"Save mo yung number ni Yago sa phone mo, ito yung number." sabi ko kay Martin bago ko inabot sa kanya yung isang maliit na papel na may nakasulat na number.
"Kaw na mag-save." sagot niya sakin bago niya inabot yung phone niya na agad ko namang kinuha.
"Save ko na rin number nila Mama, Papa at Mike ha," sabi ko sa kanya.
"Sige lang!" sagot niya sakin. Kasalukuyan kasing nagbibihis si Martin, ako naman nakabihis na hinihintay ko nalang siya matapos kasi nga pauwi na kami sa bahay namin.
Katatapos lang namin mag-lunch, gusto ko sana gabi na kami umuwi pero nagyaya na si Martin kasi nga daw dadaan pa kami sa mall para bilhan ako ng bagong phone kasi nga wala akong magamit.
"Tara na?" tanong ko kay Martin ng makita kong binuhat na niya yung maleta ko.
"Oo," sagot niya sakin bago niya ko hinawakan sa kamay kaya tumayo narin ako sa pagkakaupo sa kama ko.
Muli kong pinagmasadan yung kwarto ko baka sakaling may nakalimutan akong dalhin pero nung masigurado kong wala naman at saka ko sinara yung pinto. Magkahawak kamay kami ni Martin na bumaba ng hagdan.
"Dumalaw naman kayo dito kapag di kayo busy," sabi ni Mama habang naka tingin samin mula sa sala.
"Nag-usap na kami ni Martin 'Ma na every Saturday night pupunta kami dito at dito kami matutulog kaya wag ka ng mag-emote. Tawagan kita mamaya pag nakabili ako ng bagong phone para kapag namiss mo ko pwedi mo kong tawagan kahit anong oras pero kapag gusto mo kong makita sabihin mo lang uuwi ako kagad." sabi ko kay Mama bago ko siya niyakap.
Minsan nakakatakot si Mama kapag nagagalit pero alam ko ganun lang talaga siya kasi yun yung way niya to express kung gaano niya kami kamahal ni Mike.
"Nagdadrama ka nanaman Eden," sabi ni Papa na umiiling-iling pa.
"Naku tigilan mo ko Mikael kagabi lang wala kang ibang sinabi kundi aalis na si Michelle, tinatanong mo pa ko kung tuwing kailan sila bibisita." sagot ni Mama kay Papa.
"Bibisita po kami lagi kaya wag po kayong mag-alala o kaya papasundo ko kayo at dun kayo samin muna, may kwarto pong nakalaan dun para sa inyo pati kay Mike kaya wag na po kayong malungkot." pag-aalo ni Martin sa magulang ko.
"Kung gusto niyo sumama na kayo samin ngayon eh!" pagyaya ko sa magulang ko pagkasabi ko nun nakaramdam ako ng bahagyang sakit sa tagiliran ko. Kinurot kasi ako ni Martin kaya tiningnan ko siya ng masakit.
"Sasama mo kami eh alam mo namang kakasal niyo lang ni Martin, ikaw talaga Michelle!" sabi ni Mama na umiiling-iling pa. Kaya muli kong tiningnan si Martin na nginitian ako na para bang nagsasabi buti pa Mama mo sensible.
"Oh isya umalis na kayo at parang uulan pa!" sabi ni Papa at maukang tama nga siya kasi makulimlim nanaman yung langit kaya nag-paalam na kami.
"Saan tayo bibili ng phone?" tanong ko kay Martin na nagmamaneho.
Kasalukuyan na namin binabaybay ang kalsada pauwi ng bahay.
"Si Yago nalang yung pinabili ko," sabi ni Martin.
"Kung si Yago lang naman pala yung bibili sana mamaya na tayo umuwi o kaya bukas nalang."
"Mukang nakalimutan mo yung pangako mo sakin kanina Honey ko ah!"
"Anong pangako pinagsasabi mo? Wala akong maalala."
"Mamaya pagdating sa bahay paaalala ko sayo." makahulugang sabi ni Martin sakin.
Biglang napakunot ako ng noo kasi di ko talaga maintindihan yung ibig niyang sabihin pero di na nilinaw ni Martin yung sinasabi niyang pangako ko kaya hinayaan ko nalang din.
Four na rin kami ng hapon nakarating ng Antipolo at nag-uumpisa ng umulan kaya malamig na yung paligid.
"Good Afternoon po Sir, Ma'am!" bati ni Mang Susan samin nung pumasok kami sa pintuan ng bahay namin. Balak niya sanang kunin yung dalang bag at maleta ni Martin pero di siya pinayagan nito.
"Kaya ko na po ito, Siya nga pala mag day-off ka muna Manang sa Lunes ka na po ng umaga pumasok." sabi ni Martin.
"Ay talaga po Sir?"
"Opo!" sagot naman ng isa.
"Bakit?" takang tanong ko naman, pero di ako sinagot ni Martin at tuluyan na kong iniwan sa pintuan.
"Ay wait Hon yung wallet ko." tawag ko sa kanya bago ako lumapit at kinuha yung handy bag ko na nakasukbit sa balikat niya.
"Bakit?" takang tanong ni Martin habang hinayaan niya kong kunin yung bag ko.
Agad kong kinuha yung wallet ko at inabot kay Manang Susan yung two thousand. Dinagdagan ko na bilang pasasalamat sa pagpapahiram niya sakin nung pera last time.
"Yung utang ko po!"
"Sobra naman ito Mam,"
"Okay lang po, pambili niyo ng pasalubong sa mga anak niyo." sambit ko.
"Bakit ka nagkautang kay Manang Susan?" tanong ni Martin na nanatili palang nakatayo dun malapit samin, akala ko kasi aakyat na siya.
"Nagtanong ka pa, eh di ba di mo ko hinayaang dalhin yung wallet ko last time at ang masaklap pa di mo iniwanan ng pera!" singhal ko kay Martin.
"Kaya ka umutang kay Manang Susan para may pamasahe ka?"
"Exactly, paano ako makakaalis dito kung wala akong pera pamasahe."
"So si Manang Susan pala ang salarin kaya ka naka alis?"
"Huh?" bigla kong nasabi kasi parang iba yung dating ng sinasabi ni Martin.
"Ay Sir kasi..." nauutal-utal na sabi ni Manang Susan na para bang natatakot at baka sisantehin siya ni Martin.
"Hon!" saway ko kay Martin para tigilan yung napaka intimidated niyang aura.
"Kaya ko di pinadala sayo yung wallet mo at di kita iniwanan ng pera para di ka maka alis dito at dahil pinahiram ka ni Manang Susan nakatakas ka. So anong dapat gawin ko kay Manang Susan?" taas kilay na sabi ni Martin.
"Sir di ko naman po alam na ganun yung gusto niyong mangyari kaya lang kasi..." sabi ni Manang Susan na tuluyan ng namutla na parang iiyak na talaga.
"Martin!" sigaw ko.
"Haha...haha...!" tawa ng mokong proud na proud sa kalokohan niya kaya hinampas ko sa braso.
"Sir?" tanong ni Manang Susan na takang taka.
"Wag mo na siyang pansinin Manang magligpit na po kayo bago pa kayo abutin ng gabi." sagot ko nalang kay Manang para mawala yung phobia.
"Sandali," tawag ni Martin kay Manang Susan na papaalis na sana.
"Ano po yun Sir?"
"Pasalamat ka at pinahiram mo ng pera si Ma'am mo kundi wala ka ng trabaho. Sa susunod na magpapasok ka ng kahit sinong tao na di humihingi ng permiso mula sa amo mo, sinasabi ko sayo Manang di lang trabaho ang mawawala sayo." sambit ni Martin na puno ng pagbabanta.
"Di na po yun mauulit Sir,"
"Tandaan niyo yun!"
"Opo!"
"Sige na umalis na po kayo!" sabi ni Martin na bumalik na sa dati yung reaction.
Nagulat ako sa sinabi ni Martin kaya di ako nakapag react, saka ko lang naalala yung pagdating ni Ellena sa bahay namin at sa pagkakaalala ko walang nagtanong sakin kung kilala ko ba siya o dapat ba siyang papasukin saka ko lang din napansin na iba na yung guard na nagbabantay sa may gate ng bahay di na yung dati.