Tải xuống ứng dụng
27.77% March 2020/1 (Tagalog Boys Love Story) / Chapter 10: Chapter 10: Third Party or Fourth Party?

Chương 10: Chapter 10: Third Party or Fourth Party?

Date: April 4, 2020

Time: 5:30 A.M.

Nagising si Jin dahil sa pag alarm ng kanyang phone na nasa bandang kanan ng kanyang unan. Kukunin niya na sana ang phone para i-turn off ang alarm gamit  ang kanang kamay, kaso hindi niya ito mai-angat. Napansin niya na nakapatong ang kamay ni Chris sa kanyang kanang kamay, kaya naman kinuha niya na lang ang kanyang phone gamit ang kaliwang kamay at saka tinigil ang pag-alarm.

Ayaw pa sana niya alisin ang kanyang kanang kamay na hinahawakan ni Chris dahil gusto pa niyang damhin ang lambot nito, ngunit nang tiningnan niya ang oras at nakita na 5:30 a.m. na, oras na para siya'y umuwi. Marahan niyang tinanggal ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Chris upang hindi ito magising. Nang matanggal niya na ang kanyang kamay, gumalaw si Chris ng kaunti at nagpalit ng pwesto ngunit hindi pa rin gumigising. Tumayo na rin si Jin pagkatapos, at kinuha ang kanyang bag na nakalagay lang sa mini table sa tabi ng kama. Bago umalis, nag-iwan siya ng note sa table nito.

Chris, sorry hindi na kita ginising. Ang sarap kasi ng tulog mo. Nauna na ako at 'wag ka mag alala, nagpatulong ako kay Mr. Jill para makauwi. Hindi ko pala naabot 'tong bracelet na binili ko din para sa'yo kahapon. Peace offering ko din 'to. Thank you sa pagpapatuloy sa akin dito sa bahay niyo. See you later! Pumasok ka ah? Haha!

Inilapag ni Jin  ang bracelet sa ibabaw ng note at lumabas na siya sa kwarto dala ang kanyang bag. Pagkatapos ay pinuntahan niya si Mr. Jill sa quarters malapit sa dining area. Kinatok niya ang pinto at agad naman itong bumukas. Habang nakatayo lang siya, nakita niya si Mr. Jill na nag bukas ng pinto at tila kagigising lang.

"Sir Jin, uuwi ka na ba?"

"Opo Mr. Jill, sabi po ni Chris puntahan ko daw kayo."

"Oo, teka, papatawagin ko lang 'yung driver para ihatid ka pauwi."

"Sige po Mr. Jill, maraming salamat po"

Habang naghihintay sila sa driver na mag hahatid sa kanya, hindi na niya mapigilang mag tanong kay Mr. Jill tungkol kay Chris at sa nakita niya sa likod nito.

"Mr. Jill?"

"Bakit, Sir Jin?"

"Alam niyo po ba kung bakit maraming latay si Chris sa likod? Nakita ko po kasi kagabi kaso hindi niya sinabi sa akin kung bakit. Please po, pwede ko ba malaman?"

Medyo nag alangan si Mr. Jill kung sasabihin niya ba ito dahil ayaw niya mag alala si Jin masyado, ngunit, gusto niya rin na sabihin at the same time dahil pinagkakatiwalaan niya ito.

"Hmmm, 'wag mo na lang sasabihin kay Sir Chris na sinabi ko sa'yo?"

"Sige po, ako ang bahala."

"Nahuli kasi siya ng papa niya na uminom. Umuwi siya ng medyo gabi na nung isang araw."

Napalunok si Jin nang marinig niya ang sinabi ni Mr. Jill at namutla. 

Flash back

Date: April 3, 2020

Time: 11:45 P.M.

11:45 p.m. nang makauwi si Chris sa kanilang bahay noong gabi na nagtampo siya kay Jin. Pagkababa niya ng kotse ay agad siyang sinalubong ni Mr. Jill na tila kabadong-kabado.

"Sir Chris, bakit ngayon ka lang nakauwi? Maaga si Mr. A. nakauwi ng bahay at hinahanap ka!"

"Ha? Akala ko bukas pa siya uuwi?"

"'Yun din ang akala ko. Tara na at bilisan natin, baka mahuli ka ng papa mo!"

Pinamadali ni Mr. Jill si Chris para makapunta ito agad sa kwarto at hindi mahuli. Ngunit, pagpasok ng bahay ay nakita nila na nakaabang na at nakaupo si Mr. A sa sofa sa living room. Nang makita ni Chris ang kanyang papa na nakaupo sa sofa, napayuko na lamang siya at natakot nang makita niyang nakatingin sa kanya ito na nanlilisik ang mga mata. Lumapit siya dito upang magmano ngunit sinigawan siya nito agad.

"Chris!"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Chris nang sinigaw ni Mr. A. ang kanyang pangalan.

"Chris, saan ka galing? Ganitong oras ka ba umuuwi lagi 'pag wala ako?" seryosong tanong ni Mr. A. habang nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay Chris.

Hindi sumagot si Chris at nakayuko lang siya habang si Mr. Jill naman sa gilid niya ay napalunok at kinakabahang tinitignan ang kanyang alaga.

"Mr. Jill, saan nanggaling si Chris? Hindi mo ba 'yan binabantayan at ginabi na ng uwi?" galit na galit na tanong ni Mr. A.

"Pasensya na po Mr. A." Napayuko nalang din si Mr. Jill sa hiya at takot.

"Wala pong kasalanan si Mr. Jill, papa, 'wag mo po siyang tanungin." hirit ni Chris.

Tumayo bigla si Mr. A at dahan dahan niyang nilapitan si Chris. Pagkalapit niya sa kinatatayuan nina Chris at Mr. Jill, tila may naamoy siyang scent ng alak sa damit nito.  Hinawakan niya ang kwelyo ng long sleeves ni Chris at hinila ito papalapit sa kanya.

"Uminom ka?" sigaw ni Mr. A. 

Hindi parin sumasagot si Chris at nakayuko lamang siya.

"'Yan ba ang mga natutunan mo sa trabaho? Ang magbulakbol? Kailan ka nantutong uminom? Tinuruan ba kitang maging lasinggero?" patuloy na sigaw ni Mr. A.

Naluluha na si Chris ngunit pinipigilan niya ito at pinupunasan ang mga luha na malapit nang tumulo gamit ang kanyang kanang kamay, nang biglang hinablot ni Mr. A. ito. Wala siyang nagawa  at hinatak siya ni Mr. A. papunta sa kanyang kwarto. Sinundan sila ni Mr. Jill at takot na takot sa maaaring gagawin ni Mr. A., kaso wala rin siyang magawa dahil pinapangunahan siya ng pangamba. Nang makarating na ang mag-ama sa kwarto ni Chris, sinara ni Mr. A. ang pintuan. Hindi na nakita ni Mr. Jill ang sumunod na mga pangyayari ngunit inilapit niya ang kanyang ulo sa pinto upang marinig ang mga nagaganap sa loob ng kwarto.

Tinulak ni Mr. A. si Chris at nadapa ito sa sahig. Tinanggal niya ang kanyang belt at hinampas si Chris ng malakas sa likod. Sa labas naman ng kwarto ay naririnig ni Mr. Jill ang tunog ng belt nang tumama ito kay Chris at ang sigaw nito. Naiiyak siya sa mga nangyayari dahil naawa siya para dito ngunit wala siyang magawa. Habang hinahampas ni Mr. A. si Chris ng kanyang belt ay sinisigawan at pinapagalitan niya ito.

"Hindi ka na natuto! Lagi mo kong sinusuway! Ngayon naman marunong ka nang uminom? Sino nagturo sa'yo niyan! Sabihin mo sa akin!"

Hindi pa rin sumasagot si Chris habang iniinda ang sakit at hapdi na nararamdaman niya sa kanyang likod, kahit na namimilipit na siya sa sakit. Tinitiis niya ang sakit kaysa aminin ang totoo, dahil ayaw niyang mapahamak si Jin, na unang nagyaya sa kanya na uminom ng alak.

"Hindi ka sasagot? Malalaman ko rin kung 'yang walang modong tao na 'yan at kung ano-ano ang tinuturo sa'yo! 'Pag nalaman ko kung sino ito, ipapakita ko sa'yo kung anong kaya kong gawin sa kanya! Hindi mo na nga ako sinunod na kunin ang company natin, may gana ka pang magloko! Sino ka ba sa tingin mo! Kung hindi dahil sa akin, hindi gaganda ang buhay mo! Napakatalino mong bata pero wala kang silbi! Wala kang utang na loob!" patuloy na sigaw ni Mr. A., at tuloy tuloy lang ang kanyang paghahampas kay Chris na namimilipit na sa sakit, ngunit mas pinipili pa rin nito na hindi magsalita. 

Walang tigil ang paghahampas ni Mr. A. kay Chris hanggang sa namanhid at nawalan na ito ng malay dahil sa mga hampas na natamo nito. Nang napansin ni niya na nawalan na ng malay si Chris ay tumigil na rin siya. Sinuot niya na ang kanyang belt, ngunit galit na galit pa rin siya.

"Ayan! Para magtanda ka na 'wag kang magloloko! Sa susunod na ulitin mo 'yan, mas malala pa d'yan ang makukuha mo! Sinasayang mo ang talino monsa mga walang katuturang bagay!"

Umalis na si Mr. A. sa kwarto ni Chris at pinagsabihan niya si Mr. Jill na nakatayo sa labas na takot na takot sa mga nangyari.

"Mr. Jill, bantayan mo 'yang anak ko ng maigi! 'Wag kung sino sino ang kasama niyan. Ihiga mo na siya sa kama niya."

Nanginginig pa rin sa galit si Mr. A. nang kinausap niya si Mr. Jill, at tumungo na siya sa kanyang office room pagkatapos. Nang makaalis si Mr. A., ay agad na pumasok si Mr. Jill sa kwarto ni Chris at tiningnan niya ang likod nito.  Naawa siya ng labis nang makita niya na nagdudugo ito dahil sa tindi at tuloy-tuloy na paghahampas ni Mr. A.

Labis labis ang pagkalungkot ni Mr. Jill nang makita niya ang mga nagdudugo at namumulang latay sa likod ni Chris. Marahan niyang hinubad ang damit nito na punong puno ng dugo sa likod, pagkatapos ay nilinis niya muna ang likod nito at pinahiran ng gamot. Nang malinis niya na ang likod ni Chris at pahiran ng ointment, ay nilagyan niya na ito ng bandage, at dahan-dahang ihiniga sa kama.

Alas tres ng madaling araw nang biglang magising si Chris pagkatapos niyang mabawi ang lakas na nawala sa kanya. Minulat niya ang kanyang mga mata ng kaunti at nakita niya si Mr. Jill na nakaupo sa tabi ng kama niya na maigi siyang binabantayan.

"Sir Chris, Kamusta na ka na? Kamusta na ang pakiramdam mo?" nagaalalang tanong ni Mr. Jill.

Medyo nanghihina pa si Chris dahil sa natamo niyang mga hampas sa likod, at hindi pa gaanong makapagsalita ng maayos dahil nanghihina pa siya.

"O-okay lang ako, Mr. Jill, matulog ka na po. 'Wag mo na ko bantayan."

"Hindi, Sir Chris, okay lang ako at babantayan ko na lang ikaw. Saan ka nga ba nanggaling?" mahinahong tanong ni Mr. Jill habang awang awa siya sa kalagayan ni Chris.

"Ako?" Napangiti na lang si Chris nang maalala niya na nakasama niya si Jin at nagulat si Mr. Jill nang makita nito ang kanyang ngiti, "Pumunta ako, sa kung saan ako magiging masaya." sagot ni Chris at pagkatapos ay muli siyang nakatulog ngunit may ngiti sa kanyang mga labi. 

Hinawakan ni Mr. Jill ang mga kamay ni Chris at labis ang kanyang mga ngiti na may kasamang luha sa mga mata na gusto nang kumawala. "Kung saan man 'yun, tingin ko ay talagang masaya si Sir Chris. Hindi niya ininda 'yung mga sakit na natamo niya. Isa lang ang ibig sabihin nito, natagpuan na niya kung saan siya magiging masaya. Ano o sino kaya ito?"

Bagamat naawa si Mr. Jill para sa kalagayan ni Chris, kasabay nito ay  natutuwa rin siya dahil nakita niya na nakangiti nang makatulog ito. Ito ang unang beses na nakita niya ang mga ngiti na nawala kay Chris sa loob ng matagal na panahon, kaya naman gumaan ang loob niyang nababagabag at patuloy itong binantayan.

Muling nagising si Chris dahil medyo namimilipit sa sakit ang kanyang likod. Kinuha niya ang kanyang phone na nasa tabi ng unan niya at tiningnan ang oras.

"4:30 a.m. na pala. Gusto ko sana kausapin si Jin kaso baka tulog pa siya." mahinang pagkakasabi ni Chris at inoffline muna niya ang kanyang messenger sa phone. "Hindi ko na kaya ang sakit. Hindi na siguro ako makakapasok ngayong araw. Hindi ko rin pwede sabihin kay Jin kung bakit."

Dahil nakita niyang nakatulog na si Mr. Jill sa pagbabantay sa kanya, marahang tumayo si Chris mula sa kanyang kama habang tinitiis ang sakit sa kanyang likod sa bawat galaw. Uminom muna siya ng tubig sa kanyang mini ref sa kwarto at pagkatapos ay muli siyang humiga sa kanyang kama at nagpahinga na lang. Habang nagpapahinga si Chris, naalala niya na naman ang ginawang pag parusa ni Mr. A. sa kanya kaya nagsimula na namang maluha si Chris. Ngunit, sa isang banda, bigla niyang naalala ang mga ngiti ni Jin na siyang nagbibigay ng lakas ng loob sa kanya. Dahan dahang ipinikit ni Chris ang kanyang mga mata, pinunasan ang mga luha na tumutulo at nakangiti siya nang makatulog muli.

Door squeaking.

Sumikat na ang araw ngunit tulog pa rin si Chris hanggang ngayon dahil sa nanghihina pa siya. Habang mahimbing siyang natutulog sa kanyang kama, pumasok si Mr. A sa kwarto niya.

Lumapit si Mr. A sa pwesto ni Chris upang tingnan ang lagay nito. Hinipo niya ang forehead nito, at tiningnan kung mainit dahil nakikita niya na hindi maganda ang lagay at pakiramdam ng kanyang anak. Ngunit nang naramdaman niya na normal lang ang temperature nito ay marahan niyang hinaplos ang buhok nito. Habang hinahaplos niya ang buhok ni Chris, nakita niya na nagriring ang phone na nasa tabi ng unan na hinihigaan nito, at may tumatawag. Hinayaan lang niya ito hanggang sa tumigil na rin ang pag ring ng phone.

Itinigil na ni Mr. A ang pag haplos sa buhok ni Chris nang muli na namang nag ring ang phone nito. Kinuha niya ang phone at tiningnan ang pangalan nang tumatawag.

"Jin T. Hmmm? Malamang, siya nga 'to. Hindi ko papapasukin si Chris at ayokong mag-usap kayo." Mahinahong sinabi ni Mr. A. ngunit may galit sa kanyang puso. Nang makita niya ang pangalan, ay hinayaan niya lang na mag ring ang phone hanggang sa tumigil ito. Nang tumigil na ang pag ring, ay pinatay niya ang phone ni Chris at inilapag sa tabi ng unan ni Chris, dahil ayaw niya na magising ito at ayaw niya na rin ito pumasok pa. Lumabas na rin  siya pagkatapos niyang puntahan si Chris at hinayaan na ito matulog ulit.

End of Flashback

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Nang marinig ni Jin ang kwento ni Mr. Jill tungkol sa nangyari kay Chris noong isang gabi, bigla siyang nakaramdam ng matinding guilt sa sarili at kasabay noon, takot mula kay Mr. A.

"Patay! Wanted na ko sa tatay ni Chris! Kilala niya na kaya ako? Si Jin tanda ang may kasalanan dahil siya ang nagyaya! Kaso iisa lang pala kami, so technically parang ako din talaga ang may kasalanan! Sorry na Chris, grabe ang laki na ng kasalanan ko sayo." nasa isip ni Jin. Napagtanto niya na siya pala ang may dahilan kung bakit nagkaroon ng mga latay sa likod at kung bakit nadumihan ang makinis na balat ni Chris, at siya rin ang may dahilan bakit hindi ito nakapasok. At ang huli, siya  ang dahilan kung bakit ito pinarusahan.

Gustong akuin ni Jin ang kasalanang ito at hindi dapat si Chris ang naparusahan. "Hindi niya deserve ang mahirapan ng ganito." nasa isip ni Jin. "Mr. Jill, pasensya na po kayo. Hindi ko po sinasadya at hindi ko alam na ganito 'yung mangyayari. Ako po 'yung dahilan kaya napagalitan si Chris. Ako po yung kasama niya noong gabi na 'yun. Kung may mapaparusahan man, ako po dapat 'yun."

"Sir Jin, hayaan mo na. Nangyari na, at saka, 'yung gabi na nakita ko si sir Chris, kitang kita ko sa mga mata niya na hindi siya nagsisisi sa ginawa niya kahit nararamdaman niya 'yung sakit. Mas nananaig 'yung pagiging masaya niya at hindi ka sinumbong sa papa niya. Isa lang ang ibig sabihin nito. Pinoprotektahan ka niya at hindi ka gustong mapahamak ni Sir Chris. Kaya hayaan muna natin siya. Wag ka mag alala, nandito ako para alalayan siya at alam ko 'pag nasa labas siya, ay nandiyan ka naman para sa kanya 'pag wala ako. Kaya kampante ako na makakayanan niya ito."

Gustong pagaanin ni Jin ang loob niya pero hindi niya ito magawa. Naiisip niya pa rin siya ang dahilan sa paghihirap na dinanas ni Chris. Biglang dumating ang driver sa quarters upang sunduin na siya nang matapos silang makapag-usap ni Mr. Jill.

"Oh nandito na pala ang driver. Sige na Sir Jin, para makauwi ka na."

"Sige po, thank you, Mr. Jill at sorry din po. Pakisabi kay Chris pag gising niya, na nakauwi na po ako."

"Sige, mag ingat ka. Ay, oo nga pala bago ko makalimutan, pahingi ako ng number mo para macocontact kita."

Kinuha ni Jin ang kanyang phone sa bulsa ng shorts at sinend kay Mr. Jill ang kanyang number, at ganoon rin naman ang ginawa ni Mr. Jill. Pagkatapos nilang makapag-palitan ng mga contact numbers, nagpaalam na siya at tumungo na sila ng driver sa kotse ni Chris upang ihatid siya  pauwi sa kanyang bahay.

6 a.m. nang makarating si Jin sa tapat ng pinto ng kanyang bahay. Pagpasok niya ay nakita niya si Jon  na nakaupo lamang sa sofa at nagbabasa ng article sa phone. Naglakad na siya patungo sa kwarto nang biglang humirit at nang-asar si Jon. Tumayo ito at lumapit sa kanyang tabi, pagkatapos ay hinaplos nito ang tela ng t-shirt na suot niya na galing kay Chris.

"Wow wow wow! Ang ganda naman ng damit mo! Mahal yan ah? Saan mo binili? Na-arbor mo?" pabirong sinabi ni Jon.

"Bigay 'to ni Chris sa akin. At saka, alam mo ikaw? Grrrr! Dahil sayo, sige sa atin, kaya hindi nakapasok si Chris!" naiinis na sinabi ni Jin.

"Bakit? Anong ginawa natin?"

"Pinagalitan siya ng papa niya! Nalaman na uminom siya!"

"Tsk! Anong ginawa sa kanya?" nag aalala na tanong ni Jon.

Kinuwento ni Jin  ang mga pangyayari pagkatapos noong gabing uminom sila sa Jinny's Resto bar, at kitang kita ang pag aalala ni Jon nang malaman niya ito.

"Hindi ko naman alam na gano'n pala mangyayari. Pero kung hindi mo kasi siya inaway." mahinong sagot ni Jon ngunit sa mga mata niya ay labis ang pag aalala niya.

"Eh kung 'di ka nagyaya na mag dinner sa labas at uminom! Hayaan mo na nga! Nangyari na!" naiinis na sagot ni Jin.

"Tsk! Pero, si Mr. A., ano nangyari sa kanya? Anong sabi niya?" Tila nangamba bigla si Jon dahil kay Mr. A.

"Sabi sa akin ni Mr. Jill, gusto malaman ni Mr. A. kung bakit natuto uminom si Chris."

"'Wag na 'wag ka magpapakita kay Mr. A., tandaan mo 'yan. Tapos, si Mr. Jill, pahingi ako ng number niya. 'Wag ka mag-alala, hindi ko siya tatawagan, basta pahingi ako ng number niya."

Kinuha muli ni Jin ang kanyang phone sa bulsa at sinend kay Jon ang number ni Mr. Jill.

"Talagang hindi ako magpapakita dun! Gusto mo ba ko mamatay? Pag ako namatay, maglalaho ka rin!" pabirong sinabi ni Jin.

Hindi na nagsalita si Jon at tila malalim ang iniisip nito. Nakatingin lang ito sa kanyang phone nang matanggap nito ang number ni Mr. Jill.

"Ano kaya ang iniisip nitong matandang ito?" nasa isip ni Jin habang tinitingnan niya ang reaction ni Jon.

"Hindi maganda  itong nangyayari. Wala akong natandaan na pinarusahan si Chris ng papa niya at walang ganitong nangyari noon! Patay! Baka nababago ko na naman ang mga pangyayari!" nasa isip ni Jon. Napagtanto niya na hindi muna siya gagawa ng kung ano-anong bagay dahil baka maapektuhan siya at si Chris. Alam niya na rin na sa mga oras na ito, na wanted na ang batang Jin sa mga mata ni Mr. A. 

Habang malalim na ang iniisip ni Jon dahil sa mga unexpected turn of events, tinapik siya ng batang Jin sa kanyang ulo ng mahina.

"Huy! Anong iniisip mo dyan ha? Magluto ka na nga ng breakfast natin! Kasalanan mo talaga 'to! Wanted na ko sa papa ni Chris! Buti nakalabas pa ko ng bahay nila!" hirit ni Jin.

"Nakita ka ba ni Mr. A?" nag aalalang tanong ni Jon.

"Hindi! Buti nga hindi kami nagkita kahit nandoon siya!" natatawang sagot ni Jin.

"Good. Sige na, mag ayos ka na at ako na bahala dito. Tawagin na lang kita pag nakahanda na yung breakfast."

Napalagay ang loob ni Jon  nang malaman na hindi pa nagtatagpo ang dalawa. Ayaw niya mangyari 'yun, dahil kapag nagkataon, hindi niya na alam kung anong pwedeng mangyari sa kanilang dalawa ng batang Jin.

Pumasok na rin si Jin sa kwarto at si Jon naman ay nakatayo pa rin, nag-iisip at nag aalala sa maaaring mangyari pa na hindi maganda. 20 seconds pa lang ang nakakalipas, biglang bumukas ang pinto ng kwarto at muling lumabas si Jin at may inabot sa kanya.

"Oh! Kahit na masama ka sa akin madalas, sa'yo na 'to." Kinuha ni Jin ang kanang kamay niya at may inabot ito na kulay green na bracelet na may nakalagay na 'Jin T.' Souvenir mo galing sa akin! Nilagay ko ang "Jin T" short for Jin Tanda, para naman maalala mo na nanggaling ka dito at kung gaano ako kabait sa'yo kahit masama ka sa akin, pagbalik mo sa tunay mong oras!"

Natuwa si Jon nang makita ang binigay nitong bracelet dahil matagal na niyang gusto magkaroon nito.

"Hala! Gustong gusto ko ng ganito, kaso hindi ako nakabili. Salamat!"

Habang pinagmamasdan ni Jon ang bracelet na bigay ng batang Jin, bigla itong nagtanong sa kanya.

"Oo nga pala, nagawa mo na ba yung mission mo tsaka kailan ka nga ba babalik sa tunay mong oras?"

Nagpalusot muli si Jon dahil hindi niya pwedeng sabihin kay Jin na matagal pa siyang mananatili sa panahon nito at hindi  rin maaaring sabihin na hindi niya pa nagagawa ang mission kay Chris.

"Ahhh, yung mission ko? Basta ako na bahala doon. Malapit na matapos at sabi ko nga sa'yo, gigising ka na lang isang araw wala na ko! 'Wag ka nga mag madali dyan! Sige ka, wala nang mag-aayos ng breakfast mo at mag-lilinis ng bahay mo pag umalis ako!"

"Hmmp! Bahala ka nga d'yan. Babalik na nga ko sa kwarto ko! Magluto ka na nga!"

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Nasa office na si Jin at nakaupo na siya sa kanyang desk habang pasulyap sulyap siya sa pintuan kung paparating na si Chris dahil hindi pa ito dumarating.

"Papasok kaya to si Chris? Oo, siguro papasok 'yun! Sabi niya sa akin, Isa pa, malalagot—"

Naputol ang nais sabihin ni Jin nang may boses na biglang sumingit.

"Malalagot ka sa akin! Oh ano na Jin? Ano nangyari kagabi sa inyo ni Chris? And wala pa siya ah? 'Pag  hindi siya nakapasok before 9:30, humanda ka na. Hihihi!" nakangiting hirit ni Jade, ngunit isang nakakatakot na ngiti na tila may kakaibang binabalak.

Nagulat si Jin at biglang sumulpot si Jade dahil wala pa ito kanina noong pumasok siya at hindi niya pa ito katabi.

"Ay, Ms. Jade, nand'yan na po pala ikaw! Okay naman po kagabi at saka papasok daw po siya ngayon sabi niya."

"Sureness ka d'yan ah? Oh ano naman ginawa niyo kagabi?" curious na tanong ni Jade. Umupo siya sa kanyang swivel chair sa kanyang pwesto at lumapit ng kaunti kay Jin para mangalap ng balita na kanyang hinihintay.

"Hmmm. Wala lang po. Tabi lang po kami natulog. 'Yun lang."

"Waaaaaaaaahhhhhhhh!" Biglang tumili si Jade sa sobra nitong kilig at pinalo-palo niya ang desk na umagaw naman sa attention ng mga nasa paligid nila, pero hindi niya pinansin at kinausap ulit si Jin  ngunit hininaan niya na ang kanyang boses. "Tapos? Noong magkatabi kayo, naghawak ba kayo ng kamay?" kinikilig na tanong ni Jade.

Naalala  ni Jin na hinawakan niya ang kamay ni Chris ngunit hindi niya ito sinabi kay Jade, dahil ang nasa isip niya ay  baka kung ano-ano na naman ang isipin nito sa kanya.

"Umm. Hindi po Ms. Jade, tabi lang kami natulog. 'Yun lang po at wala kaming ibang ginawa." Hindi makatingin ng diretso si Jin kay Jade nang sinabi niya ito.  

Nanliit ang mga mata ni Jade habang nakatingin siya kay Jin, dahil alam niya na may tinatatago ito.

"Yung totoo, Jin, ba't hindi ka makatingin sa akin? Nako nako! Sige, sabihin na natin na natulog lang kayo AT walang nangyari 'Allegedly', kahit man lang aksidenteng touch, wala rin?"

"Wala po."

"Hmmmp! 'Wag mo nga ko niloloko, Jin!"

"Opo, totoo po."

"Sigurado ka d'yan ah? Dahil itatanong ko 'yan kay Chris!"

Napalunok si Jin dahil alam niya na hindi magaling magsinungaling si Chris.

"Kay Chris po?" nag aalalang tanong ni Jin at tila bigla siyang kinabahan.

"Oo, ayun oh, 'yung cutie mong 'Friend' na kakapasok lang ng room natin!"

Tinignan ni Jin ang pintuan at nakita nga niya si Chris na naglalakad papunta na sa desk nito. Nakita niya rin na suot ni Chris ang bracelet na ibinigay niya, na siyang ikinatuwa naman niya. Ngunit, sa isang banda, hindi na rin alam ni Jin  ang mararamdaman sa puntong ito kung tuwa dahil pumasok si Chris at nakita niya ito, o takot dahil baka mabuko siya ni Jade. Nang makaupo si Chris ay tumayo bigla si Jade.

"Humanda ka Jin! Malalaman ko ang totoo." pananakot ni Jade. 

Natatakot at kinakabahan na si Jin dahil alam niya na maaaring mabuko siya ni Jade at kung ano-ano na naman ang isipin sa kanilang dalawa.

Habang papalapit ng papalapit si Jade sa pwesto ni Chris, ay siya naman ang pagbilis ng tibok ng puso ni Jin at kabadong kabado ito. Nang makalapit na si Jade kay Chris, tumayo siya sa tabi nito at nagpakilala.

"Hi, Chris! Ako pala si Ms. Jade, ako yung katabing senior nung  hottie mong 'Friend' na si Jin. Ayun oh, yung poging pogi nating employee!" pakilala ni Jade kay Chris habang tinuturo niya si Jin na siyang nanonood lamang sa malayo at kabadong kabado.

"Ay hello po Ms. Jade. Ano po 'yun? May maitutulong po ba ako?"

"Actually, oo. Kasi—"

Habang nag-uusap si Jade at si Chris, ay pinapanood sila ni Jin. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa, ngunit sumesenyas siya kay Chris upang mapansin siya nito.

Umupo si Jade sa upuan ni Mike, ang katabing senior ni Chris sa pwesto, dahil wala pa ito at kinausap niya ulit si Chris.

"Kasi, may itatanong ako sa'yo. Pero wag ka magugulat sa itatanong ko ah?"

"Sige po, ano po yun?"

"May something ba sa inyo ni Jin?" kinikilig na tanong ni Jade.

Nanlaki ang mga mata ni Chris nang marinig niya ang biglaang tanong ni Jade. Si Jin naman ay nagtataka na at pinapawisan kahit napakalamig sa loob ng room, dahil nakita niya na parang nagulat si Chris sa paguusap nila Jade.

"Ano pong ibig niyong sabihin na kung may something sa amin ni Jin, Ms. Jade?" naiilang na sagot ni Chris.

"Alam mo na, don't worry, secret lang natin. Hihihi!"

"Friends lang po kami ni Jin."

"Friends... with?"

"Friends lang po talaga, wala na pong iba."

"Sureness?" medyo malungkot na tono ni Jade.

"Opo Ms. Jade. Isa pa, hindi ko po alam kung sino talaga ang gusto ni Jin." nahihiyang sagot ni Chris

"Ay oh? Hindi mo talaga alam? Weehh!"

Nagtinginan ang dalawa kay Jin  na siyang ipinagtaka naman nito kung ano na ang pinag-uusapan ng dalawa.  Iniisip niya na lagot na siya sa mga oras na ito dahil baka alam na ni Jade ang buong katotohanan noong gabi na magkatabi sila ni Chris sa kama. Habang pinapanood ni Jin ang dalawa mag-usap, ay hindi niya alam na ibang topic ang pinag-uusapan ni Jade at Chris. Ang buong akala niya, pinag-uusapan ng dalawa ang tungkol sa nangyari na magkatabi silang dalawa sa kwarto ni Chris.

"Pero ikaw, Chris, sinong gusto mo?"

"Ummmm." nahihiyang sagot ni Chris at medyo namumula na ang kanyang mukha.

"Sige, 'wag mo na sabihin ang name niya at baka may makarinig. Pero, safe ka sa akin kasi support ko kayo ni Jin! Tutulungan kita na marealize niya na ikaw talaga ang mahal niya! Hihihi!"

"Hala! Ms. Jade, hindi po, at saka baka mamaya magalit pa si Jin."

"Alam mo Chris, nakikita ko sa mga mata mo. Nakikita ko na iba yung shine nito pag nakatingin ka kay Jin. Tingnan mo siya, dali dali!"

Tumingin naman si Chris kay Jin  habang pinagmamasdan siya ni Jade. Ang mga tingin ni Chris ay tila nangungulila at nangungusap na gusto niya ulit makatabi at makasama si Jin. At ang mga mata na labis na humahanga sa angking kagwapuhan nito. Habang si Jin  naman ay nagtataka at kinakabahan dahil matagal tagal na ang pag-uusap ng dalawa. Nasa isip niya na baka wala na siyang mukhang ihaharap sa office. Nagtataka na rin siya dahil tinitingnan siya ni Chris sa malayo.

Pagkatapos pag masdan ni Chris si Jin, ay bumalik ulit siya ng tingin kay Jade.

"Nako, Chris, iba talaga yung tingin mo kay Jin! Pati ako nararamdaman ko yung feeling na gustong gusto mo siya makasama!"

Nagulat si Chris at iniisip na baka nababasa ni Jade ang kanyang mga mata. Iniisip niya kung nahahalata ba siya nito sa mga kilos niya, o sa tingin lang.

"Pero hayaan na lang po natin siguro si Jin na magpasya kung sinong pipiliin niya po, Ms. Jade. Susuportahan ko na lang po yung magiging desisyon niya."

"No! Chris, Hindi pwede! Iba na ang mundo ngayon! Lumaban ka! 'Wag ka magstay sa susuportahan ko na lang siya, ganito gan'yan. Nako, Paano ka naman? Hahayaan mo ang sarili mo na masaktan? Makita mo na masaya 'yung taong gusto mo na masaya sa iba? Sige sabihin natin na sabi mo masaya ka na makita siyang masaya. Oo point taken, pero makita siyang masaya sa piling ng iba? Ibang usapan yan, Chris. Nandito ako! Lalaban tayo! Para sa pagmamahalan niyo ni Jin!" buong loob na pagkakasabi ni Jade at tila gagawin niya ang lahat para sa pagmamahalan ng dalawa.

Napaisip si Chris sa sinabi ni Jade at narealize niya na totoo ang mga binanggit nito. Alam niya na masasaktan siya kahit makita niyang masaya si Jin sa piling ng iba.

"Oh sige na, Chris, babalik na ulit ako sa desk ko ah? Pag may kailangan ka puntahan mo lang ako. Kasi si Mike, nako walang kwenta 'yan! Sa akin ka pumunta, and update mo ko lagi sa mangyayari sa inyo ni Jin ah?" Tumayo na si Jade at biglang napatingin sa bracelet na suot ni Chris na nakita niya rin kay Jin. Tinuro niya ito at inasar si Chris, "Wow ang cute naman! Couple bracelet? Hihihi! O siya!"

Tiningnan ni Chris ang bracelet na suot niya na bigay ni Jin at nangiti siya. Biglang siyang kinilig nang sinabi ni Jade na couple bracelet ito dahil parehas silang dalawa na may suot nito.

"Sige po Ms. Jade  Thank you po!"

Bumalik na si Jade sa kanyang desk at tinitingnan niya si Jin na tila pinapakita niya na may alam siya tungkol sa nangyari kagabi, kahit wala naman talaga at inaasar niya lang ito. Labis na ang pagtataka ni Jin sa kung anong pinag-usapan ng dalawa. Iniisip niya kung mag so-sorry ba siya dahil baka isipin ni Jade na sinungaling siya. Pero, bigla niyang naisip na aminin na lang ang totoo at sabihin na hindi niya sinasadya ang mga nangyari noong isang gabi na magkasama sila ni Chris.

Lingid sa kaalaman ni Jin  ay akala niya na pinag-usapan nila Jade at Chris ang tungkol sa kagabi at akala niya ay inalam talaga ni Jade ang nangyari. Umupo na si Jade sa kanyang swivel chair, nang biglang nagsalita si Jin.

"Ms. Jade, sorry po! Nagsinungaling ako! Pero hindi ko po talaga sinasadya 'yung nangyari kagabi. Napausog lang ako ng kaunti at aksidente ko lang nahawakan 'yung kamay ni Chris. Kaso sa sobrang lambot ng kamay niya, narelax ako at biglang nakatulog. Ayan po talaga ang totoong nangyari!"

Nang marinig ni Jade ang sinabi ni Jin, bigla na lamang siyang napatili na siya namang kumuha ng attention ng lahat ng nasa Operations Room.

"Waaaaaahhhhhhhhh!"

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Jade's POV

I, Jade Reyes, at this point of my life never expected na aamin si Jin!

"O.M.G!"

Plano ko lang naman siyang asarin, pero hindi ko inexpect na siya mismo ang magsasabi ng totoo! Sinasabi ko na nga ba, wala talagang secrets na hindi mabubunyag! Isa talagang 'Denial King' si Jin! Point goes to Jade!

Kahit sa ganoong very little encounter nilang dalawa, sobra na akong kinilig! Sino ba namang hindi kikiligin if may little moments silang dalawa? 'Yung isa, denial king and then 'yung isa naman masyadong takot na takot na baka reject siya! Anyway, alam ko na pareho silang may feelings sa isa't isa, hindi lang matanggap pa ni Jin for now at hindi pa rin ready si Chris na mas maging matapang.

"But don't worry my babies, I'll make you two realize na you are meant for each other!"

Dahil marami na ang nakatingin sa akin, umupo na ako ulit at lumapit kay Jin para asarin ko siya.

"Sinasabi ko na nga ba! Imposibleng walang mangyayari sa inyong dalawa, lalo na magkatabi kayo sa kama 'no!"

"Promise po Ms. Jade, 'yun lang talaga. Hanggang sa kamay lang po."

"Oo Jin, naniniwala ako. Take it slow lang and 'wag mo mamadaliin si Chris. Dahan dahan ka lang. Hihihi!"

"Pero Ms. Jade, hindi po kami ni Chris."

"Oo alam ko, hindi pa kayo, for now! Dadating ang araw na malalaman ko na kayo na. Sa'yo manggagaling at sa'yo ko malalaman, tandaan mo 'yan!"

Napa facepalm na lang si Jin sa harap ko because he knows that wala na siyang magagawa. Haha! "Mark my words, Jin, one of these days, susuko ka rin at aaminin mo sa akin na may feelings ka kay Chris!"

After ko asarin si Sexy baby boy, humarap na ako sa aking  desk para gawin ang aking daily routine bago mag work, ang mag makeup para presentable! Mas gusto ko ayusin ang sarili ko 'pag nasa office para hindi ko na kailangan mag retouch pa kung sa bahay ako mag aayos ng face ko.

Hinayaan ko na muna si Jin dahil maaga pa naman at hindi pa start ng shift namin, so mamaya ko na siya papagawin ng mga tasks. Habang nagsusuklay ako, biglang tumayo si Jin at nilapitan niya si Chris sa desk nito para kausapin. Hindi ko masyadong marinig ang pinag-uusapan nila, so I'll try to read their lips sa kung anong pinag uusapan nila. 

So unang nagsalita si Jin and ang sabi niya, "Chris, kamusta na yung likod mo? Masakit pa ba?"

"Oh no! Anong likod ang sinasabi ni Sexy baby boy?  O.M.G.! Is it the Bubble 'B' ni cutie baby boy?" So patuloy akong nag lip reading and next naman si Chris. Buti na lang tumingin siya kay Jin at nakikita ko kung ano ang galaw ng mga lips niya. Ang sabi naman ni Chris ay "Ahh, Medyo masakit na lang. Pero kapag naglalakad ako, may hapdi."

"Oh my! Ang akala ko nag hold hands lang sila? Bakit parang they did the "S" word? Jin and Chris! Very naughty talaga kayo!" Nagsalita na si Jin and tiningnan ko kung anong sasabihin niya, pero nakakagulat! O.M.

Jin said, "Sigurado ka ah? Pag kumikirot sabihin mo sa akin, sasamahan kita sa clinic. O kaya, mamaya ako na lang ulit magpapahid ng ointment kasi mahihirapan ka kung ikaw ang maglalagay mag isa, okay ba?"

"I can't take it anymore! Kinikilig ako na naeexcite! 'Wag dito sa office please! Gawin niyo 'yan privately or sa bahay niyo! Ano, kink niyo ang office? My gosh!" Pinupukpok ko na ang desk ko dahil hindi ko kinakaya ang pag-uusap nila! Grabe, feeling ko malapit na ako mag hyperventilate sa mga nalalaman ko sa kanilang dalawa!

 Inabangan ko kung papayag ba si Chris na pahiran siya ni Jin ng ointment sa "A" word niya! Ang sabi ni Chris, "Sige, Jin, kaso dahan dahan lang, medyo makirot kasi. Thank you!"

"Please oh please! Chris and Jin! Hindi ko alam na ganito kayo ka-naughty dalawa! Saan kaya nila gagawin 'yun dito sa office? Hahaha!"

Habang nag-uusap lang ang dalawang baby boys, biglang dumating si Mike and tumayo sa tabi nila. So, kinausap ni Mike si Chris and ang sabi niya, "Oh, Chris, nandito ka na pala. Tamang tama, may mga gagawin tayo mamaya."

"So anong ipapagawa mo sa kanya, Mike? 'Wag mong ipapahamak ang baby ko! Hmmp!" Hahawakan na dapat ni Mike ang likod ni Chris nang biglang pinigilan siya ni Jin! "Is this for real? Grabe! Super possessive pala ni Jin! Pati likod ni Chris ayaw niya pahawak! Hihihi! Nakakakilig!" Napansin ko na nagulat si Mike, pero nakangiti pa rin siya nang tinanong niya si Jin, and Mike said, "Oh, bakit Jin? Ayaw mo bang hawakan ko si Chris?"

"This is it! Ayaw ni Jin ipahawak si Chris kahit kanino! I really can't take it anymore but this is sooo satisfying to watch! Para akong nanonood ng Live BL series!" Napa-smash na naman ako sa desk ko at nasobrahan ata ang pagkakalakas sa pagsigaw ko kaya napatingin sina Jin sa akin. So I acted like nothing was going on and nag focus lang ako sa pag make-up, but deep inside, sumisigaw na ang buong kaluluwa ko sa kilig.

After a while, nang mapansin ko na hindi na sila nakatingin sa akin, pinanood ko ulit ang scene nilang tatlo. So nagsalita na si Jin and he said, "Ay hindi po, Sir Mike, hehe! Hindi pa po kasi magaling yung likod ni Chris. Baka po masagi yung sugat niya sa likod"

"Awww! Jin is so caring para kay Chris. Ayaw niyang nasasaktan siya after they did it. That's how "Tops" are supposed to be! So take note sa kung sino ang makakakita nito! As you should!" 

At nagreply na si Mike and he said, "Ay gano'n ba? Sorry sorry! Hindi ko alam." And instead na hawakan niya si Chris sa likod, he touched and caressed Chris' hair!

"Did he just— No he didn't! This is insane…and intense!"

I looked at Jin and mukhang he's annoyed. I do get him, though. Sino ba namang hindi maiinis kung may humahawak sa hair ng soon-to-be boyfriend mo! Parang hindi ko na kayang kumalma sa mga nakikita ko, pero as much as possible, I need to calm down!

I also looked at Chris para makita ko kung ano 'yung reaction niya habang Mike is caressing his hair. I can sense na medyo naiilang si Chris because of the way he looks at Mike. Pilit ang ngiti niya and I know the differences of what a genuine smile is and sa hindi. Pero at the back of my head, gusto ko i-cheer si Mike na ituloy ang ginagawa niya to provoke Jin! Hahaha!

In this case, magiging third party si Mike? Oh no! Hindi pwede! Baka ma-fall si Chris sa kanya, pero sana hindi. It's a 'NO' for me! Pero gusto ko lang na napo-provoke si Jin, but not to the extent na mag aaway sila ni Mike!

Tuloy pa rin ako sa pag spy sa kanila and I think niyayaya ni Jin si Chris na pumunta sa labas. "What for? Dahil kay Mike?" Si Jin na ang nagpaalam kay Mike kaya he stopped caressing Chris' hair. Tumayo na si Chris and bigla siyang inakbayan ni Jin. Nag-uusap silang dalawa and I'm trying to catch up and read their lips. But, sad to say, nakatalikod na sila sa akin and hindi ko na nalaman ang pinag-uusapan nila bago sila makalabas ng office.

But from this day on, I will make sure na Jin and Chris will get what they deserve! I want to see them na maging happy without worrying. Binibiro ko silang dalawa paminsan-minsan, or sige lagi, but naaawa ako para sa kanilang dalawa. It's really hard to suppress your feelings, and it pains me to see na sa mundong ito, hindi nila kayang maging true sa nararamdaman nila.

So, I, Jade Reyes, will make an oath, na I will always make a way, and pave the way para sa mga katulad nina Chris and Jin, na wag matakot. But, I'll need someone! Kailangan ko ng magiging katuwang. Huhuhu! But who?

Sighs!

For now, ako muna, until makakita ako ng magiging kasama ko sa kilig! Hihihi!

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Habang seryoso na ginagawa ni Jin ang kanyang mga tasks, ay biglang kumalam ang tiyan niya. Tiningnan niya ang oras at napansin na 11:55 a.m. na at malapit na mag lunch. Kaya naman, tumayo na siya at pinuntahan si Chris para yayain.

"Chris, tara lunch na! Sasabay daw sina Rjay at Luna sa atin."

"Okay! Ay, oo nga pala, bibili ka ba ng food sa cafeteria? Hindi pala na-iabot sayo ni Mr. Jill yung food kanina kaya dinala ko."

"Ay! Sakto! Bibili dapat ako! Nice makakatipid ako ngayong araw!"

Kinuha na ni Jin ang food na bigay sa kanya, at binuhat niya na rin ang dalang food ni Chris. Pagdating nila sa cafeteria ay nandoon na naghihintay at nakaupo sina Rjay at Luna sa isang table. Pagkalapit nila sa table, biglang humirit si Luna.

"Ang tagal ahh! Kanina ko pa kayo hinihintay! Nako gutom na gutom na ko. Huhu!" sinabi ni Luna sa kanila habang nangingiyak na ito sa gutom

Si Rjay naman ay pinagmamasdan sina Jin at Chris, walang emosyon na pinapakita ngunit may nahahalata siya sa dalawa. Umupo na sina Jin at Chris na magkatabi habang kaharap naman nila sinan Rjay at Luna na magkatabi sa upuan. 

"Oh tara na Luna! Alam ko gutom na gutom ka na. Kumain na tayo!" sinabi ni Jin kay Luna.

Binuksan muna ni Jin ang food para kay Chris. Inayos niya ito at marahang inilagay sa harap ni Chris at binigay ang spoon and fork. Habang ginagawa niya 'yun ay pinagmamasdan lang siya ni Luna.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Luna's POV

"Wait a minute! Tama ba tong nakikita ko? Jin? Pinagsisilbihan mo ba si Chris?"

Nagulat ako kay Jin and Chris. I know na hindi sila super close kahit nasa isang circle of friends lang kami. I also know kung gaano ka-ilang si Chris kay Jin. "But look at them! Is this what I think it is? Are they finally close na? As in walang ilangan and such?"

Gusto ko makita silang dalawa na hindi na nagkaka-ilangan. Like, WTH, tropapips kaming apat pero para kaming nahahati madalas sa 3 is to 1. But if this is true and based on what I'm seeing, I can sense that something has changed. Something has changed within them! It's very light, positive, happy, bright and full of joy, habang tinitingnan ko sila ngayon, at this point, 12:03 p.m., sa cafeteria, table no. 12, floor 15!

This is the first time na inasikaso ni Jin si Chris. From what I know, pag lunch, wala ng sabi-sabi si Jin, basta andyan na ang food sa harap, kainan na! But what is this sorcery? Jin unpacking Chris' lunchbox and serving it for him? And look at Chris! Nakatingin lang siya kay Jin while unpacking his lunchbox and smiling like nasa heaven siya! "Jolina is that you?"

I know for a fact na ever since college, may gusto na si Chris kay Jin, and I'm totally fine with it! Mas gusto ko pa na mapunta si Chris kay Jin kaysa mapunta siya sa ibang girl or guy!

But Chris, he is like a fragile glass to me. So fragile na isang pitik mo lang, pwede agad mabasag. So I'm afraid at the same time na if he will continue to suppress his feelings for Jin, eventually, kakainin siya ng fear and rejection nito at siya ang matatalo sa dulo!

It's just that, hindi ko mabasa si Jin! I know he's straight and all, aaminin ko na din, super good looking si Jin and sa fact na I almost had a crush on him, but eventually I gave up since nasense ko na may gusto si Chris kay Jin and I respect that. Natatakot lang ako for Chris dahil what if one day, bigla na lang may ipakilala sa amin si Jin and huli na dahil hindi nakapagtapat ng feeling si Chris? He will be very devastated, and I will be too.

I just want what's best for Chris and kung anong magpapasaya sa kanya knowing his family background, pero hindi natin pwedeng pilitin si Jin kung hindi niya naman kayang ireciprocate and feelings ni Chris. Hindi niya din naman kasalanan na nagkagusto si Chris sa kanya, pero at some point, oo! Very misleading kasi si Jin! Akala mo super bait niya sa'yo, pero 'yun pala, ganoon lang talaga siya! So, if anyone na nakaranas nito kay Jin, I hope na hindi sila nasaktan nito  unintentionally, because he's just the most gentleman that you'll ever meet.

Anyway, sobrang haba na ng realizations ko, sa nakikita ko ngayon, this might be a step para mag open up si Chris. But how? Paano ko ipupush si Chris na aminin niya ang feelings niya and all? Hmmm. Kailangan ko ng partner in crime na makakatuwang ko, but who? Hindi naman pwede si Rjay, because— basta hindi pwede!

So ito na nga, talaga, for real! Tapos na mag unpack si Jin ng lunchbox ni Chris and nagsisimula na kami kumain. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, but I tried to make a joke out of it, para naman hindi masyadong seryoso muna for now, dahil baka magka-ilangan silang dalawa after nito. I looked at the both of them na super nanliit ang mga mata ko and they were like distracted for a second and I bursted out "I smell something fishy!" Tiningnan ko ang reaction muna ni Jin, and he looked so tense. "Why? Why do you need to be so tensed, Jin? Does it mean na may something ka for Chris? if wala, wala lang dapat sa'yo."

Habang pinagmamasdan ko si Jin, biglang may kinuha si Chris sa gitnang part ng table and he told us a not-so very funny joke.

"Sorry, Luna, baka itong fish sauce ata 'yung naaamoy mo." 

He was pouring a fish sauce on a small plate! Napakataba talaga ng utak ni Chris at ang bilis mag-isip! He was trying to save Jin, I know, but from what? May tinatago ba silang dalawa? Is there something going on na between them that we don't know?

"Chris! 'Yan ba ang natutunan mo kay Jin?" I bursted out of laughter, "Nako, pag lagi mo pala kasama si Jin, nagbabago ka ah?"

I was teasing Chris, not because of his lame joke, but I'm just so happy for him. Finally, I can sense na medyo nag change na siya for the better. Never nag joke or never kami ginanito, Chris, as in now lang!

"Eh bakit pinag buksan mo siya ng lunchbox, Jin?" Bigla kong natanong kay Jin na super tensed na. "Oh no, masyado ata akong nadala, I wasn't supposed to say that! But well, andito na, let's see what Jin would say." Tiningnan ko muna saglit si Rjay, kasi very quiet siya now, and he was just staring at the both of them. So I returned my focus to Jin and waited for his answer. I know mag-papalusot siya which is his defense mechanism.

"Ummm, Hindi. Dala ko kasi 'yung food niya, kaya binuksan ko na rin. Para isang bukasan na lang."

"'Didn't I tell you? You didn't listen to my told!' ika nga sa isang motto ng isang comedienne na favorite ko! Hahaha!

"Hmmmm..." I'm looking at Jin na nanliliit pa rin ang mata ko while he is still very tense and I said, "Okay! Relax, Jin! Bakit ka super tensed?" then I laughed.

"Luna, gusto mo ng sushi? Marami ako dito." Biglang humirit si Chris and out of nowhere. So ang attention ko ay biglang na-shift dahil nilabas ni Chris ang all-time favorite ko na sushi.

And there it is, I'm now focused sa pag kain ko sa sushi, and soon, alam ko mas magiging mas close pa sila kaysa ngayon. I just hope, hindi pa huli ang lahat para kay Chris. I jost hope na kung magkakaroon kami ng next drinking session, sana, it's not about heartbreak!

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

"Good job ka dyan Chris! Buti naisip mo 'yan! Na-divert tuloy yung iniisip ni Luna sa atin" nasa isip ni Jin at tila nakahinga siya ng maluwag nang tinigilan siya ni Luna. "Sa Operations room, si Ms. Jade pinaghihinalaan na ako tapos hanggang dito ba naman kay Luna? Sabi din niya, tensed daw ako kanina, ibig sabihin ba natatakot ako? Saan? Wala naman ako dapat ikatakot. Isa pa, bakit nga ba ako nagtatago o kinakabahan? Ito na naman ako, kung ano ano na naman ang iniisip ko." 

Habang kumakain silang apat, biglang nagsalita si Rjay.

"Parang lately nga Chris, nakikita ko na mas lagi ka ng nakangiti ah?" tanong ni Rjay kay Chris.

"Masaya lang ako kasi magkakasama tayong apat dito! Isa pa, gusto ko sana ganito lang tayo palagi apat." nakangiting sagot ni Chris.

Napangiti na lang sina Jin at Luna sagot ni Chris dahil hindi nila inakala na mas nagiging sentimental na ito sa friendship nilang apat.  Tinuloy na nila ang pag kain habang nagkukwentuhan. Pinagmamasdan ni Jin ang lahat ng kaibigan niya dahil naalala niya ang sinabi sa kanya ni Jon na hindi na sila gaanong magkakasama sa panahon niyo, kaya habang magkakasama pa sila, gusto niya i-cherish ang oras na ito dahil alam niya na darating ang araw na magkakahiwa-hiwalay din sila ng landas.

Habang patuloy silang kumakain, binibigyan ni Jin si Chris ng mga food na nasa lunch box niya na wala sa lunch box nito. Magkaibang set ang pinabaon ni Mr. Jill sa kanilang dalawa kaya nilalagyan niya ng maraming food ang lunch box ni Chris.

"Sandali, Jin, baka hindi ko kayanin lahat! Hindi ako katulad mo na malakas kumain." natatawang sinabi ni Chris habang binabalik niya kay Jin ang mga extrang food na hindi niya kayang ubusin sa lunch box.

"Kaya mo 'yan, Chris. Pag busog ka na, isipin mo nagugutom ka, gagana yan!" sagot ni Jin  habang patuloy na naglalagay ng food sa lunchbox ni Chris. Habang nag-bibiruan sila ni Chris, bigla siyang tinawag ni Rjay.

"Jin."

"Bakit, Rjay?"

"Free ka ba mamaya?"

"Mamaya? Hmmm. Ano ba gagawin?"

"Magpapasama sana ako sa grocery mamaya, balak ko kasi mag aral magluto. Eh alam ko na magaling ka sa mga ingredients at sa pagluluto. Pwede ka ba?"

"Hmmm, wala naman ako gagawin mamaya. Sige, sure!"

"Okay, hintayin na lang kita sa labas ng Office niyo mamaya, mauuna kasi kami palalabasin"

"Sige sige." Tiningnan ni Jin si Chris para yayain, "Baka gusto mo sumama, Chris?"

Sasagot na sana si Chris nang biglang nagsalita muli si Rjay.

"Baka hanapin siya ng papa niya mamaya, 'di ba Chris?"

Nakatingin lang si Jin kay Chris at hinihintay ang sagot nito.

"Oo nga pala, nasa bahay pala si Papa ngayon, baka hindi ako makasama Jin, sorry. Next time na lang." Nakangiting sagot sa ni Chris, ngunit sa loob niya ay malungkot siya.

"Pero mas okay na rin siguro, dahil baka ma-bingo kaming dalawa kay Mr. A at gulpihin na naman si Chris." pag aalala ni Jin sa isip niya. "Okay, sige, mamaya Rjay. Hintayin mo nalang ako sa tapat ng room namin." sagot ni Jin.

. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .

Nasa labas ng Operations Room si Rjay at nakatayo lamang habang hinihintay matapos ang shift ni Jin. Sinisilip niya si ito sa loob kung anong ginagawa nito nang biglang may kumausap sa kanya.

"Umm. cutie, may kailangan ka sa office namin? May sinisilip ka kasi." tanong ni Jade na kakarating lamang sa tapat ng Operations Room mula sa Cafeteria.

"May hinihintay lang po ako." sagot ni Rjay habang patuloy na sinisilip si Jin.

"Hmmm. Hindi ako masyadong familiar sa mukha mo, so ibig sabihin bago ka." tanong ni Jade at tiningnan siya ni Rjay, "Sinong hinihintay mo? Si Jin or si Chris?" dagdag ni Jade.

"Si Jin po. may pupuntahan kasi kami."

Biglang kuminang ang mga mata ni Jade dahil nasa isip niya, may bago na naman siyang maidadagdag sa BL story ni Jin at Chris. Biglang pumasok sa utak niya na kung si Mike ang "Third Party", ang lalaking kausap niya naman ang "Fourth Party".

"Anong name mo nga para masabi ko kay Jin?" tanong ni Jade habang nakangiti.

"Rjay." seryosong sagot ni Rjay.

Ngayon, kilala na ni Jade ang bagong character. Sa isang tingin pa lang niya, nahahalata niya na may gusto si Rjay kay Jin, dahil para sa kanya, "Wala namang cutie ang naghihintay pa sa isang cutie ng matagal at hindi kailangan silip-silipin." Ngunit, dahil gusto ni Jade ng drama at kakaibang scenes para mafullfil ang kanyang BL fantasy, nakaisip na naman siya ng gagawin.

"Okay, Rjay, sasabihin ko na lang kay Jin na nandito ka sa labas naghihintay."

"Thank you po Ms.?"

"The Cupid, Ms. Jade, ang name ko. Hihi!"

"Thank you po, The Cupid, Ms. Jade." seryosong sagot ni Rjay at balik ulit sa pagsilip sa ginagawa ni Jin.

Natawa na lang si Jade dahil pati ang "The Cupid" ay sinabi ni Rjay, at pinuntahan niya na si Jin. Nang makapasok na siya sa loob ng Operations Room at nilapitan na si Jin, kinausap niya na ito.

"Jin, may manliligaw ka, ay bisita pala!" kinikilig na sinabi ni Jade.

"Ha? Sino po?"

"Hala! Ba't di mo alam? Nako nako! Masasaktan 'yun pag nalaman niya na nakalimutan mong may lakad kayo! Anyways, hmm. Matangkad din siya gaya mo pero feeling ko mas matangkad ka sa kanya ng slight. Kung ikaw nasa 5'9 ka, feeling ko nasa 5'7 siya. Parehas din kayo ng size at laki ng katawan pero mas maputi siya sayo. And very maangas ang features niya, pero tingin ko naman mabait siya, mukha lang bully. Haha! But, he looks hot with his man bun huh!"

"Ahhh si Rjay po."

Nakalimutan ni Jin na nagpapasama sa kanya si Rjay at nagpasalamat na pinaalala ito ni Jade, dahil kung hindi, sapak at pang-aasar na naman ang matatanggap niya mula dito. 

"Yes! Siyang tunay! Bilisan mo na d'yan at nang makauwi ka na. Masamang pinaghihintay ang mga manliligaw, ay bisita pala! My gosh, ano ba tong bunganga ko! Tsaka sige ka, baka maturn-off na sayo 'yun hihihi!"

"Huh? Ma-turn off po?"

Walang nang sinabi si Jade ngunit nagsayaw na parang kinikilig. Nagtaka na naman si Jin  sa ikinikilos ni Jade, kaya napagtanto niya na pinaghihinalaan na naman siya nito ngayon kay Rjay.

Nang matapos na si Jin sa kanyang mga tasks ay pinauwi na siya ni Jade. Bago lumabas, pinuntahan niya muna si Chris para yayain na ito umuwi. Habang papalapit siya, ay napansin niya na medyo malungkot si Chris.

"Chris! Tara na, uwian na. Ba't parang malungkot ka ata?"

Hindi masabi ni Chris ang totoo na gusto niya sumama, ngunit iniisip niya na baka ay mapahamak na naman siya at si Jin, at wala siyang magawa.

"Wala, napagod lang siguro ako. Tara na, kanina pa ata naghihintay si Rjay sa labas." sagot ni Chris na taliwas na naman sa isip niya

Pagkatapos mag ayos ng mga gamit, ay lumabas na sina Jin at Chris para salubungin si Rjay. Nang magsama-sama na sila, tumungo na sila sa elevator para bumaba ng lobby. Pagbukas ng elevator, labis ang tuwa ni Jin  dahil wala pang nakasakay.

"Nice! Buti naman walang tao ngayon! 'Pag ganitong oras siksikan. Mukhang swerte ata tayo ngayon ah?" biglang sinabi ni Jin na tuwang tuwa nang makapasok na sila ng elevator. Habang pababa ng pababa ang elevator, tumigil ito sa 12th floor. Pagbukas ng Pinto ay naghihintay ang maraming sasakay. Biglang pumasok ang maraming tao at sabay sabay na halos mapupuno na ang elevator dahil naguunahan ang mga ito.

Biglang naging alerto si Jin dahil naalala niya ang likod ni Chris. "Nako, maraming tao, yung likod ni Chris hindi pa magaling. Baka masaktan siya pag nagkataon na madikit siya sa mga gilid ng elevator. Kailangan matakpan ko siya at mabigyan ng onting space." nasa isip niya.

Naalala ni Jin na hindi pa magaling ang Likod ni Chris, kaya naman pumwesto silang tatlo sa bandang kaliwang dulo ng elevator.  Si Chris ang nasa pinakagilid, habang nasa harap niya si Jin, at si Rjay naman ang katabi nilang dalawa. Pumwesto sa harap ni Chris si Jin at magkaharapan silang dalawa.

Nagiwan si Jin ng maliit na space para kay Chris para hindi ito masikipan at hindi rin tumama sa walls ng elevator ang likod nito. Dumami na ang mga tao sa loob at nagtutulukan para makapasok, at dahil magkaharapan ang pwesto nina Jin at Chris sa isa't isa, sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang napalapit ang katawan ni Jin kay Chris ng hindi sadya. Dahil rin sa height difference nila, nagulat na lamang ang dalawa sa bilis ng pangyayari. Hindi na nakakilos ang dalawa at hindi na nila magalaw ang kanilang mga katawan. Wala silang magawa kung hindi magstay sa iisang position.

Hindi sinasadya ni Jin na mahalikan ang forehead ni Chris dahil sa biglang pagdagsa ng mga tao at na-press ang katawan niya kay Chris. Nanlalaki na ang mga mata ni Jin  at hindi na alam ang gagawin habang si Chris naman ay nakapikit na at sobra na ang pamumula dahil sa nangyari.

"Whaaaaaaaatttt!" Ang tanging nasa isip lamang ni Jin  sa mga oras na ito. Gusto niya sana tanggalin ang kanyang katawan at ang kanyang labi mula sa pagkakahalik sa forehead ni Chris, ngunit hindi niya magawa dahil nanigas ang buong katawan niya. Napatingin si Rjay sa kanilang dalawa, at nakita niya na nakadampi na ang mga labi ni Jin sa forehead ni Chris at napanganga siya. Parehas silang tatlo na nagulat sa nangyari at hindi makagalaw.

"Waaaahh!" Hindi alam ni Chris ang kanyang mararamdaman. Hindi niya alam kung mahihiya ba siya o matutuwa. Matagal nang nakadampi ang mga labi ni Jin sa forehead niya at binibilang niya ang bawat segundong lumilipas. "24, 25, 26… Nararamdaman ko ang init ng mga labi ni Jin, at hindi ko alam kung bakit bigla akong nanghina. Dumadampi na ang likod ko sa mga walls at tumatama ang sugat ko dito, pero wala akong maramdaman!" sinisigaw na ni Chris sa kanyang isip at mas nananaig ang kakaibang pakiramdam na hindi niya maintindihan. "40, 41, 42... Hanggang kailan, hanggang anong oras kami ni Jin sa ganitong posisyon? Magkukunwari ba ko na hindi ko alam na nahalikan niya ako dahil nakapikit lang ako at aalisin na parang walang nangyari o magso-sorry? Anong gagawin ko?"

End of Chapter 10


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C10
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập