Tải xuống ứng dụng
92.3% Manlilinang - Dios Asura / Chapter 12: Kabanata 12 – Mga bagong kaibigan

Chương 12: Kabanata 12 – Mga bagong kaibigan

Sa ikalawang araw ni Eddy sa bagong mundo, matindi ang kanyang mga karanasan ng buong araw kahapon kaya hindi siya makatulog kagabi. Malikot ang kanyang isipan sa mga bago niya Nakita, naranasan at naramdaman.

"Ahhhh!" habang nag-iinat ay nilibot nya ang kanyang mata. Kakaiba ang ganda ng kanyang silid, lahat ay gawa sa cristal. Mas Maganda ngayong ito'y nasisinagan ng araw, hindi nya masyadong nakita ang ganda nito ng gabing siya ay matutulog pa lamang.

"Magandang umaga batang maestro!" pagbati ng kanyang personal na taga-pangalaga.

"Nakahain na po ang inyong almusal at inaantay na po kayo ng ating Raja." Patuloy nito.

Nagmadaling magbihis si Eddy para makarating sa kanyang lolo. Sabik na siya sa kanyang kakaharaping mga pagsubok.

"Lolo san ang lakad natin ngayon? Gusto kong magpalakas pa ng maabutan ko ang inyong antas." Sabik na sinabi ni Eddy.

"Wala tayong lakad ngayon at kailangan kong pulungin ang mga pinunong sektor. Ikaw ay magpasama nalamang sa ating mga tauhan upang makabalibot sa ating kaharian." Ang tugon ng lolo.

"Maari ba akog mamasyal ng mag-isa?" Tanong ni Eddy

"Delikado kung mag-isa kang mamasyal at hindi mo pa alam ang mga patakaraan sa lugar na ito." Tangi ng lolo.

"Gusto kong maranasan ang buhay dito ng natural. Mahirap kong maranasam yun pag may mga alalay ako. Saka matagal na akong sanay sa pakikitungo sa mga tao kaya sana akong makipag-usap kahit kanino." Pasamo niya sa lolo.

"Sige, humayo ka! Ngunit! Tadaan mo pag ikaw may gusting mag-api s aiyo ay kailangan mong bangitin kung sino ka at ano ang iyong katayuan." Pumayag ang lolo kahit ito'y may pangamba.

"Umasa kayo lolo, lumaki akong hindi pasaway at may prinsipyo." Pagmamalaki ni Eddy.

Lumabas ng paslayo si Eddy ng mag-isa suot ang karaniwang kasuotan ng mga mamamayan upang di makakuha ng attensyon. Tinahak niya ang mahabang kalsada sa harapan na palasyo. Walang mga taong naglalakad mula tarangkahan hahangang sa dulo ng lansangan.

Walang nararamdamang pagkabagot si Eddy kahit na mahaba ang kanyang lalawarin dahil sobra kaaya-aya ang paligid ng lansangan.

Naglalakad siya sa isang maliit na daanan para sa mga tao lamang kahilera ng daan malaki para sa mga sasakyan. Sa kaliwang bahagi niya ay napupuno ng ibat-ibang kulay ng mga bulaklak na ngayon lang nakita at sa kanan dahagi niya ay malalaking puno na tumatakip sa araw na nagbibigay sa kanya ng lilim.

Nakarating si Eddy sa dulong bahagi ng kalsada at bumungad sa kanya ang napakaraming tao na paruon at parito. May mga sasakyan na hatak ibat-ibang uri ng hayop na ngayon nya lang nakita. May mga sasakyan din pinatatakbo sa pamamagitan ng mahika.

Pinili ni Eddy na tumungo sa harap na daan dahil napansin nya marami ang mga nagtutungo sa daang ito.

Habang naglalakad ay marami siyang nakitang mga kabataan na magkakagrupo.

"Bilisan nyo papunta daw si Grace ngayon sa plaza." Nagmamadaling sabi ng isang lalaki.

"Malamang nadoon din si Michael. Ayyy! Nakakakilig siya at sobrang gwapo talaga! Masulyapan lang nya ko ay maari na kong mamatay!" pasigaw ng isang babae sa kanilang grupo.

Si Grace ay isa sa mga tanyag na Maharlika na mula sa angkan ng apoy at si Michael ay anak ng isang marangal ng ankan ng tubig at nanliligaw ni Grace.

Namangha si Eddy sa kanyang narinig at minarapat nyang maki-usisa. Sinundan niya ang grupo ngunit pinanatili niya ang kanyang distansya para di sila makahalata.

Nakita niya ang malaking bulto ng tao na nag-aabang sa gitna ng plaza. Pinilit niyang sumingit ng paunti-unti hangang makarating siya sa harapan.

Naghiyawan ang mga nasa paligid ng may natanaw silang isang napakagarang karwahe. Huminto ang karwahe sa pamintuan ng isang malakinga gusali na nasa harapan ni Eddy.

Bumaba ang isang lalaki na napakakisig at naghiyawan ang mga kababaihan. Nilingon ni Michael ang mga tagahanga at siya ay kumaway sa mga ito. Lalong dumagundong ang hiyahan at may mga nahimatay pang mga kababaihan ng silay masulyapan nito.

Binuksan ni Michael ang pintuan ng karwahe at inilahad ang kanyang kamay upang alalayan ang nasa loob ng karwahe. Inilabas ng babae ang kanyang kamay at napatitig si Eddy sa mga ito. Mapaka puti kamay at mahahaba daliri nito. Lumabas ang may-ari ng kamay at napanganga si Eddy sa kanyang kagandahan. Naghiyawan ang mga kalalakihan pati na ang mga kababaihan.

Mapakagandang babae ang nasa harapan ni Eddy ngunit nanatili pa rin siya nawala sa kanyang sarili. Matapos niyang makamit ang kanyang kursunidad ay minabuti na niyang umalis sa harapan ng madla.

Nilibot niya ang buong plaza at pumasok sa lahat ng mga gusali at nag-usyoso sa mga nasa paligid. Una niyang pinuntahan ang Flower Shop dahil alam niyang mahilig si Ester sa mga flowers. Kahit boyish si Ester ay lumalabas ang kanyang pagkababae kapag nakakakita ng magagandang bulaklak. Gusto niyang bilihan ng bulaklak si Ester ngunit di niya kilala ang mga ito at mukhang walang katulad nito sa kanyang mundo kaya minabuti nalang niyang wag ng bumili.

Marami siyang pinuntahan at nakakain din siya ng pananghalian na mga kakaibang putahe na ngayon niya lang nakain. Lumipas ang maghapon ngunit hindi pa rin nalibot ni Eddy ang kabuoan ng plaza dahil sa lawak nito.

Nagbalik siya sa gusali na una niyang pinuntahan at ngunit wala ang mga nag-uusyoso kaya mas nakita niya ang ganda ng gusaling ito. Napaisip siya at naalala ang kagandahan ng dalaga na kanyang nakita. Napabuntong hininga siya at pinilit na kalimutan nalang ang kanyang naiisip at ginawi nalang ang kanyang isip sa ibang bagay ngunit wala siya maisip na iba.

Pumara siya ng isang karwahe upang makabalik sa palasyo at makapagpahinga. Hinintuan siya ng karwahe at agad siyang pumasok. Akmang sasabihin n ani Eddy ang kanyang destinasyon ng bigla bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae na naka-hood at takip ang mukha.

Nagulantang siya at napatingin sa babae.

"Pahatid naman ako sa nayon ng Balik-balikan. Kailangan kong puntahan ang aking ina." Humihikahos na sambit ng babae.

Nakita niya ang mukha ng babae ng ito'y tumingin sa kanya.

"Si Grace!" nahuhumiyaw na sigaw niya sa kanyang sarili.

"Manong sa nayon ng Balik-balikan tayo!" utos niya sa tsuper.

"Salamat! Ako si Grace at kailangan ko talagang makarating sa aking ina at tumakas lang ako sa aking mga bantay." Paliwanag niya.

Nagkwento si Grace sa kanyang sitwasyon para di mag-alala si Eddy sa kanyang kinasasangkutan.

Si Grace ay isang anak ng Maharlika ankan ng apoy. Ang kanyang ama ay ang prinsipe ng kaharian at ang kanyang ina ay isang pangkaraniwan mamayan lamang ng angkan ng tubig. Marring tinanggihan ng kanyang lolo na hari ang nagging relasyon ng kanyang ama at ina. Matapos ipinanganak ni Grace ay pinabalik ito sa bayan ng tubig at hindi na pinahintulutan na makita ang kanyang anak. Makailang ulit nang sinubukan ni Grace na puntahan ang kanyang ina ngunit hindi siya makatakas sa kanyang mga bantay.

Habang naglalakbay ay nagging matiwasay ang kanilang kwentuhan at nalaman na rin ni Grace ang tunay na katayuan ni Eddy pati ang kanyang pagiging Mala.

Dumating sila sa nayon ng Balik-balikan at kanilang tunungo ang sentro nito. Nagtanong sila tungkol sa kinaroroonan ng kanyang ina at agad naman nilang natunton ito dahil kilala ang kanyang ina sa kanilang lugar. Nang marating nila ang tahanan ng kanyang ina ay sobra ang kaba sa dibdib ni Grace.

"Maari mo ba kong Samahan at sobra ang kaba ko dahil ngayon ko lang makikita ang aking ina." Pasamo ni Ester kay Eddy.

"Syempre naman! Itinuturing na kitang kaibigan ngayon at hindi dapat iwanan ang isang kaibigan na nangangailangan." Sagot ni Eddy.

Napangiti si Grace naramdaman niya ang pagiging maalalahanin ni Eddy.

Pinuntahan nila ang bahay at sumalubong sa kanila ang mga bata na naglalaro at nagtatawanan sa hardin. May mga kabataan na sumalubong sa kanila ng sila ay malapit na sa pintuan.

"Ano ang maitutulong namin sa inyo?" Tanong ng isang babae medyo may katabaan.

"Maganda hapon! Hinahanap ko po si Miss Carmel." Pabati ni Grace.

"Paulee sabihin mo kay mommy may naghahanap sa kanya maganda babae at poging lalake." Sabay tingin kay Eddy na may ngiti at pagpapacute.

Tumalima agad ang babaeng inutusan at pumasok sa bahay.

Lalong kinabahan si Grace ng tawagin ng babae na "mommy" ang kanyang ina.

"Mommy? Anak ka b ani Miss Carmel?" Tanong ni Grace sa babae.

"Ehh … Parang ganun! Lahat kami dito ay anak ang turing ni mommy Carmel. Lahat kami ay mga ampon niya. Karamihan dito sa amin ay mga ulila na at ang iba naman ay may magulang ngunit di na kayang maalagaan." Paliwag ng babae.

"May nahahanap daw sa akin?" Habang papalabas si Miss Carmel.

Agad itong kinabahan nang makita si Grace sa kanyang harapan.

"Ako po si Grace." Sambit niya habang nagbabadya ang kanyang mga mata na lumuha.

Agadang lumapit si Miss Carmel kay Grace at niyakap ito ng mahipit. Sabay ang kanilang pagluha dahil sa kanilang kasabikan sa isat-isat.

Gusto na ring maiyak ni Eddy sa kanyang nasasaksihan dahil sobra din ang kanyang pananabik sa kanyang ina.

Niyaya niya sila ng ina upang matungo sa loob ng tahanan.

Tinawag niya ang tatlong babae na kanilang naka-usap kanina upang ipaliwanag ang mga ito.

"Eto si Paulee, Megan at kanilang ate na si Bang. Si Bang ang kanilang pinuno" pakilala ng kanyang ina.

Tumango ang mga ito at ngumiti sa kanila.

"Eto naman ang aking anak na si Grace." Pagmamalaki ng ina.

"Eto naman po si Eddy. Aking kaibigan." Pakilala ni Grace sa kanila.

Ngumit ang ina habang nakatingin kay Eddy na may pagdududa at mapanuksok tingin.

"Kaibinga ko lang po talaga si Eddy at siya po ang tumulong sa akin upang mahanap kayo." Paliwanag niya na may pagmamadali.

"O sya! Salamat sa tulong mo Eddy." Pangiting sambit ng ina.

"Walang anuman po." Sagot ni Eddy.

Matapos ang kwentuhan at kamustahan ay minabuti ni Grace na magpaalam na sa kaniyang ina.

"Di na po kami maaring magtagal at baka masundan kami ng aking mga bantay dito at mapahamak pa kayo." Pamamaalam ni Grace.

"Di ko na kayo pipigilan at mag-ingat sa inyong paglalakbay." Niyakap ini si Grace at hinalikan sa noo. "Hangang sa muli nating pagkikita."

"Kung sakaling magtungo dito ang aking mga bantay ay itangi nyo nalang ang ako'y nagpunta dito." Bilin niya sa kanyang ina at mga kasama nito.

Nagbalik sila sa karwahe at muling bumiyahe patungo sa kanilang pinanggalingan.

"Maari ba kong sumama sa iyong tahanan? Ayaw paring mawala ang aking galit sa dibdib sa aking lolo at kailangan ko munang mawala sa kanyang paningin." Pasamo ni Grace.

"Ikaw ang masusunod. Inaalala ko lang ay baka ikaw ay subrang mapagalitansa iyong pag-uwi" Sagot ni Eddy.

"Bahala na! Ayoko talagang bumalik at wala pa naman ang aking lolo dito at bukas pa siya makarating." Paliwanag ni Grace.


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C12
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập