Tải xuống ứng dụng
58.33% Liwanag ng Anino / Chapter 7: Kabanata #7 Hindi Disiplinado

Chương 7: Kabanata #7 Hindi Disiplinado

"TITOOOOOO!!!" sigaw ko habang binubuksan ang ref at naghahanap ng makakain. Hotdog at tirang kanin kaninang tanghali ni Tito lang ang nakita ko.

Nagtataka parin ako bakit wala pa siya dito sa bahay. Nagsimula na kong maglibot at napadpad ako sa kwarto nya. Di niya ko pinapayagang pumasok sa kwarto niya, pero dahil hindi siya sumasagot, kung nandun man siya, nagtangka na akong pumasok at sumilip sa loob ng kwarto.

WTF!!?

Box ng condoms, rolyo ng tissue at puro Men's Magazines. Weird pero di narin ako masyado nagulat, iniwan na sya nang asawa niya eh, hindi ko nga alam kung sino yung totoo niyang asawa sa dinami dami niyang inuuwing babae sa bahay eh.

Andami niyang pabango at gel sa buhok, daming suklay, puro bungi at sabit sabit ng buhok. Kaya siguro nakakalbo na siya.

Habang naglilibot ako sa magulong kwarto niya, may nakita akong picture.

"I love you, Jeds <3"

Nakasulat sa likod ng frame, mukang family picture, siguro eto yung asawa ni Tito Jeds, pero may kasamang batang babae, sino to? may anak ba si Tito?

Nang ibinaba ko yung frame, mas lalo akong nagulat sa nakita ko.

Sa likod ng mga pabango't gel niya, may rolyo ng foil. Kinabahan ako bigla, pero ayoko mag isip nang kung ano. Dahil sa nakita ko lalo akong ginanahan mangielam sa mga gamit niya.

At ayon, tama nga ang kutob ko.

Sa naiwang bukas na drawer, pake-paketeng puting bato na parang asin o asukal sa pagkakapino ang nakalagay dito, may kasama ring mga naka gomang mga pera at bala ng baril.

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa nakita ko, bakit siya may ganun? Lalo akong kinabahan ng maalala ko yung sinabi nung reporter dun sa pinapanood ni Aling Nathy kanina.

Isa pala ang Tito ko sa mga sinasabi kong hindi disiplinadong tao.

Dahil sa takot at kaba, agad kong ibinalik sa dating pwesto ang mga gamit niya, pati ang mga nasipa kong box ng condoms, ibinalik ko sa dating pwesto nila. Agad kong sinara ang pinto ng kwarto at tumakbo pababa.

Hinihingal ako, hindi dahil sa pagod ng pagbaba ng hagdan, kundi sa kaba at sa takot na baka may mangyaring masama kay Tito dahil sa mga pinag gagawa niya.

Ano bang magandang natutulong niyan sayo Tito? Bakit mo kaylangan gawin yan? May maayos na trabaho ka naman diba? Naiyak nalang ako sa inis.

Habang pinupunasan ko ang luha ko agad kong narinig ang katok at ang boses ni Tito Jeds sa pinto. Kung hindi lang kita Tito di kita papapasukin.

Agad kong binuksan ang pinto, ang amoy alak niyang katawan ang bumungad sakin, na may kasama pang bagong babae.

"Tabi dyan *sinok* pagod ako"

Tumabi ako at hinayaan ang katawan nilang dalawang bumagsak sa sofa. Matapos kong isara ang pinto, dali dali na kong umakyat ng kwarto ko.

Nakahiga at tulala sa kawalan, iniisip ko parin yung nakita ko. Naiiyak nalang ako sa takot na baka isang araw mahanap o mahuli si Tito, at baka madamay pa ako.

Ipinikit ko nalang ang namumugto kong mata at itinulog nalang ang takot at kabang nadarama.

Punyeta.

Nagising ako...


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C7
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập