Tải xuống ứng dụng
50% Kasuyo / Chapter 5: Chapter 5

Chương 5: Chapter 5

Chapter 5

Dumating ang pasukan na Hindi pa niya nakikita si Johnny. Hindi niya alam kung nakaenrol na ito sa katabing school ng kolehyo o sa ibang school mag-aaral ang masaklap baka sa maynila ito magkolehiyo.

Nawawalan na siya ng pag-asang masilayan itong muli ng di sinasadyang napatingin siya sa building ng personnel. May papalabas doon at parang si johnny. Tinitigan muna niya ito ng maigi at di nga siya nagkamali si Johnny nga!

Mula sa kinaroroonan niyang bench na harap lang ng room nila at natanaw niyang mukhang aalis na ito.. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa, tinakbo na niya ang distansya nila. Nasa gate na ang lalaki ng tawagin niya.

"Johnny!! Johnny!! Hello!, tumigil ka!" Sunod-sunod na tawag niya dito..

Tumigil ito at humarap sa kanya. Sa pagkakasilay niyang muli dito ay parang lumaki ang pangangatawan nito at lumapad.

"Kailan pa ang dating niyo? Tatlong beses ko ng pinuntahan ang bahay niyo pero wala pa raw kayo.." Totoo iyon dumalaw pa siya ng dalawang beses mula ng una niyang pagpunta roon.

" well kahapon lang.. Sabi nga ni aling kuring may dumadalaw raw sa bahay na maliit at maitim na babae ." sabi nitong may munting ngiti sa mga labi.

"Excuse me! Maliit ako pero cute at sexy. Maitim ako pero makinis at malambot ang balat ko. Dark, cute and sexy ika nga nila." Sabi niya sa tonong pagyayabang dahil totoo naman iyon.

"Hindi ko alam nagbubuhat ka pala ng sariling Bangko.. " natatawang sabi nito.

"Teka sinong may sabing Dark,cute and sexy ka? Baka naman small dark and chaka?!" Dugtong na pang-iinis nito sa kanya.

"Arghh!.. Ikaw talaga baka kainin mo ang salita mo pagdating ng araw.." Naiinis naman na sagot niya..

Sandali silang nagkatitigan bago inilabas ni johnny ang isang kamay mula sa pagkakabulsa nito sa jacket. Iniabot nito ang kamay sa kanya.. Aabutin niya sana ang palad ng magsalita ito ..

"Nasaan ang pulang rosas ko?"

"Ha?" Yun na lang ang naisagot niya. Hindi niya inaasahan na magdedemand ito ng bulaklak mula sa kanya. Sa totoo lang ay nakalimutan na niyang pumitas ng bulaklak kada umaga. At ngayon nga ay wala siyang dalang rosas dahil nawalan na siya ng pag-asang makita itong muli

Ngunit ngayon nga ay parang gusto na niyang maguilty dahil wala siyang dalang bulaklak.

"Oh .. Natahimik ka?" Tanong nito, makaraan ang ilang sandaling hindi siya umimik..

"Ano kasi.. Ano kasi johnny… wala… akong dala.." Nahihiyang sabi niya.

Napuno naman ng pagtataka ang mukha ni johnny.. "Woww.. Di ko to ineexpect.." Ibinaba na nito ang kamay..

"Sorry talaga hayaan mo bukas may dala na akong bulaklak.. Akala ko kasi hindi na kita makikitang muli."

" Pero nagtanim na ako ng bulaklak sa likod ng bahay namin." Dugtong niya para hindi magalit si Johnny.

"Sige, aalis na ako, kailangan kong magpaenrol ngayon sa kabilang school dahil last enrollment na ngayong araw.." Sabi nito at sumakay na sa kotse.

Tinanaw na lang niya ang papalayong kotse nito. Pinangako niyang bukas ay kukuha siya ng bulaklak.

Ngunit kinabukasan ay nakalimutan na naman niyang pumitas ng bulaklak dahil ng umagang iyon ay dumating ang kanyang ate kasama ang dalawang anak nito, nag-away daw sila ng asawa nito kaya lumayas ang mga ito habang tulog pa daw ang asawa.

Papasok na siya sa gate nang makakasalubong niya si johnny..

"Hi johnny.." Bati niya dito at sumabay ng paglalakad palabas.

"O ikaw pala Anabel binalikan ko yung ibang Hindi ko nakuha kahapon."..

" aah ganun..Anong course ang kukunin mo? "

"Business management.. Teka yung rosas ko.." Baling nito sa kanya.

"Shit.. Nakalimutan ko.." Pabulong na sabi niya.

Huminto ito sa paglalakad at humarap sa kanya, huminto rin siya at humarap. Tinitigan siya nito habang nakakunot ang noo. Bago mawalan ng expression ang mukha.

"Kung ayaw mo na akong bigyan ng bulaklak, ayos lang.." Sabi nito at tumalikod na.. Hinabol niya ito.

"Teka, hindi sa ayaw na kitang bigyan ng rosas kasi ano..ano kasi nakalimutan ko.." Pagpaliwanag niya.

Nang nasa harap na sila ng kotse nito ay nagsalita na ito habang binubuksan ang driver's seat. "Ang mabuti pa Anabel pumasok ka na. mukhang malelate ka na" sabi nito sabay tingin kung nasaan na ang sikat ng araw.

Hindi na siya nakasagot ng pumasok na ito at isinara na ang pinto..maya-maya pa ay umusad na ito.

Nagtatampo ba si johnny dahil dalawang beses ko na siyang di binigyan ng rosas? Sa kaisipang iyon ay nakaramdam siya ng saya ngunit agad rin iyon napalitan ng lungkot ng maalalang baka tuluyang magtampo ito at di na siya pansinin. Pero di niya hahayaan yun, babawi siya dito.

Kinabukasan nagtricycle siya papuntang college school, sa gate siya nag-abang. Isang oras na siyang nag-aabang pero wala pa rin ito. Baka naman hindi ito pumasok? Sabi ng isang bahagi ng isip niya.

"Nasaan na kaya iyon? Alas siete na ah.." Sabi niya.

"Buti pa ineng bumalik ka na lang bukas. Highschool ka pa naman, late ka na sa school mo" sabi nung isa sa dalawang gwardya. Si security inggo.

"Kilala niyo po ba si Johnny Agbayani? .. " tanong niya..

Tumango ito… pero ang totoo ay hindi niya kilala ang tinutukoy ng teenager na babae.

"Pakibigay po ito sa kanya.." Iniabot niya dito ang rosas na may isang tangkay ngunit tatlo ang mapupulang bulaklak.

"Sige salamat po" paalam niya saka nag-aalinlangan pa kung aalis o hindi, sa huli napagpasyahan na lang niyang umalis..

Sa pag-alis ni Anabel, siya namang paglapit ni Johnny sa gwardyang si Inggo mula sa loob ng skwelahan.

"Akin na po iyan manong.." Sabi niya kay guard Inggo na may hawak ng rosas, bumaling naman ito sa kanya mula sa pagkakatanaw sa tricycle na lulan na si Anabel.

"Ikaw si johnny Agbayani? " paniniguro nito. Tumango siya , iniabot nito sa kanya ang rosas.

"Salamat po manong" akmang aalis na siya ng magsalita ito.

"Nililigawan ka ba ng batang iyon? Naku ang tiyaga niyang naghintay kung hindi ko pa pinaalis malamang nandito pa iyon.. Ku iba na talaga ang mga kabataan ngayon, di tulad noong araw na kaming mga lalaki lang ang manliligaw.." Tuloy tuloy na sabi nito.

Ngumiti na lang si Johnny dito. Ang pagkakaalam niya ay isa itong matandang binata sa kadahilanang hindi nito alam manligaw.

Lumakad na siya papasok at sinasabay niya ang pag-amoy sa bulaklak. Napangiti siya dahil tatlo talaga ang bulaklak nito pero iisa ang tangkay. "Nag-effort talaga si Anabel, siguro itigil ko na ang pagtatampo baka magsawa pa iyon."

Nakasalubong niya ang mga kaibigan niya

"Wow ha, noon nakasimangot ka pag binibigyan ka ni miss Anabel ng bulaklak.." Nakangiting sabi in Analyn

"Pero ngayon pangiti-ngiti ka na.." Pagtuloy ni Abigael.

"Uy! Baka nadevelop na.. Baka natangay na ang puso mo.." Si divina naman..

Maarte siyang umirap sa mga ito. Sabay kumpas sa kamay. Silang magkakaibigan ay doon na nag-aral para hindi malayo sa kanilang tahanan.

"Never no!.. Atsaka imagine na lang na si papa joben ang nagbigay…" Maarte at matinis na sabi niya.. But deep inside ay sinasalungat na ang mga lumabas sa bibig niya.

"Hay naku Jana Hindi ka pa rin nagbabago , paiba-iba ang likes mong boylet. Baka bukas iba na namang papa ang bukambibig mo.." Si Abigael.

"Syempre pag wala na ang excitement palit agad.." Sabi niya.. Gaya ba ni Anabel ? Excited na excited kang inaabangan ang pagpapakita niya sayo?. Sabi ng loob niya. Tinampal na lang niya ang noo sa naisip.


next chapter
Load failed, please RETRY

Tình trạng nguồn điện hàng tuần

Rank -- Xếp hạng Quyền lực
Stone -- Đá Quyền lực

Đặt mua hàng loạt

Mục lục

Cài đặt hiển thị

Nền

Phông

Kích thước

Việc quản lý bình luận chương

Viết đánh giá Trạng thái đọc: C5
Không đăng được. Vui lòng thử lại
  • Chất lượng bài viết
  • Tính ổn định của các bản cập nhật
  • Phát triển câu chuyện
  • Thiết kế nhân vật
  • Bối cảnh thế giới

Tổng điểm 0.0

Đánh giá được đăng thành công! Đọc thêm đánh giá
Bình chọn với Đá sức mạnh
Rank NO.-- Bảng xếp hạng PS
Stone -- Power Stone
Báo cáo nội dung không phù hợp
lỗi Mẹo

Báo cáo hành động bất lương

Chú thích đoạn văn

Đăng nhập