"Huwag mong hahayaan na ako na ang maghihiwalay sa inyong dalawa Angela!" Galit na bulalas ni dad saakin. Ano ba naman ang masama sa pagsasama namin ni Jake? Mahigit dalawang taon na kami at siya ang una at inaasahan kong huli kong pag-ibig. Ngunit hindi. Gumawa siya ng isang gawain na labag sa kalooban ni Dad. Pinapatawad ko na siya pero si Dad ay di niya matanggap tanggap ang ginawa ni Jake sakanya.
Ako si Angela Rock isa sa mgapinakamakapangyarihang nilalang dito sa San Felipe. Takot ang mga tao, sumusunod sa mga utos ko, nagmamakaawa sa kung sino ang hahatulan ng mga opisyales ko ng kamatayan, nginit hindi ko kailanman hahayaan na tumulong sakanila dahil sa mga kahihiyang ginawa nila. Hindi hinahatulan ng kamatayan ang mga tao na mabababaw lang ang rason. Ang pinapatawan namin ng parusa ay ang mga lumabag sa aming mga batas at pagpapahiya sa unibersidad na pinapasukan nila. No one will destroy the one and only school that is more powerful than anyone. They are not going to like the consequences that they are going to face. Breaking the highest rule in Loughvern Rock University.