Tải xuống ứng dụng
71.64% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 278: Stay there

Chương 278: Stay there

Naka iwas yung binato ko at pagkatapos nung ay agad siyang lumapit sakin at hinablot ako sa kamay. Mabilis akong nagpumiglas at sinampal ko siya pero di umabot yung kamay ko. Dahil sa inis niya sakin ay isinalya niya ko. Napa-pikit ako kasi expect ko na na tatama ako sa may lamesang nasa likuran ko pero sa halip sa matigas na dibdib ako bumanga, paglingon ko si Martin iyon.

Nanlaki yung mata ko at di ko na nagawang magsalita pa kasi hinila niya ko papunta sa likod niya.

"Pare, dapat do ka nakiki alam sa mga ganitong gulo!" paalala sa kanya ng leader.

"Paano ba yan, gusto namin maki-alam!" sabi ni Lucas na lumapit narin samin. Paglingon ko sa paligid andun narin si Bert at Jerold na tumutulong na kina Analyn at Anna.

"Baka di niyo kami kilala?" Mayabang pa na sagot nung matabang buta.

"Baka kami ang di mo kilala!" sagot ni Lucas sabay suntok.

Nagkagulo na kaya mabilis kong hinila si Nina na nanginginig na sa takot. Nung mailayo ko siya agad akong dumpot uli ng bote ng alak para sana tumulong pero bigla akong sinigawan ni Matin.

"Stay there!" kaya bigla akong huminto at bumalik kung nasaan si Nina. Bigla akong natakot kay Martin kasi pinandilatan niya ko ng mata.

Maya-maya lumapit narin samin si Anna at Analyn kasi nga mukang kaya naman na ng grupo ni Martin yung anim na lalaki. Makalipas ng ilang minuto ay naka handusay na yung mga lalaki at sakto namang pagdating ng mga pulis.

Makalipas ng ilang minuto naka sakay na kami sa L300 na nagsisilbing sasakyan ng police. Dadalhin kami sa police station para makunan ng ststement tungkol sa nangyari. Magkakatabi kaming magkakaibigan sa isang helera samatalang sa tapat naman namin yung grupo ni Martin. Yung naka away namin sa ibang patrol naka sakay.

Tahimik lang kaming na para bang shock parin sa nangyari. Napa tingin ako sa direkyon ni Matin na naka upo sa may sulok at naka pikit habang hawak-hawak yung ulo. Pinagmasdan ko yung muka niya, upang makita ko sana kung meron pa siyang tama pero buti nalang wala. Ganun din ang ginawa ko kay Lucas, Jerold at Bert, sa awa ng Diyos mukang okay naman sila kaya muli kong tiningnan si Martin pero di gaya kanina at dilat na yung mata niya at naka tingin sakin.

Yumuko ako kasi bigla akong nahiya, paano siguro sa buong buhay nilang apat ngayon lang sila madadala sa police station at dahil pa yun samin.

"May sugat ka!" sabi ni Nina habang hinahaplos yung mahabang kalmot sa braso ko. Gawa yun ng isang lalaking humablot sakin kanina.

"Mababaw lang!" sagot ko."

"Naku, dapat magpa-injection ka ng anti-rabbies saka at anti-teteno!" sagot ni Anna na natatawa.

"Ano aso lang yung naka kalmot sa kanya?" sabi ni Analyn.

"Oo, asong na-uulol!" muling sagot ni Anna.

"Haha...haha...! tawanan naming apat.

"May gana pa talaga kayong matawa ah!" sarkastikong sabi ni Martin.

Bigla kaming natahimik na apat at muli akong napa tingin kay Martin na nakatitig pa rin sakin. Gusto ko sanang magpasalamat pero ewan ko ba walang lumalabas na salita sa bibig ko o sadyang nahihirapan akong mag-start ng conversation sa kanya.

"Sa dami naman kasi ng bar, bakit kasi dun kayo pumunta?" Tanong ni Lucas.

"Muka naman kasing desente!" sabi ni Anna.

"Tsk... tsk... sa susunod na iinom kayo sabihin niyo sakin at dun na lang kayo sa bar ko at bibigyan ko kayo ng malaking discount plus sure pa kayo sa safety niyo." sabi ni Jerold na napapa-iling.

"Sige sa susunod!" magiliw na sabi ni Anna.

"By the way di pa pala namin kayo kilala!" sabi ni Nina.

"Michelle pakilala mo naman kami!" pang-aasar ni Lucas sakin kasi nga nanatili na kong naka yuko at nag-iisip pero wala naman akong maisip.

"Ah so kilala niyo pala si Michelle kaya pala tinulungan niyo kami." sabi ni Analyn.

"Oo kilala namin siya!" sagot ni Lucas habang naka ngiti.

"Sorry di ko pala kayo na-introduce sa isat-isa ito yung mga kaibigan ko si Anna, si Analyn at si Nina!" Turo ko sa bawat isa. "Sila naman si Lucas, si Jerold si Bert at si Martin."

Pagkasabi ko sa pangalan ni Martin , silang tatlo ay tumingin sa kanya na parang pinag-aaralan yung muka nung isa.

"Baka naman matunaw si Martin sa pagkakatingin niyong tatlo!" sabi ni Lucas.

"Siya ba yung E!" sabi ni Anna pero di ko pinatapos yung sinabi niya at mabilis kong tinakpan yung bibig niya. Paano nakita nkasi nila si Martin nung nagparty kasi sa bahay ni Nina pero madali lang yung kaya malamang di na niya ito matandaan.

Biglang naging akward uli yung atmospher sa loob ng sasakyan.

"Salamat nga pala sa pagtulong kanina!" mahina kong sabi para mawala yung tensyon.

"Walang ano man, ikaw pa ba!" sabi ni Lucas sabay ngiti sakin at agad ko naman din sinuklian ng ngiti.

"Ma-swerte nga kami at andun kayo!" sagot ni Anna.

"Bakit nga pala andun kayo?" Bigla kong natanong. Sa pagkakatanda ko kasi lagi sila sa bar ni Jerold umiinom kaya nagulat ako bakit andun sila kanina.

Nagkatinginan silang tatlo na para bang nagtuturuan kung sino yung dapat sumagot sa tanong ko pero sa huli kay Martin sila tumingin kaya ganun din kami pero bago pa siya maka sagot sa dahilan kung bakit siya andun ay biglang bumukas yung pinto ng sasakyan.

"Baba na!" sabi ng isang police officer. Wala kaming nagawa kundi sumunod.

Dinala kami sa isang kwarto kung saan pinagharap kami nung anim na lalaking naka-away namin sa bar. Halos di na namin sila makilala kasi nga magang maga yung mga muka nilang lahat. Kung baga mga pangit na nga ay lalo pang pumangit.

"Sila yung bumugbog samin!" mabilis nilang sabi sabay turo sa grupo nila Martin.

"Sila po yung nangharrass samin!" sabi naman ni Anna sabay turo sa kanilang anim.

"Excuse me Miss ikaw kayo kaya nag-offer ng mga sarili niyo samin, mga bayarang babae!" sagot ng pinaka leader nila na natanggalan ng ngipin sa unahan pero kahit ganun na yung itsura niya mayabang parin,

"Kami bayarang babae?" Napa-taas kilay na sagot ni Anna. Di na niya napigilang mapatayo na para bang gusto uling sugurin yung lalaking nagsabi nun.


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C278
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập