Tải xuống ứng dụng
13.88% March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story) / Chapter 5: Chapter 5 - Tequila (Chris' POV)

Chương 5: Chapter 5 - Tequila (Chris' POV)

Date: March 30, 2020

Time: 5:30 P.M.

Ganitong ganito ang init na naramdaman ko noong gabi na ginawa rin sa akin ni Jin ito. Hindi ko makakalimutang ang gabi na 'yun kung saan lumalakas na ang pagpatak ng ulan, at dahil pareho kaming walang payong, hinubad niya ang kanyang t-shirt at ipinatong sa ulo ko. Ang sabi niya sa akin, okay lang daw na mabasa siya, wag lang daw akong magkasakit. Iyon ang gabi na pinakatumatak sa isipan ko. Doon ko napagtanto na kay Jin unang tumibok ang puso ko, at siya ang pinaka unang taong nagustuhan ko.

Chris' Flashback

Natatandaan ko pa 'yung unang beses na nagkakilala kaming dalawa—June 25, 2015.

Ito ang unang araw ko bilang isang college student sa course na ECE or Electronics Engineering. Ang goal ko lamang ay maka-graduate dahil ang gusto ni papa, after ko sa college, ako na ang hahawak sa business niya which is nagpo-produce ng mga advanced electronic gadgets and technologies.

Nasa room na kaming dalawa ni Rjay at naghihintay na lamang sa aming professor para sa first subject namin which is 8:30 a.m. pa naman ang simula. Habang wala pa ang professor, nagmasid-masid muna ako sa buong room. 

Malawak ang room namin at kung ieestimate ko ang dimension, malamang nasa 960 square feet ito. May 9 tables na naka 3 by 3 ang ayos at kada table naman ay may tatlong upuan. Nasa pinakagitna kaming table ni Rjay sa pwesto namin, ako ang nasa kaliwang upuan habang siya naman ang nasa gitna at sa kanan niya ay bakante at walang nakaupo. 27 kaming lahat sa isang section at blockmates rin kami. Meaning, sa buong 5 years, kami-kami lang din ang magiging magkakasama. Buti na lang at nandito si Rjay, at kahit papaano, may close ako at hindi ako masyadong mababagot. Magkababata kami ni Rjay dahil magkaibigan ang papa ko at ang dad niya kaya halos sabay na kaming lumaki dalawa noong nasa grade three na ako. 

Lagi kaming magkasama ni Rjay kahit saan. Nakabuntot ako sa kanya madalas at gano'n din siya sa akin. Siya lang din ang pinaka-close ko at kung tutuusin, ang nag-iisa kong kaibigan simula pagkabata. Ako kasi 'yung tipo ng tao na walang masyadong kaibigan. Napakamahiyain ko kasi at hindi ako masyadong confidence sa sarili ko. Hindi rin ako sociable kaya kung hindi mo ako kakausapin, hindi rin kita kakausapin—ganoon ako.

Nakikita ko na ang iba nagkukwentuhan na sa loob ng room namin at may mga nabuo na agad na mga bagong kaibigan. Samantalang kaming dalawa ni Rjay, ito, tahimik at tila may sarili kaming mundo. Napansin ko rin na lahat ay occupied na ang upuan, maliban na lamang sa table namin ni Rjay na may vacant pa sa kanan niya. Walang may gustong tumabi sa amin ni Rjay, paano ba naman, kada may nagtatanong kung may nakaupo ba o wala, tinitingnan niya ng masama at  natatakot tuloy sa kanya. Isa pa, matapang rin ang itsura ni Rjay, kaya naman nai-intimidate siguro sila.

26 pa lang kami ngayon sa room, kasama ako, at may isang student na lang ang hindi pa nakakarating. Tiningnan ko ang oras sa aking phone at 8:15 a.m. pa lang naman kaya makakahabol pa 'yung tao na iyon, tingin ko. Kinakabahan lang ako para sa taong ito, dahil si Rjay ang makakatabi niya.

Habang naghihintay pa rin kami na mag start ang class, kinuha ko ang book sa aking bag at nagbasa muna. Hindi ko din kasi makausap si Rjay dahil naglalaro siya sa kanyang phone at tiyak kong hindi niya gugustuhing maistorbo siya. Nagbabasa lang ako ng libro nang may napansin akong lalaki na nakatayo sa kanan ni Rjay katabi ng vacant na upuan.

"Siya na siguro 'yung pang-huling blockmate namin dahil isa nalang ang kulang noong binilang ko ang mga tao na nandito sa room kanina." nasa isip ko. 

Hindi ko na siya pinansin at tuloy lang ako sa pagbabasa ng libro. Naririnig ko siya na tinatanong si Rjay kung may nakaupo ba sa vacant na seat. Narinig ko si Rjay na sinabi niyang "wala" at hindi pinapansin ang taong nagtatanong sa kanya dahil focus pa siya sa paglalaro. Ineexpect ko na uupo na itong tao na 'to pagkatapos niyang marinig ang sagot ni Rjay. Pero hindi siya umupo! Kaya naman, natatakot na ako sa mga susunod na mangyayari. Kinabahan ako dahil baka mairita si Rjay, at pag naiirita pa naman siya, matatakot ka talaga sa kanya.

Nacurious ako kung sino ang taong ito na ayaw pa rin umupo sa vacant seat. Sinara ko ang libro na binabasa ko at nang mapatingin ako sa taong nakatayo sa tabi ni Rjay, isa lang ang nasa isip ko—

"Amen!"

Hindi ko alam kung bakit ako napa "Amen", pero pakiramdam ko nasa langit na ako at nakakita ako ng isang anghel. Isang lalaki na nakasuot ng light green na polo shirt at black na pants. Napaka amo ng mukha ng lalaking nakatayo sa tabi ni Rjay. Maituturing ko siyang isang "Gift of God" dahil sa itsura niya. Matangkad, gwapo, maganda ang katawan, may pagka-moreno at higit sa lahat, ang pinaka nakakakuha ng attention sa kanya ay 'yung mga mata niya.

Kahit hindi siya nakatingin sa akin at habang nakatitig ako sa mga mata niya, para akong nahi-hypnotize. Napaka-ganda ng mga mata niya. May pagka-kulay brown at may pagka-chinito. Samahan mo pa ito ng kilay niya na medyo makapal na mas lalong nagbibigay ng appeal sa napaka amo niyang mukha.

Kasing edad ko lang din siguro siya o baka mas matanda siya ng isang taon, pero bakit 'yung katawan niya, iba sa katawan ko. Napaka fit nito tapos nadadala pa ng damit niya kahit ang suot niya ay oversized. Pero, pareho sila ng built ng katawan ni Rjay. Mas toned ang katawan nila kumpara sa akin.

Napansin ko na nakangiti lang ang taong ito kay Rjay at hindi pa rin umuupo, tila hinihintay niya na tingnan siya ni Rjay. 

At ayun na nga, ang ikinatatakot ko. Itinigil ni Rjay ang paglalaro, ibig sabihin, aangasan niya na itong taong nakatayo sa tabi niya dahil naistorbo siya. Napalunok na lang ako, yumuko at pumikit dahil ako na ang natatakot para sa taong ito.

Nagsimula na magsalita si Rjay at tinanong niya kung bakit hindi pa umuupo ang taong ito, bagamat sinabi na ni Rjay na vacant nga ang upuan sa tabi niya. Narinig ko na sumagot ang lalaking kausap ni Rjay.

"Hindi ka kasi nakatingin sa akin, baka mamaya magulat ka na lang bigla ako na pala katabi mo."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Gusto ko sanang sabihin doon sa lalaki na umalis na lang siya at baka hindi niya magustuhan ang gagawin ni Rjay. Habang nakapikit ako at hinihintay ang susunod na mangyayari, napansin ko na hindi sumasagot si Rjay.

"Patay! Ano na ang susunod na mangyayari. Sana walang gulo na maganap. First day pa lang namin at hindi pa nagsisimula. Gusto ko lang ng normal na klase!" kabado kong sinasabi sa aking isip.

Dahil kinakabahan ako para sa lalaking ito, minulat ko na ang aking mga mata at tiningnan ko siya. Laking gulat ko, dahil nakangiti ang lalaking ito kay Rjay

"Totoo ba 'tong nakikita ko? Siya ang kauna-unahang tao na nakagawa nito kay Rjay. Hindi siya natakot?"

Nagtaka ako sa mga pangyayari, dahil hindi nakipag-angasan si Rjay. Mas lalo akong nagulat dahil nag pakilala rin sila sa isa't isa! Nakahinga ako bigla ng maluwag dahil alam kong wala ng gulo na mangyayari at patuloy na lamang ako nag basa ng libro habang hinihintay pa rin namin ang professor.

Hindi ko maiwasang makinig sa usapan nilang dalawa habang nagbabasa ako. Narinig ko na magta-tryout daw sila sa basketball para sa department namin at mag practice game daw sila mamaya. Bilib na ako sa lalaking ito. Bagamat hindi ko kilala kung sino siya o kung anong pangalan niya, masasabi ko lang na kakaiba siya sa lahat. Nagawa niyang makipag-usap kay Rjay na hindi naiilang or nai-intimidate.

Nang matapos ang klase namin sa araw na 'yun, nauna na sina Rjay at ang bago niyang friend sa court. Sabi ko sa kanya ay susunod ako maya maya, dahil bibili muna ako ng kiwi juice sa cafeteria at saka ko sila pupuntahan.

Pagkatapos ko bumili ng kiwi juice ay kaagad na akong pumunta sa court. Hindi pa sila nagsisimula at nasa may gilid silang dalawa ng court na nakatayo at tila nag-uusap. Sumenyas si Rjay na bilisan ko raw sa paglalakad, kaya naman ay nagmadali ako na makarating sa kanila. Pagkarating ko sa kanilang pwesto, nailang ako dahil nakatingin sa akin ang new friend ni Rjay at nakangiti siya sa akin.

"Jin, si Chris nga pala, childhood friend ko." Pakilala ni Rjay sa lalaking napaka amo ang mukha at umaapaw sa kagwapuhan.

"Jin pala ang pangalan ng new friend ni Rjay na parang isang anghel na bumaba sa lupa." sinasabi ko sa aking isip. "Hi Jin, ka-kamusta?" nauutal kong tanong sa kanya at nginitian ko siya. Hindi ko kaya makipag-usap sa kanya. Pakiramdam ko nanghihina ang buo kong katawan at kinukuha niya lahat ng lakas ko habang nakatingin siya sa akin ng nakangiti.

"Hello, Chris. Ako nga pala si Jin. Nice to meet you!"

Inabot niya ang kanyang kanang kamay sa akin upang makipag shake hands. Kahit nahihiya ako, as a sign of courtesy, nakipag shake hands na rin ako sa kanya. Nang mahawakan ko 'yung kamay niya, halos mahawakan niya na 'yung buong kamao ko. 

"Grabe! Ang laki ng kamay ni Jin, at ang init din!" sinisigaw ko na sa aking isip.

Hindi muna niya tinanggal ang kamay niya mula sa pagkakahawak sa akin at pakiramdam ko ay medyo pinipisil pisil niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit pero hinayaan ko na lang siya.

Siya na ang unang nagtanggal ng kamay dahil magsisimula na silang maglaro ni Rjay. Ako naman ay tumungo sa isang puno na malapit sa court at doon muna ako nag stay para magbasa habang hinihintay sila matapos.

Pagkatapos ng araw na iyon, kalaunan ay mas naging close silang dalawa. Bagamat naging malapit na sila ni Jin sa isa't isa at madalas na namin siyang kasama ni Rjay, ngunit hindi ko pa rin siya magawang kausapin. Pinapangunahan ako ng hiya at pakiramdam ko, magiging awkward ako sa harap niya at bigla siyang kausapin ng mga walang kwentang bagay or mga topic na hindi naman siya interested.

Isa pa, kabaligtaran ko si Jin. Kung ako tahimik lang at nasa isang sulok, siya naman ay sobrang lively at ang "life of the party". Kapag magkasama silang dalawa ni Rjay, laging magulo at parang may kung ano anong nagaganap dahil pareho silang gumagawa ng ikasasaya nilang dalawa.

Magkakasama kaming tatlo at sabay kumain tuwing lunch time, pero bihira kami mag usap ni Jin kahit magkatabi or magkaharap lang kami. Parang invisible nga ko pag magkasama kaming tatlo, 'yung tipong silang dalawa lang ang nandoon sa table at pinapanood ko lang silang dalawa at para akong audience.

Nahihiya kasi ako mag-share, baka mamaya hindi magustuhan ni Jin at mapahiya ako. Kaya pag magkakasama kami, nag-oobserve na lang ako at taga-kinig. At dahil sa madalas kong pag-oobserve kay Jin, napansin ko na maraming babae ang umaaligid sa kanya, pati na rin ang mga gays sa campus namin. Heartthrob na nga kung maituturing si Jin dahil ang lakas talaga ng dating niya.

Isa pa sa mga nagpapalakas ng dating niya ay ang pagiging athletic. Mahilig siya sa sports, lalong lalo na ang basketball at soccer. Kaya mas naging close sina Jin at Rjay dahil sa parehas nilang hilig sa sports at noong naging magkasama pa sila sa varsity nang makapasok sila sa tryouts para sa department namin.

Nanonood ako ng mga laban nila lagi dahil niyayaya ako ni Rjay na panoorin sila. Hindi ako mahilig sa sports pero pag pinapanood ko 'yung laro nila, hindi ko alam pero parang natutuwa ako at gusto ko lagi nakikita na naglalaro si Jin. Nagagalingan siguro ako sa kanya kapag naglalaro siya. 'Pag kasi pinapanood ko siya, lagi lang siyang nakangiti 'pag naglaro. Kitang kita mo sa kanya na masaya siya sa ginagawa niya. Kaya naman maraming nahuhumaling sa kanya. Siguro isa na rin ako doon sa mga humahanga kay Jin pero hindi sa paraan na tipong gusto gustong talaga. Kumbaga, idol lang, ganoon.

Kasi, parang nasa kanya na lahat. Talented, gwapo, at lively kausap. Samantalang ako, tahimik at mahiyain. Sino naman gustong kumausap sa tulad ko? Baka mabored lang sila at makatulog. Buti nga natitiis pa ko ni Rjay simula pagkabata.

May mga times din kapag lunch at kaming dalawa lang ni Jin ang naiiwan, lalo na pag may binili saglit si Rjay habang magkakasabay kami kumain ng lunch, ay nagiging awkward na ko at nahihiya na parang gusto ko magtago sa loob  ng bag ko. Gusto ko siya kausapin, pero hindi ko alam kung anong sasabihin ko o i-totopic ko. Natatakot kasi ako, baka mamaya ang isipin niya ay pinipilit ko na lang ang sarili ko sa kanya. Kaya naman nililibang ko na lang ang sarili ko at pinaglalaruan na lang ang phone ko na kunwari may ka-text at may ginagawa para hindi mahalata ni Jin na nahihiya ako makipag usap sa kanya. Kaya tahimik lang kami lagi hanggang makabalik si Rjay at mawawala na ulit ang pagiging seryoso ni Jin.

Naiinis nga ko sa sarili ko minsan, kasi, parang wala akong kwenta pag kasama si Jin. Lagi ko siyang nakikitang masaya at lively. Pero, 'pag kaming dalawa lang ang magkasama, nagiging seryoso siya at tahimik na parang wala akong kwentang kasama. Wala talaga akong lakas ng loob 'pag dating sa kanya. Pero kung kay Rjay, siguro dahil matagal na kami magkasama, kaya parang kapatid ko na lang din siya kung ituring. Sanay na siya sa akin na kahit tahimik lang ako ay okay lang sa kanya. 

May mga times rin na nag-uusap kami ni Jin, pero saglit lang. 'Yung tipong isang tanong isang sagot. Pero masaya na ko doon, kasi naiisip ko na nakakausap ko rin siya kahit papano, kahit saglit lang. Baka kasi isipin niya bigla na ayaw ko siyang kausap, kahit hindi naman.

Pagdaan ng panahon, hindi ko alam pero parang may nabubuo na sa nararamdaman ko. Habang mas nakikilala ko si Jin, nare-realize ko na hindi na lang pala pagiging idol ang tingin ko sa kanya. Narealize ko na dumating na ko sa point na hinahangaan ko na siya in a way na parang umabot na sa crush. Pero hindi pa 'yung tipo na gusto ko maging kami romantically.

"Haha! Aasa pa ba ko maging kami ni Jin? Ako at siya? Hindi nga kami makapag-usap ng matagal! Baka nga pinakamatagal naming usap mga 2 minutes lang. Isa pa, bakit naman ako pipiliin ni Jin, eh parehas kaming lalaki."

Habang tumatagal, mas maraming nagkaka-crush kay Jin, at napagtanto ko na isa na rin pala ko sa mga iyon. Hindi lang dahil sa may itsura siya at gwapo, oo, kaya ko siya hinanggan, pero kasi mabait talaga siya  at magaling makisama.

Lagi siyang sumusuporta lalo na sa mga group projects and assignments. Hindi siya yung tipo na magaling lang sa sports, pero may ibubuga din siya academically although hindi siya 'yung tipong sobrang talino, pero sobrang sipag niya din talaga kaya nakakahabol siya. Kaya naman parang all in one na din talaga siya.

For example, 'pag may group project kami at magkasama kami sa group, ayaw niya na matutulog na hindi natatapos o hindi progressive. Isa iyon sa mga nag-pabilib sa akin, determinado siya. Doon ako lalong napabilib sa kanya at humanga. Kaya, 'yun na rin  naging mindset ko, na hindi dapat ako susuko kung may gusto akong tapusin. Kapag may group project at madaling araw na at tulog na ang lahat dahil sa pagod, sinasamahan at dinadamayan ko siya, siempre bilang leader ng group at gusto ko lang din siya kasama.

Sa mga ganoong oras, doon ko lang din nakakausap si Jin ng matagal. Makikita mo sa mga mata niya na pagod na siya pero, ayaw niyang sumuko. Never din kami nag-usap ng casual. Tungkol pa rin sa projects or schoolworks ang pinag-uusapan namin. Pero, ayos lang sa akin at least nagkakaroon kami ng engagement.

Hindi mahirap pakisamahan si Jin, pero ako lang talaga itong mahiyain. Pero napapaisip din ako minsan, kung bakit hindi ako kinakausap ni Jin gaya ng pakikipag-usap niya sa iba.

Isang beses, nagkaroon kami ng group project na tinatapos. Gabing-gabi na rin at tulog na ang lahat habang kaming dalawa na lang ni Jin ang gising ng mga oras na iyon. Dahil napagod na rin siguro siya sa kakaisip at kakagawa, tumigil muna siya sandali at nagunat. Out of the blue bigla niya akong tinanong—

"Chris, wala ka bang girlfriend?" natatawang tanong sa akin ni Jin.

Napatigil ako sa pagta-type ng aming summary of report sa aking laptop, dahil iyon ang unang beses na tinanong ako ni Jin na hindi tungkol sa schoolworks ang topic namin. Pero, nagulantang ako dahil bakit 'yun naman ang tinanong niya sa akin agad! Hindi ba pwedeng "Anong mga pangarap ko sa buhay" o kaya "Anong hobbies ko?" Huminga ako ng malalim at nakatingin pa rin ako sa screen ng laptop ko dahil hindi ko siya kayang tingnan. "Ummm, wala akong girlfriend." Ito lang ang tanging nasagot ko at nahihiya rin ako. Pero, totoo naman talaga na wala pa since birth.

"Maniwala ako sa'yo? Paanong walang magkakagusto sa'yo? Kahit isa?" tanong ni Jin.

"Wala nga at wala naman magkakagusto sa akin. Mahiyain ako at tahimik. Hindi din gano'n kalakas loob ko."

Pumunta si Jin sa harap ko mismo at tiningnan niya ko ng diretso sa mga mata. Nahiya ako nang magkatitigan kami, dahil iyon ang unang beses na nagtagpo ang mga mata namin dahil madalas ako lang ang nakatingin sa kanya sa malayo, at dahil sa hiya, ibinaling ko muli ang aking tingin sa screen ng laptop ko. 

"Parang hindi ako naniniwala sayo, hmmm?  Wala ka sa tipong maangas ang pormahan. Pero, kung titingnan mabuti, cute ka nga eh! Minsan nga parang gusto kong pisilin 'yung mga cheeks mo." natatawang sinabi ni Jin, "Imposible na walang magkakagusto sa'yo?"

'Yan ang sinabi sa akin ni Jin at bigla niya kong nginitian. Sa mga oras na iyon, kahit nakatingin ako sa screen ng laptop ko, nakikita ko pa rin ang kanyang ngiti. Natulala na lang ako dahil sa mga ngiti niya at parang hindi ko alam kung bakit, pero ibang saya yung naramdaman ko na parang may gustong kumawala sa dibdib ko. Para bang kahit pagod ako, biglang nawala lahat ng ito at naramdaman ko na lang ang  biglang pagbilis ng tibok ng puso ko nang sinabi niya iyon sa akin. Naisip ko na nakikita niya pala akong ganoon.

Pero doon din nagtapos ang pag-uusap namin at dahil tapos na rin kami sa mga gawain at tumayo na rin siya para magligpit. 'Yon ang unang beses na tumingin siya sa mga mata ko at kinausap ako na parang tunay na kaibigan, kahit na girlfriend ang tinatanong niya sa akin! Natuwa ako, kasi kaya niya pala ngumiti pag kasama ako. Akala ko lagi lang siyang seryoso pag kaming dalawa lang. Pero iba ang gabi na 'yun. Kaya naman isa 'yun sa mga hindi ko makakalimutan.

Umabot na kami ng Fifth year sa college at kami pa rin ang madalas na magkakasama. Bagamat lagi pa rin kami magkakasama nina Rjay at Jin tuwing lunch ay ganun pa rin at gaya ng dati. Silang dalawa pa rin ang laging magkausap at ako naman ay tahimik na kumakain lang at tila may sariling mundo. Pero, hinding hindi ko makakalimutan ang araw ng 21st of November  2019. Ito ang araw na lumabas ako sa comfort zone ko, dahil kay Jin. Sa hindi inaasahan, habang kumakain kaming tatlo ng lunch sa cafeteria, biglang tumingin si Jin sa akin na nakangiti at kinausap ako.

"Chris, gusto mo ba sumama sa amin  mamaya? May drinking session kami nila Rjay." nakangiting tanong ni Jin sa akin.

Straight face lang ang pinakita ko sa kanilang dalawa, pero, sa loob-loob ko ay tuwang-tuwa ako dahil ito ang unang beses na niyaya ako ni Jin.  At the same time, nahihiya ako sumama, dahil baka ma out-of-place lang ako sa inuman, pero gustong gusto ko din sumama although hindi ako uminom talaga!

"Hmmm? 'Wag na Chris, baka mamaya magalit si dad sa atin, lalo na sa akin! Baka bugbugin ako 'pag nalaman na sinasama pa kita sa mga bisyo ko." biglang singit ni Rjay ng yayain ako ni Jin.

Medyo nalungkot ako dahil gusto ko sumama, pero ayaw ko din naman mapagalitan siya ng dad niya. Sa mga panahon na ito, kila Rjay muna ako nag-stay habang nasa business trip si papa, at sa December 2019 pa ang kanyang balik. Business partners ang papa ko at ni Rjay, kaya naman sa kanila muna ako ibinilin ni papa hanggang sa makabalik siya.

"Ano ka ba! Wala namang mangyayaring masama kay Chris. Tayo-tayo lang ang nandoon. Saka iinom lang tayo."  paliwanag ni Jin kay Rjay.

Pinapanood ko lang silang dalawa na nag-uusap.

"Nako, hindi mo alam kung gaano kalupit si dad! Baka mamaya may hindi sinasadyang mangyari kay Chris at lasing pa tayo, ma-GG pa tayo!" sambit ni Rjay kay Jin.

"'Wag ka mag alala, ako bahala kay Chris! Hindi ko 'yan paiinumin ng alak. Kaunti lang!" Tumingin sa akin si Jin bigla at ngumiti, "Pero promise ako bahala sa'yo. Para naman may bago kaming kasama sa inuman."

Napa-facepalm palm na lang si Rjay at tila alam niya na wala na siyang magagawa at hindi niya na mapipigilan si Jin. Hinihintay na lang nila sa akin ang sagot at decision. Inisip ko muna ng maigi kung sasama ako o hindi. Dahil pag sumama ako at nalaman ng dad ni Rjay, ay tiyak na paparusahan siya nito. Pero sa isang banda, gusto ko talaga sumama, dahil gusto ko makasama si Jin sa ganitong  mga pagkakataon.

"Hmmm, sige. sasama ako—" ang sabi ko sa kanila.

Nagulat si Rjay sa sinabi ko dahil akala niya ay tatanggi ako, habang si Jin naman ay nakangiting tagumpay. "Pero—" bigla kong pinasok ang sasabihin kong condition, "—pero dahil ayaw ko mapagalitan si Rjay ni tito, uuwi din ako para hindi kami mahuli. Okay lang ba?"

Medyo napalagay si Rjay sa desisyon ko, at pumayag naman si Jin na umuwi ako pag malapit na kaming gabihin.

"Ayan! G na to! Doon tayo kila Luna mamaya ah? Malapit lang naman 'yon sa bahay niyo Rjay. Mga ilang kanto lang naman, kaya tingin ko makakauwi 'yan ng safe si Chris. Basta ako bahala d'yan sa bata natin! Hehe!" sinabi ni Jin sa aming dalawa habang nakatingin siya sa akin na tumataas ang isa niyang makapal na kilay.

Bagamat natatakot ako at nangangamba para kay Rjay, ay mas nangingibabaw ang tuwa at saya ko. Pakiramdam ko ay mas nagiging komportable at kinakausap na ko ni Jin ng iba pang topic, at pakiramdam ko ay unti-unti na kaming nagiging close. Excited na ako dahil makakasama ko si Jin sa inuman! Pero siempre nahihiya at awkward pa rin ako dahil hindi naman ako gano'n ka-sociable.

Pagkatapos ng klase namin noong araw na 'yun, dumiretso na kami sa bahay ni Luna, isa pa naming blockmate at naging kasa-kasama namin simula ng 2nd year college. Masayang kasama si Luna, bagamat medyo may kaartehan si Luna, hindi siya 'yung tipong mahirap pakisamahan. Napaka-kalog niyang tao at sobrang nakakatuwa siyang kausap. Madalas siyang nagpapaturo sa akin pag may hindi siya maintindihan sa mga lessons or pag hindi niya magawa 'yung mga assignment namin. Binibigyan niya ako ng Sour Apple Tapes sa Candy Corner kapalit ng pagtuturo ko sa kanya dahil alam niya na mahilig ako doon, kaya napalapit rin kami sa isa't isa. Di nagtagal, naging close na rin sila nina Rjay at Jin.

Apat lang kaming iinom—Ako, Jin, Rjay at siempre ang may ari ng bahay na si Luna. Nakarating na kaming tatlo sa bahay ni Luna, at siempre nagulat siya nang makita niya ako na kasama.

"Aba? Is this for real? Jin! Napapayag mo si Chris?" tanong ni Luna kay Jin. "Chris, kailan mo naisip na mag change ng lifestyle ah?" natatawang sinabi niya sa akin. Nakangiting tagumpay lamang si Jin, habang si Rjay naman ay kinakabahan. "May bago pala tayong bibinyagan! Hehe!" pabirong sinabi ni Luna habang naka evil grin silang dalawa ni Jin.

Pinapasok na kami ni Luna sa bahay niya at pinaupo sa carpet ng kanilang living room kung saan kami iinom. Malinis at maayos ang bahay ni Luna. Pagdating sa gamit ng mga bahay at pintura, napaka color-coordinated at maganda ang combination. Napansin ko na Dark Pastel Blue, Light Cobalt Blue, Dark Sky Blue, Pastel Blue at Columbia Blue ang color palette ng living room nila at alam ko na si Luna ang nag design nito. Ang sabi niya sa akin, gusto niya daw talaga maging interior designer, pero pinili niya ang ECE dahil ito ang gusto ng parents niya kahit napilitan na lang siya. Buti na lang kila Luna lang kami iinom at hindi sa isang bar, kaya mapapalagay ako nito. 

Umupo na kaming lahat sa carpet ng living room nila para magsimula nang uminom. Nagulat ako sa iinumin namin dahil first time kong iinom at nang makita ko pa lang ang Lemon at asin, akala ko for refreshment lang, nagkamali pala ko. Tequila pala ang iinumin namin at kasama ito sa paraan ng pag inom.

Para sa first time kong iinom, Tequila pa ang ipaiinom sa akin. Kakayanin ko kaya? Pero siempre kailangan lakasan ang loob ko, dahil sayang naman ang effort ni Jin na yayain ako. Si Jin ang naging tanggero namin sa inuman sa gabing iyon at kinuha niya na ang shot glass at pinakita ito sa akin.

"Dahil ako ang nagyaya sa'yo, Chris, bababaan ko lang ang shot mo." sinabi sa akin ni Jin habang natatawa siya at parang pakiramdam ko niloloko niya ko dahil naka evil grin na naman siya. Nilagyan na ni Jin ang shot glass ng Tequila, at hindi nga ganoon kataas ang nilagay niya at pagkatapos ay inabot niya na sa akin ang shot glass. Thank you, Jin!

"Umm, sorry hindi kasi ako umiinom ng Tequila. Paano ba 'to inumin? Parang soft drinks lang ba 'to?" tanong ko sa kanila dahil hindi ko alam ang gagawin habang hawak ko ang shot glass.

"Chris, mukhang kailangan mo na ng bagong lesson na matututunan sa buhay mo! It's time for Jin's Drinking 101. Master Jin, Ituro mo na sa bago nating recruit kung paano uminom ng Tequila!" sinabi ni Luna na tuwang tuwa at excited ako painumin ng Tequila habang pumapalakpak pa.

Si Rjay naman ay  nangangamba at natatakot para sa akin, pero hinayaan niya na lang ako. Ang sabi ko sa kanya bago kami pumunta kila Luna na 'wag niya ko pigilan sa pag inom dahil minsan ko lang maranasan 'yung mga ganitong bagay.

Habang hawak ko ang shot glass, naglagay si Jin ng isang kurot ng salt at nilagay niya ito sa ibabaw ng kanyang kamay malapit sa thumb niya. Inisip ko kung para saan 'yung asin at  ba't doon niya nilagay, at pagkatapos kumuha siya ng isang slice ng lemon.

"Okay, Chris, ang gagawin mo, iinumin mo ng isang lagukan ang Tequila sa shot glass. Kung di mo gusto 'yung amoy, 'wag ka huminga. Basta pag nainom mo na, kunin mo itong lemon sa akin tapos sipsipin mo. Pagkatapos, dilaan mo tong asin dito sa kamay ko. Gets mo ba?"

'Yan ang tinuro sa akin ni Jin, pero ang pinakatumatak sa akin na ikinawindang ko ay didilaan ko 'yung asin sa kamay niya! Parang hindi ko ata kaya at nahihiya ako! Didilaan ko ung kamay ni Jin? Si Jin na hinahangaan ng lahat na crush ng bayan? Totoo ba 'to? Parang hindi ko ata kaya!

Nagdadalawang isip ako kung gagawin ko ito. Isa-isa ko tiningnan ang mga reactions nila. Una kong tiningnan si Rjay na nakatingin sa akin na parang kinakabahan. Si Luna naman ay nakatingin sa akin at excite na excite na gusto na kong mag shot. Si Jin naman ay nakatingin sa akin at nakangiti with an  evil smirk.

Sa ngayon, hindi na ako sa pag inom ng Tequila kinakabahan. Mas kinakabahan pa talaga ako na dilaan ko 'yung kamay ni Jin para lang makain 'yung asin. Tinititigan ko lang ang asin na nasa kamay niya at nagdadalawang isip pa rin ako. Kaya naman, napansin ni Jin na tinitingnan ko ang asin sa kamay niya at bigla siya nagsalita.

"'Wag ka mag alala Chris, malinis 'tong kamay ko! Naghugas ako ng kamay." sabi sa akin ni Jin.

Sa totoo lang hindi 'yun ang naisip ko. Haha! 'Yung hiya ko lang talaga kay Jin ang tumatakbo sa utak ko. Pero dahil nandito na ko, at minsan lang 'to mangyayari, sige, lalakasan ko ang loob ko! Iisipin ko na lang na initiation ko ito at isa sa mga way para mas maging close kami ni Jin!

"Kaya ko 'to!"

Dahan-dahan ko nilapit ang shot glass sa bibig ko ngunit naamoy ko na agad ang scent ng Tequila. Hindi ko nagustuhan ang amoy dahil parang amoy ammonia  ito mas mababa lang ang concetration, kaya hindi ako huminga. Nilagok ko ang Tequila sa shot glass, at nang malunok ko na ito—

"Shoot! Ang pait!" Hindi ako nasarapan, "Lasang amoy ng ammonia! Bakit gustong gusto niyong umiinom ng alak? Ang pangit ng lasa!"

Agad kong kinuha ang lemon kay Jin at sinipsip ang juice nito, ngunit hindi pa rin nawala ang tatak ng lasa ng Tequila! Dahil dito, agad kong hinawakan ang kamay ni Jin para kainin 'yung asin na nakapatong malapit sa thumb niya. Hindi ko dinilaan dahil baka mandiri si Jin at malawayan ko siya. Kaya ginamit ko na lang ang mga labi ko para makain ang asin.

"Ano Chris, kamusta ang unang tikim ng tequila at lasa ng kamay ni Jin? Anong mas masarap?" asar sa akin ni Luna habang tumatawa ng malakas at  ako naman ay pait na pait pa rin dahil sa lasa na kumakapit sa dila ko.

"Okay ka lang? Ano kaya mo pa ba?" nag aalala na tanong sa akin ni Rjay.

"Grabe, Chris—" biglang humirit si Jin habang nakatulala lang sa carpet, "isa lang masasabi ko!"  Napatingin na lang kami sa kanya lahat habang hinihintay ang susunod niyang sasabihin. "Bakit gano'n? Bakit ang lambot ng labi mo?"—Ang mga salitang sinabi ni Jin na nagpatulala at nagpapula ng labis sa akin.

"Hala! Lasing ka na agad Chris? Bakit namula ka agad? Nahiya ka ba sa sinabi ni Jin?" pabirong sinabi ni Luna habang tumatawa pa rin siya.

 "Oo grabe! Alam mo 'yung lambot ng gummy bears? Gano'n kalambot yung labi ni Chris!" pang-aasar ni Jin sa akin.

 Hindi ako makatingin kay sa kanya dahil nahihiya ako. Hindi ko alam kung compliment ba yun o nang-aasar lang siya. Pero, isa lang masasabi ko—

"Parang gusto ko pa ulit uminom."

Sunod nang tinagayan ni Jin si Luna at pagkatapos ay si Rjay. Kita ko na sanay na sanay na sila sa pag-inom at parang wala na lang sa kanila 'to. Pagkatapos ng shot ni Rjay ay bumalik na naman sa akin ang shot glass.

"Oh Chris, ikaw ulit ah? Alam mo na kung paano i-shot 'to. Tatagayan na lang kita ah?" natatawang sinabi sa akin ni Jin.

"Wala na 'yung kukunin ko ulit 'yung asin sa kamay ni Jin?" nadidismaya kong sinabi sa isip ko. Medyo nalungkot ako kasi akala ko katulad ng kanina na kukunin ko sa kanya 'yung asin. Hindi na pala at hindi naman talaga gano'n dapat. Hahah! Pero okay na 'yun kasi nahihiya na ko sa kanya.

Nag shot na ako at binigay ko na kay Jin pagkatapos. Nakakaramdam na rin ako ng kakaibang init sa katawan ko na ngayon ko lamang na-experience. Ito na ba 'yung part na nagsisimula na akong malasing?

Habang umiikot ang tagay, nagku-kwentuhan na kami at ako ang topic dahil ako ang bagong recruit nila. Nauna na magsalita si Luna—

"So Chris, ang tagal na nating friends, pero wala akong update sa lovelife mo! Is there someone in your life na ba na nagbibigay ng color at brightness sa buhay mo? Hihihi!"

Kinakabahan ako sa isasagot ko dahil hindi ko naman pwedeng sabihin na si Jin ang nagpapasaya ng buhay ko. Isa pa, nandito siya sa tabi ko at tila hinihintay niya ang sagot dahil minsan niya na akong tinanong kung may girlfriend na ba ako!

"Wala pa, Luna, alam mo naman na puro studies lang ako, and wala pa akong time para doon. Baka pagalitan lang ako ni papa." sagot ko kay Luna. Ito na ang pinaka-safe na sagot ko, pero nalulungkot ako dahil pakiramdam ko, nagsisinungaling ako sa aking sarili. 

Tiningnan ko ang reaction ni Jin, at as usual, parang wala lang sa kanya dahil  alam ko naman na wala siyang feelings para sa akin. Tanggap ko naman na ang feelings ko para sa kanya ay unrequited.

"Eh bakit ka sumama sa inuman namin, Chris? Kasi hindi ka iinom kung wala kang problema. So spill the Tequila! What's bugging you?" tanong sa akin ni Luna.

Sa puntong ito, hindi ko alam pero, parang biglang nagkaroon ako ng confidence sa sarili ko at parang tumapang ako bigla. Nagsisimula na ata mag kick-in ang effect ng Tequila sa akin.

"Gusto ko ma-try uminom, kasi feeling ko ang dami kong namimiss na kaganapan sa buhay ko. Nakakapagod na rin maging good boy paminsan-minsan. Pero, hindi ibig sabihin noon na magbubulakbol na ako. Curious lang talaga ako at gusto ko malaman kung anong feeling ng malasing. Isa pa, kayo naman ang kasama ko at may tiwala ako sa inyo." sagot ko sa kanilang lahat.

"'Wag ka mag alala Chris, pag nalasing ka na, sabihin mo sa amin ah? Pero may order kami." Kumuha muna si Luna ng hilaw na mangga sa mga pulutan namin at nagpatuloy na sa pagsasalita. "Ako ang pinakamahina uminom sa amin, so 'di mo na ko maasahan mamaya. Tapos si Rjay, nakakatagal 'yan pero nawawala na sa wisyo at nakatulala na lang 'yan mamaya." dagdag niya. Kumuha siya muli ng mangga sa mga pulutan namin at tinuro niya si Jin, "Pero yan si Jin, matibay 'yang master ko sa inuman! 'Yan ang bahala sa'yo." sinabi sa akin ni Luna at nagmalaki naman si Jin dahil mataas ang alcohol tolerance nito.

"Jin, ikaw ang bahala mamaya kay Chris ah? Sinabi mo 'yan may tiwala ako sayo! Kasi mamaya, alam mo na mangyayari samin ni Luna. Hindi mo na kami maaasahan." nagaalala na sinabi ni Rjay kay Jin.

"Oo, akong bahala dito kay Chris. Makakauwi 'yan ng safe." kampante na sinabi ni Jin kay Rjay.

Tuloy tuloy lang ang shot namin, at malapit na namin maubos ang isang litro ng Tequila. Nahihilo na ko pero alam ko pa ang mga nangyayari. Pero tuwing titingin ako sa kaliwa o kanan, parang lumilindol kaya nag stay put lang ako at sa iisang view lang ang aking tingin. Hindi ko sinasadya na nakatingin pala ko kay Jin, sa napaka gwapong mukha niya at napansin niya na sa kanya ako nakatingin kaya kinausap niya ako.

"Oh, bakit ka naka-focus sa akin Chris? May madumi ba sa mukha ko?" tanong sa akin ni Jin habang nagkakamot siya ng ulo.

"Ahh sorry, nahihilo kasi ako pag tumingin ako sa kaliwa o sa kanan. Hindi ko sadya na sa'yo ako nakatingin ng diretso." Sa totoo lang, gusto ko 'yung image na nakikita sa harap ko, pero hindi ko talaga sinasadya, "I swear to God." 

Nahihilo lang at umiikot ang paningin ko kapag lumilingon ako. Nagkataon lang na kay Jin ako naka diretso ng tingin.  Pero bakit gano'n? Tipsy na 'ko pero 'pag tinitingnan ko si Jin, bakit parang lalo siyang gumagwapo? Hindi ko mapigilan na pagmasdan ang mga mata pati 'yung mga labi niya. Namumula na rin 'yung mga cheeks niya, siguro dahil sa effect ng alak. Para bang gusto ko to hawakan at pisilin! Hindi ko din maiwasan tingnan 'yung katawan niyang tila isang masterpiece!

Pinagmamasdan ko si Jin habang nakikipag usap siya kina Rjay at tinitignan ko 'yung mga labi niya na namumula na din dahil siguro sa alak, maganda ang mga ito at "Kissable lips" nga sabi nila. 'Yung mga mata niya, mapungay na rin gawa ng alak. Pero—

"Ang gwapo talaga ni Jin." 

Hindi ko alam kung ilang beses ko 'tong sasabihin sa sarili ko. Alam mo 'yung pakiramdam na nakita mo 'yung crush mo na artista? Gano'n ang paningin ko sa kanya ngayon. Tinitingnan ko rin 'yung kamay ni Jin na hinawakan ko kanina. Parang gusto ko ulitin na doon ko ulit kukunin yung asin. Ang init kasi ng kamay niya at ang laki din. Parang kaya niyang takpan 'yung mukha ko gamit lang ang isang kamay. Pero napansin ko na may maliit siyang tattoo na nakalagay  na letter "J" sa index finger niya pag tiningnan mo ng malapitan.

Kaya ang daming nagkakagusto kay Jin eh, napakagandang lalaki kasi. Kung sana naging babae na lang ako, siguro mapapansin ako ni Jin. Nagpapasalamat pala ko sa Tequila, kung 'di dahil dito, di ko siguro 'to mararanasan. Nahihilo na rin ako, pero gusto ko pang uminom dahil parang habang tumatagal, mas nagugustuhan ko 'yung pakiramdam. Ganito pala pag umiinom. Hindi masarap ang lasa pero kaya pala gustong gusto nila ang alak. Pakiramdam ko ang light ng feeling ko kahit nahihilo ako. Tapos parang biglang pakiramdam ko mas lumalakas ang loob ko.

Pagkatapos ibigay ni Jin ang shot ni Rjay, ako na dapat ang susunod ngunit  nilampasan niya ko.

"Oh bakit di mo binigay sa akin 'yung next shot Jin? Iinom pa ko! " sinabi ko kay Jin habang hinihila ko ang t-shirt niya. "Paano ko nagagawang hilahin ang t-shirt ni Jin? Ganito na ba pag under ka na ng alak? Wala ng hiya hiya? Gusto ko ganito!" natatawa kong sinabi sa isip ko. 

"Tama na muna, Chris. Sa susunod na round ka na lang. Baka mahilo ka masyado at malasing." seryoso na sinabi sa akin ni Jin.   

Natuwa ako sa sinabi niya, kasi parang nag aalala siya sa akin. Pero naalala ko, sabi niya nga pala kasi siya ang bahala sa akin, kaya wag pala ako umasa. Saka feeling ko naman, kahit sino babantayan niya sa ganitong sitwasyon. Maging masaya na lang ako na nagkaroon kami ng ganitong encounter ni Jin.

Lasing na kung magsalita sina Rjay at Luna pero patuloy pa rin sila sa kwentuhan, habang si Jin ay normal pa rin kumilos at siya pa rin ang  nagtatagay. Patapos ng shot ni Rjay, akala ko ibibigay niya na  sa akin ang shot this time, pero nilampasan niya na naman ako.

"Jin! Bakit ayaw mo ba ibigay sa akin 'yung shot? Gusto ko pa malasing!"

"Sorry Chris, next shot ka na lang ulit. 'Pag hindi ka na nahihilo pag lumingon ka, saka kita bibigyan ng shot." sinabi sa akin ni Jin habang ininom niya ang shot na para dapat ay sa akin.

Nang makita ko na ininom niya na ang shot ko, napansin ko na nag shot ulit siya ng isa pang beses.

"Jin, bakit ka nag shot ng dalawang beses? Nakalimutan mo ba na nag shot ka na?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Ahh 'yun ba? Iniinom ko 'yung shot mo. 'Yun ang rule ko pag ako nag tatagay eh. Lahat ng hindi ko binigay sa'yo, ako muna ang nag shot" nakangiting sagot ni Jin.

"Shoot ang pogi ni Jin! Nakakainis! 'Wag mo ko ngitian, please!" sinisigaw ko na sa aking isip. Nagulat ako sa sinabi sa akin ni Jin dahil hindi ko inakala na kinukuha niya ang lahat ng shot ko. Nahiya ako at nag-alala para sa kanya, kasi parang dahil sa akin nagpapakahirap siya. Umalis ako sa kinauupuan ko, kinuha ang shot glass na nasa kamay ni Jin na siyang ikinagulat nila at napatingin silang lahat sa akin. Nang makuha ko ang shot glass sa kamay ni Jin,  pinuno ko 'to katumbas ng dalawang shot na nilampas niya sa akin.

"Whaaatt! Anong ginagawa mo Chris? Mahihilo ka niyan! Saka sabi ko sa'yo, ako na kumuha ng shot mo. 'Di ba sabi ko ako bahala sa'yo kasi ako ang nagpasama sa'yo?" nag aalalang sinabi ni Jin sa akin.

Si Luna naman ay tuwang tuwa at biglang humirit at natatawa, "Ang tapang naman ng baby boy natin oh? Ang lakas pala uminom ng bago nating recruit!"

Si Rjay naman ay sinesenyasan na ako na 'wag ko nang ituloy inumin ang shot glass na may katumbas na dalawang shot.

"Sorry, pero hindi ko kayang makita na nahihirapan si Jin dahil sakin at tinitiis niyang inumin 'yung mga shot na para dapat ay sa akin."

Pipigilan dapat ako ni Jin at hinawakan niya na ang kamay ko ngunit huli na ang lahat, dahil  nalagok ko na ang Tequila sa shot glass. Hindi ko na iniinda ang amoy dahil nawala na ang sense of smell ko dahil sa kalasingan, ngunit 'yung lasa ay nandoon pa rin. Nalunok ko na lahat ng nasa shot glass at pagkatapos ay pinalakpakan ako ni Luna at tuwang tuwa siya sa akin. Si Rjay naman ay awang awa, at si Jin naman ay nakatingin lang sa 'kin habang hawak niya ang braso ko.

Nakalimutan ko na at nawala sa isip ko na sipsipin ang lemon at kumain ng asin. Nainom ko na ang tequila pero hindi ko alam bakit biglang humilab ang tiyan ko. Napatigil ako bigla sa kinagagalawan ko. Parang anytime ay masusuka na ko.

Hindi ko na din kinaya at agad akong dumiretso sa C.R. para sumuka at hinatid ako ni Jin. Ang sakit ng lalamunan ko dahil sinuka ko lahat ng ininom ko na Tequila. Pagkatapos ko magsuka, naghilamos ako ng mukha para mahimasmasan at medyo nawala ang pagkahilo ko pero tipsy pa rin ako. Paglabas ko ng C.R. ay nakaabang na pala si Jin, may hawak na towel at inabot sa 'kin.

"Oh, magpunas ka muna. Sabi ko sa'yo 'wag mo na inumin eh. Tingnan mo nangyari sa'yo." natatawang sinabi niya sa akin, pero nakita ko ang pag aalala sa mga mata niya.

"Paano mo nagagawa 'yun?" tanong ko kay Jin habang nagpupunas ako ng mukha.

"Ang alin?"

"'Yung hindi nalalasing kahit marami ka na nainom, naiinggit ako." tanong ko kay Jin habang dinuduro ko ang kaliwang dibdib niya.

"Ahh 'yun ba? Lahi na lang siguro, saka nasubok na ng panahon!" proud at natatawang sinabi ni Jin.

"Gusto ko din maging katulad mo" sinabi ko sa kanya habang nararamdaman ko na bumabalik na naman ang pagkahilo ko.

"Hindi naman 'yun nagagaya! Nakakatawa ka pala minsan Chris, kala ko lagi kang seryoso. Ngayon lang kita nakausap ng ganito katagal. Sana lagi na lang tayo umiinom at lagi ka na lang lasing." nakangiting sinabi sa akin ni Jin.

Natuwa ako ng labis sa sinabi ni Jin, kahit medyo hilo ako ay dinig na dinig ko ang kanyang boses at ang mga sinasabi niya. Tila, parang mas nararamdaman ko na nagiging malapit na rin kami sa isa't isa.

"10:30 p.m. na Chris, tingin ko kailangan na kitang ihatid pauwi. Sabi ko kay Rjay, hindi kita pauuwiin ng masyadong gabi. Si Rjay sana maghahatid sayo kaso hindi niya na daw kaya maglakad ng maayos."

Nalungkot ako nang sinabi na ni Jin na kailangan ko na umuwi dahil gusto ko pa siyang kasama. Parang ayaw ko matapos 'tong gabing. Para akong nananaginip na sana hindi na lang ako magising kung panaginip man 'to. Dahil alam ko pagkatapos nito, baka bumalik na naman kami sa dati. Mahihiya na naman ako sa kanya at maiilang. Hindi ko na naman siya makakausap ng maayos.

Pero dahil baka mapagalitan kami ng dad ni Rjay, kailangan ko na rin umuwi talaga dahil pareho kaming mapapagalitan. Marami pang pagkaakataon ulit, naniniwala ako. Matagal ko pang makakasama si Jin, at araw-araw ko siyang makikita—"Kahit hindi kami araw-araw nag-uusap."

Nagpaalam na ko kay Luna ngunit hindi na siya gumigising dahil sa kalasingan. Nag paalam na rin ako kay Rjay pero nakatulala na lang siya at nakatingin sa kisame na parang may pinapanood, kahit wala naman. Kinuha ko na ang gamit ko para umalis at nag-ayos din si Jin para ihatid ako.

Nang makalabas na kami ni Jin sa bahay ni Luna, madalim na at humahaplos sa katawan ko ang malamig na simoy ng hangin sa paligid. Tahimik at walang masyadong tao sa daan. Makikita mo lang sa daan ay mga nakabukas na light posts at yung mga Christmas lights sa mga bahay bahay. Gustong gusto ko talaga nakikita ang mga ilaw na 'to sa gabi, kasi para akong narerelax. At ang mas lalong nagpapagaan ng pakiramdam ko, si Jin na nasa tabi ko ngayon at kasabay kong maglakad at dalawa lang kami.

Basta ang nasa isip ko lang ay masaya ako na kasama kong naglalakad si Jin. Kahit hindi kami nag uusap, pakiramdam ko na mas malapit na kami sa isa't isa hindi tulad ng dati. Habang sabay kami maglakad, tumitingin lang ako sa paligid habang si Jin naman ay naka diretso lang ang tingin. Sinubukan ko siyang tingnan saglit dahil gusto ko lang masulyapan 'yung napaka gwapong mukha niya.

"5 seconds, ay hindi— 10 seconds ko lang siya titingnan tapos okay na. 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9 —"

Bibilang na sana ako ng 10 ngunit biglang lumingon si Jin sa akin at nakita ko ang mukha niyang nakangiti sa akin na napaka amo at tinatamaan ng iba't ibang kulay ng mga ilaw  na nanggagaling sa paligid.

Ang kanina kong 10 seconds na pag titig sa kanya, padagdag ng padagdag. Kaya naman, nahiya na ako at lumihis na ako ng tingin at nag patuloy lang sa paglalakad. Habang naglalakad kami ni Jin, biglang may pumatak na tubig sa forehead ko. Akala ko may tumalsik lang na  tubig sa akin o pawis, pero hindi pala.

Unti-unting pumapatak ang ulan. Wala akong dalang payong pati na rin si Jin ay wala rin dala dahil hindi namin inaasahan.

"Tatlong kanto pa bago tayo makarating kila Rjay. Bilisan natin kasi baka maabutan tayo at bigla lumakas ang ulan." pag aalala ni Jin.

Ayaw ko sana bilisan ang pag lalakad namin, dahil ayaw ko dumating sa punto na kailangan na namin maghiwalay, at bumalik ulit sa dating gawi. Ngunit palakas ng palakas ang pagpatak ng ulan at aabutan na talaga kami.

Kararating pa lang namin ng unang kanto ngunit lumakas na ang ambon. Pinatigil ako ni Jin saglit sa paglalakad at nakita ko na bigla siyang naghubad ng kanyang t-shirt. Akala ko ay basa lang ang t-shirt niya kaya hinubad niya ito. Ngunit, hindi ko inaasahan ang mga sumunod na pangyayari. Habang nakatayo lang kaming dalawa sa gitna ng street, magkaharap at nararamdaman ang bawat pagpatak ulan sa aming mga mukha, lumapit si Jin sa akin at marahan  niyang ipinatong ang t-shirt niya sa ulo ko.

Tinitingnan ko lang si Jin na nasa harap ko habang nilalagay niya sa akin ang kanyang t-shirt. Nakangiti lang siya habang ginagawa niya ito at hindi inaalala ang kanyang sarili. Malamig ang gabi na iyon dahil sa simoy ng hangin pati na rin ang ulan na dulot nito, pero, damang dama ko ang init na nanggagaling sa t-shirt ni Jin na parang niyayakap ako ng katawan niya.

Hindi ko alam pero biglang uminit ang buong katawan ko. Nawala ang lamig na kanina kong nararamdaman, at hindi ko maipaliwanag ang saya na never ko pang nararamdaman sa buong buhay ko.

'Yung pakiramdam na may nag-aalala sa'yo, at ang tao na gumawa nito ay si Jin, na hindi ko maimagine na gagawin niya ito sa akin.

"Ayan, baka kasi magkasakit ka pag nagkataon. Gamitin mo muna 'tong t-shirt ko. Sabi ko 'di ba akong bahala sa'yo? Okay lang na mabasa ako, 'wag ka lang magkasakit." nagaalalang sinabi sa akin ni Jin, ngunit nakangiti siya sa akin. Tingin ko ay ayaw niya lang ako mag-alala sa kanya.

Lumalabo na ang paningin ko gawa ng alak at ang pagpatak ng ulan sa mga mata ko, ngunit napakalinaw pa rin ng imahe ng mukha ni Jin na nakatingin at nakangiti sa akin.

"Tara na, maglakad na tayo para makauwi ka na. Baka hanapin ka bigla. Wag ka mag alala sa akin, malakas ako at  wala lang sa akin 'tong ambon."

'Yan ang sinabi sa akin ni Jin at nagsimula na  kami maglakad. Sa mga oras na to, hinahawakan ko lang ang puso ko at dinadama ito dahil ang bilis ng tibok nito. Hindi ko pa rin lubos maisip na nasa ulo ko ang tshirt ni Jin habang  nilalabanan niya ang lamig. Pakiramdam ko ang selfish ko ngayon, pero, hindi ko na alam gagawin ko kasi parang ayaw ko matapos ang oras na 'to.

Habang naglalakad kami, tinitingnan ko ang pagbagsak ng bawat patak ng ulan na nakikita ko dahil sa liwanag ng mga poste. Narerelax ako habang tinitingnan ko ito ngunit sa isang banda ay nagsisimula na akong malungkot. Dahil nasa isip ko, baka hindi na ito maulit at ito na ang huling beses na gagawin niya sa akin ito.

Ang tanging nararamdaman ko lang ay kilig, saya at lungkot sa mga oras na 'to at wala ng iba. Dito ko narealize na hindi ko lang pala siya hinahangaan o basta crush lang.

"Pero masasabi ko na gusto kita Jin, oo, gusto kita. Hindi ko lang alam kung paano sasabihin sa'yo. Pero sa ngayon okay na muna ako sa kung anong situation ang mayroon tayo."

Okay lang sa akin na parang kaibigan o kapatid ang turing niya  sa akin. Basta ang mahalaga, alam ko na nagkagusto ako sa isang taong katulad niya na handang gawin ang lahat. "Kung hindi man maging tayo, which is alam ko na never na siguro mangyayari, kung sino man ang maging partner mo, magiging masaya ako para sa'yo. Totoo 'yan, kasi alam ko na aalagaan mo siya ng mabuti."

Magiging masaya ako kahit na dito na lang ako sa gilid na sumusuporta sa kanya sa kahit anong gawin niya. Dito lang ako na palihim na lang magmamahal. Basta, masaya ako na makita ka lang at makasama ka lang, kahit walang ginagawa.

"Kaya maraming salamat, Jin. Salamat kasi nagkagusto ako sa taong alam kong hindi ko pagsisisihan."

Habang iniisip ko ang mga bagay na 'to at naglalakad katabi si Jin, patuloy lang ako nakatingin sa pag patak ng ulan. Papalapit na kami ng papalapit sa bahay ni Rjay, and at the same time, mas lumalakas na ang nararamdaman ko na ang lungkot na bumabalot sa puso ko.

Hindi ko namalayan na bigla na pa lang tumutulo ang luha ko, dahil alam ko na kaunting oras na lang ay magigising na 'ko ulit sa panaginip na ayaw ko nang matapos. 

Kaya para sa akin, ngayon, sa tuwing makikita ko ang pagpatak ng ulan sa gabi, lagi kong maaalala ang pangyayaring ito. Bagamat naging masaya ako sa mga oras na to, mas nanaig ang lungkot na nadarama ng puso ko.

Nakarating na kami sa bahay ni Rjay at binigay ko na kay Jin ang t-shirt niya. Buti hindi niya nahalata ang mga luha ko dahil na rin sa ulan siguro. Nagpaalam na ko sa kanya at pinauwi ko na siya dahil baka lalo pang lumakas ang ulan at mahirapan siya umuwi. Nang makaalis na siya at nakapasok na 'ko ng bahay, hindi ko na alam ang mararamdaman ko.

Masaya ako sa nangyari pero nalulungkot din ako at nang makapasok na ako sa bahay nila Rjay ay nagbihis na 'ko at natulog para magpahinga.

Kinabukasan pagkatapos ng gabing iyon, pagkadilat ng mga mata ko, nakatingin lang ako sa kisame, nakatulala.

"Nasasaktan ako."

Hindi ko alam kung bakit. Dapat ay natutuwa ako sa mga oras na to pero hindi ko alam sa sarili ko bakit ako nasasaktan. Siguro, dahil sa pagkakatanggap sa sarili ko na wala talagang pag asa sa amin ni Jin at panaginip lang lahat ng nangyari kagabi.

Wala akong gana kumain, hindi ako nagugutom. Ang gusto ko lang ay makita si Jin. Pero hindi pwede.  Maghapon lang akong nasa kwarto, nagbabasa na lang ako ng mga libro upang mabaling ang attention ko, nang biglang pumasok si Rjay sa kwarto ko.

"Lagot ka Chris! Ano ginawa mo kay Jin, ha?" pang aasar ni Rjay sa akin.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya at nag alala bigla para kay Jin at baka hindi nakauwi ng maayos.

"Bakit? Ano nangyari sa kanya? Nakauwi ba siya ng maayos? Naaksidente? May nangyaring masama? Ano!" nag aalala kong tanong kay Rjay.

"Oh, kalma ka lang. Ba't ka nagagalit? Nakauwi ng maayos si Jin. Kaso—"

"Kaso ano!" 

Gustong gusto ko na talaga malaman kung ano nangyari pero binibitin pa ko nito ni Rjay!

"May lagnat si Jin. Hindi siya sakitin, pero pag 'yun nagkalagnat matindi. Nanghihina at 'di makagalaw ng maayos. At ang pinakamalala, nawawalan ng kontrol sa sarili."

Nabitawan ko ang libro na aking binabasa at nainis ako sa sarili ko. Sabi ko lagi ko siyang susuportahan sa lahat ng gagawin niya. Pero bakit ganito? Nagkasakit siya dahil sa pagiging selfish ko! Inisip ko lang sarili ko at hinayaan ko siya kagabi. "Ang sama ko! Hindi talaga ako pwede para kay Jin." nasa isip ko.

"Pupuntahan ko si Jin mamaya. Wala naman kasi siyang kasama sa bahay nila, saka walang mag aasikaso sa kanya. Gusto mo ba sumama?" sinabi ni Rjay sa akin.

Nang yayain ako ni Rjay, 'di na ko nagdalawang isip. Agad akong tumayo at nagpalit ng damit. Kinuha ang gamit ko at hinablot si Rjay papalabas ng bahay.

"Tara na, Rjay, puntahan na natin si Jin. 'Di ako mapapalagay 'pag may di magandang mangyari sa kanya. Ako may kasalanan pag nagkataon"

Minadali ko si Rjay at tinatanong niya kung anong nangyari, ngunit hindi ko sinabi sa kanya kung bakit nagkasakit si Jin. Umalis na kaming dalawa at pumunta sa bahay ni Jin para makita kung ano na ang lagay niya.

End of Flasback

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Date: March 30, 2020

Time: 5:30 P.M.

At nandito na naman ako sa puntong ito, gabi at tinitingnan ang pagpatak ng ulan na nakikita ko sa mga liwanag na nanggagaling sa ilaw ng mga poste at may mainit na damit na nakapatong sa ulo ko. Ngunit ang damit na nasa ulo ko ngayon ay galing kay Sir Jon.

Ganitong ganito ang pangyayari noon at naalala ko pa ang pagpatak ng ulan noon na ayaw kong makita. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit pakiramdam ko, si Jin ang yumayakap sa akin at init ng katawan ni Jin ang nararamdaman ko ngayon.

Kapag tinitingnan ko si Sir Jon, hindi mawala sa isip ko at parang nakikita ko talaga si Jin sa kanya. 'Yung mga ngiti niya, mga kilos niya, parehas ng kay Jin. 

Pero, siguro magkapatid lang talaga sila kaya ko iniisip 'to.

Nagpatuloy na kaming dalawa sa paglalakad papunta sa bahay nila habang naaalala ko ang mga oras na hinatid ako ni Jin pauwi sa bahay ni Rjay noong gabi na 'yun.

Ang pakiramdam ko, kasama at katabi ko lang si Jin ngayon at hindi ibang tao ang kasama ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

"Gusto ko maliwanagan at gusto ko ng sagot."

End of Chapter 5


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C5
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập