Ang apoy ay nakakatupok, makapaminsala, nakakapaso, masakit pag napadiit, at maaaring ikamatay nino man; di ba?
Ngunit alam nyo ba na sa katawan ng tao ay mayroon ding apoy. Apoy na mapaminsala na maaari ring makamatay... totoo po ito, di man natin alam.
Ito ay ang dila natin. Maaari nating gamitin sa mabuti at sa masama, sa pagmumura at sa pagpupuri sa Diyos.
Kaya dapat magingat tayo sa paggamit nito.
Maihahalintulad rin ito ahas na mapanuklaw at makamandag.
Maaari ka rin nitong malinlang sa mga mabubulaklak na salita.
Maaari ka rin nitong gabayan at akayin sa katotohanan.
Hindi lang ito para sa inyo, sa akin kundi para sa ating lahat.
Huwag po sana tayong makalimot ni magmalaki sa Diyos sapagkat kung di dahil sa kanya wala lahat ng mayroon ka maging ikaw.
Isang Babala at Paalala para sa Lahat!
GOD Bless US All! 😁😇😉👍✌✊👌👊🙂