Sa kwarto ni Kelly,
Habang papasok na sila Kelly at Jacob sa kwarto "Jacob!" Ang medyo pagalit na sabi ni Kian.
"Daddy?"
"Hindi ka na tutulog sa kwarto ng tita Kelly mo simula ngayon."
"Po? Pero daddy sabi niyo noon pwede naman ako matulog sa kwarto ni tita Kelly pag gusto ko."
"Hindi na! Masyado ka ng naiimpluwensyahan ng tita mo! Kabata-bata mo pa marunong ka na ring mag sinungaling!"
"Pero daddy...hindi naman po ko nag sisinungaling...."
"Tahimek! Halika na dito!"
"Kuya, wag mo namang pagalitan yung bata ako naman ang may kasalanan kung bakit kami late."
"No! Hindi po si tita Kelly ako po nawili po ako maglaro kaya hindi po tayo kaagad nakauwi kaya sa tabi lang ako ni tita Kelly daddy! Ayoko po sayo! Bad ka!"
"Anak nang!"
"Kuya!!!"
"Sigh...Sige pagbbigyan ko kayo ngayong araw na ito pero titiyakin kong hindi na din kayo makakagamit ng mga gadgets niyo! Naiintindihan niyo?"
"O---Opo."
"Mga pasaway! Halika na Jacob!"
"Po? Sabi niyo pagbibigyan niyo kami bakit tintawag niyo na naman po ako?"
"Magbihis ka na!!!"
"Ay...opo."
"Sige na baby magbibihis na rin muna ako tapos pag okay ka na pumasok ka nalang sa kwarto ko ha?"
"Sige po intayin niyo po ko ah wag muna kayo matutulog kukwentuhan niyo pa ako ng fairytale."
"Um...sige na."
"Opo."
At pumasok na nga si Jacob sa kwarto nila ng daddy niya para magbihis ng pajama at ganoon rin naman si Kelly pagkapasok niya na higa ka agad siya sa kama at nag buntong hininga "Sigggghhhhhhh..."
"Bakit ba kasi naging babae pa ko?" Ang sabi ni Kelly habang nakahiga sa kama niya at tinitigan ang mga glow in the dark niyang stars na nakadikit sa kisame ng kwarto niya.
"Sana naging star nalang ako para ako ang titingalain ng lahat lalo na nila kuya!!! Humph...lagi nalang silang ganyan nakakasakal na!"
"Oo andun na ko may mali akong ginawa pero bakit kasi lagi nalang silang tamang hinala nakaka asar na! Ilang taon na ba nila akong kasama dine? Grabe parang hindi nila ako kilala kung maka pag judged eh wagas!"
"Sigghhhhhhh...kung pwede lang talagang mamili ng kasarian nagawa ko na bakit kasi naging babae pa ko at ako pa ang bunso! Sighhhhhhhhhhh...."
Kinuha niya ang unan at sumigaw doon "Ahhhhhhhhhhhhh...."Aniya at tinapon ang unan.
"Bwiset talaga!!!" Tumayo na siya ng bigla namang tumunog ang kaniyang telepono "Ring...ring..."
"Hmmm?" Kinuha niya at binasa "Patrick? Bakit naman kaya natawag ang tukmol na ito?" Sinagot niyang ka agad.
"Hello?"
"Sorry naabala ba kita?"
"Hindi naman pero bakit ka tumawag?"
"Ahm...ano kasi..."
"Diretsohin muna kung ayaw mong babaan kita."
"Oo eto na nga...ahm...ano, ano palang sabi ng mga kuya mo?"
"Eh ano pa? Edi malamang napagalitan." Nahiga namang muli si Kelly sa kaniyang kama habang nakikipag usap kay Patrick.
"Sinaktan ka ba nila?"
"Sira! Bakit naman ako sasaktan nila kuya? Hindi naman mga sadista mga kuya ko noh! Baliw!"
"Ah...eh...ang akin lang eh baka kasi."
"Wala, hindi ako kayang saktan nila kuya tsaka sermon lang yun kering keri."
"Ohh...mabuti naman nag aalala kasi talaga ko sayo..."
Napangiti naman si Kelly na para bang kinikilig "Ahem...I mean sa inyo ni Jacob."
"Tsss...kahit di mo sabihin I know naman patay na patay ka sakin eh."
"Huh! Kapal din."
"Bakit hindi ba? Ikaw ang unang nagka gusto sakin."
"Wait...unang nagka gusto?"
"Ha?"
"I mean oo may gusto nga ako sayo pero what do you mean unang nagka gusto sakin?"
"Ha? A---ano...I mean ikaw yung ano..."
"Ano?"
"Yung ano..."
"Anong ano nga Kelly!!!"
"Hahahaha...masyado kang HB bahala ka dyan. Bye!!!"
"He----hey!!! Wait lang."
"Ano?! May sasabihin ka pa ba?"
"Okay fine, kung ayaw mong sagutin pero alam ko namang hindi lang ako ang unang nagka gusto sayo manhid ka lang kasi talaga well, alam naman na yun ng tropa pero sana pag nagka gusto ka na rin sakin bigyan mo ko ng letter."
"Huh! Ayos ka rin eh no? Bakit naman kita bibigyan ng letter aber?"
"Rhyme yun ah...parehas "er" ang huli."
"Ano nga??? Daming kuda!"
"Syempre para romantic."
"Huh! Kalalaki mong tao mahilig ka sa ganung stuff?"
"Ba'y oo naman ikaw kaya ang una kong niligawan."
Nagulat at napangiti naman si Kelly na animo'y talagang kinikilig na "Hoy! Ano? Bakit hindi ka magsalita diyan? Kelly Ann Marie? Ayiiee...nagulat ka ba? O kinikilig ka ngayon?"
"Ahem...huh! Ako? Kikiligin? Asa ka!" Pero kinukubli ni Kelly ang kilig niya at sumigaw sa unan niya muli.
"Kelly!"
"Ha? Ano na naman?"
"Kala ko'y sumisigaw ka na diyan eh."
"Ha? Bakit naman? Hindi pa ko baliw no!"
"Sus...Pero kinikilig ka no?"
"Huh! Kapal! Hindi ako mababaw na tao noh! Gaya mo pa ako sayo! Tsss..."
Hindi na namalayan nung dalawa na tumagal na ang usapan nila at hindi parin naman dumadating si Jacob sa kwarto ni Kelly "Alam mo ang arte mo! Daig mo pa ko ako yung babae pero ang demanding mo!"
"Ano naman ang demanding sa pag request ng goodnight text?"
"Tsss...hindi na uso ang text gung gong! Tsaka bakit naman kita itetext pa ng "goodnight" eh kausap na nga kita."
"Syempre, hindi ka pa naman tutulog pagtapos natin mag usap di ba? Kaya gusto ko itext mo ako ng goodnight bago ka matulog."
"Bahala ka diyan! Ang arte mo!"
"Sige na Kelly...tatawagin kitang mahal sige."
"Mahal mo mukha mo! Tigilan mo ko sa mga ganyan mo baka..."
"Baka ano? Mafall ka?"
Tinakpan ni Kelly yung mic ng cp niya at sinabing "Oo bwiset ka!!"
"Kelly!!!"
"Ano?!!!" Ang pagalit niyang sabi na pangiti ngiti.
"Dapat pala nag video call nalang tayo ano? Para nakikita ko ang reaction mo."
"Heh! Asa ka feeling mo naman kikiligin ako sa mga ganon? Noway highway!" Pigil na pigil naman ni Kelly ang kaniyang emosyon at kinagat ang kanyang unan.
"Alam ko hindi ka naman kasi pangkaraniwang babae kaya nga na gustuhan kita eh."
Pagkatapos marinig ni Kelly ang mga linyang yon tahimik siyang tumitili sa kilig habang kagat kagat ang kaniyang unan "Kaya sana sabihan mo ko kung ayaw mo sakin para ako na mismo ang lalayo."
"Ayoko naman umasa lang sa wala pero syempre mag iintay ako sayo yun ang sabi ko di ba? May isang salita naman ako kaya isa lang din ang hiling ko kung ayaw mo sakin sabihin mo tatanggapin ko yun ng buong buo sa puso't isipan ko at promise hindi ako mag wawala pero hindi ko mapapromise na hindi ako masasaktan at iiyak."
Kinikilig si Kelly ng biglang pumasok naman si Jacob "Tita Kelly? Ano pong nangyayare sa inyo?"
"Ha? Ah...eh...wa---wala naman..."
"Kelly? Si Jacob ba yon?"
"Oo sige na bye." Binabaan naman ka agad niya ng telepono si Patrick at kinausap si Jacob na para bang walang ano mang kilig na naganap "Ahem...baby, ayos ka na?"
"Ahm...Opo? Pero bakit hindi pa rin kayo bihis? At sino po ba ang kausap niyo? At bakit kagat kagat nyo ang unan nyo kanina?"
Itinapon naman ka agad ni Kelly ang unang hawak niya "Ha? A---ano wala yon yung ngipin ko kasi parang masakit tsaka iniimagine ko kasi fried chicken yon na gugutom pa kasi ako. Ha---ha---ha..."
Napaatras naman si Jacob "Oh? Bakit?"
"Ba---baka po kasi ako naman pang gigilan niyo mapagkamalan niyo na talaga akong siopao sige po bye..."
"Ha? Hahahaha...no I'm just joking you."
"Really?"
"Yeah...ha---ha---ha..."
"Okay then...pero tita si tito Patrick kausap niyo noh?"
"Enebi... "
"Po?"
"Ahem...I mean oo sya nga pero wala namang masyadong issue baby kaya sige na buksan mo na ang tv at ako eh maliligo na muna."
"Okay po? Pero tita I saw you kinikilig ka."
"Shhh...baka marinig ka diyan nila kuya!"
"Ay...sowie po."
"Hahaha...pero baby galing natin kanina umacting noh?"
"Heheh...opo nga eh best actress goes to tita Kelly!!!"
"Ahahahaha...tenchu, tenchu...but baby wag kang maingay kila kuya ha? Bantayan mo lagi yang mga sinasabi mo ha? Baka kasi madulas ka nako lagot talaga ko baby baka hindi na ko papasukin nila kuya sa school."
"Po? Bakit naman ganun ka agad ang parusa sa inyo?"
"Eh...kasi baby hindi naman talaga ako napasok ng school simula nung pagkabata ko I mean online education ako hindi ko pa ba ito nabanggit sayo?"
"Hmmm...di ko po maalala."
"Ahhh...okay lang oo simula pagkabata ako ay isang introvert tapos takot ako sa crowd sa mga tao ganun ayoko ng pinalilibutan ako nagkaroon kasi ako ng phobia nung namatay si daddy."
"Ohh...yes naalala ko po yung sinabi niyo about diyan."
"Yeah...kaya simula kinder till highschool naka online education ako pero ngayong nasa college na ako eh...naisipan ko na ring pumasok sa actual na school magkaroon ng kaklase ng teacher yung hindi lang sa computer makikita. Kaya nag apply si kuya Kevin sa DLRU as school nurse para mabantayan ako."
"Ohhh...I see...pero bakit naman po kayo hindi papasukin na nila daddy pag nalaman nila yung about doon sa secret natin?"
"Eh...syempre pag nalaman nilang naglihim na naman ako tapos sinali pa kita nako hindi lang talaga sermonang aabutin ko baby sure ako hindi na nila ako palalabasin ng bahay balik online class na naman ako."
"Hmmm...bakit po kasi hindi niyo nalang sabihin yung totoo?"
"Ha?"
"Maiitindihan naman po kayo siguro nila daddy kasi wala naman po kayong ginawang mali nag punta lang naman po kayo ay...tayo doon kila tito Patrick at wala po akong nakikitang mali doon. It's just that you need to conquer your fear tita Kelly mas mabuti na pong mag sabi ng totoo kesa ang mag sinungaling dahil baka sa huli mag patong-patong lang ang problema niyo mas mahirap yon."
▪︎Ahem....ahem...Ayieee...enebi Kelly hindi daw kinikilig pero may pagsigaw sa unan at pag ngiting parang shunga! Pffft...hahahaha...ay sorry...ahahaha...More galawang "breezy" for Ms. Hoodie? Like it? Penge po poweratone at comment I need opinions po. Hihi...XD
▪︎Goodnews update daily tayo at yung kwento still on going po gang forever na po di ko na tatapusin.ahahahaha...Char...lab ko kayo eh kaya.Let see! Support niyo po ko ah. Godbless y'all.♡
Love lots,
lyniar☆