

"Whoa...Kelly ikaw ba yan?" Si Harvey Class President ng aming klase.

"Oo nga besh...ang ganda mo." Si Mimay ang feeling close sakin pero I used to it na.

Kelly: Eh?

Hinila naman siya ng isa niyang kaklase sa labas "Pis, ano yang suot mo? Bakit ka naka ganyan?" Iyan naman si Vince ang pinsan ko at ang bff ko na rin.

Bineltukan siya ni Kelly "Ungas! Di ba nga nagpalit ng corporate attire? Tignan mo lahat ng babae naka palda di ba? Anong gusto mo mag pang-P.E ako?" Aniya.

Vince: Ang akin lang naman masisira ang imahe mo sakanila.

Kelly: Ano? Anong imahe pinagsasabi mo? Ginawa mo naman akong rebulto. Ungas!

Vince: Eh tol, kilala ka nila as game master tapos ganyan kasuotan mo? Nasan ang hood mo?

Kelly: Ha???

Vince: May laro tayo mamaya at malaki ang pustahan tol.

Kelly: Magkano?

"Anong pustahan yan Ms. Dela Cruz and Mr. Hernandez?" Si Prof.Mina ang Math Professor namin at ang babaeng mataray pero sa totoo lang mabait talaga siya nililigawan rin siya ni kuya Kevin pero secret lang.

"Pro---Prof..."Anila.

Mina: Bakit nandito pa kayo sa labas?

Siniko ni Kelly si Vince "Ah...eh...ano po kasi..."

Kelly: Ini---inintay po namin kayo di ba?

Kinurot ni Kelly si Vince "AHHHhh....Ha---ha---ha...O---opo Prof." Reaksyon ni Vince na wari'y nasaktan sa pagkakakurot ni Kelly sa kaniya.

Mina: Na dala pa ang bag? Kelly?

Kelly: Ho? Ah...ka---kasi po may kinuha lang po ako ha...ha...ha...tara na po?

Mina: Hmmmm...kayong dalawa ha...sige pasok na mag kakaklase na tayo.

"Yes Prof." Tugon nila.

Bumulong si Vince "Mamaya nalang natin pagusapan yung game." Aniya.

Kelly: Sige dapat 60-40.

Vince: Ano?

Mina: Oh? Ano pang ginagawa niyo diyang dalawa?

"O—opo Prof." Tugon ng dalawa at pandalas na ng upo sa kani-kaniyang upuan.

Kelly Ann Marie Dela Cruz, 20years old at isang gamer at kilala sa code name na Ms. Hoodie well, I used to it lagi rin kasi akong naka hood ah...no ulitin natin lagi akong naka hood dahil lahat ng damit ko at jacket may hood. Yes ,ultimo mo pajama outfit ko may hood susme! Ewan ko ba naman kila kuya kala ata baby pa ako at ayaw mahamugan ang aking bunbunan pero ayos lang kumportable rin naman ako pati nga yung uniporme ko sa P.E yung t-shirt pinatahian ni kuya Kevin ng hood wagas noh? Pero I loved it at least unique ako...Ahahaha....Ayun lang dahil doon madalas napagkakamalan akong lalaki lalo na kapag naka hood ako mahiyain rin kasi ako ayoko sa mga crowded place. Sa mga kaklase ko konti lang din ang mga nakakausap ko madalas yun si Vince kaya madalas napagkakamalan kaming mag bf/gf pero pag nakahood ako madalas kala ng karamihan ako ang nakababata niyang kapatid na lalaki lalo na ang mga ka video o online game namin. Baby face ang ate girl niyo sorry...Hahahaha...


SUY NGHĨ CỦA NGƯỜI SÁNG TẠO
lyniar lyniar

Kamusta po kabayan?(^_^)

• Nagustuhan niyo po ba ang kwento ni Kelly? Patuloy lang po tayong sumubaybay dahil "on going" po ang librong ito.

•Wag niyo pong kalimutang mag bigay ng review at comment na rin kung nais niyo mga kabayan at aking babasahin at sasagutin sa abot ng aking makakaya. Salamat po.♡

Love lots,

lyniar ☆

next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C1
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập