Tải xuống ứng dụng
48.19% Maybe This Time Love Can Win (Tagalog) / Chapter 187: Chapter 215

Chương 187: Chapter 215

"Alis ka na Sir?" Tanong ko kay Sir Dariel nung nakita kong sukbit-sukbit na nya yung bag niya at tumayo na sa kanyang upuan. Kababalik ko palang galing lunch.

"Oo, nag loloko daw yung system ng Oasis kaya need kong puntahan. Akala ko pa naman makakapagpahinga ako ngayon dito sa opisina." Reklamo niya.

"Kung pwedi nga lang akong lumabas ako na Sir ang pupunta kasi nga ang antok na antok na ko dito sa opisina." Reklamo ko habang sumalampak na ko sa upuan ko.

"Wala kang choice!" Pang-asar niya sa akin bago humakbang na palabas ng cubicle namin.

"Kaya nga Sir eh. Ingat ka!" Pahabol ko.

Tumango lang siya bago pinagpatuloy ang paglalakad palabas. Di pa siya tuluyang nakaka labas ng biglang tumunog yung phone niya na agad naman niyang sinagot.

"Hello!"

"Saang Ospital?"

"Kamusta yung sitwasyon? Anong critical?"

"Sige... sige papunta na ko!" Sunog-sunod na tanong ni Sir Dariel sa kausap niya. Halatang kinakabahan siya sa balitang natanggap niya dahil sa panginginig ng kamay at boses na parang iiyak. Di ko maintindihan yung sitwasyon kasi di ko naman narinig yung kausap niya pero mukang emergency. Kaya di ko mapigilang magpakita ng concern baka sa kaling maka tulong ako.

"Anong problema Sir?"

"Yung asawa ko daw kasi manganganak na kaya lang nag bleeding kaya medyo delikado." Paliwanag niya habang dina-dial yung phone pero mukang di niya alam kung sino yung dapat niyang tawagan.

"Puntahan niyo na po!" Utos ko naman.

"Kaya lang yung sa Oasis! Kailangan din yun mapuntahan." Pag-aalinlangan niya kasi nga pangalawa din yun sa big client na hawak namin.

"Ako ng bahala dun, Alis ka na!" Sabi ko sa kanya.

"Kaya lang Michelle!"

"Okey lang Sir! Ako na pong bahala. Mas importante po yung asawa mo at magiging anak mo. Ako na ng magsasabi kay Sir John at Boss Helen."

"Sigurado ka?"

"Opo ako ng bahala." Dahil sa pamimilit ko pumayag na rin si Sir Dariel na agad naman din namang umalis.

"Good Afternoon Sir John!" Bati ko nung sagutin niya yung tawag ko.

"Bakit Michelle? Andiyan pa ba si Dariel tumatawag siya sakin kanina di ko nasagot kasi may kausap pa ko. Bakit ba siya napatawag?"

"Manganganak na kasi yung asawa ni Sir Dariel kaya siya tumatawag sayo para sana mag paalam."

"Huh, ganun ba kaya lang paano kaya yung sa Oasis?" Tanong ni Sir John.

"Wala na po bang available na pweding pumunta?"

"Wala eh nasa field na lahat. Buti na nga lang andiyan si Dariel kaya may emergency naman pala paano kaya gagawin ko nito."

"Ako nalang pupunta Sir John." Pag-presenta ko. Malapit lang naman kasi yung Oasis nasa Makati area lang kaya pwedi na ko dun magpasundo kay Martin saka mababait naman yung tao dun kaya kampante ako na walang masamang mangyayari sa akin.

"Kaya lang Michelle!" Pag-aalala ni Sir John.

"Okey lang ako Sir ako na bahala kay Boss Helen."

"Sige pero kapag di siya pumayag wag ka ng tumuloy ha. Ayokong magka problema."

"Opo Sir."

"Sige na at may kailangan pa kong tapusin. Balitaan mo ko ha!"

"Opo Sir." Muli kong pagsang-ayon.

Nagligpit na ko ng gamit ko pero bago ako umalis tinawagan ko muna si Boss Helen for safety kaya lang out of coverage yung line niya. Naka tatlong dial ako pero di parin ako nakapasok kaya wala akong nagawa kundi text na lang siya para sabihing lumabas ako para pumunta sa Oasis. Pinaliwanag ko sa text yung dahilan para maintindihan niya ko.

Nung ma send ko yung message agad na kong umalis papunta sa location. Di ko na tinext si Martin para di na siya mag-alala at higit sa lahat ay komontra pa. Iniisip ko naman maaga ako matatapos dun kasi sabi ni Sir Dariel may error lang naman kaya sa tingin ko madali lang yung maayos at bago pa ko sunduin ni Martin ay makakabalik ako.

Doon ako nagkamali kasi pagdating ko Oasis di lang siya basta error kundi na virus yung buong system nila kaya kailangan ko iyong re-install lahat at tiyak na gagana.

Di ko namalayang ang oras hanggang sa mag ring yung phone ko.

"Hon!" Sagot ko habang naka loud speaker yung phone ko. Di ko kasi siya mahawakan kasi nga busy yung kamay ko sa pag pindod ng keyboard para maayos yung system.

"Malapit na ko sa office niyo. Baba ka kagad." Malambing niyang sabi pero halata ko sa boses niya na pagod siya.

"Hon, wala ako office."

"Wala ka sa office niyo! Asan ka?" Takang tanong niya sa akin.

"Wait mo nalang ako sa Pad mo. Doon na lang ako didiretso pagkatapos ko dito."

"ASAN KA?" Galit na niyang tanong sa akin.

Di ko maiwasang mapahawak sa noo ko nung marinig ko yung boses niya. Agad kong dinampot yung phone at pinatay ang loud speaker kasi nga may mga kasama akong hotel staff sa area ko kaya nakakahiya naman kung marinig pa nila yung pag-uusapan namin ni Martin.

"Wait lang!" Sabi ko sa isang staff.

Lumakad ako palayo sa kanila at pumunta ako sa isang secured area na walang makakarinig sa akin.

"Nasa Oasis Hotel ako dito sa Makati. malapit lang sa Pad mo kaya hintayin mo na lang ako doon."

Paliwanag ko.

"ANONG GINAGAWA MO DIYAN? DIBA SINABI KO SAYO SA OFFICE KA LANG!" Sermon ni Martin sa akin at mas nag high speech pa siya.

"Hon, naman..!" Di na natapos yung sasabihin ko nung bigla niya kong binabaan ng phone.

Dahil binabaan niya ko agad ko siyang tinawagan uli pero busy ang line.

"Hay! Mukang mahabang paliwanagan ito!" Nasabi ko nalang habang tinititigan ko yung phone ko.

Kasi nga alam ko awayin naman ito.

Babalik na sana ako sa ginagawa ko ng muling nag ring yung phone ko akala ko si martin pero laking gulat ko ng si Boss Helen yung tumatawag.

"Boss?" Sagot ko.

"SINO NAGPAPUNTA SAYO DIYAN?" Galit rin niyang bulyaw sa akin.

"SABI NI JOHN SI DARIEL ANG PUPUNTA DIYAN BAKIT IKAW ANG NANDIYAN! UMALIS KA NA DIYAN!" Muli niyang sabi.

"Boss di pa po tapos, pero malapit naman na."

"UMALIS KA NA DIYAN!" Muli niyang sigaw at binabaan ako.

"Galing!" Tanging nasabi ko sa sarili ko.

Uso na ba ngayon na di muna nila pakinggan yung dahilan mo basta ka nalang nila sisigawan tapos babaan ng telepono. Maya-maya uli nag ring nanaman yung phone ko si Sir John nanaman yung tumatawag.


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C187
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập